webnovel

Love at First Strike

Author: Risse
Urban
Ongoing · 5.5K Views
  • 2 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Di naging maganda ang unang pagkikita nina Fleigh at Tandrix, maging ang pangalawa o pangatlo. Somehow, Fleigh always ends up "hurting" Tandrix-- literally. Pero dahil sa napapadalas na pagkikita nila na 'yon, romance bloomed their way.

Chapter 1Boy Meets Girl

Pawis na pawis si Fleigh habang naghahanap ng mabibilhan ng malamig na tubig sa loob ng eskwelahan. Pero minamalas nga yata siya ng araw na iyon dahil ubos na ang mga mineral water na ibinebenta sa canteen at sa iba pang establishment roon. Tinatamad naman siyang lumabas ng school dahil malayo ang gate at kailangan niya ring bumalik sa practice agad.

"Bwisit na El Niño yan ah ! Nakaka-badtrip !" sambit niya habang pinapaypayan ang sarili ng karton na nahablot niya sa canteen. Umaliwalas lang ang mukha niya nang makakita siya ng isang vending machine sa di kalayuan. Halos yakapin niya na ang vending machine ng lapitan niya ito ngunit napasimangot siya nang makitang puro softdrinks ang naka-display roon. Hindi siya umiinom ng softdrinks, hindi dahil acidic siya o bawal sa kanya iyon pero dahil hindi niya lang talaga masikmura ang lasa. Sa pagkakataong iyon, no choice na siya, kailangan na talaga niyang uminom dahil uhaw na uhaw na siya. Kumuha siya ng beinte pesos sa bulsa saka ipinasok iyon sa receiver ng vending machine. Mula sa ibaba ay iniluwa no'n ang isang lata ng softdrink. Binuksan niya ang lata at akmang iinumin iyon nang makarinig ng ingay. Nakita niya ang isang lata ng softdrink na pagulong-gulong papunta sa direksyon niya. Iyon ang lata na ininuman ng lalaking nauna sa kanya sa vending machine at kasalukuyang nakatayo sa di kalayuan. Pinulot niya ang lata ng softdrink at walang pakundangang ibinato iyon sa lalaki.

"Yes Ma, susunduin ko na lang mamaya si Nymph pagkatapos ng practice ko." Sagot ni Tandrix sa ina saka tinungga ang natitirang laman ng lata ng softdrink na binili niya sa nadaanang vending machine, pagkatapos ay itinapon niya iyon sa isang trash can at nagpatiunang naglakad kausap pa rin ang kanyang ina sa cellphone.

"Don't worry Ma, uuwi ako ng maaga. Sige na, kailangan ko nang bumalik sa practice. I love you. Ingat rin po kayo." Isasara na niya sana ang cellphone nang makaramdam ng matigas na bagay na tumama sa ulo niya. Napayuko siya upang malaman kung ano iyon at nakita niya ang lata ng softdrink na ininom kanina. Napaangat ang tingin niya sa kung sino mang bumato sa kanya at nakita niya ang isang babaeng nakatayo sa harap ng vending machine malapit sa kanya. Di mapigilan ni Tandrix na mairita.

"Hey, ikaw ba ang bumato nito?" tanong niya sa babae.

Lumingon ito at tumaas ang kilay. "Anong 'hey'? hindi 'hey' ang pangalan ko, Frances Leigh Alonzo ang pangalan ko. At oo, ako nga ang bumato niyan."

He was slightly stunned at the sight of the girl. Mahaba ang buhok nito na naka-ponytail, naka-tshirt at shorts lang ito, medyo pawisan pero nakadagdag pa iyon sa charm nito. She looks sporty and he likes sporty girls. Ipinilig niya ang ulo. Sa ngayon kailangan niya munang komprontahin ito. "Why the hell did you do that for? Anong akala mo sa ulo ko, basurahan?" nagagalit na tanong niya. Sayang ang ganda mo pa naman sana.

"At ano ring akala mo sa ground na ito, basurahan?" mataray pa ring sagot ng babae.

"Itinapon ko yan sa basurahan."

"Obviously, hindi mo naitapon ng maayos." Anito at tinungga ang sariling softdrink saka lumapit sa basurahan. "Ganito ang tamang pagtatapon ng basura." Pagka-shoot sa basurahan ay tumalikod na ito saka naglakad palayo. He can't believe it. Natalo siya at napahiya sa isang babae. Wala pang babae ang nakipag-away sa kanya o sinubukan siyang kontrahin, maliban na lang sa ina niya at sa bunsong kapatid. Naiinis na bumalik siya sa band room nila para mag-practice. Sa susunod na lang niya pagpaplanuhan ang paghihigante sa babaeng iyon.

Or rather, panliligaw. He grinned.

You May Also Like

The CEO's Substitute Wife

Sampung taong gulang siya noon nang ipadala siya ng mga magulang niya sa US at doon pinatira sa lolo't lola niya. Madaming dahilan kung bakit siya inilayo ng mga ito. At isa na doon ang pagtago sa kanya sa mga Sandoval. She was sad that time because she knew that her parents never liked her. Kaya nga pinadala ito siya ng mga ito sa ibang bansa. She tried to beg but they never give her a chance. She was abandoned by her own family. But her grandparents never let her feel that way. Thay kept her,  loved her, and let her feel secured and happy.. But 13 years pass when her gradparents died. Her parents never showed up instead they just send her a money for her grandparents funeral. Ilang araw din pagkatapos ng libing ng mga ito ay pinauwi din siya ng mga magulang niya sa Pilipinas. She was forced to go back because of her sister. Nawawala daw ito bago ang kasal nito sa lalaking mahal niya. Yes. Her sister will supposed to marry the man that she loved 13 years ago until now. The man that she abandoned 13 years ago without noticing it and saying goodbye. Mahal ito ng kapatid niya at suportado din ito ng mga magulang nila. Kaya nga pinadala siya sa ibang bansa sa araw ng operasyon nito. Sa araw na dapat ay kasama siya nitong lumalaban. Pero wala nang halaga yun. Dahil ang lalaking mahal niya ay may mahal nang iba. At yun ang kakambal niya. He don't know anything and she don't have any intentions to say or speak about that matter anymore. Ayaw niyang sirain ang pagmamahalang meron sila. Ayaw niyang maging kontrabida sa isang love story na ang main characters ay ang taong mahal niya at ang kapatid niya. Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil pinagkasundo siya ng mga magulang niya na gawing pamalit sa kakambal niya. She need to marry him as a substitute to her twin sister. She can't even protest about it. Time passed and they are now husband and wife. But that's only in a piece of paper that they've signed. Isang taon din ang lumipas hanggang sa bumalik ang kakambal niya. Pero sa isang taong yun ay may namuo kayang pag-ibig na maaaring magbago sa kanilang tadhana o tutuldukan na nito ang lahat nang meron sila? Let's all find it out!

Mixxy_18 · Urban
Not enough ratings
31 Chs

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
WoW! You would be the first reviewer if you leave your reviews right now!

SUPPORT