1 1

PUPUNGAS-PUNGAS si Desiree nang bumangon. Iginala niya ang paningin sa paligid at natutop ang bibig nang mapagtantong wala siya sa sariling kuwarto. Sinilip niya ang sarili. Malakas ang kalabog ng dibdib niya nang makitang panty at bra lang ang suot.

"Shocks! Biktima ba ako ng one night stand?" Inalala niya ang nangyari sa nagdaang gabi. Inimbita siya ng dating Admin Assistant sa working place nito at pagkatapos humingi siya ng hard na inumin dito. Hindi siya sigurado kung anong inabot sa kanya. Basta lagok lang siya nang lagok. Sinasabayang iyon ng walang katapusang rant kagaya ng ayaw na niyang umibig pa, ayaw na niya sa mga lalaki at iba pa. Gusto niyang makalimot at iyon ang priority niya hanggang nandilim na ang lahat sa kanya

"Teka... nasaan si Miss Clare?" At doon lang siya dali-daling tumayo. Saktong bumukas ang isa pang pinto at bungad doon ang bagong ligong si Clare. Nakasuot ito ng bathrobe.

"Oh, gising ka na pala? Kumusta ang pakiramdam mo?"

Napahikbi na siya. "Miss Clare! Ikaw ba ang nagdala sa 'kin dito?"

"Yes, pero nasa resto bar pa rin tayo. Pinahiram nila sa akin saglit ang kuwartong 'to."

"Wala ba akong ginawang kakaiba?"

"Wala naman maliban sa naghuhubad ka pag lasing." Humagalpak si Clare.

"Thank you talaga at sorry sa abala."

"No problem. Basta ba magtutulungan tayong makalimot, e."

Humakbang si Clare papalapit at saka humawak sa hindi kalakihang dibdib ng dalaga.

"Sana meron din ako nito," at matapos naglandas ang daliri pababa, sa gawing puson.

Napaigtad naman ang nagulat na si Desiree.

"M-Miss Clare!" Dumistansiya at pinulot na ang nagkalat na damit sa sahig. "Kahit na babae ka, huwag kang basta-basta nanghahawak."

"Paano kung sabihin ko sa 'yong m

Napahinto sa pagbihis si Desiree. "Ano 'yang sinasabi mo, Miss Clare?" Huwag ka ngang magbiro, mahanginan ka at bigla na lang magkatotoo ang---" Nahinto siya nang makitang nalaglag ang kaninang suot ni Clare na roba. Kasunod nang malalakas na tili ay pagkawala ng ulirat sa kanya.

"Kung alam ko lang..." Napahimas pa sa batok si Clare at nilapitan ang dalaga. Binuhat ito pabalik sa kama.

"Sweet dreams, Des." Saka niya inakaso ang sarili. Nagbihis na siya ng panlalaking damit at lumabas muna. Dapat tulog talaga siya ngayon kaso nga lang morning person siyang nag-a-adjust pa ang katawan sa bagong routine.

Napabuga siya ng hangin. Mamimili siya ngayon ng mga panlalaking gamit. Kailangan iyon sa trabaho. Walang nakaalam na bakla siya. Sinisikap niyang maging matigas ang bawat kilos niya. Sa bagong trabaho, kailangan niyang magpanggap ulit. Hindi na yata siya maaalis sa pagkukunwari. Itinabi na rin niya lahat ng make up kit.

"Oh, anong nangyari sa kaibigan mo?" usisa ng lalaking manager at may-ari ng resto bar na si Jonas. Hindi pa siya umabot sa kili-kili nito sa tangkad nitong ayaw niyang alamin kung ano. Basta tinanggap siya nito sa unang araw na mag-apply siyang bartender.

"Tulog pa... sa labas muna ako boss!" paalam niya.

"Ako rin lalabas. May date kami ng syota ko."

Ang tinutukoy nito ay isa ring bartender na sa pagkakatanda niya ay Fourth ang pangalan. Bibihira itong pumasok kaya kailangan talaga ng kagaya. Kapag dumating na ito, halos wala siyang ginagawa. All-around yata ang talent ng nobyo ng boss niya.

Mapakla siyang napangiti at sa mahinang tinig nasabi niyang, "Sana lahat may dyowa."

"Lahat 'yan kung maghahanap ka!"

Napatango-tango siya at nauna nang itinulak pabukas ang kabilang side ng security grill na bakal na pintuan. Doon palang hiningal na siya. Hindi pa rin siya sanay kahit na magdadalawang buwan na siya roon. Ayaw niya sa mabibigat.

"Alam mo, Matt... minsan iniisip kong babae ka. Tignan mo features ng katawan mo... maganda rin ang buhok mo."

"Pangarap ko talagang magkaroon ng mahabang buhok."

"Bagay naman sa 'yo. Ang kaso mas maganda kung babae ka talaga."

Palabiro minsan ang bago niyang amo. Touchy. Mahilig mamisil. Parang ang dati niyang boss na si Sir Tim. Pero this time kasi lalaki na talaga siya sa trabaho. Hindi na niya kailangang magsuot ng mga seksing damit. Wala nang Miss Clare na tatawag sa kanya roon. Siya na si Matt o Matthew.

"Kayo talaga boss! Kita mo namang wala akong boobs." Sinakyan niya ang lalaki.

Humagalpak lang ito at iyon ang eksenang naabutan ni Fourth na isa ring maloko.

"Bigyan kita!" anitong tinaas ang t-shirt at ipinakita ang malaking dibdib at muscles pero sinaway din ng kasintahan.

"Hoy, Cuatro! Nang-iinggit ka na naman. Dedehin ko 'yan mamaya!"

"Sure!"

Natawa na lang si Clare. Ilang saglit lang nagpaalam na ang dalawa at siya umiba naman ng daan. Papunta iyon sa maliit na mall sa gawing kanan, ilang hakbang din mula sa resto bar.

***

Nagkamalay na si Desiree. Mabilis pang inayos ang sarili. Heto at marahan ang hakbang niyang bumaba ng hagdan. Siniguro niyang walang makakita sa kanya. Pero nang marating na ang babang bahagi ng lugar na iyon ay naloka siya. Hindi niya malaman kung nasaan ang pintuan. Pabalik-balik tuloy siya sa kalalakad dito tapos doon. Hindi niya maiwasang nerbiyusin. Napalundag pa nga siya sa gulat nang magkarinig ng sagitsit ng tsinelas.

"Des? Nagugutom ka na ba?"

Nag-init ang pisngi niya pero nagawa niyang harapin ang sanhi kung bakit siya natataranta ngayon. Si Clare.

"Nasaan ang ibang gamit ko? Uuwi na ako."

"Oh! Wait lang, kunin ko sa counter."

Pagkabigay nito sa kanya ng handbag ay saka malalaki ang hakbang na tinungo ang nakabukas na entrada.

"Thank you. Come again."

Lalo lang niyang binilisan ang paglalakad. Hiyang-hiya siya na ewan. Ang lakas din ng kalabog ng dibdib niya. Hindi mawaglit sa isip niya ang rebelasyon.

Bangag siya nang makauwing inuupahang boarding house. Naligo na siya at lahat hindi pa rin siya okay. Naiinis pa rin siya. Kahit na anong kumbinsi niya sa sarili na hindi totoo ang mga nalaman, wala pa rin nagbago.

Tungkol na kay Clare ang gumugulo sa buong sistema niya sa mga sumunod na araw. At talagang hindi na siya natutuwa. Kinikilabutan din siya lalo na kapag iniisip niyang baka may namagitan sa kanila. Lalaki pa rin si Clare at hindi na rin naman siya inosente sa mga ganoong bagay. Nakailang nobyo na siya noong highschool pa lamang siya.

Sa huli, tuwing hapon pagkalabas ng trabaho lagi niyang sinasadyang dumaan sa working place ni Clare. Hindi siya pumapasok pero tama lang para matanaw niya itong abala.

"Nasisiraan na yata ako." Nayayamot siyang kinatok sarili.

avataravatar
Next chapter