1 Chapter One - She's Mine

"Where's Mackie?!" bungad na tanong ng direktor nilang si Vice pagkapasok nito sa dressing room nila.

Nagkatinginan sina Kiefer and Francis sa isa't-isa. Nang wala sa kanila ang sumagot ay inis itong lumabas at di sinasadyang napalakas pa nito ang pagsara ng pintuan nila.

"What do you think will be the reason this time?" Natatawang tanong ni Keifer habang inaayos ng stylist ang buhok nito.

"Are you seriously asking me that question? Was there a time ba na hindi babae ang naging rason?" Natatawang sagot nito.

"Yeah, you're right." May lungkot na sagot ni Keifer. "At sino na naman kaya ang kawawang biktima?"

"As if may ipinakilala siya sa atin na ni isa, sa mga naka one night stand niya."

"Francis..." Saway ni Keifer sa kaibigan sabay tingin sa dalawang hairstylist at make-up artist na kasama nila sa loob ng dressing room.

"Come on, Keifer. Everybody knows, Mackie's extra curricular activities with women. Ikaw na lang yata ang hindi pa tanggap ang hobby ng kaibigan natin."

"Bakit, hindi mo ba nami-miss ang dating Mackie?" medyo emosyonal na tanong nito kay Francis na hindi naman agad nakasagot.

Nawala rin ang ngiti ng mga kasama nila sa loob ng kwarto. Saglit silang napaisip sa tanong ni Keifer.

Maya-maya ay sabay silang napatingin sa may pintuan ng biglang pumasok ang subject ng usapan nila.

Literally "woke up likes this" ang itsura ni Mackie. Kasunod nito si Derik Vice na halos hindi maipinta ang mukha sa galit. Sinenyasan nito ang mga make-up artist nila at hairstylist na lumabas.

Nang silang apat na lamang ang natira, ay tsaka lang nagsalita ang deriktor ng show nila na at the same time ay manager din nilang tatlo.

"Seriously, Mackie?! A sex video!!!"

Gulat na napatingin kay Derik Vice sina Francis at Keifer pagkatapos ay kay Mackie na nakaupo at nakaharap sa repleksiyon nito sa salamin. Walang maaaninag na emosyon sa mukha nito.

"I thought you want something big na pag uusapan ng lahat about me? No worries, I'm sure this scandal will last three to five months. Which is enough for them to stop digging up my personal life." Kalmadong sagot nito.

Napabuntong hininga ang direktor nila. Naiitindihan niya kung ano ang pinanggagalingan ng naging desisyon ni Mackie. Pero para sa kanya na naging pangawalang ama na rin ng mga ito, ay alam niyang mas lalong pag pipyestahan ng media ang sex video na inilabas ni Mackie. Hindi lang sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang bansa.

"At ito talaga ang naisip mong solusyon?" Nagpipigil sa galit na tanong nito.

"Well, the issue must be big as this to make them forget my failed relationship with Celine. That issue made my life miserable for two f*ck*ng years, Vice. In which, that bitch took advantage off para umangat ang career niya not just here in the Philippines but in other countries as well. She can't use me anymore. I will never let her use me again."

"But this scandal will still ruin your career, Mackie." Si Keifer na hindi na napigilang hindi sumali sa usapan.

"I don't give a shit, mawala lang si Celine ng tuluyan sa buhay ko."

"You should have opted for a more positive scandal then. Like, aalis ka na sa showbiz para mag pari or di kay ay mag confess ka in public that you're gay." si Francis, trying to calm the atmosphere.

Ilang segundo muna ang lumipas bago sabay-sabay na nagtawanan silang tatlo. Pero yung tawa ni Mackie ay hindi man lang umabot sa mga mata nito.

"Do you really think na kakagatin ng mga tao yan?" anang direktor nila. "Worst case scenario will be, magkakaroon ng malaking rally ang mga fans ni Mackie. Biruin mo, the most sought-after bachelor ng bansa ay magpapari? or malalaman nilang bakla pala? Come on, Francis. You can think better than that"

"How about being engaged to a mysterious girl?" si Keifer.

Napatingin silang lahat kay Keifer.

"Mawawala si Celine sa buhay mo without destroying your image. With a right story, tatangapin for sure ito ng fans and who knows they might find it romantic. All we need to do, is to look for that perfect girl and create a romantic plot."

From Keifer ay napatingin ang lahat kay Mackie.

"That's insane..." si Mackie na tumayo at kumuha towel sa loob ng bag na bitbit nito kanina. "I'll be ready in ten minutes." anito bago pumasok sa loob ng banyo.

Pumasok na ulit sa loob ang mga make-up artist and hairstylist nilang tatlo. Nauna na rin ang direktor/manager nila sa studio. Pero kapansin-pansin ang interest nito sa suhestiyon ni Keifer.

Habang sina Francis naman at Keifer ay mas piniling manahimik. Masyadong maselan ang sitwasyon ni Mackie. Mahirap na at baka may impormasyon pang makalabas.

After ten minutes, ay sabay-sabay na silang tatlong naglakad patungo sa studio ng show nilang The Ultimate Champion. Pang anim na season na nila ito and probably will be the last season kung hindi nila maibabalik sa dati ang ratings ng show. From season 1 to 3 ay never na bumaba sa 70% ang ratings nila. Hindi lang kasi sa Pilipinas sikat ang show nila kung hindi pati na rin sa iba't-ibang bansa. Pero simula ng sumabog ang issue ni Mackie with Celine ay hindi na nila halos naaabot ang 30% na rating. Pero dahil malakas pa rin ang hatak nilang tatlo sa mga tao during concerts here and abroad ay binigyan sila ng management ng huling pagkakataong pataasin muli ang rating ng show nila.

The Ultimate Champion is very close to their hearts. Kaya naman gagawin nila ang lahat bumalik lang sa dati ang pamamayagpag nito.

Pipili silang tatlo nga tig sasampung contestant para sa kani-kanilang camp. Every camp ay magkakaroon ng mini contest. Kung Camp ni Francis ang naka-schedule for the mini-contest. The 50% votes will be from the viewers of the show, 25% will be from Mackie and Keifer. Then, the remaining 25% will be from Francis. And so on and so fort, hanggang tig iisang contestant na lamang ang matitira bawat camp. Doon ay hahasain nila ng husto ang representative ng bawat camp nila. Then will undergo 3 stages face off, each with a specific genre. Ang score na makukuha nila bawat face off ay ang magiging 50% ng scores nila sa grandfinals and the remaining 50% will be from the viewers of the show.

Last day na ng audition, may 12 contestants na si Keifer, 14 kay Francis. Habang si Mackie naman ay siyam pa ang napilpili for his camp.

Kung lumampas man sa sampu ang mapipili ng bawat camp. Ay magkakaroon nga elimination round ang camp. Ang hindi pasok sa top 9 ang pagtatapatin at doon pipiliin ang pang sampung contestant.

Nang lumabas ang luhaang contest sa studio ay hinarap ni Francis si Mackie.

"Come on, Mackie. Masyadong mataas ang standards mo. Kung hindi lang masyadong marami ang hopefuls ko sa camp. Bibigyan ko iyon ng pagkakataon. Kahit paos ay kapansin-pansin na maganda ang boses nito."

"If her dream is to be the next Ultimate Champion, dapat ay sineryoso niya ang pangarap niya. Paano siya mananalo kung ang simpleng pag-alaga sa boses niya ay di niya magawa?" Anito habang nakatoon ang mga mata sa isinusulat.

"Francis, disiplina ang una nilang dapat na matutunan. Walang singer na magtatagal sa industriyang ito kung wala ito sa systema nila. At pareho nating alam iyon." si Keifer.

"Well, you're right." Sang-ayon ni Francis. "Pero sayang talaga eh." pangungulit nito.

"Francis!" magkasabay na sabi nina Mackie and Keifer.

"Joooke!" sabay taas ng dalawang kamay.

Naputol ang pag-uusap nila ng biglang may umubo, to get their attention.

Sabay-sabay silang napatingin sa harap.

"Ha-aayy..." nahihiyang bati ng babaeng mukhang kanina pa nakatayo sa harapan nila.

"Hi there!" nakangiting sagot ni Francis na siyang unang nakabawi sa pagkabigla. "I am sorry if we did not noticed you right away."

"It's alright..." sagot nito.

"Wow...you're so pretty." si Keifer. Galing sa pagbigla ay namangha naman ngayon sa ganda ng susunod na mag o-audition.

"Oo nga no, parang mali yata ang napasukan mong audition." biro ni Francis.

Napangiti naman ang babae na kanina pa patingin-tingin kay Mackie. Habang ang binata naman ay nakatingin rin lang rito na parang wala lang.

"What's you're name?" walang emosyong tanong ni Mackie rito.

***

Medyo nagulat siya ng marinig ang boses ni Mackie.

"Po?" dahil sa tindi nga kabang nararamdaman ay hindi na niya narinig ang sinabi nito sa kanya.

Pero mas lalo siyang kinabahan ng biglang nagsalubong ang mga kilay nito.

"Bingi ka ba?!" may kaunting iritasyon sa boses nito.

"Mackie?!" saway ni Keifer.

"I'm sorry, kinakabahan lang po talaga kasi ako." hingi niya ng paumanhin kay Mackie na napabuntong-hininga na lamang sa ibinigay niyang rason.

Relax...kaya mo ito. Huwag mong sayangin ang ilang taon mong paghahanda para lang sa araw na ito.

Huminga siya ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili.

"Hi! My name is Erica Mercado. I am 20 years old from Cagayan de Oro City." .

"What are you going to sing for us today, Erica?" si Keifer.

"Don't know what to do by Janine Teñoso version."

Napangiti sina Francis and Keifer sa sagot niya. Habang si Mackie naman ay nakayuko at patuloy sa pagsusulat Parang wala itong interest na makisali sa usapan.

"The stage is yours..." si Francis.

Kinuha niya ang dalang gitara na itinabi niya kanina pagpasok. Binigyan naman siya ng upuan ng staff at naglagay rin ng microphone stand sa harap niya.

Sinimulan niyang patugtugin ang intro ng kanta.

"I have loved you only in my mind

But I know that there will come a time

You'll feel this feelin' I have inside..."

"You're a hopeless romantic is what they say

Falling in and out of love just like a play

Memorizin' each line

I still don't know what to say

What to say"

Papunta na siya sa chorus ng biglang umangat ang tingin ni Mackie at napako sa kanya. Agad na kumabog ang puso niya, at uminit ang mukha.

"Don't know what to do

Whenever you are near

Don't know what to say

My heart is floating in tears

When you pass by I could fly

Every minute, every second of the day. I dream of you in the most special way. You're beside me all the time. All the time..."

Hanggang sa matapos niya ang kanta ay wala siyang makitang emosyon sa mukha nito. Pumalakpak naman sina Francis and Keifer pati ang ilang staff sa studio.

"Wow just wow..." si Francis. "Your voice is so refreshing. It's pure and soothing. We normally appreciate singers who can belt but yours is exceptional. Yung pag may problema ako, papakantahin lang kita then I will feel better. Ganoon ang nakikita kung impact ng boses mo sa mga tao."

"I agree, Francis. I think it's time that we have to try something new this season. What do you think, Mackie?"

"I want to hear your high notes. Sing something else..." anito habang nasa isinusulat pa rin ang mga mata.

***

Francis and Keifer were right. Maganda nga ang boses nito and personally, he find it very powerful as well. Kaya ng boses nitong pangitiin o di kaya ay paiyakin ang sino mang nakikinig rito. Isa sa pinaka importeng aspeto na dapat taglayin ng isang singer. But reality wise, ay malaki pa rin ang impact sa isang singing competition kung marunong bumirit ang isang contestant.

"Sorry, I can no longer reach my high notes." mahinang sagot ni Erica.

She can no longer?

Napatingin siya sa rito.

"Why? Nagkasakit ka ba noon at naapektuhan ang boses mo?" curious na tanong ni Francis.

Umiling ito.

"Ah-I...was traumatized due to an incident na nangyari noong minsan na sumali ako sa isang singing competition sa lugar namin. I was about to reach my high notes ng barilin sa harap ko ang brgy. captain namin na isa sa mga judges. After that, hindi ko na kayang ang mga matataas na kanta. Ilang Psychiatrists and music teachers na rin ang nilapitan namin but none of them was able to help me."

Nang wala sa kanila ang umimik at lumapit ito sa kanila at may ipinakitang video sa cellphone nito.

"This is the first time na sumali ulit ako sa isang singing competition after what happened. My mother kept the vidoes that she recorded during those time na sumasali ako ng singing competition. Just in case na maisipan kung sumali ulit at ma ikwento ko tungkol sa nangayari sa boses ko. To prove that I am not making up stories. Gusto kung bumalik sa dati ang kakayahan ko sa pagkanta. Kaya naman sumali ako sa The Ultimate Champion. Giving me a chance to compete in your show is like a giving my passion in singing a second chance as well."

The little girl who sings in the video was about 10 to 15 years old. Pero ang boses nito ay parang hasang-hasa na sa pagkanta. Hindi lang boses nito ang magaling kung hindi pati narin kung paano nito ini-interpret ang kanta. Facial expression, hand and body movements lahat ay on point.

"Oh my, she sings just like you, Mackie, back when we were still competing for The Champion. The riffs and runs were just like yours."

"Video niyo po kasi ang parating pinapanood ng mama ko sa akin noon. Wala po akong formal voice lesson pero mas matindi pa po ang mama ko kesa sa isang voice coach." natatawang kwento nito.

Hindi niya alam kung bakit pero gumaan ang pakiramdam niya ng marinig ang tawa nito. Ngayon lang yata ito naging relax simula kanina.

"I want to hear you sing this song." Nakita niya ang kaunting panic sa mga mata nito. "Relax, we just want to know kung hanggang saan ang kaya mong e-birit. Yes, maganda ang boses mo and there is no doubt about it. But reality check, mas malakas parin ang hatak sa audience ng mga contestants na marunong bumirit."

Napatango naman sina Francis ang Keifer. Naiintindihan nila ang punto ni Mackie. Kung maibabalik lamang ang dating kakayahan nitong abutin ang mga pambihirang nota. Gaya ng nakita nila sa video ay tiyak na malaki ang pag-asa nitong manalo.

"You want a second chance right?" si Mackie habang tinitingnan ng mataman ang dalaga.

***

Napapikit siya ng mariin at huminga ng malalim. Pagkatapos ay sinimulang kantahin ang "Listen".

"Listen to the song here in my heart

A melody I start but can't complete

Listen to the sound from deep within

Its only beginning to find release"

Nakita niyang napangiti sina Francis ang Keifer. Habang si Mackie ay nakapikit habang nakikinig sa kanya.

"Oh the time has come for my dreams to be heard

They will not be pushed aside and turned

Into your own, all 'cause you won't..."

Nagsimula na siyang mag panic. At gaya ng kadalasang nangyayari, naging falsetto ang pagbirit niya.

"Listen..."

"Listen, I am alone at a crossroads

I'm not at home in my own home

And I've tried and tried

To say what's on my mind..."

"Alright, stop!" narinig niyang sabi ni Mackie.

"It was not bad..." si Keifer.

"Yeah, you started the song really well." si Francis.

Bigla siyang nabuhayan ng loob sa mga narinig. Pero ng mapatingin ang dalawa kay Mackie biglang naglaho ang ngiti niya. Feeling niya nasa mga kamay nito ang magiging desisyon kung makakapasok ba siya o hindi.

Nakapikit pa rin ito, kung hindi siya nito pinahinto kanina ay malamang na aakalain niyang nakatulog na ito.

Nang hindi pa rin ito umiimik ay nagsalita na si Keifer.

"I am so sorry, Erica. This may not be the competition for you." malungkot na sabi nito.

Unti-unting nanlabo ang paningin niya, dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata. Pero pinilit pa rin niyang ngumiti.

"Thank you for coming and I hope to see you on season 7." si Francis na labis ring nalungkot sa nangyari.

"I understand..." maiksi niyang sagot. Muli niyang nginitian ang mga ito bago tumalikod. Nang makatalikod ay huminto muna siya saglit at kinagat ng mariin ang ibabang labi niya. Inangat ang ulo at umasang sana ay bumalik ang mga luha niya. Hindi niya gustong umiyak pero parang gusto ng sumabog ng puso niya sa bigat ng nararamdaman. Mukhang tuluyan na ngang nagsara ang pintuan para sa pangarap niya.

Huminga siya ulit ng malalim bago muling naglakad patungo sa pintuan.

"She's mine..." anang isang boses.

Bigla siyang napahinto sa paglalakad.

Tama ba ang naririnig ko?

Kinakabahang napalingon siya sa likod. Baka kasi mali ang pagkakarinig niya. Pero mga mata agad ni Mackie ang sumalubong sa mga mata niya.

"Welcome to my camp..." anito habang nakatingin ng deretso sa kanya.

Doon na bumigay ang mga luha niyang kanina pa nagbabadyang umagos. Naitakip niya sa bibig ang dalawang kamay at napahagulhol.

"Salamat..." ang tanging nasabi niya habang umiiyak.

TO BE CONTINUED

avataravatar