1 Save Me

Sawang sawa na ako sa lahat.

Kailan ba to matatapos, gusto ko na 'tong mawala, pero paano?

Mawawala ba ang lahat ng sakit pagnawala ako.

Di ko kayang makita silang umiiyak ng dahil saakin

Sa bawat pagngiti ko ay may kalungkutang gusto kumawala pero di ko magawa .

Kailan kaya ako sasaya ? o sasaya pa kaya ako?

Kailan kaya ako iiwan ng sakit ? pag tuluyan na ba talaga akong sumuko.

Nakangiti sa lahat . Pero emotionally gusto ko ng magbreak down. Iwanan sila, na ako habang nakangiti at pinapasaya sila kahit ang totoo isa lamang itong pagpapanggap.

Pero di ko kaya. Ang hirap hirap .

Nakangiti, pinapakitang masaya pero sana mapansin nila na sa bawat ngiti ko'y may kalungkutang dala. Mga mata'y malalamlam at walang buhay . Kailan kaya magkakaroon ng kulay ang aking buhay?

Sawa na ako sa dilim . Sawang sawa na,  ang mununting maliit na liwanag na lang  ang aking pinagkukuhanan ng lakas . Ang pag-asang unti unti na ring nilalamon ng kadiliman.

Kailan kaya ako sasaya ? May darating ba para ako'y iligtas kahit di ako humihingi ng tulong.

Masasabihan ko ba siya ng lahat ng aking saloobin at siya ang magiging happy pills ko para maging masaya sa araw-araw at maging panyo sa tuwing ako'y umiiyak?

Palagi nalang bang itatago sa lahat ang totoong nararamdaman . Ang hirap magsabi ng totoo, mas madali pang magsabi ng salitang okay lang ako sa totoong nararamdaman.

May maghihintay ba saakin, sa kinabukasan?

Magigising pa kaya ako ?

Magiging masaya na ba ako bukas ? o mas magiging malungkot ?

May tao kayang handa akong damayan at hindi ako iiwan sa gitna ng laban?

May magsasabi ba na ngumiti ako kahit mahirap ang lahat?

Alam kong wala, dahil wala namang nandiyan para saakin.

Pagod na pagod ako . Kailan kaya susuko ang utak at puso ko?

Marami akong katanungan-- negatibong katanungan .

May makakaalala ba saakin pag ako'y nawala ng tuluyan?

Mahal ba nila ako?

Umiiyak ako, habang ang bawat salitang sinusulat ko dito ay walang sagot at di ko alam kung kailan masasagot. May nagsasabi saaking tama na, isang parte ng utak ko. tama na ang paglaban pero ito parin ako nakatayo, nakangiti sa lahat para ipakita ayos lang ako at wala akong problemang dinaramdam.

Masama bang magpanggap sa mga taong nakapalibot at minamahal ? Mali bang maging selfless ?

Kasalanan ba ang hindi pagsabi ng totoo ?

Siguro nga . Marami na akong kasalanan na nagawa . Pero gusto ko lang naman na makita silang masaya kahit ako'y nahihirapan na .

Sa bawat pagpatak ng ulan, luha ko'y sumasabay.

Gustong gusto ko ang ulan. Di ko alam kung bakit . Pero kung may magiging rason may isa lang . Walang may makakakita na ako'y umiiyak.

Hanggang dito nalang ba ang lahat?

Siguro nga . Kailangan ko na bang tumigil para mawakasan na ang lahat ng kalungkutang nararamdaman .

O patuloy paring lalaban na walang kasiguraduhan kinabukasan?

Sana mawala na 'to. Gusto ko ng matigil ang lahat dahil nakakasawa at nakakapagod na ako.

Masaya ako habang minamahal sila pero gusto ko ng tumigil ang lahat ng 'to.

Save me ! Save me, and let me go with you . I want to get rid this shit but how ? Help me . Help me to get rid this anguish and let me be happy in just for awhile . Help me to recover from the pain and sorrow.

Help me .. Save me ..

avataravatar
Next chapter