2 (1) Regret

Sa labas pa lang ay naririnig ko na maingay sa loob nang aming bahay na hindi naman madalas.

Binuksan ko yung gate.

"Titaaaaa! May flowers si Sanaaaaa!" Malakas na hiyaw ni Andrei. Ang best friend ko.

"Juskooo Tita! Ikakasal na yata!" Lalong nagusot ang mukha ko nang marinig ang isa ko pang kaibigan. Si Julia.

"Pwede ba?! Bwisit talaga kayong dalawa." Naiinis kong sabi pero napatawa na rin.

Ang tatanda na nami pero wala namang nagbago.

Kinuha ni Jelai yung boquet at agad na pumasok sa loob.

"Happy birthday, Sana." Lumapit si Andrei at niyakap ako.

"Salamat Drei." Nakangiti kong saad.

Best friend ko si Andrei simula High school. Alam niya lahat nang tungkol sa akin. Kung kaya ko sabihin ang lahat-lahat, sa kanya ko sasabihin dahil kahit kailan walang lumabas na sikreto sa kanya na sinabi ko.

"May dala akong mocha cake. Pero sabihin mo sa akin kung sino ang nagbigay nung boquet." Sabi niya at kinuha ang iba kong dalang paper bag na may chocolates and letters.

"Wow, Ma." Namangha ako sa hinanda niyang boodle fight.

Nagluto si Mama ng Kare-kare na paborito ko. Meron ring inihaw na liempo, buttered shrimp, alamang, itlog na maalat at steamed vegetables.

"Girl, nagdala ako ng ice cream. Mamaya na yung gift kooo." Sabi ni Jelai.

"Thanks Jelai!" Niyapos ko siya. Naging best friends namn kami noong college.

Nang makalapit ako kay Mama ay nagmano ako at hinalikan ang pisngi niya.

"Si Jeen Ma?" Tanong ko.

First year college na si Jeen. Engineering ang kurso niya.

"Nasa taas, nagbibihis lang." Sakto naman na bumaba ang kapatid ko.

"Ate, doughnuts for you." Yumakap siya sa akin. Close talaga kaming dalawa. Para niya na rin akong nanay.

"Baby ka talaga ng Ate mo!" Asar ni Andrei sa kapatid ko.

"Ikaw rin naman, Kuya!" Tumawa kami ni Jelai. Isip bata rin kasi si Andrei.

"May gf ka na ba? First year college na, pwede na iyan." Sabi ni Jellai.

"Ayoko pa, Ate Jelai. Si Mama at Ate muna ang uunahin ko.

Sweet. Ginulo ko ang buhok ng kapatid ko.

Pagkatapos namin kumain at magligpit, nagpaalam si Jeen na magbabasketball muna. Sumama si Andrei sa kanya.

Naiwan kaming tatlo nina Mama at Jelai sa salas.

"Anak kanino naman galing yung boquet mo?" Usisa ni Mama. Nakangiti siya na parang kinikilig.

"Oo nga, Sana! Tas kanina may flowers ka pa sa tainga! Hahaha. Parang bata lang. Cutie mo talaga!" Kumento ni Jelai.

"Galing iyon sa tatay ng student ko, Ma." Simple kong sagot.

"Hala! Baka naman may asawa iyan?" Worried na tanong ni Mama.

"Ewan Ma. Pero sabi niya wala naman raw magagalit." Kwento ko.

"Anong itsura niya? Gwapo ba?" Medyo dreamy na sabi ni Jelai.

"Hmm." Sagot ko.

"OMG! Sana makita ko siya! I ship you both!" Tumawa siya.

"Hay naku, kakapanood mo yan ng anime." Hinampas ko yung braso niya.

"Wala namang masama, San. You deserve to be happy! You're thirty na. Dapat magprepare ka na mag-settle down. Di ba Tita?" Ngumiti si Mama at tumango.

"Anak, tama si Jelai. Gusto namin na maging masaya ka at umibig ulit." Sabi ni Mama.

"Ay! Alas siyete na pala! Sa taas na muna ako, manonood ng TV!" Mabilis na umakyat sa hagdan si Mama.

"Jelai.." Naalala ko si Shawn. Sasabihin ko ba?

Naalala ko noong nagbreak kami ni Shawn, sinapak ni Andrei si Shawn. Samantalang sinabunutan ni Gelai si Andrea. Sinampal rin ni Jelai si Shawn para raw sa akin.

Galit na galit silang dalawa at hindi ko alam kung paano ko sila napigilan.

"Ano? May tinatago ka ba sa akin, Alessana?" Naging seryoso ang mukha niya.

Parang nanay ko si Jelai dati pa. Napakamaalaga niya. Ayaw niya na nasasaktan ako. Kung makikita niya na nasasaktan ako, malulungkot lang siya para sa akin.

"Jelai. Susunduin ka ba ni Gelo ngayon?" Si Gelo yung asawa niya. 1 year na rin silang kasal.

"Hmm, oo nga no? Tawagan ko lang siya Sana. Hehe." Medyo kinikilig niya pang sabi.

"Beb, oo dito ako kina Sana. Ingat ka asawa ko. Wait kita. Labyu!" Tatawa-tawa ako dahil napakaamong tupa niya pagdating kay Gelo.

"Ay yung isa ko pang gift, hehe. Sana, magiging Ninang ka na." Ngumiti siya.

"Wow! Jelai! Congrats!" Niyakap ko siya. Naiiyak ako sa tuwa para sa kaibigan ko.

"Naku Jelai, sabihin mo lang sa akin pag may gusto kang ulam. Pagluluto kita!" Alok ko.

"Alam na ba ni Gelo?" Tanong ko.

"Oo. Sobrang saya niya rin. Medyo OA nga e haha. Pero nakakatuwa. Alam mo iyon Sana, hindi naman ako mayaman. Lalong hindi ako matalino gaya mo. Hindi rin ako sexy. Pero mabait si Lord. Binigay niya sa akin si Gelo. Mahal na mahal ako ng asawa ko, Sana. Tapos ngayon magkakababy na kami." Medyo naluha siya.

Niyakap ko siya. "Hay nako Jelai. Panay ka pang down. Nakalimutan mo na ba? Ikaw ang pinakamaalindog kong kaobigan?"Biro ko.

Tumawa siya. "Deserving ka sa lahat ng blessings Je. Salamat sa lahat. Love you, Jelai! Love you, baby!" Hinipo ko yung tiyan niya.

"Basta I wish Sana. Na maexperience mo na yung true love. I want you happy bff. Kaya choose happiness." Ngumiti ako.

Tama. I must choose to be happy. I'm not getting any younger.

"Ay nandiyan na raw si Gelo. Alis na ako Sana. Happy birthday ulit!" Inabot ko yung binalot ni Mama.

"Bigyan mo si Gelo!" Tumango siya at hinatid ko siya sa labas.

"Sana. Happy birthday." Nakangiti si Gelo.

Pinagbuksan niya si Jelai at sumakay na siya sa kotse.

"Thank you, Gelo. Ingat kayo! Jelai, ingat! Thank you ulit." Kumaway ako.

Nakangiting kumaway si Jelai.

Sana, gaya ni Jelai makita ko na yung para sa akin. Kung paano niya napaibig si Gelo na panay pag-aaral lang ang inaatupag. Si Gelo na Engineer niya.

Papasok na sana ako sa gate nang may tumawag sa akin.

"Ateee! Si Kuya Andrei!" Pawis na hinila ako ni Jeen.

"Bakit Jeen?" Nag-aalala kong tanong.

"May kaaway sa court!" Sabi niya at tumakbo ako.

Nakarating kami sa court. May iilang tao na naroroon. Puro kabataan.

"Andrei!" Pigil ko nang makita na susuntukin niya si Shawn.

Pumagitna ako sa kanila.

Niyakap ko si Andrei. "Tama na Drei. Umuwi na tayo!" Sabi ko.

"Sana." Hindi ko pinsnsin si Shawn.

Nag-aalab ang mata ni Andrei at hinwakan ko yung nakakuyom niyang kamao.

Napaiyak ako. Naalala ko na naman yung dati.

"Sana. Sor--" Akmang hahawakan ni Shawn ang siko ko nang palisin ni Andrei ang kamay niya.

"Gago ka Shawn. Tandaan mo iyong sinabi ko. Hindi ko hahayaang saktan mo ulit ang kaibigan ko." Umakbay sa akin si Andrei.

Nagsimula siyang maglakad. Mabagal ang galaw niya.

"Sorry, Sana. Tahan na." Malumanay niyang sabi.

"Isusumbong kita kay Yuna talaga." Iyak ko. Si Yuna ay yung girl friend niya na nasa Korea nagtatrabaho.

"Uy! Sorry na Sana! Huwag mo na akong isumbong dun! Magagalit sa akin yun!" Taranta niyang sabi.

Tahimik lang si Jeen na nakamasid sa amin.

Hinatak siya ni Andrei at inakbayan rin.

"Kuya Andrei si Kuya Shawn yun di ba?" Tanong niya.

"Oo. Pero ito tandaan mo. Ako lang kuya mo no?! Huwag mo ngang tawaging kuya yun. Gago siya." Siniko ko siya.

"Aray naman Sana! Basta. Huwag kang lumapit dun ha!" Sabi niya.

"Ikaw Jeen, huwag mong palapitin iyon sa ate mo." Utos niya kay Jeen. Hindi sumagot ang kapatid ko.

"Sana, sabi ko huwag kang lalapit. Naintindihan mo?" Sabi niya.

"Opo, tatay." Sagot ko para matapos ang usapan.

Umalis na si Andrei sakay ng kanyang motor.

"Natatandaan ko si Kuya Shawn Ate. Noon." Sabi niya. 10 years old lang kasi siya noong nakilala niya si Shawn.

"Nagalit si Kuya Andrei kanina. Kasi may sinabi si Kuya Shawn." Kwento niya.

"Anong sinabi niya?" Para magalit si Andrei malamang nakakainis ang sinabi niya.

"Nagkamali raw siya. At nagsisisi siya na umalis siya." Sabi ni Jeen at nauna na siyang pumasok sa loob.

avataravatar