webnovel

Chapter 1

Lumabas si Sky sa Airport at napayakap sa kanyang coat dahil sa lamig.

Sa buwan na iyon ay Spring, March kaya talagang malamig at bumagsak ang temperatura sa 5degrees.

Hindi nakakatulong ang panloob niyang tube sa lamig.

"Damn, what the hell am I into!" Inis na bulong niya at tumingin sa paligid na puro singkit ang nakikita at iba ang salita.

Hindi gumalaw ang mga paa nito at nanatili sa gitna ng malaking hall ng Airport habang busy ang mga tao sa kanyang paligid ngunit siya parang lutang dahil sa nag hahalong nararamdaman.

Pumikit ang dalaga at sa hindi maipaliwanag ay nakadama siya nang lungkot at awa sa kanyang sarili sabay bulong "I am lost in Korea"

May nakabangga sa kanya ngunit parang wala lang itong naramdaman.

"Mianheyo" ani ng lalake sa harap ni Sky na nakapikit parin.

(Trans: Sorry)

"Miss?" Tawag ng lalake.

Dali daling napamulat ng mata si Sky ngunit bahagyang napaatras ito dahil masyadong malapit ang lalaki sa kanya.

"Back off dude" aniya.

"Arraso" ngisi ng lalake kaya biglang kinilabutan si Sky sa gwapong lalaki na ito.

(Trans: Okay)

Naglakad na paalis ang lalaki ngunit mabilis na gumalaw ang binti ni Sky at sinundan ito tsaka kinalabit ang balikat.

Humarap ang lalake tsaka napasipol ng makita ang suot na panloob ng dalaga, kaya mabilis na isinara ni Sky ang coat at niyakap ang sarili.

'Gago' aniya sa kanyang isip.

Huminga ito ng malalim tsaka nag salita.

"Do you know where could I buy a simcard or—-"

"Molla" mabilis na tugon ng lalake at umalis na.

(Trans: I don't know)

Parang tangang napatawa si Sky.

"Now I am sure, he's an alien damn it!" Pinag tinginan siya ng mga tao sa paligid kaya napatampal siya sa kanyang noo. Mababaliw na siya!

Paano siya mabubuhay sa bansang hindi niya inakalang mapupuntahan niya? Wala siyang maintindihan sa kanilang salita, wala siyang pera, paano siya makakauwi ng US o sa Pilipinas!!

Naiinis siya na lumabas sa airport at naglakad lakad habang naka halukipkip sa kanyang coat, hapon na at mag gagabi nadin.

Maganda ang lugar, malawak ang mga daan at maganda ang paligid, hindi madumi.

Nag lakad lang siya sa tabi ng kalsada nang biglang may maitim na Mustang ang tumigil sa tabi niya. Napahinto si Sky tsaka tinignan ang super tinted na bintana ng sasakyan, nag taas ng kilang dalaga tsaka nag lakad muli at tuluyan na ngang umalis ang Mustang na akala mo ay nakiki pag Drag Race sa bilis.

Umupo siya nang may makita siyang bench dahil pagod nadin siya, kahit papano ay medyo uminit ng kaunti ang kanyang katawan dahil sa pagod.

Biglang kumulo ang kanyang tyan. Napakagat siya sa kanyang ibabang labi. Nagugutom na siya damn!

Nilabas niya ang kanyang phone at nag patugtog tsaka isinalpak ang kanyang earphone.

Gabi na. Tumitig lang siya sa kaharap niyang gusali at may nakasulat na Hotel Luna.

Kinuha niyang muli ang kanyang cellphone at nag selfie kasama ang Hotel Luna.

"For the first time, may nabasa din" aniya at natawa ng bahagya dahil halatang kailangan niya pa ng practice sa kanyang Tagalog.

Tumingin siya sa kanyang relo pero oras sa US ang naka rehistro dito ganun din sa kanyang CP.

The street's became busy at marami pading ng kalat na tao dahil sa likod ng kanyang inuupuan ay park.

Palalim ng palalim ang gabi at wala siyang ideya kung anong oras na.

Biglang may lasing na lalake ang papunta sa kanyang inuupuan at umupo sila sa kanyang tabi.

"Hey sekshi (sexy)" ngiti ng isang lalake. Di maikakailang may muka ang dalawa at lasing na lasing na talaga sila.

Kinabahan si Sky at napahalukipkip sa kanyang sarili. It's not a good thing.

"Are cold? I'll make it hot babe" ani pa ng isang lalake.

"F*ck off!" Sigaw ni Sky tsaka tumayo ngunit mabilis na hinila siya ng lalakeng nag sabi ng sexy kanina at iniupo sa bench.

"American hottie" sambit pa nito dahil nakita niya ang suot ni Sky na tube.

"F*ck off!" Sigaw nito tsaka tumayo ulit at tumakbo na ngunit nahabol siya ka agad at pilit na niyayakap at tinatanggal ang kanyang coat.

"F*ck off aliens! Hellpppp!!" Nag pumiglas ang dalaga na si Sky at nag tatadyak.

Hindi siya papayag na sa lasinggero lang mapupunta ang virginity niya never!!

•BeeeeeeP•

Mahabang busina at nakakasilaw na ilaw ng sasakyan ang nagpatigil sa lasinggero at kumaripas sila sa takbo.

Nakahinga ng maluwag ang dalaga at naglakad palapit sa sasakyan ng biglang humarurot ito paalis kaya tumakbo ito, gusto niya lang mag pasalamat...

Hinabol niya ng hinabol ng biglang sumakit ang tyan niya at tuluyan ng napasalampak sa tabi ng kalsada at nawalan ng malay.

Sa kabilang banda—-habang nakatingin siya sa rearview mirror ng kanyang Mustang ang isang Bachelor ay biglang nawalan ng malay ang babae kaya napamura ito at mabilis na nagreverse tutal wala namang sasakyan masiyado.

Bumaba siya sa kanyang sasakyan at mabilis na binuhat ang babae at nilagay sa likod tsaka nag drive papuntang hospital.

Ang Bachelor na ito ay yung lalaki din na nakita ni Sky sa Airport at ang lalakeng tumigil sa tabi ng kalsada kaninang nag lalakad ang dalaga.

"You're stupid enough to wear such a f*cking clothes like that into this kind of weather tsk, what a poor lady" aniya ng lalake na animoy kinakausap ang walang malay na si Sky.

Binuksan niya ang heater ng kanyang sasakyan at paminsan minsan ay sinusulyapan niya ang dalaga.

"Ahhhhhhhh!!!!" Napa preno ang binata dahil sa tili na nanggagaling sa likod, tili ito ni Sky.

"Dodaeche!" Bulyaw ng binata kay Sky.

(Trans: What the hell!)

"Damn your language! First of all I am virgin and second of all you are not my type!" Sigaw ni Sky sabay yakap sa sarili.

Napa iling lang ang binata.

"Neoneun neomu sikkeuleowo" aniya.

(Trans: Ang ingay mo!)

"Huh? Can you please use the international langu—-"

"I am not interested on you at all"

"Then why am I here? Where are you taking me?" Aniya ni Sky.

"Hospital, but since you're awake you can get off my car now" walang kwentang aniya ng binata. Napanganga si Sky at napa pikit ng mamilipit ang kanyang tyan dahil sa gutom.

"What time is it?" Biglang tanong ni Sky.

"11:36 pm"

"Can you do me a favor?" Kinapalan na niya ang kanyang pag mumuka, kung di siya kakain ay baka lalong bumiigay ang kanyang katawan.

She is supposed to be in the Philippines exploring the country's nature while writing some Novels but here she is, lost in Korea without anything aside from her Cellphone that definitely doesn't work in the country.

"One favor one night, and if you dis agree then get off" nalaglag ang panga ng dalaga. Seryoso ba siya!

Sino naman ang disenteng babaeng ibibigay ang perlas ng silangan sa katulad niyang babaero?

Nabwisit si Sky at dalidaling bumaba sa sasakyan at sumampal sa kanya ang napakalamig na paligid kaya napayakap nalang siya sa kanyang sarili at nag lakad at sa kabilang banda ay natatawa ang binata sa nakikita niya at sinundan ang dalaga gamit ang kanyang sasakyan.

———

Please support, I am trying to write even if I am busy at school I hope you'll bear with me thank you so much!!

Next chapter