1 Simula

"Happy birthday Sana!" Masayang bati ni Mama. Mabilis niyang hinalikan ang aking noo.

"Ate, Happy Birthday." Humalik sa pisngi ko ang nakababata kong kapatid na lalaki, si Jeen.

"Thank you, Ma! Thank you, Jean!" Masaya kong sabi.

"O siya, pagkaligo mo ay mag-agahan na tayong tatlo," sabi ni Mama.

Bumaba na sila. Pagkasara nila ng pinto ay agad napawi ang ngiti ko.

Maayos naman ang pamilya ko at masaya rin naman ang pagiging teacher. Pero bakit, may kulang pa rin?

Napatingin ako sa orasan. Aba! Napasarap ang tulog ko!

Mabilis akong kumilos at naligo na.

***

Pagkatapos naming kumain nina Mama ay sabi niya ay mag-ingat ako sa pagpasok dahil birthday ko. Ganoon raw kasi iyon. Kapag birthday mo, lapitin ka sa disgrasya.

Sumakay ako ng jeep. Hindi ko maikaila na nandoon pa rin yung pakiramdam na malungkot. Nainis ako sa sarili ko dahil maayos naman ang lahat at tahimik ang buhay ko. Ano pa ba ang mahihiling ko?

Bumaba ako sa eskwelahang pinagtuturuan ko. Isa akong guro sa elementarya. Mga grade one ang aking tinuturuan.

"Maam Sana, happy birthday!" Bati ni Ate Lea ang aming janitress.

"Thank you, 'te!" Ngumiti ako.

Tumigil ako sa tapat ng nakasarang pinto ng faculty room. Huminga ako ng malalim, handa sa kanyang sasabihin.

"Good morning po, mga Maam!" Bati ko aking mga kapwa guro.

"Sana! Good morning! Happy Birthday!" Nakangiti si Maam Reyes ang pinakamatandang guro sa amin.

Yumakap ako sa kanya. "Salamat po, Maam."

Malapit ako sa kanya.

Kinalabit ako ni Maam Via. "Happy Birthday, Sana." Wow! May regalo.

"Salamat po, nag-abala pa kayo." Nahihiya kong sabi. Yumakap rin ko sa kanya.

"Thirty ka na. Kailan ka mag-aasawa?" Ang boses na yun. Siya lang naman ang medyo iniiwasan ko sa faculty room.

"Maam Lorie." Tumawa ako. Taon-taon kasi iyan ang tanong niya tuwing birthday ko.

"Anong handa mo?" Kumindat si Maam Via sa akin, binago ang usapan.

"Maam, Carbonara at Lumpiang shanghai po, umorder po ako," sambit ko.

Bahagyang umangat ang labi ni Maam Lorie. Gaya kasi ni Maam Reyes at Maam Via, paborito niya rin iyon.

"Ay time na agad?" Pumasok si Maam Reina. Siya ang pinakabata sa amin. Bago pa lang siya ngunit nakaclose ko rin dahil mabait at napakasimple niya.

"Happy Birthday po, Maam Sana!" Ngumiti siya.

"Thanks, Rei." Naaalala ko sa kanya yung sarili ko.

Nagpunta kami sa kanya-kanyang classroom.

"Good morning class!" Masaya kong bati.

"Good mooooooorning, Ms. Ayala," masaya nilang bati.

Bigla silang kumanta ng Happy birthday.

Medyo naging emosyonal ako. Naalala ko kasi kung gaano kasarap maging bata.

Maya-maya ay dinumog nila ako. Pumalibot sila sa akin at binigyan ako ng kung anu-ano. May nagbigay ng sulat, chocolate at iba pa.

"Mommy Sana, happy birthday. Mamaya pa darating po regalo ko po," sabi ni Kristoff. Ang isa sa makulit kong mag-aaral. Buti na lang sobrang cute niya. Maputi siya at singkit.

Maraming beses ko na siyang sinabihan na Maam ang itwag sa akin pero Mommy pa rin siya ng mommy. Sa totoo lang ayos lang sa akin dahil cute niya talaga. Minsan narinig ng ibang guro pero sabi nila ay hayaan ko na lang raw.

"Okiee lang Kristoff. Salamat." Ngumiti ako at hinawakan ang ulo niya. Pero hindi ko lang rin alam kung ano o meron ba talaga siyang regalo.

Natapos ang klase.

Nag-uwian na. At gaya ng nakagawian. Ako na naman ang nahuli. Ako kasi ang pinakamabagal kumilos sa aming mga guro. Tumatanda na talaga ako.

Habang nag-aayos ng gamit, nadanggi ng kamay ko ang isang libro. Nahulog ito at agad kong dinampot.

You to Me. Ito ang aklat na hindi ko maitapon.

Muli, bumalik ang ilang alaala ko kasama siya. Ang masaya, hanggang lumabo at narating ang katapusan.

Walong taon na, pero. Bakit masakit pa rin?

Nagpolbo ako, at naglagay ng lip stick. Sinuklay ko ang aking mahabang buhok at naglagay na rin ako ng kaunting pabango.

Minasdan ko ang aking sarili sa salamin. Saan ba ako nagkulang? Bakit hindi ako pinili niya?

Umalis na ako bago pa ako umiyak.

May mga ilan pang mag-aaral ang naglalaro sa play ground at ang iba ay naglilinis.

Nakalabas na ako ng gate at nag-aabang ng jeep nang may tumawag sa akin. Lumingon ak o.

"Maam Sanaaa!" Mabilis ang takbo ni Annie sa akin.

Napangiti ako at sinalubong ang yakap niya. Dati ko siyang mag-aaral. Grade 2 na siya ngayon.

"Happy Birthday Maam!" Nilagay niya sa tainga ko ang bulaklak na pinitas niya.

Nakakahiya man ay hindi ko tinanggal iyon. Napakamalapit sa akin ni Annie.

"Annie! Nandiyan na ang sundo mo." Nagpaalam siya sa akin at yumakap ulit.

"Bye, ingat ka Annie!" Ngumiti ako at kumaway.

Nakangiti kong pinagmasdan si Annie hanggang makaalis na ang sinasakyan niyang tricycle.

"Alessana." May tumawag sa akin.

Mahina at banayad ang kanyang boses. Ang boses na kilalang-kilala ko. Ilang taon ko mang hindi narinig, kilala ko pa rin .

Naramdaman ko ang panghihina ng aking tuhod. Ngunit mabilis ang tibok ng puso ko

Kinakabahan man ay lumingon ako.

"Shawn." Tanging nabanggit ko. Kailan siya bumalik? Ganoon pa rin ang anyo niya. Gwapo pa rin. Mas mataas pa rin siya sa akin. Mahaba na ang kanyang buhok kaysa sa dati. Mapungay ang kanyang mata ngunit mukhang hindi masaya.

Bakit hindi pa siya umalis?

"Kamusta, S-sana?" Bahagyang tumaas ang kilay ko nang tawagin niya ako sa aking palayaw.

Nasasaktan pa rin.

Gusto ko sabihin.

"Ayos naman." Simple kong sagot.

Umalis ka na.

"Ah. May inaantay ka?" Sabi niya pa. Akala ko ay tapos na ang usapan. Hindi pa pala.

"Oo." Inaantay ko ang jeep! Bakit ba? Umalis ka na Shawn! Naiiyak ako. Apektado pa rin ako!

"Mommy Sanaaa!" Napalingon kaming dalawa sa tumawag sa akin.

Nakita ko si Kristoff, kumakaway. Kasama ang isang lalaki, tumawid sila at lumapit sa akin.

"Mommy Sanaaa. Ito na yung regalo ko!"Hinawakan niya yung kamay ko.

"Nandito na si Daddy!" Masigla niyang sambit habang hawak ang kamay ko, at sa kabila ay kamay ng Daddy niya?

Matangkad, matipuno at kayumanggi. Naka v-neck shirt at Jeans. Hinubad nito ang shades niya.

Nagtama ang mata namin ng 'Daddy' niya.

Mukhang artista!

"Let's go, Alessana." Makapangyarihang sabi ng Daddy niya.

"Marami pa kaming gift sa car. Tera Mommy!" Hinila ako ni Kristoff.

"Mommy huh?" May pait na banggit ni Shawn. Agad na sumikip ang dibdib ko at naramdama n ang pamilyar na sakit.

No. He can't be hurt right? 8 years ago, he made it clear.

He doesn't love me.

Malinaw yun Alessana! Huwag kang tanga!

Sumama na lang ako kay Kristoff.

Nakarating kami sa kotse.

"Saan ka nakatira, ihahatid ka namin." Sabi ng daddy ni Kristoff.

"Ay Sir, pasensya na po. Hindi po ako nakapagpakilala. Alessana Ayala po. Adviser ni Kristoff.

Nilahad ko ang aking kamay.

"Alessana Ayala." May kung ano sa pag banggit niya ng pangalan ko. Ngumiti siya.

"Troy Mariano. Daddy ni Kristoff." Inabot niya ang kamay ko.

Binawi ko na ang kamay ko.

"Pasensya na po. Mommy ang tawag niya sa akin." Nahihiya kong sabi. July pa lang kasi pero nasanay na si Kristoff nang ganoon.

"It's fine. Wala namang magagalit." He said

Inabot ni Kristoff sa akin ang isang paper bag.

"Where's my Kiss?" Ngumuso siya. Natawa ako.

"Hey kiddo you can't. Dalaga pa iyong teacher mo." Tumawa siya. Ang manly lang.

"Daddy yung gift mo!" Sabi ni Kristoff.

Nakakahiya! Pinuwersa yata ni Kristoff ang tatay niya.

"Yes big boy. Hindi naman nakalimutan ni Daddy." Hinawakan niya ang ulo ng anak. Umalis siya saglit at pagbalik niya ay may dala siyang malaking boquet na may pink roses.

Kailan nga ulit ako nakatanggap ng bulaklak?

Nakakahiya. Jusko. Lumingon ako sa paligid at kaunti lang naman ang tao.

"I hope ayos lang sayo. Kristoff insisted that I should give you flowers," sabi ni Sir Troy.

Nanginginig kong tinanggap ang boquet. "Salamat, Sir." Tumango siya.

"Hatid ka na namin?" He asked.

"Naku wag na Sir!" Umiling ako ng ilang beses.

"Hmm. May magagalit?" He's implying something.

"Wala!" Napataas ang boses ko. Nanlaki ang mata ko sa kahihiyan. Masyadong defensive.

Tumawa siya.

Tumawag siya ng tricycle. Nagulat ako nang binayaran niya iyon.

"Keep the change," sabi niya sadriver.

"Sir, naku bayaran ko po kayo." Akmang kukunin ko ang wallet ko nang hawakan niya ang pala-pulsuhan ko.

"Let me pay. Just get in." Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko.

Umiwas ako nang tingin. "Salamat Sir. Salamat Kristoff!" Yumakap si Kristoff at niyakap ko rin siya.

"Should my Dad get my kiss instead?" Sabi ni Kristoff.

Tinakpan ni Sir Troy ang bibig ng anak niya.

"Bye, Ms. Ayala."

Tumango ako at kumaway kay Kristoff.

Nang makaupo ako ay dumungaw siya sa driver.

"Paki-ingatan lang po ang pagdrive, Manong."

Pinilit kong hindi mag-react.

"Salamat po, ulit," sabi ko na lang.

Ngumiti lang siya.

Umalis ang tricycle.

Napansin ko sa salamin na nakangiti pala ako.

Naku po. Tigilan mo iyan Alessana.

Tumunog ang phone ko.

From: Unknown Number

I'm glad that you're still not married. Ingat sa pag-uwi. Happy Birthday.

-Shawn

Shawn. He's watching me? He followed us?

Tinakpan ko yung mukha ko.

He remembered. He still remembers my birthday!

This damned heart! Mabilis na naman ang tibok.

avataravatar
Next chapter