3 3 Outfit Failed

Ambrosia's Apartment 5:00am

Amber's POV

Good morning guys, I'm Ambrosia Jane Bartolome ang kaibigan ni Carlotta. Maganda, hindi kaputian pero makinis naman, kulot pero hindi naman sobra, parang sa pansit canton lang. And today may interview kami ni Best friend, one day process lang daw naman eh.

Pero itong best friend ko, ang suot pang manang naka dress nga pero hanggang sakong naman, maganda nga ang kulay pero parang pang 80's naman, nag mumukha tuloy syang manang.

"Alam mo Carlotta, maganda ka naman eh, morena ka, makinis, walang kapeklat peklat, super silky ng hair, straight pa, maganda ang height, malantik at pilik at natural na mapula ang labi, in short dyosa ka, dalagang pilipina, pero wag ka naman magpaka manang, 2020 na hello." Bigla naman syang napatingin sa suot nya.

"Hoy Ambrosia, kung may pang 80's man dito pangalan mo yun, wag mo ngang laitin tong damit ko, ito na nga lang ang dress na meron ako. Tas yung pormal na damit kong palda at blusa." Aba idinamay pa ang pangalan ko.

"Amber nga diba, Amber bess, akala mo naman ang bata pakinggan ng Carlotta. Magpalit ka nga anu bang vital statistic mo, pipilian kita ng damit dito, pasalamat ka at maraming damit na bigay sakin si Madam Azul." Yung fasionista kong amo, personal assistant nya ko hanggang ngayon.

"Anu naman yun, hindi ko alam eh, tsaka hindi nako magpapalit komportable ako dito." What hindi nya alam?

"Ayan kasi puro ka nalang trabaho, hindi mo manlang alam ang size ng dibdib, waistline at- hay nako hindi ko na nga ipapliwanag sayo susukatin ko nalang." Kinuha ko ang medida ko at sinukatan sya, karamihan kasi sa mga damit na bigay sa akin ay alam kong kasya sa kanya pero, curios lang ako kasi malay nyo may ka seksihang taglay pala tong manang na to.

"Wow naman, Carlotta 34, 25, 36 pan model ang katawan dyosa ka talaga." Sabi ko na nga ba, may tinatagong ka seksihan ko. Agad naman akong pumili ng isusuot nya, okey na siguro itong aquablue na dress lampas tuhod naman.

"Oh ito isukat mo bilis, bagay yan sayo, tutal mahilig ka din naman sa blue."

"Hindi ba ito masyadong OA, Yaya ang aaplayan natin hindi pagiging Model lalo na yang suot mo." OA?like duh mas okey na yun kesa maging old fashion.

"Okey na yan baka mapag kamalan kang si Miss Minchin ng princess sarah." Wala naman syang nagawa kundi ang suotin ang dress na binigay ko. Mas okey na yun kesa naman pagtawanan sya ng iba mamaya, baka makapanuntok ako.

Walang nagawa si Carlotta kaya naman sinuot nya ang damit na binigay sa kanya ni Amber. Kahit mukhang masyadong bongga ai sinuot nya parin ito dahil maganda ang kulay at hindi naman talaga pangit. Eksaktong ala sais na sila umalis ni Amber, hindi na rin nya inulit ang topic nila kanina, sumakay sila ng jeep, dala dala nag kanilang requirements ay agad silang nakarating sa pag aaplyan.

"Ambrosia, akala ko ba pupunta tayo sa pagaaplayan natin, bakit tayo nandito?"tanong ko kay amber mukha kasi ng na mali kami ng pinuntahan.

"Dito talaga tayo magaaply bess, sabi kasi sa address eh sa loob daw nito, tara na pasok na tayo."

Bago palang kami lumalapit sa napakataas na building na ito ay namangha na ako, mukhang pangmayan ang building na ito, lahat ng pumapasok ay magaara ang suot at formal. Nanliit naman ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao na sa tingin ko ay empelyado.

"Hello good morning Ma'am, do you have any appointment are you the models of ArcAngels?." Nakaka nose bleed, agad namang nagsitigil yung mga taong nakarinig ng sinabi ni ateng receptionist.

"Wow they're pretty!"

"Ang pangit ng damit mukhang hindi naman model."

"Baka sila na yung models."

"They look cheap."

Nagulat naman ako sa mga naririnig ko, mukhang mga matapobre ang ilang tao dito, bagamat ilan sa kanila ay nagagandahan sa amin.

"Ah hindi po, mag aaply po kami."bigla namang nagtawanan yung ilang mga nakakarinig kay Amber.

"Magaaply lang pala, akala ko naman mga model."

"Hahahaha."

"Ah so nagaapply kayo, on what position?, kailangan namin ng secretaries, accountants at researchers, sa anong position?."bigla namqn kaming nagkatinginan, ni Amber.

"Ah..eh..pagiging yaya po ang inaaplayan namin..diba ito po yung address."ipapakita na sana ni Amber yung papel pero biglang tumawa ng pagkalakas lakas yung receptionist.

"AHAHAHAHAHA, are you guys kidding me, this company is not looking for yayas, HAHAHAHA, modeling company ito, lahat ng nandito ay may tinapos at magaganda, siguro nagkamali kayo ng pinuntahan, naku baka na scam kayo HAHAHAHA." Bigla naman kaming napahiya, bukod sa sobrang lakas ng tawa nya eh nagtawanan din yung ibang nandito sa lobby nakakahiya.

"A-ah sige pasensya na po sa abala, nagkamali nga po siguro kami."aalis na sana kami ng muling nagsalita yung receptionist.

"Ang ganda ganda ng suot nyo tapos pag yayaya lang pala ang aaplayan nyo, dapat hindi na kayo nagsuot ng ganyan mapapahiya lang kayo, iayon ang suot sa posisyong aaplayan ha, Hahahaha!!!." Hindi nako nakatiis kaya naman nasagot ko sya.

"Iayon mo din ang mukha mo sa ugali mo, maganda ka nga ang pangit naman ng ugali mo, ang mga receptionist dapat naganda ang personality, hindi lang mukha, sayang lang ibinabayad sayo!" Bigla naman syang namula sa galit haha bulls eye.

"Kung tutuusin mas maganda naman kami ni Amber sayo, nagkataon lang na nakatapos ka at may kaya ang magulang mo." Nang dahil sa kanya lalo kaming nanliit, masyado syang mayabang porket maganda ang trabaho nya, okey lang amang maging yaya, matino at walang tinatapakang tao, di tulad ng babaeng ito akala mo, sya ang may ari ng building nato.

"Umalis na kayo dito, hindi namin kailangan ng mabababang uri dito, at paki sabi sa nagpapunta sa inio dito, pakitama ang address na ibibigay sa inio, mukhang pati sya ay kulang sa pinag aralan, mali mali pa ang ibinibigay na address sa inio. Mga mukhang B*b*."

"ENOUGH!!!" Biglang sigaw ng isang babaeng sa tanya ko ay nasa 50 years old na, pero maganda parin at hindi halatang may edad na.

"MADAM AZUL!!!,biglang tili ni Amber sa matanda sabay yakap dito. Bigla naman nitong tiningnan yung babaeng receptionist

"M-Madame, I c-can e-explain."utal na sambit nung babae na animo'y maiihina sa pwesto nya.

Hindi masama ang maging mahirap, ang mahalaga ay hindi ka manghahamak ng kapwa mo tao anu man ang posisyon nila sa buhay.

-SenioritangMahirap

avataravatar
Next chapter