4 4 Madame Azul

"M-madame I can e-explain." Utal na sambit nung babae na animo'y maiihi na sa pwesto nya.

"Explain what miss Emperial?" Taas noong sabi ni Madame Azul, mukhang sa tingin palang eh nakikita na lahat ng kasalanan mo.

"Sila po ang nag start, sinabi ko lang na baka na scam sila, at nagkamali yung nagpapunta sa kanila dito, pero minasama nila yung sinabi ko, tapos sinabihan din po akong ang sama ng ugali ko, Madame pinagtanggol ko lang ang sarili ko." Sinungaling tong babaeng to hmp.

"Sa totoo lang, tama ang sinabi nila, sapat na ang narinig at nasaksihan ko. Hindi ko na kailangan ng katulad mo sa kumpanya ko. Ako ang nagpapunta sa kanila dito, hindi ako nagkamali sa address, at lalong hindi ako tanga o bobo kagaya ng sinasabi mo, makakaalis kana miss Emperial." Bigla namang lumuhod yung babae habang umiiyak. Naaawa ako pero wala nakong magawa feeling ko tuloy kasalanan ko, hindi ko kasi napigilan bibig ko.

"P-pero Madame, sorry po, hindi ko po sinasadya, they insult me first, lumaban lang ako, kasalanan nyo tong dalawa, kung hindi sana kayo tatanga tanga, hindi mangyayari to!" Bigla itong tumayo at sinabunutan si Amber, lalong nagkagulo, may mga guard naring umaawat kay miss Emperial. Hindi ko napigilan ang sariling kong masampal at mailulak sya ng malakas.

"How dare you, kasalanan nyong dalawa to, bitiwan nyo ko, bitawan nyo ko!!!" Sa sobrang lakas ng boses nya mababasag pa yata ang ear drums ko, lalo akong nainis ng makita kong puro kalmot ang braso ni Amber na ngayon ay yakap yakap na ni Madame Azul.

"That's enough, call your lawyer, hindi ko palalampasin, to after insulting me and hurting my long lost daughter infront of me, walang kwenta yang sorry mo, mabubulok ka sa kulungan."

"No hindi nyo pwedeng gawin sakin to Madame Azul, hindi ako papayag, bitawan nyo ko, anu ba bitaw sabi eh!!!" Mukha na syang baliw sa sinasabi nya. Nakakatakot.

"Wait me here hija, ikaw na muna ang bahala kay Amber, tatawagan ko lang ang lawyer ko." Tango lang ang naging tugon ko kay Madame Azul, sino ang long loast daughter nya, ako ba o si Amber. Pero imposible namang ako, aba carbon copy ako ni tatay eh.

"Amber, okey ka lang ba, masakit ba, kaylangan mo bang pumunta ng ospital, tatawag ako ng guard para magpatulong, ano kaya mo ba maglakad, o bubuhatin kita, ano sagot agad.!?" Tanong ko habang hawak ang braso ni Amber.

"Ayan na naman bunganga mo Carlotta parang armalayt nanaman, bitawan mo nga muna ako lalong sumasakit braso ko sa kakaalog mo eh." Hindi ko naman sya inaalog eh, OA naman nito.

"Ikaw pala ang matagal ng hinahanap ni Madame Azul, small world talaga, congrats bess, hindi ako makapaniwalang ikaw lang pala yung hinahanap namin, kapitbahay lang pala kita hehe, pano ba yan maililibre mo na ko ng popcorn." Hala, anung sinasabi nito..

"Hoy Ambrosia tumigil ka nga, carbon copy ako ng tatay kong pogi tas sasabihin mong ako yung nawawalang anak ni Madame hindi ako yun." Bigla naman syang natigilan at naaisip.

"Pero imposibleng ako yun, carbon copy din ako ng tatay ko hehe." Napangiti naman ako. Pero iba talaga ang kutob ko eh.

Muling bumalik si Madame Azul, parq kumustahin kami ni Amber, may kasama narin syang nurse para matingnan yung mga sugat nya. Si miss Emperial naman ay nasampahan na ng kaso kaya hindi na dapat kami mangamba.

"Amber, Carlotta pasensya na kayo sa nangyari hindi ko alam na may ganoon pala akong empleyado, okey kana ba Amber wala bang ibang masakit sayo ha?" Nagaalalang tanong ni madame.

"Wala na po Madame Azul, okey na po kami ni Carlotta, pasensya na rin po kasi naabala pa namin kayo, alam kong busy kayo sa paghahanap sa anak nyo, pasensya na din po kung nagresign po ako bigla nahihiya na po kasi ako, madami na kayong naitulong sakin, ayoko ko pkng masanay sa ganon."

"Wala iyon sa akin Amber parang anak na kita and, I already found her, yung anak ko na matagal ko ng hinahanap, nasa tabi ko lang pala. Ikaw yun Amber, ikaw ang nawawala kong anak." Mangiyak iyak na sabi ni madame, nagulat ako lalo a si Amber, halatang hindi ito naniniwala.

"Madame naman, wag nyo nga po akong biruin hahaha, Carbon copy ako ng tatay ko kaya imposible po yun."

"Your adopted Amber, nakuha ka nila nung panahong kinidnap tayo ng mistress ng daddy mo nung nasa bataan tayo for vacation, she's a gold digger, hindi nya matanggap na tayo ang pinili ng daddy mo over her. They kidnapped me, your kuya and you Amber, nakatakas tayo pero, they caught me, iniwan kita sa isang kariton na may mga gulay, and your tatay Carding saw you. Sorry Amber hindi agad kita nahanap at nakilala, sorry anak." Hindi ako nakapaniwala, yung dating nababasa ko lang sa pocketbook eh pwede palang mangyari sa totoong buhay.

"Alam ko pong ampon ako kaya lumuwas ako ng maynila para mahanap sana yung totoong mga magulang ko, hindi ko sinasabi kahit kanino, kahit sayo Carlotta sorry, wala akong clue at ito lang ang meron ako." Sabay pakita ng panyo galing sa bag nya na may na ka burdang Ambrosia Leigh Del Rio na real name pala ni Madame Azul. At dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko, well sige na nga curios kasi talaga ako.

"Excuse me, pwede pong magtanong?" Ngumiti naman sila at tumango.

"Paano nyo po nalaman na si Ambrosia ang nawawala nyong anak, may investigator po kayo, o DNA test, kinuhaan nyo po ba ng buhok si Amber or laway, nagpahula po ba kayo, o nangailangan ng dugo tas, parehas kayo ng blood type ni Amber, katulad nung mga nasa teleserye at pocketbook, tama po ba ko, ano po ang tunay na pangalan ni Amber kung Ambrosia ang real name ny -???". Sumobra ata sa pagtatanong.

"Well, haha ginawa ko lahat yan nung, nakita ko yung tatlong pulang birthmark nya sa likod nung may pinasukat akong dress sa kanya, one month ago." Wow as in wow tama ako haha.

"And yun na ang start, and masaya ako sa resulta, Amber your real name is Corazon Leign Del Rio Azul, and by the way your going to meet your brother bukas, his excited, Carlotta sumama ka na samin para makilala mo din sya." Sobrang saya talaga nilang tingnan bigla ko tuloy namiss sina nanay at tatay pati na ang kambal.

"Eh madame, may trabaho po ako bukas sayang din po yung kikitain ko hehe." Pangdagdag din yun sa pangpadala ko sa probinsya, yung 15k kasi wala na naging bato na pero okey lang atleast may nangyari padong maganda ngayong araw hehe.

"No, magresign ka na, bibigyan kita ng mas magandang trabaho, 15k a month, complete benifits, nasabi saakin ni Amb- este Cora na magaling kang magdesign ng mga damit at mahilig ka sa halaman." Nako maganda yun, makakapagpadala nako ng madami sa bahay, maraming salamat po lord, hindi mo talaga ako pinababayaan.

"Nako madame Maraming salamat po talaga, napakalaking tulong nyo po sakin, promise pagbubutihin ko ang trabaho, kahit mag all around pako okey lang madame."

"Wala yun, ako dapat ang magpasalamat sayo, you've been a good friend to Cora, at kulang pa yun, so tara na." This will be a good year for me, for Amber ay Cora pala and sa family ko. Thank you lord.

Maging mabuti sa kapwa dahil kung anung itinanim sya ding aanihin.. Learn to thank God for the blessings.

-SenioritangMahirap

avataravatar