1 1 Maria Carlotta Pereyra

"Mahirap talagang maging mahirap, paano ba kumita ng maraming pera? Ang tagal pa ulit ng sweldo pero mukhang hindi na aabot ang pera ko, hay nako nakakainis bakit ba kasi ang mahal ng mga bilihin, pati renta ng bahay ang mahal din, paano ko pag kakasyahin ang 2,500?." pagmomonolog ko habang binibilang ang pera ko sa wallet dito sa pampublikong cr malapit sa palengke.

"Ilang araw pa ba, magpapadala pa ko sa probinsya, paano na'to, kailangan ko na ata ng sideline ngayon." Okey lang naman na dumada ako dito, wala namang tao eh..

"ATE!!" Biglang sigaw ng babaeng hindi ko alam kung saan nagmula at biglang sumulpot sa tabi ko.

"PUSANG KINALBO!!, ano ba naman ineng bakit ka ba nanggugulat dyan. Diyos nating lahat, wala ka bang magawa at pati ako ay ginugulat mo." sino ba namang hindi magugulat, buti nalang wala akong sakit sa puso thank you lord.

"Naririnig kita ate kanina pa lakas kaya ng boses mo at tama ka sa panahon ngayon kailangan mo ng extra income o sideline, pero ang tanong, gusto mo bang kumita ng pera, gustong magnegosyo pero kulang sa kaalaman, sagot kita ate, tara kape tayo libre kita pagusapan natin problema mo." napangiwi naman ako sa sinabi ng babaeng ito.

"Networking yan mo, pass ako dyan ineng iba nalang i-invite mo". bukod kasi sa wala akong pampuhunan eh ayokong sumugal kahit sabihing kikita ako, mahirap na.

"Pass kaagad ate?, sige kahit magshare na lang ako para maenlighten ka at magkaroon ka ng insperasyon." paano ko ba irereject to, mukhang nasa 17 years old lang.

"Ako nga po pala si Ruth, Ruth Canaal at your service at ito naman po ang calling card ko, tawagan nyo lang po ako sa number na yan if interesado kayo may imemeet pa po kasi ako hehe, bye po." sabay takbo palabas ng cr.

Tingnan mo nga naman oh, thank you lord hindi mo po ako hinayaang mahirapan magisip kung paano sya irereject.

Napagpasyahan kong umalis nadin sa cr, baka mangamoy ihi at alam nyo na kung hindi pa ko aalis. Sakay na ako ng jeep nung may nagalok naman ng mani at kung ano ano pa sakin at sa ibang mga pasahero. Menor de edad din ito at tingin ko ay nasa 16 years old lamang, kasama nito ang isang batang nagtitinda naman ng sampaguita, hay ang hirap talaga magkapera pati mga menor de edad eh nagbabanat na ng buto para lang may maidagdag sa pambili ng pagkain araw araw. Parang ako lang nung nasa ganoong edad ako.

*FLASHBACK*

"Magandang umaga po sir, ma'am." magalang kong bati sa mga magiinterview sa akin, andito ako ngayon sa isang sikat na resturant dito sa aking bayang sinilangan, nagbabakasakali na matanggap kahit part time lang pangdagdag tulong din kay inay at tatay.

"Please Introduce your self hija." ang sabi nung napakagandang ginang na nagiinterview sakin grabe parang si Dawn Zulueta.

"A-ako po si Maria Carlotta Pereyra, 17 years old, Panganay na anak, meron po akong dalawang makababatang kapatid kambal po sila, ang mga magulang ko naman po ay nagtatrabaho sa bukid, nakapagtapos po ako ng High school at kaya ko pong makipag sabayan sa mas nakakatanda sa akin, kayang kaya ko po ang trabaho dito ma'am, sir." proud na proud kong sabi, kahit deep inside eh alam kong may posibilidad na hindi ako makuha dahil menor de edad ako.

"Sa tingin mo kaya mong makipag sabayan, masyado ka pang bata para magtrabaho." mukhang may pahiwatig yung lalaking nagiinterview sakin.

"Opo naman sir kaya ko po, sanay po ako sa mga mabibigat na gawain, kaya ko pong magserve, sanay po akong maglinis, pwede rin po akong maging dishwasher nyo o kahit kargador po okey lang, gusto ko po kasing makatulong sa mga magulang ko."

"Gustuhin man namin na tanggapin ka, pero baka makasuhan kami, wala kapang 18, minor ka pa hija". sabagay tama nga sila, sayang naman.

"A-ah ganun po ba, maiintindihan ko naman po, salamat po ma'am, sir." tatayo na sana ako pero hinawakan ni ma'am na kamukha ni Dawn ang braso ko.

"Saglit lang hija, total kailangan namin ng mga bagong makakatulong dito sa resturant at sa ibang branch, eh tulungan mo kami maghanap ng mga aplikante, irekomenda mo na mag apply sila dito samin, at kada tao na successful ang application eh, bibigyan ka namin ng sweldo okey ba sayo yon?." tama ba ako ng narinig??

"Ano po, seryoso po ba kayo?" ngumiti lang silang dalawa at tumango. Thank you po lord.

Sobrang saya ko dahil kahit papaano ay makakatulong ako sa mga may ari ng resturant. Naging successful ang pinagawa sa akin nina Ma'am Ivy at Sir Jerome, na kompleto ang mga staff at crew na kailangan nila sa loob lamang ng two weeks, mas nakakatuwa dahil totoo na binigyan nila ko ng sweldo, naka 2,000 pesos din ako na agad ko namang binigay kay inay.

Pero biglang nagkasakit ang isa sa kambal namin at kinailangang iadmit sa ospital. Dengue daw sabi ni inay, kulang ang pera na binigay sakin nina ma'am Ivy, kaya napilitan akong mag dishwasher sa palengke, at maglabada. Si tatay naman ay napilitang ibenta ang mga kambing na alaga namin. Nagka utang din kami sa tiyahin namin na kung anu ano pang masakit na salita ang natanggap ni tatay bago kami pahiramin. Kaya naman pumasok akong katulong sa bahay ng tiyahin kong yon para mabayadan namin ang perang ipinahiram nya samin.

Labag man sa kalooban ni inay at tatay ay wala silang nagawa, dahil kung hindi namin ito mababayadan ay kukunin nya ang bahay at lupa na minana ni tatay sa namayapa nitong mga magulang. Ang tatlong libong piso na inutang namin nina tatay sa tiyahin ko, ay binayaran ko ng mahigit dalawang taon. Nahinto lamang ang paninilbihan ko sa mga ito nung nanirahan na sila sa amerika.

At heto ako ngayon, nag aaply mag abroad, 20 years old na. Nakaipon naman ako kahit papaano sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke, pero para yun sa pag aaral ng kambal. Magaaply ako kasi mas malaki daw ang kita sa abroad tapos wala namang hinihinging pera, para sa pag aaply, passport lang at ilang papeles ang pinagkagastusan ko.

"Sigurado ka na ba anak, kaya pa naman ni tatay na magtrabaho, kumakain pa rin naman tayo tatlong beses isang araw, wag kana kaya tumuloy." pangungumbinsi ni tatay sakin.

"Tay, hindi na kayo bumabata ni inay, lumalaki na din ang gastusin dahil nagaaral na ang kambal, gusto ko ding makatulong na sa inyo ni inay, malaki ang kikitain ko kung nasa abroad ako. Wag kayong mag alala magiingat ako dun." kahit ayaw kong mawalay sa kanila, wala akong magagawa dahil gusto ko na talagang makatulong sa kanila. Kahit ang hirap kumita ng pera sa ibang bansa.

--------

"PARAAAA!!!!" nabigla naman kaming lahat sa sigaw ng aleng katabi ko, grabe nagising ang katawang lupa ko dahil sa sigaw nya. Nakatulog pala ako sa kakaflashback ng mga karanasan ko noon. Hay sana maging swerte naman ako ngayon sa lotto, ang hirap kasi maging mahirap.

avataravatar
Next chapter