5 Chapter 5

"Julia!" tawag ni Ali the moment he closed the door

Inilapag niya ang attache case sa sofa at pumunta sa kusina ngunit wala doon ang dalaga.

"Andito ka na pala." sabi ni Manang Fe. "Nasa likod, kanina pa nakabusangot iyon."

Dala ang pasalubong pinuntahan niya ang likod ng bahay. May puno ng aratiles doon na kinabitan ng ratan na duyan kaya malamang ay nandoon ang hinahanap niya.

Di kalayuan, mula sa pintuan ng kusina ay nakita agad ni Ali si Julia na nakayukong kinakalikot ang cellphone. Nakataas ang isang paa nito sa duyan at ang isa naman ay nakasayad sa lupa.

"Kanina pa kita hinahanap, hindi mo ba narinig ang tawag ko?"

"Hindi po." sagot nitong nilingon lang siya sandali pagkatapos ay yumuko ulit.

"This is for you, peace offering." abot ni Ali sa chocolates and teddy bear. Namilog ang mga mata ng babae, sa tingin ni Ali ay tila kumikislap pa ang mga iyon nang makita ang dala niya. Pero sa halip na tanggapin ay pasimple itong umirap at hinarap ulit ang cellphone.

"Listen, about this morning, wala akong sinabing pangit ka. Ang gusto ko lang sabihin ay kung pwede huwag ka munang gumamit ng mga ganoon. Hindi naman iyon necessity, hindi ba? And you dont even need it. You are already pretty, Julia. In fact you're the most beautiful woman for me, without those cosmetics. Natatabunan ang natural mong ganda kapag gumagamit ka ng ganoon." malumanay niyang paliwanag

"Talaga?" anitong tiningala siya.

"Of course. Kaya tanggapin mo na si chum-chum and the bouquet."

"In one condition." sabi nito na ikinakunot ng noo niya. "Sa room mo ako matutulog ngayong gabi."

"Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na hindi na pwede. You're old enough para tumabi sa akin."

"Ang sabi mo bawal akong mag makeup kasi bata pako, now sabi mo naman old nako para matulog kasama ka, ewan ko sa'yo!" maktol nitong sabi

"You're not seven years old, Julia and besides bakit kailangan mo pang tumabi sa akin? Hindi ka na naman na natatakot sa dilim."

"Edi wag kung ayaw mo! Sa'yo na iyang peace offering mo."

"For the love of..." tila nangalay ang batok ni Ali sa tantrums ng dalaga. Napatingala siya at hinilot iyon.

"Fine, just for tonight, sa kwarto ka matutulog."

"Yes! Akina iyan!" hinablot nito ang bouquet at teddy bear sa kamay niya. Inilapag ang chocolates sa hita at niyakap ng mahigpit ang stuffed toy. "Ang corny ng bumili sa'yo noh? Chum-chum pa talaga naisipang name." anitong ngumisi

Napapailing na lang si Ali na pinagmasdan ang dalaga.

NAGLILIPAT ng mga unan si Ali sa sofa na nasa paanan ng kama niya nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang naka sleep dress na si Julia.

"Ano iyan?" turo nito sa mga unan sa sofa

"Dito ako matutulog, doon ka sa kama."

"No, gusto ko katabi kita. Kaya nga gusto ko matulog dito diba?"

"Pinayagan na kita na dito matulog sa kwarto, Julia."

"Ibabalik ko si chum-chum." anitong tumalikod

"Hey, hey! Sige na, halika na." Kinuha niya ang mga unan at binalik sa kama. Kailan ba siya mananalo sa batang ito? Agad na sumampa ang dalaga sa kanang bahagi, humiga at tinakpan ng comforter ang katawan.

Napabuntong-hininga si Ali na umakyat na rin at tumabi. Inipit niya ang kaliwang kamay sa ilalim ng ulo at humaharap sa kisame.

Julia rolled towards him, mas lumapit pa ito at dumutdot sa tagiliran niya. Napabuntong-hininga na naman si Ali nang iniyakap nito ang kanang kamay sa kanyang tiyan.

"Goodnight, Ali." she murmured

"Goodnight."

"I love you." she added with her eyes closed.

"ALAM mo, nakakasakit ka na talaga." maktol ni Kristel. Magkadikit ang mga balikat na nakaupo ang babae at si Ali sa isang sofa sa Vox. He went there from work kaya nakasuit pa siya, he suddenly wanted to have a sip of his favorite cognac.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pangatlong beses mo nang pumunta dito pero hanggang ngayon ay hindi mo parin ako niyayaya sa labas. Masakit sa ego ko, naiisip ko, am I getting losyang?"

Napapailing na uminom ulit si Ali. Tumitig ang curious na mga mata ni Kristel sa mukha ng lalaki, pinag-aaralan nito ang hitsura niya.

"Mestizo ka. Well base sa pangalan mo, tunog foreigner. And your eyes are deep seated, pati ilong mo matangos. Anong lahi mo?"

Natawa si Ali. "Kung makatanong ka parang aso lang ang pinag-uusapan."

Ngumisi din si Kristel.

"My father's a Lebanese, pure Filipina ang mother ko."

"Ooh. No wonder you have an Arab butt!" pilyang tudyo nito sa kanya

"What?" natatawa niyang tanong

"Pwet ng Arabo, malusog, yummy." Mas lalong yumugyog ang balikat niya sa pinagsasasabi ng kausap. She likes her company kasi witty ito. May sense kausap, actually, there's more to her than being an entertainer.

Nagvibrate ang cellphone ng babae na nakalagay sa glass table. Inabot nito ang telepono at sinulyapan kung sino ang tumatawag.

"Can I take this call? Mabilis lang."

"Take your time." sabi ni Ali na kinuha ang baso ng rhum at uminom. Tumayo si Kristel at umalis sa sofa pero hindi naman masyadong lumayo. Nagpunta lang ito sa likod ng pwesto nila para kausapin ang tumawag kaya kahit ayaw niyang marinig ang usapan ng mga ito ay abot parin iyon sa pandinig niya.

"Tigilan mo ako Jason! Kung bangag ka na naman, huwag mo akong isali sa mga kabaliwan mo.... Wala akong pera ngayon. Itry mo kaya humingi dyan sa pinagmamalaki mong teacher? Total proud na proud ka naman sa kanya, di ba? Bwisit!"

"Okay ka lang?" tanong niya sa babae pagkabalik nito sa upuan

Bumuntong-hininga lang ito at umismid pagkuway tumango.

*Available po ang buong story sa Dreame.com

Search nyo lang po sa search bar ang usefname ko: Aura

Marami pa po tayong stories doon. At may paparating na Volume 2 ito☺️

avataravatar