3 The fixer in love on the Breaker ( Tagalog )

Isang araw umuwe ako sa bahay ng pagod galing trabaho at kaka break lang namin ng ex ko kaya subrang bagsak ako nun walang malapitan para masandalan hindi ko kasi pinapakita sa mama ko na umiiyak ako dahil sa lalake kaya ako lang wala akong kaibigan kahit gusto ko uminom ng uminom hindi ko magawa kasi wala naman akong kasabay buti nalang nakilala ko sila erwin at mga kaibigan nya nakilala ko sila kasi iisa lang ang trabaho ng papa ko at sila driver kasi ang papa ko sa truck at si Erwin naman mechanic sya dun at minsan pumupunta ako dun para pumasyal kay papa pero lagi nila ako niloloko tungkol kay Erwin na aakyat daw sya ng ligaw na liligawan nya ako pero hindi ko yun pinapansin kasi subrang masakit pa sakin yung nangyare sa nakaraan ko kaya wala sakin Yun akala ko jowke may pag ka totoo na pala yun isang buan den lumipas na lagi nalang ganun nangyayare lagi nalang ako niloloko pero wala lang sakin hangang isang gabi may malaki akong problema sakto nakita ko sila sa daan tinanung ko sila , San kayo pupunta , iinom dun sa tawid sama ka , ha ayoko , pero gustong gusto ko kaso iniisip ko puro sila lalaki natatakot ako sumama sa kanila pero pinilit ako ni Erwin kaya sabi ko , Paalam moko kay mama pag pumayag sya edi okay , pumunta sya sa bahay at pina alam nya ako kung pwede ako sumama sa kanila uminom wala naman daw sila gagawing masama kaya pumayag si mama at yun na nga nag inom na kami naka tatlong bote den ako ng maliit na redhourse kaya Medyo hilo nako nun kaya sinabihan ko si erwin na uuwe nako sabi nya mamaya na sabi ko nahihilo nako at bigla ako tumayo nasagi ko pa yung lamesa muntik pa mabasag yung mga naka lagay sa lamesa kaya sabi nya sige na ihahatid na kita dun sa inyo pero hindi kami dumiretsyo sa bahay Kundi sa garahe sa trabaho nila hindi ko alam kung sadya nya ako pinunta dun o may nakalimutan sya pero hindi ko na naisip yun kasi hilo nako nun pag pasok nya sa loob ng baraks nila nasa labas lang ako naka sandal sa harap ng track medyo madilim dun kaya hindi kami mapapansin ng mga tao maya maya pa ay bigla sya lumabas at lumapit sakin, gusto kita , baliw wag nga ako , ang sinabi ko sa kanya pero bigla nya ako hinalikan at nakita ko Mismo yung sparks sa mata nya na nakaka INLOVE talaga kaya wala nako nagawa nun napa sabay nalang ako pag tapus nya ako hinalikan tinanung nya ako anu tayo naba , nagulat ako na may halong saya kaya bigla ko nalang nasabi oo tayo na , ang saya nya tapus niyakap nya ako sabay hawak sa kamay ko tara uuwe na kita sa inyo

KINABUKASAN bigla ko na alala lahat bigla sya nag text punta ka dito mag usap tayo sabi nya pumunta ako dun at nag usap kami ng Matino yung hindi kami naka inom dalawa tinanung nya ako kung seryoso ba ako sa sagot ko kagabi sabi ko oo bigla nya ako niyakap sabay sabi anu gusto mo tawagan natin sya pa pumili Mhi at Dhi sige sabi ko umuwe nako ng bahay lagi na kami magka usap text tinago muna namin ng two months yung samin kala mama at papa kasi ayaw nila sa kanya hangang isang araw sya na pumunta sa bahay at sinabi na kami wala nang nagawa mama at papa ko okay lang sa kanila basta seryoso si Erwin sakin tumagal naman kami ng limang buan hangang yung boss nya napansin na lagi nalang si Erwin nasa bahay isang araw sinabihan nya si Erwin na mag bakasyon muna pinuntahan ako ni Erwin kung gusto koba sumama sa kanya Tinanung ko muna sila mama at papa okay lang para daw maka bakasyon na den daw ako kaya sumama ako kay Erwin umalis kami ng hapon sa Manila sa cagayan valley kasi sya naka tira kaya ilang oras den ang byahe pag dating nami sa kanila subrang Ganda mabait naman yung nanay nya at mga kapatid nya kaya ayun naging close ko naman sila dun na den namin nalaman na kaya pala si Erwin pina bakasyon kasi hindi gusto ng boss nya na lagi syang wala sa baraks nila gusto nya kung stay In ka dun kala kahit wala gawa hindi alam ng boss ni Erwin na sinama ako ni Erwin sa kanila nag stay den kami ng ilang buan dun at lumuwas ulit kami sa cavite para mag trabaho isang taon kaming nag stay dun hangang sa nabuntis ako kaya bumalik kami ng cagayan valley dun ako nag buntis at nanganak ngayon meron nako isang anak at mag aapat na taon na kami ni Erwin nag sasama isang taon naman na ang anak ko at masaya ako sa kung anung meron ako.

avataravatar