webnovel

LOST: CHAPTER 1

Nakakasilaw. Agad tumambad sa kaniya ang bughaw na kalangitan. Napapikit siya. Bumangon na tinatakpan ang mga mata gamit ang kaliwang braso niya, proteksyon mula sa nanunusok na init nang araw, ang kanang kamay naman niya'y ipinantukod niya para makakuha ng balanse. Naramdaman niya ang tekstura nito; pino at magaspang. Napatingin siya rito. Buhangin.

Nakiliti siya sa sensaysong dala ng malamig na gumuguhit sa mga hita niya. Tinignan niya nito. Karagatan. Biglang napuno ang utak niya ng katanungan.

Sumakit ang ulo niya. Blangko ito at wala siyang mahagilap na impormasyon tungkol sa pagkatao niya. Kung saan siya galing at bakit siya naririto.

Tumayo siya at ginala ang paningin sa paligid. Puti at pinong buhangin, masayang alon na pabalikbalik, malawak na karagatan at ang desyerto nang kawalan. Napalingon siya sa bandang kanan, may nahagilap siyang isang katawan na nakahiga rin sa dalampasigan. Nilapitan niya ito.

Metro pa lang ang layo niya ay bigla na lang itong tumayo. Palingon-lingon at gaya niya'y naguguluhan din sa nangyayari. O sa tingin lang niya? Nang magtama ang kanilang mga mata, ngumiti ito sa kaniya.

"Hi," sabi nito na walang bakas ng pagtataka.

"H-hello," tugon naman niya.

"So, I guess, tayong dalawa lang talaga. Anyway, I'm Cyan Dale Baltazar, Cyan na lang for short. Gaya mo, nakasakay din ako sa VIP ship na papuntang Japan na lumubog kagabi." Sabi pa nito at bumuntong-hininga. "What's your name, sir?"

Hindi siya nakasagot. Isa pa yan. Sino nga ba siya? Naasan siya? Kung totoo ang pinagsasabi ng batang ito, na survivor sila, wala siyang ideya sa pagkatao niya o sa dahilan kung bakit siya sumakay nang barko papuntang Japan. Simula paggising niya ay napuno ng katanungan ang utak niya.

"Ano na?" Tanong ulit ni Cyan. Wala itong kaide-ideyang wala palang natatandaan ang kaharap niya.

Napakamot lang ito ng ulo.

"Hala, sir! Hindi mo matandaan kung sino ka?" Tumango lang ito. "Ang pangit naman siguro na magkasama tayo dito tapos wala kang pangalan. Would it be okay kung gawan kita, or ikaw na lang?" Tumango ulit ito.

"Teka sir, kasabay ba ng pagkawala ng alaala mo at ang pagkawala ng boses mo?" Nagtatakang tanong nito.

"Pasensya na. Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon."

"Sige, okay lang ba sa'yong pangalanan kita, o ikaw na lang mag isip ng pansamantalang pangalan mo?"

"Kailangan pa ba 'yun?"

"Oo naman. Kung nawawala nga tayo, at nasa isla tayo ng kawalan, maaring matagalan tayong makakauwi sa mga tahanan natin. Gusto mo bang tawagin lang kita ng 'Sir' hanggang sa may sumundo sa'tin dito at magrescue?" Litaniya ni Cyan. Batid niyang may punto nga ito.

"O sige. Pero ganun na ba talaga ako katanda para tawagin mong 'Sir'?" Natatawang tanong niya.

"Kung ikukumpara sa akin, bilang 19 pa lang ako... Sa tingin ko naman ay mid-20's ka lang." wika nito habang naglalakad at sinusuri siya. Umiikot ito sa mula sa kaniyang kinatatayuan at kinikilatis siya mula ulo hanggang paa.

"Pasensya na ah, wala talaga akong maalala." Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa kaniyang ulo. Binalewala niya lang iyun.

"Okay lang 'yan." Kinilatis ni Cyan ang kausap. Mula ulo hanggang paa. Nagtaka naman ito sa inakto niya. "Mid-20's, muscular, 5'9 or 5'11, patingin ng daliri," utos nito. Pinakita naman niya ang kaniyang dalawang kamay. "Hmmm, single?" Napakibit-balikat lang ito.

"Ang hirap mo namang pangalanan. Hindi babagay sayo ang mga common names like John, Paul, Mark or Luke. Sa tingin ko naman ay may lahi ka. Gee, VIP ship yun, ano ba?" Nagisip si Cyan habang nakahawak ang mga daliri sa kaniyang baba.

"Kung Martin kaya? Hmm, okay din kung Eric. Pwede ding Robin. O Daniel. O Mac. Okay! May naisip na ako!" Biglang kumislap ang mga mata in Cyan at gumuhit sa mukha niya ang isang ngiti. "RED!"

Napangiti naman siya sa tinuran nito. "Bakit naman Red?"

"Kasi naka Red sando ka. Ewan kung sando ba yan o T-shirt talaga na naging sando lang dahil sa nangyari? Ayan, simula ngayon, Red na ang itatawag ko sa'yo!" Inabot ni Cyan ang kanang palad. "Hi, I'm Cyan and you are?"

"Red." Natawa nalang siya sa kakulitan nito.

***

SOS.

Mula sa kinauupuang bato ni Red ay nababasa niya ito. Si Cyan ang nakaisip ng ideyang 'yun. Gaya nang nababasa niya at napapanood sa pelikula. Gawa ito sa mga sanga ng kahoy at nilakihan talaga nila para makita kahit sa malayo ng mapapadaang eroplano.

Bumalik na si Cyan mula sa paghahanap ng sanga para ipanggatong sa apoy na gagamitin nilang pantawid ng lamig sa buong gabi.

"Wala ka paring maalala?" Biglang tanong nito habang naglalagay ng kahoy sa apoy.

Ngumiti nang mapait si Red at hindi nakasagot.

"Okay lang 'yan. Ang importante, ligtas ka." Sabi ni Cyan. Pampalakas ng loob.

"Natatakot kasi ako. Baka may kasama akong mahal sa buhay sa barko tapos ako lang yung nakaligtas. O kaya baka yung pamilya ko, baka nag-aalala na sila. Ikaw, hindi ka ba natatakot?"

"Takot saan?"

"Sa edad mong 19 eh nasa isang sitwasyon kang gaya nito? Tsaka hindi ka ba nag aalala sa mga magulang mo o kapamilyang kasama mo sa lumubog na barko?" Tanong ni Red. Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Cyan at nagkibit balikat.

Nakatingin siya sa apoy na tila sumasayaw. "How ironic lang na malungkot parin ako kahit never naman nangyari ang huling itinanong mo. Hindi ko naman sinasabing sana kasama ko sila sa lumubog na barko, the fact is that, mag-isa akong sumakay ng barko papuntang Japan because my parents were way better, way happier without me."

Kumunot ang noo ni Red sa pahapyaw ni Cyan sa buhay niya. Natawa naman siya sa reaksyon ni Red. "Ganito kasi yan, I am a typical Rich Kid. When you say typical rich kid, that means I shared same struggle with other rich kids. Mayaman kami, lahat ng luho namin nakukuha namin, material things—you name it. But the love and support from our parents, I guess not. No. It's not a guess. Never. So ayun, pupunta kasi ako sa Universal Studios sa Japan, sa Hogwarts Castle. At oo, mag-isa lang talaga ako." Nakangiti ito subalit ang mga mata nito ay iba ang sinasabi.

"Pero bakit barko ang sinasakyan mo?"

"Takot akong sumakay nang eroplano, eh." Sagot naman nito at huminga ng malalim.

"Sa VIP ship ba, nakita mo ako?"

"Oo. Nasa upper deck kayo eh. Kasama mo mga artista. Nabwesit pa nga ako kasi pinaalis nila ako sa pwesto ko kasi may pictorial daw, ewan ano yun pero hindi ko talaga alam ang pangalan mo. Kung sikat ka man sa showbiz, hindi din kita marerecognize, isolated kasi ako. I mean, nasa kwarto lang ako palagi, nagbabasa ng libro." Kwento pa niya.

"Ang dami mo namang pinagsasasabi." Natatawang wika ni Red.

"But seriously, sa tindig at features mo, hindi nalalayong artista ka o modelo. Ewan."

"Alam mo, nacurious tuloy ako sa itsura ko." Kinapa ni Red ang mukha niya. "Wala pa namang salamin."

"Ah, gusto mong makita ang mukha mo?" Excited ang tono ni Cyan. Tumango naman si Red. "Okay ganito. Lalapit tayo sa apoy. Tapos titingin ka sa mga mata ko. Tumingin kang maigi at makikita mo ang repleksyon mo."

"Bakit hindi mo na lang i-describe ang mukha ko?" Nag-aalangang sabi ni Red.

"Reader lang ako. Hindi writer. Hindi ako magaling magdescribe. O sige, kung gusto mo talaga, ito ang description ko sayo… Matangos ang ilong mo, mahaba ang shape ng mukha mo. Singkit na mga mata. Tanned skin, at manipis na labi. Ayan. Satisfied?" mabilis na pagkakasabi nito. Natawa na lang siya sa bilis nitong pagsasalita na tila kumakanta ng rap.

"O sige na nga." Pagsang-ayon ni Red sa suhestiyon ni Cyan, after all wala naman siyang magagawa.

Humarap si Cyan sa kaniya. Nasa gilid lang sila ng apoy at isang dipa pa ang layo nila dito. Ngumiti si Cyan sa kaniya. "It's my pleasure to be your mirror."

Inilapit ni Red ang mukha niya sa mukha ni Cyan. Naiilang siya, hindi niya mawari kung bakit. Gusto lang niyang kahit man lang sariling mukha ay malaman niya. Bawas na sa mga nawala niyang alaala.

Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nila. Itinigil ni Red ang paglapit niya. Wari niya'y sapat na iyun para makita ang mukha niya sa mga mata nito. Tinitigan niya ang mata ni Cyan. Natuwa siyang may repleksyon nga siya doon. Tinignan niya ito at minemorya. Hindi masyadong malinaw pero pwede na. Tinitigan pa niya ito. Pero ngayon gumalaw na ang mga mata niya at parang may sariling utak ang mga ito na sinuri ang mukha ng kaharap.

Makinis na mukha nito, mapupungay na matang pinoprotektahan ng itim at makapal na piluka't kilay, pormadong ilong at mapupulang labi. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya na tila galing siya sa pagtakbo.

May kung anong enerhiyang humaplos sa puso niya. Napaiwas siya nang tingin. Dumistansya siya. Nakita niyang nakangiti ang kaharap at natuwa siya sa nasilayan. Naalarma siya sa kakatwang inakto. Nag-init ang katawan niya, marahil sa apoy na katabi nila.

"Ano? Satisfied?" nakapiling ang ulo nitong nakatingin sa kaniya at nakangiti.

"O-oo!" Nag-iwas siya nang tingin dito at tumayo. Pinagpag ang mga tuhod mula sa mga mumunting buhangin na dumikit sa kaniyang balat. Hindi siya makatingin nang direkta sa binata. Hindi niya alam kung bakit pero naguguluhan siya sa kaniyang nararamdaman.

***

Ginising si Red sa sobrang lamig ng klima. Patay na ang apoy na kanina'y nagbibigay ng liwanag at init sa kanilang mga katawan. Madilim parin ang paligid at hindi niya wari anong oras na. Niyakap niya ang sarili. Hindi siya makakatulog sa ganoong temperatura.

Napatingin siya sa kasama. Mahimbing itong natutulog. Kahit madilim ay sapat na ang malaporselanang balat nito para mag-stand out sa gabi. Hindi maiwasang mapako ni Red ang kaniyang paningin sa disenuebe anyos na batang ito. Nakalukot ito sa sobrang lamig, inunan ang mga kamay, at parang inosenteng batang natutulog sa ilalim ng mga bituin.

Hindi niya rin maiwasang hindi mamangha dito sa tibay ng loob at diskarte sa buhay. Naguguluhan tuloy siya kung anak mayaman ba ito o hindi. Kanina, si Cyan lahat ang kumilos para maitawid nila ang buong araw na hindi nauuhaw at nagugutom. Maging ang apoy na bigay ng init sa kanilang katawang lupa ay gawa ng binata. Naikwento nito na sumasali siya ng mga camping sa Boy Scout.

Magtatagal kaya kami rito? Bigla niyang natanong ang sarili. Kasama ito sa mga bagay bumabagabag sa kaniya. Kung masusurvive ba nila ang gutom at uhaw o ang lamig. Paano kung may buhay ilang silang makasalubog dito? Paano kung magkasakit ang isa sa kanila? Ilan lamang ito sa mga bagay na bumabagabag sa kaniyang isip. Hindi niya iniisip ang tungkol sa nawala niyang alaala sumasakit lang ulo niya tuwing pinipilit niyang matandaan ang mga ito.

Tama si Cyan, ang mahalaga ay buhay siya.

Nakatingin lang si Red sa karagatan. Nakatanaw siya sa kalayuang sakop nito at walang kahit isang bagay ang pumapasok sa isip niya. Nasiyahan siya nang makita niyang nagsimula nang mag-agaw ang liwanag at kadiliman. May isang linya nang liwanag ang pumagitna sa dagat at kalangitan. Ito ang ikalawang araw.

Next chapter