webnovel

chapter one

Chapter one

'Ang sabi nila ang highschool life raw ang pinakamasayang parte ng pagiging studyante. Dito mo raw unang mararanas ang makakilala ng mga kaibigan na sasamahan ka sa iba't ibang klase ng kalokohan. Dito marami kang matutunan, hindi nga lang sa loob ng paaralan. Unang pighati, unang kaligayahan, at siguro unang higop ng alak? Higit sa lahat ang walang katapusang dito mo unang mararanasan af magmahal at ang masaktan. Ilan lamang iyan sa mga paalala saakin ng buong angkan ko bago ako tumungtong sa 7th grade. Tanda ko pa kung papaano nila sinira ang dalawang buwan kong bakasyon para paalalahanin lang ako sa mga ganong bagay. At heto ako ngayon single at may dalawang taon bago grumaduate sa senior high.'

Napatigil ako sa pipintura nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng art room. Iniluwa nito ang kaibigan kong si Ivy, pilit niyang hinahabol ang sariling hininga habang nakahawak sa door frame.

"babae!" Hingal niyang tawag saakin. Tumayo ako at saka kinuha ang malinis kong tubig para iabot sa kanya.

"Akala ko umuwi ka na?" Tanong ko sa kanya habang pinapanood siyang ubusin ang tubig ko.

"Kilala mo yung femboy sa kabilang building?"

Napataas ang kilay ko habang iniisip kung sino at anong pake sa taong tinutukoy niya.

"Hindi, bakit?"

"hinahanap ka niya kanina"

"So?"

Tinignan niya ako ng masama at saka ako inirapan.

"Napaka manhid mo minsan." Nakacross arms siyang pumasok at saka umupo.

"Sa tingin ko may crush siya sayo" saad niya habang nasa baba niya ang kanyang kaliwang kamay at saka ininom ang natitirang tubig ko.

Ilang minuto kaming nagkatitigan bago ako umiling dahil sa kung ano anong pinagsasabi niya.

"Magliligpit lang ako tapos sabay na tayong umuwi" sabi ko habag nililinis ang mga paint brush na ginagamit ko.

"Bakit ayaw mong maniwala sakin!" Taas tono at nagiinarte niyang tanong.

"Baka hinahanap lang ako dahil magpapadrawing, minsan kung saan saan napupunta yang isip mo. Kakabasa mo yan eh"

"Yung katarayan mo naman nakuha mo sa kakaamoy mo ng pintura."

Napatigil ako sa aking ginagawa at saka siya muling tinignan. Nang magtama ang aming paningin ay bigla kaming natawa. 'Napakadali talagang alalahanin kung papaano kami naging magkaibigan.

"Si Mrs.Garcia to diba?" Tanong niya nang makita niya ang painting ko.

"Oo"

"San kaya nahanap ni Mrs. Garcia ang katulad ni sir."

Kunot noo akong napatingin sa kanya at nginitian niya lang ako ng magtama ang aming mata.

"Ang cute ko no?" Nakangiti niyang tanong

"Not really" matapat kong sagot.

Tinignan niya ako ng masama at saka nirolyo ang kanyang mga mata.

***

Hinihikab akong naglalakad sa mahabang hallway ng school building namin. 'Bakit ba kasi napaka aga ng klase ko?'

"Ciana"

Napatigil ako sa paglalakad nang may biglang tumawag saakin. Tumingin ako sa lalaking kulay kamatis ang mukha.

"Bakit?" Walang gana kong tanong sa kanya. Napataas naman ang kilay ko nang hindi niya sagutin ang tanong ko. Napailing na lamang ako at muling naglakad papunta sa classroom.

Gulat akong napatingin sa kanya nang bigla niyang hablutin ang aking braso habang siya naman ay nakayuko.

"Anong prob..."

"Ciana!" Napatigil ako sa pag tatanong ko nang malakas niyang isinigaw ang aking pangalan dahilan din para maagaw namin ang atensyon ng ilang studyante.

"Simula pa lang nang makita sa intramural alam kong gusto na kita, ilang buwan kong pinag isipan kung dapat ba akong umamin sayo o hindi."

'tangina?'

Daretso siyang tumingin saakin at kitang kita sa kanyang mga mata kung gaano siya kaseryoso at determinado sa ginagawa niya.

"Pero hindi ko alam ang gagawin ko sa nararamdaman ko kung hindi ko rin naman magawang iparamdan sayo yon kaya kung pwede bang..."

Inilagay ko ang aking hintuturo sa kanyang labi para mapatahimik siya. Seryoso ko siyang tinignan at sinabing. "Okay, that is enough"

Napabuntong hininga naman ako nang mapansin ang pagdami ng mga studyante sa paligid namin.

"Look, that is very sweet but I'm only interested in cute guys" nakangiti kong pambabusted sa kanya. Ang seryoso at determinado niyang expresyon ay napalitan ng lungkot. Muli siyang yumuko na para bang nag iisip ng kung anong sasabihin.

Bago pa man siya makapag salita ay may biglang naghiwalay ng kamay niya sa braso ko. Napatingin ako sa babaeng nakasoot ng uniform na dapat ay para sa lalaki.

"Well you heard her well, better to get lost now" nakangiti niyang saad pero halata pa rin sa boses niya ang pagbabanta. Ilang minuto silang nagtitigan, tinatantiya ang isa't isa. Pilit na ngumiti ang lalaki at saka ikinalas ang kamay niya sa babae.

"I see...Ciana, I'm sorry if I scared you" kamot ulo niyang sabi at saka nag paalam saakin bago pa man umalis.

" Ayos ka lang?" Nag aalang tanong ng babae, tumango ako bilang sagot habang pinapanood ang ilang studyanteng umalis.

"Thank you" pagpapasalamat ko, aalisin ko na sana ang kamay niya saakin nang bigla niyang hinigpitan ang pagkapit sa braso ko

"Wait, ikaw yung artist na gumagawa ng realistic art. Hindi ba?"

'Posible customer?'

Mabilis akong ngumiti at tumingin sa kanyang mata.

"ako nga, mag papagawa ka?"

"Oo sana" nakangiti at nahihiya niyang saad

"Pwede mo kong puntahan bukas sa Arts club para magpagawa" Nakangiti kong saad, inalis ko ang kamay niya saakin at kumuha ng brochure sa aking bag.

"Nandyan na lahat ng kaylangan mong malaman." Dagdag ko at saka inabot ito sa kanya.

" Rei! Nasa baba na raw si ma'am" napalingon ako kay Iris nang marinig ko ang boses niya sa pintuan ng room namin.

"Aantayin kita" saad ko at nagsimula nang maglakad papasok ng room.

"May gawa ka na sa math?" Bungad saakin ni Iris nang makapasok ako

Inilabas ko na kaagad ang notebook ko para ibigay sa kanya ito.

"Oo pero mali lahat" nakangiti kong saad. Tumingin siya saakin habang dahan dahang ngumiti.

"Mas malaking pagkakamali pa rin yung hindi ako pinutok sa kumot"

Malakas ko siyang hinampas sa likod at sabay kaming tumawa ng makakas.

Mabilis natapos ang klase ngayong araw at may ilang oras na lang ako para tapusin ang art work na pinapagawa saakin ng principal.

Napangiti ako ng nang matapos ko na ang ilang touches na dapat kong tapusin, mabilis din naman nakuha ng pinto ang atensyon ko nang marinig ko ang pagbukas nito.

"Good afternoon Sir. Garcia" pagbibigay ko ng respeto sa principal ng school.

"Ciana, mukhang tapos na ah" nakangiti niyang saad habang pinagmamasdan ang painting.

"May gusto po ba kayong ipabago? May part po ba na hindi ko nakuha ng tama?" Tanong ko sa kanya habang hinihiling sa aking isipan na wala siyang gustong pabaguhin mas lalo na't tapos na ako.

"Hindi, kuhang kuha mo. Panigurado akong magugustuhan niya to"

"Sir, ganyan po ba pag inlove? Hindi mapigilang mapangiti kahit painting lang yung nakikita?" Singit ni Zack, ang kamember ko sa art club habang inaayos ang pagkaing binili niya.

Tumingin lamang siya kay Zack at saka tumawa. 'nakakabaliw rin bang magmahal?'

"Siguro. Bakit di mo pa ba nararanasan?" nakangiti niyang sagot.

"Walang may gustong makipagdate sakin Sir. Kapag artist daw kasi mapanakit. Napaka sinungaling, mas loyal pa nga kami eh. Diba Alvarez?"

" Malay ko" Saad ko habang inaayos ang mga art materials ko.

"Single ka pa rin hangang ngayon?" Gulat na tanong ni Sir. Garcia.

NBSB yan sir, gusto niya yung buhay niya katulad ng dibdib niya" natatawa niyang sabi. Mabilis ko namang hinagis sa mukha niya ang isa sa malinis kong paint brush.

"Sa susunod isang lata na ng pintura ang ibabato ko sayo" pagbabanta ko.

"Ayos lang yan Ciana, hindi naman minamadali ang pag ibig" natatawag saad ni Sir. Garcia habang tinatapik ang likuran ko.

'lahat ba talaga ng nasa paligid ko, yan lang ang iniisip?'

Next chapter