1 Ang Pagmamahal ng Isang Ama

Ang pagmamahal ng isang ama ay walang makakapantay. Hindi nila alintana ang pagod, pananakit ng katawan mabigyan lang tayo ng magandang buhay at makapagaral. Hindi nila ipinapakita sa ating mga anak ang kanilang hirap na pinagdaraanan dahil ayaw nila na tayoy magalala. Makita lang ng ating mga ama ang ating mga ngiti sa ating mukha masaya na sila. Gagawin nila ang lahat upang patuloy tayong mabuhay. Minsan oo, pinagagalitan nila tayo ngunit itoy upang tayoy disiplinahin at upang tayoy matuto sa ating pahkakamali. Dinidisiplina tayo ng ating mga ama upang tayoy maging maayos at magkaroon ng magandang buhay. Alam naman natin na ang iba sa atin ay wala nang ama, mahirap ang mawalan ng ama sapagkat nararamdaman natin na may puwang sa ating mga puso. Nais mong buuin ang puwang sa iyong puso ngunit hindi mo alam kung papaano. Ang iba naman ay wala ng nanay kaya ang ating mga ama ang tumatayong nanay at tatay para sa atin. Lubos ang kanilang pagaalaga at pagmamahal nila sa atin kahit minsan ay hindi natin ito nadarama. Bigyang halaga natin ang bawat ginagawa ng ating mga ama. Idinaraos ang araw ng mga ama upang bigyan sila ng pagpupugay at pasasalamat dahil sa kanilang sakripisyo para sa atin. Masuwerte tayo na mayroon tayong mga ama na nagaalaga at kumakayod upang patuloy tayong mabuhay.

Gintong Aral: Ang pagmamahal ng isang ama ay hindi matutumbasan ng sino man kaya atin itong pahalagahan.

Matuto tayong magpahalaga at makuntento kung anong meron tayo

avataravatar