webnovel

Chapter 2: New Monica

After 5 years.

"Ms. Monica the meeting will start in 15 minutes."

Napatingin ako sa aking secretary dahil abala ako sa pag review ng mga last transaction ng kompanya dahil parang may mali sa report na ipinasa sa aking ng finance department. Ngayon ko lang ito na pansin dahil biglang nag schedule ang board ng meeting.

We have 15 million dollar missing in this month and this is not a small amount of money.

Hindi biro ang ganitong kalaking halaga, and i must find who is the responsible for this. Malaki ang epekto nito sa expansions ng kompanya lalo na may itinatayo kaming bagong business and it's not freaking good.

"Alright Jane, Dalhin mo yung mga documents na ipinasa ng finance last month we need to review it and discuss it with the board." Utos ko rito habang inaayos ko yung mga dapat ko pang dalhin.

"Yes, Miss."

"Are you aware that we're losing this big amount Mrs. Delos Santos?" Tanong ng isang board member ng kompanya sa akin. Kanina pa kami rito sa loob ng conference room dahil sa problema ng kompanya.

Bigla naman nag pantig ang aking tenga dahil sa aking narinig. Agad kong tinignan ang nag tanong sa akin at agad ko itong tinignan ng masama.

"What did you just said Mr. Romualdez? Parang mali ata ang narinig ko." Malamig kong turan dito.

Ngunit nanatili itong tahimik at nakatingin sa akin na may panunuyang ngiti sa mga labi nito.

I know that he just hit it my weakness.

Ibinagsak ko ang aking kamay sa lamesa dahil hindi man lang ito natinag sa akin.

Kaya hinampas ko na ang lamesa na siyang lumikha ng ingay na nag patahimik sa mga taong na rito ngayon sa loob ng silid na ito.

"I ask you Mr. Romualdez ano ang sinabi mo?!" Galit kong tanong ulit rito.

Napatingin naman kay Mr. Romuldez lahat ng mga tao naririto ngayon sa loob at inaantay na mag salita ito.

Lahat ng tao rito sa kompanya alam nila kung ano ang pinakaayaw ko sa lahat.

That i don't want to be called Mrs. Delos Santos it makes me mad all the time. When someone will call me by that disgusting name.  

I don't want to drag my past it's already buried a long time ago.

Too bad for this old man hindi niya ata kilala kung sino ako.

Ngumisi naman ito ng may panunuya na siyang lalong nag painit ng aking ulo. I have respect to everyone lalo na sa mga mas nakakatanda sa akin pero mukhang may exception ako ngayon.

"Why? did i just say a bad word Ms. Delos Santos? or should i say Mrs. Monica Hernandez Delos Santos?" Nanunuyang saad nito sa akin.

I lost it! I really lost it!

Lumakad ako palapit rito dahil  hindi ko na gustohan ang mga lumalabas sa bibig ng matandang ito.

I will teach him some lesson, hanggang sa makalapit ako rito tuwang tuwa pa ang hudyo dahil nakangisi ito sa akin ngayon.

Matalim ang titig ko rito tinitigan ko siya mula ulo hangang paa. Bago ako ngumisi ng mas nakakaloko sa kanya. Habang ang mga tao ,narito sa loob ay nakamasid lamang sa aming dalawa.

"Jane, call Justine and tell him to pull out the share of Mr. Romualdez in my company now." Mariin kong saad habang nakatingin ako ng masama kay Mr. Romualdez.

Napaawang naman ng bibig nito dahil sa gulat sa aking sinabi. At biglang tumayo kaharap ako.

"You can't do that! I own 15 percent share in this company!." Galit na turan nito sa akin.

"I can Mr. Romualdez! and i already did hindi ko kailangan ang 15 percent share mo sa kompanya ko!" Matapang na saad ko.

Tumingin naman ito sa mga kapwa niya board member na narito sa loob tila humihingi ng tulong. 

Ngunit kahit isa sa mga ito ay nanatiling tahimik. Matagal na rin alam ng buong board na may kalokohan si Mr. Romualdez sa kompany at ngayon ay may pagkakataon na para mapaalis ito.

"What?! hindi ba kayo aalma sa ginagawa ng babaeng to?!" Galit na tanong niya sa mga ito habang dinuduro ako.

Isa isang umiling mga ito bilang hindi pag sang ayon sa kanya. Napangisi ako sa aking nakikita ngayon.

Poor old man walang tutulong sayo rito.

"You can leave now Mr. Romualdez and i already order Tony to fix all your things and leave my company i don't need you here." Saad ko rito na siyang nag pag baling ng tingin  niya sa akin.

"You bitch! Halimaw ka! Hindi na ako mag tataka kung bakit ka niloko ng asawa mo!" Galit na sigaw nito sa akin.

Sinampal ko ito ng malakas na rinig ng lahat sa sobrang lakas. I already lost my patience with this old man.

"Get out! Habang may respeto pa akong na titira sayo!" Bulyaw ko habang nakakapagtimpi pa ako. 

Gulat na gulat ang mga tao sa loob ng silid dahil sa mga nangyayari napasinghap ang iilan dahil sa pag sampal ko rito habang yung iba nanatiling tahimik.

Bigla naman pumasok ang dalawang security rito sa loob at dali daling nilapitan ang matandang lalake.

"Take him out of my company, at huwag na huwag nyong papasukin yan rito!" Utos ko sa dalawang security at hinahawak na ang mag kabilang braso ng matatanda at pilit na inilalabas ang matanda hukloban.

Nag pupumiglas naman ito habang pilit siyang inilalabas at nag sisigaw ito.

"You'll pay for this! Mag babayad ka!" Galit na saad nito habang nag pupumiglas sa pagkakahawak sa kanya ng dalawang security.

"I don't have any debt to you, para mag bayad ako sayo!" Nanunuya kong saad.

Hanggang sa tuluyan na itong nailabas ng silid habang ang mga natitira mga tao ay tulala at gulat sa mga nasaksihan.

"The meeting is adjourn." Mariin kong saad sa lahat.

Isa isang nag labasan ang mga ito hanggang sa kami nalang ng secretary kong si Jane ang natira rito sa loob.

"Ms. Monica okay lang po ba kayo?" Nag aalala tanong nito sa akin.

Ngumiti naman ako rito biglang tugon at tumango.

Imbes na meeting ang mangyari isang malaking palabas ang nangyari.

Bigla naman ako nakaramdam ng pagod sa lahat ng nangyari ngayon kaya napaupo ako sa tabing upuan at napahawak sa aking sumasakit na ulo.

"Jane, clear all my schedule meeting today i think i'm done for today and call Mang Berto para ihanda nag kotse." Pagod na utos ko sa aking secretary.

"Yes. Miss." Tugon nito sa akin at nag mamadaling lumabas ito.

Napasandal ako sa sa upuan dahil sa pagod, habang nakatingin ako sa kulay puting kisame ang nakikita ko ngayon. Ang daming nangyari ngayon araw na to.

I smiled bitterly when i suddenly realized what happen awhile ago.

It's been 5 years now seen I've been called on that last name, marinig ko palang ang pangalan na yun ay nang didiri na ako paano pa kaya ang gamitin ko pa ito.

Hindi na ko rin magagamit ang pangalan na yun.

Im a legally free woman now. Na grant ang annulement na file ko isang taon makalipas namin mag hiwalay matagal na akong malaya.

Nang ma-grant ang annulment namin kumalat ito sa publiko kaya hindi na ako na gulat na maraming nakakaalam.

And i don't care, hindi ko ikakabuhay ang mga opinyon nila.

After what happened 5 years ago really changed me.

Nag bago ako ang dating Monica hindi lumalaban ay matagal ng wala.

I'm known as a heartless woman now, dahil na rin siguro hindi na ako basta basta nag papaapi at hindi na ako yung Monica na mahina na iiyak nalang sa isang tabi at hahayaan lokohin na lang.

Sa panahon ngayon wala ng martry dahil hindi ka magkakaroon ng rebulto katulad ni rizal sa luneta.

Kung meron man isang  bagay akong natutunan yon ay ang maging malakas dahil kung magiging mahina ka ikaw lang rin ang magiging kawawa.

Sa lumipas na limang taon alam kong nakawala na ako sa masakit ng nakaraan ko at hinding hindi na ulit ako mag babalik sa dating mahinang Monica.

"Ms. Monica, we have a problem." Saad ni Jane ng bumalik ito.

"What is it Jane?" Tamad kong sagot.

Bigla naman itong natuliro at hindi mapakali sa kanyang pwesto dahil aligaga na ito ngayon.

Kilala ko ang aking secretary alam kong mali kaya siya ganito ngayon.

"Ano ang problema Jane?" Kunot noo tanong ko ulit rito.

"Ms. You have a visitor in you're office n-now." Nauutal na tugon nito sa akin.

Lalo naman kumunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahan na bisita ngayon.

I already order her to cancel all my meetings today.

"Sino?" Tanong ko ulit.

Bigla itong na mutla ng tanongin ko ulit ito.

"Hindi ko po kilala Miss. Pero mukha mahalaga ang pakay ng babae dahil kanina pa raw iyon nag aantay sabi ni Tony." Saad nito.

Bigla naman akong na patayo sa aking kinauupuan at nag mamadaling akong nag tungo sa aking opisina.

Mag kahalong kaba at pagkalito ang nararamdaman ko ngayon. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ko ang aking sarili bago ko buksan ang pintuan ng aking opisina para harapin ang nasa loob nito. 

Nang naramdaman kong okay na ako binuksan ko na ang pintuan ng aking opisina, at ganon nalang ang gulat ko ng makilala ko kung sino ang nasa loob.

"What are you doing here?!" Galit na sigaw ko nang makita ko kung sino ang nasa loob ng aking opisina.

Anong ginagawa ng isang tulad niya rito sa teritoryo ko?!

Next chapter