2 2 Ang Chismosa Kong Kapitbahay

Hindi natagalan ay nakarating na din ako sa tinutuluyang kong apartment. Hindi ito kalakihan at pang isa hanggang dalawang  tao lang talaga. Pagpasok pa lamang ay makikita ang napakaliit na sala, maliit na kusina sa kanan, maliit na banyo, at sa kalaliwa naman ay ang kwarto ko. Kung titingnan eh mas malaki pa ang kubo namin sa probinsya kesa dito tapos ang mahal pa ng renta 2,000 kada buwan. Kasama na ang tubig at kuryente doon, tapos pwede ang appliances, pero hanggang maliit na telebisyon at bentilador lang.

"Carlotta, kumusta na mukhang madami kang pinamili ah, bagong sweldo?." Usisa ng kapit bahay kong si Ambrosia, Amber for short.

"Ah oo, pero kulang pa ito mukhang kulang pa pang isang buwan, nagbayad na ba kayo sa renta kay Ate Mineth?" Tanong ko pero napaismid lang sya.

"Naku speaking of ate Mineth, alam mo ba ang latest?" Nako naguumpisa naman itong babaeng ito.

"Hay nako Ambrosia hindi ako intererisado sa tsismis mo." Yes tama tsismosa itong kapitbahay ko kay aga-aga eh.

"Ano kaba naman girl, pano ka magiging updated gumaya ka nga sakin. Well, si ate Mineth kasi binugbog na naman ng magaling nyang jowa na wala naman ibang ginawa kung hindi maginom dyan sa kanto, my gosh." Wait ano daw!.

"A-ano ulitin mo nga yung sinabi mo?..parang bigla akong nabingi

"Uhmm, paano ka magiging updated, ah yung binugbog si ate Mineth nung jowa nya, totoo yun  nagbayad kasi ako kanina ng renta sa kanya, tapos ayon nakita kong ang dami na namang pasa nakakaawa nga eh kung pwede lang ireklamo sa barangay." Pang ilang beses na ba nyang ginawa yun kay ate Mineth..

"Bakit ba kasi hindi isuplong sa pulis yung lalaking yun, wag na sa barangay, oh tapos anu pang ibang nangyari, bakit daw ba sinasaktan nun sa ate, wala bang umawat ano na, sagot agad, a-ano bakit ang sama ng tingin mo?." Problema nito nagtatanong lang eh.

"Ikaw ha, akala ko ba hindi ka interesado, bakit nagtatanong kana ngayon ha, aminin mo na kasi may natatagong ka chismosahan dyan sa katawaaaaannnn aray naman bakit ka ba nangugnurot!?" Aba masama na palang maging curious?

"Hoy curious ako no tska nagaalala ako dun sa tao. Ikaw ang punong puno ng kachismosahan sa katawan 100%, layas na nga bilis." Igaya ba naman ako sa kanya.

"Tse ganun din yun haha, pero may iaalok talaga ako sayo, diba gusto mo ng extra income?." Nabuhayan naman ako kaagad.

"Siguraduhin mong legal at matino yan ha, balak ko na kasing maghanap ng ibang work." Talagang kulang ang kinikita ko sa pagiging factory worker wala kasing OT at ang laki ng kaltas kada sahod.

"Syempre naman no, madali lang naman ang gagawin eh magaalaga lang tayo ng mga baby tapos ang sahod 15k a month libre na lahat pati bahay, maghanda kana ng resume tapos mga iba pang papeles, kompleto na ang akin." Wow as in wow 15k malaki laking pera yun.

"Talaga 15k yon, kompleto ba sa benefits, SSS, Pagibig, at Phihealth?..nako hindi ako tatanggi dyan, kaylan maguumpisa ha, saan, ilang baby ang aalagaan, ano sagot agad, ready na requirements ko ano tara na apply na tayo, ay teka magbibihis lang ako kaylangan ba formal o naka dress ano sagot agad kailangan ko ng pera." Halata bang masyado akong excited, pera na yun syempre.

"Hindi halatang excited ka no, halos putulin mo na ang balikat at braso ko kakaalog sakin eh, grabe oo kompleto lahat ng benifits, dalawang baby, at hindi po pa din alam kung saan, pero may interview daw bukas, kaya agahan natin mag dress na lang tayo. Basta dadaanan nalang kita bukas mga ala sais eh, aalis na tayo. Tas may ichichika ako sayo bukas hehe, bye."

Tumataginting na 15k ang sahod grabe, lord hindi mo talaga ako pinababayaan makakapag padala nako sa probinsya ng malaki laki.

"Updated resume, 1x1 picture, iba't ibang clearance, diploma and everything check na check, ay yung susuotin ko pala, okey na siguro itong pangsimba kong dress maganda naman ang kulay eh, hindi pangit at hindi malaswa tingnan haha."

Morning 4:30 am

Tok..tok..tok..

"Ambrosiaaa"pagtawag ko kay Amber, alam kong sobrang aga pa pero alam nyo na excited hehe..

Tok..tok..

"Ambriosiaaa pag hindi ka lumabas sisirain ko to!!"banta ko pero syempre maganda lang ako pero hindi ko kayang sumira ng pinto.

"Paano ako lalabas eh andito nako sa labas, tabi nga ." Aba umaattitude ang babae.

"Teka, san ka galing, san ka natulog, sino kasama mo, bakit ngayon ka lang umuwi, teka natulog ka ba, nanlalaki ka no?!" Daig pa ang imbestigador no, mana lang kay inay alam nyo na mother like daugther.

"Alam mo Carlotta, pwede ka nang maging interrogator sa presinto o abugado, dami mo agad tanong pwede isa isa muna haha." Tingnan nyo tong babaeng to, concern lang naman ako eh.

"Pasok ka muna, nag almusal kana ba, bakit ang aga aga mo naman masyado, 6 pa ang alis natin?.alam mo may sasabihin ako sayo pero atin atin lang ha." Wow iniba agad ang usapan.

"Tsk, iniiba mo ang usapan ha, saan ka galing?

"Uhmm sa magulang ko."

"So sa kanila ka natulog at sila ang kasama mo, so hindi ka nanlalaki??"

"Gaga edi hindi, haha ano ba yang mga iniisip mo, ngayon lang ako umuwi kasi na mimiss ko na baby ko." Wait na bingi nanaman ata ako ng very very light.

"B-baby mo??,seryoso ka ba?" Nagulat naman ako ng tumango ito at ngumiti ng pagkalaki laki.

"Aba, oo nga may baby nako malapit na sya mag 2 years old. Ito oh tingnan mo, ang gwapo diba kamukha ko." Napaka gwapong bata talaga ng anak ni Amber, pero hindi naman nya kamukha eh, yung kulot na buhok lang nya.

"Hindi ah buhok lang naman ang nakuha nya sayo haha, siguro sa asawa mo sya nagmana, patingin nga ng picture ng hubby mo hehe."

"W-wala akong asawa, natatandaan mo ba nung sinabi ko sayo na dati akong nagtrabaho sa isang sikat na bar, dun ko nakilala ang tatay ng baby ko, hindi ko naman alam na mabubuntis ako, tas yun tinakasan ko sya." Grabe, ang hirap siguro ng mga pinagdaanan nya.

"Pasensya na, hindi na dapat ako nagtanong.". Naguilty tuloy ako kita kasi sa mukha nya na nasasaktan sya.

"Okey lang, sige na magkape kana dyan maliligo lang ako, tatalbugan ko pa yung ganda mo haha..ay oo nga pala yung ichichicka ko sayo, ipina tulfo daw ng mga kamag anak ni ate Mineth yung jowa nya kahapon din mismo, mamaya ko na ikukwento lahat, tinatawag nako ng trono ko." Kahit talaga anung lungkot ng topic may naisisingit pa rin syang tsismis haha.

What do you think guys?.

Please vote po if gusto nyo lang po, and feel free to comment po thank you po..

-SenioritangMahirap

avataravatar
Next chapter