1 OneShotPoIto?

9:00 am na nang tumunog ang alarm ko. Apat na oras lang ang tulog ko pero kailangan kung gumising. Ganito ako araw-araw. Mas free ako pag weekend.

Call me Lax. Isa akong third year college student na kumukuha ng kursong Engineering sa isang University malayong biyahe mula sa amin. Galing ako sa probinsya at lumipat ako dito nang mag senior high school na ako dahil hanggang junior high lang ang merun sa amin.

Kinansela ko agad ang alarm at dali-daling bumangon. Tatayo na sana ako at lalakad papuntang banyo ng mauntog ang ulo ko sa second deck. Nagboboard ako. At double-deck ang kama. Wala naman akong kasalanan sa kamang ito pero thrice in a week ay na-uuntog ako dito. Baka rin dahil sa matangkad ako.

Nagbanyo na ako at nang pagbalik ko sa aking room ay sumisigaw ulit ang aking alarm. Ini-off ko lahat. Every five minutes kasi ako pag mag -alarm.

Nagpainit na rin ako ng tubig para magkape. Habang hinihintay ko itong kumulo ay inopen ko ang aking messenger. Mga 15 messages na rin ang naroon. Mula sa aking barkada sa school, sa gc namin, at syempre sa aking girlfriend, si Max.

I call her Max, short for Maxine. Siya ang kauna-unahang girlfriend ko at ako rin ang unang boyfriend niya. Nakilala ko siya nang grade 11 pa kami. Naging classmate, barkada saka naging girlfriend. I've been in a relationship with her for exactly four years and a month.

Ipinakilala niya rin ako sa pamilya niya. Dalawa silang magkapatid, parehong babae. Siya ang panganay. Ang bait ng pamilya nila sa akin, lalong lalo na si tita. She treats me like her own child. Pati na rin si Tito, kaso mga ilang beses lang kami nagsama dahil sobrang busy niya sa trabaho.

Nang nag-college kami, kumuha siya ng kursong Education at ako naman sa Engineering. Magkalayo ang building namin kaya minsan lang din kami magkita. Pero walang nagbago. Alam kong mahal na mahal ko siya at paulit-ulit niyang sinasabing mahal niya ako.

"Good morning babe, still asleep?" Sabi niya sa messenger. Mas maaga siyang bumabangon. 7:30 klase niya pag ganitong araw.

"Hey, babe? Have you seen yung post sa page ng school natin?" Sabi nito. May link pang kasama.

Iniscroll ko pa yung mga messages pero ganun din ang laman. Kaya bumalik ako sa message niya at inopen ang link.

".....Due to Corona, classes are therefore suspended for one week" yun ang bottom line.

Nireplayan ko rin si Max.

"Good morning too babe, I'm up now"

"And yeah, naopen ko na yung link."

"Magpaalam ka kina tita kung pweding pumarito ka muna sa boarding" sunod sunod kong reply.

Wala pa namang mga rules na inissue dahil sa Corona. In short, pwedi pang gumala.

"Okay babe, I'll be there soon" reply nito.

Mga twenty minutes na rin nang may marinig akong katok sa pinto. At alam kong siya yun.

"Push it babe, it's open" sabi ko.

And there she is, ang babaeng ipinangako ko sa sarili kong mamahalin ko habambuhay. Mas gumanda pa siya sa suot niyang white tee shirt at sa nakatali niyang buhok.

Nilapitan ko siya agad at hinalikan sa labi habang yakap-yakap siya. She did the same.

"I miss you babe" mahinang sabi ko sa kanya.

"Miss you too" Saka ko siya hinalikan ulit.

Tumigil lang kami nang nag-whistle ang takure. Pinainit ko kasi uli.

Saka ko na lang napansin na may dala siyang back pack.

"What's the back pack for?"

"I brought my laptop babe. Mag movie marathon tayo." Sagot niyang parang bata.

Kinuha ko na rin sa kanya at inopen yung laptop habang nagtimpla siya ng kape.

"Babe?" Sabi Niya.

"Babe?" Sabi niya ulit.

" Ikaw bahala babe." Sagot ko. Alam ko na kasi yung sasabihin niya. Na tapos na siyang nagkape sa bahay nila at gusto niya ulit magkape. Haha. Adik.

Naghanap na ako ng movie pero walang bago.

"Babe, Wala nama-" pero bago ko pa natapos ay kinuha niya mouse.

"Dito babe o, dito" sabi niya habang binuksan ang folder sa desktop na may pangalang "Ax".

"Eto panoorin natin" excited niyang sabi.

"Sige ."

"Babe, your coffee" sabay abot ng kape sa akin.

"Thanks babe" ka ko. Sa laptop ako nakatingin e. Para kasing napanood ko na. And I'm right, I really did. Pero tumahimik lang ako dahil kita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata.

Wala pang 5 minutes ay inubos na niya yung kape niya. Di ba? Sabi ko sa iyo adik e.

Inubos ko rin yung akin at pumwesto sa kama. Yung paborito niyang posisyon. Habang nanonood. Nakasandal ako sa wall samantalang siya ay nakasandal sa aking dibdib. Dahil sa napanood ko na nga yung movie ay pini-pisil-pisil ko na lang ang kanyang kamay.

Patapos na ang movie nang may maramdaman akong mainit na likidong pumatak sa aking dibdib. Wala pang isang segundo ay may pumatak ulit.

"Are you crying babe?"

Bigla niyang sinuntok ng mahina ang dibdib ko.

Umiiyak nga siya. Haha.

Humarap siya sa akin. Namumula na ang mga mata niya.

"E kasi babe e!" Sabi niya habang sinusuntok ulit ako.

Sino ba naman kasi ang hindi iiyak sa movie na yun. I admit I also cried when I first watched it. And actually, it's one of my favorite movie.

"Babe!" Sabi niya.

Bigla ko na lang siyang yinakap ng mahigpit. I don't know why. Napaluha na rin ako.

Ramdam ko rin ang higpit ng yakap niya.

"It's all right babe" ka ko. Nasa ganyan kaming posisyon hanggang sa natapos ang movie. Pati na ang cast. List of songs . Lahat lahat. Kung curious kayo kung anung movie yun, I'll say the title... "Sanam Teri Kasam".

Matapos nun ay hinalikan ko siya sa noo.

"Tapos na babe. Maghilamos ka nga" patawa kong sabi sa kanya.

Natatawa rin siyang lumabas sa kuwarto at pumuntang nag hilamos.

Nanood ulit kami ng mga movies ,kumain, nagkuwentuhan, natulog. Nagising kami nang 8 na nang gabi.

"Nagtext sina mama. Tinatanong kung uuwi ako or dito na lang matutulog" sabi ni Max.

"Sabihin mong dito na"

At sa boarding ko nga siya nagpalipas ng gabi.

Kinaumagahan, sabay sabay na tumunog phone namin. Mga messages galing sa pamilya , kaibigan.

Suspended na raw yung klase until further notice.

Napagdesisyonan kung umuwi sa probinsya. Nag-usap kami ni Max. Pumayag naman siya. Halos 3 buwan na rin kasing hindi ako umuwi sa amin.

Hinintay niya akong magbihis at i-prepare yung backpack ko. Sabay kaming umalis sa boarding house at ihinatid ko na rin siya sa kanilang bahay.

Bago siya pumasok ay niyakap niya ako ng mahigpit. Hinalikan ko ulit siya sa labi.

"See you soon babe" Sabi nito habang pumasok na sa kanilang gate .

"See you soon."

Pumunta na rin ako sa terminal ng bus pauwi sa amin. Habang nasa bus ako ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.

"Lord, huwag naman po sana."

____________

Alas kuatro na nang nakarating kami sa probinsya.

"Home" aking sambit sa sarili.

I was about to notify Max na nakarating na kami pero walang signal sa lugar na yun.

Nung nakarating ako sa bahay, puro libro na lang ang inatupag ko. Sumasama rin naman ako kina papa sa bukid pag ka nabored na akong nagbasa. Tatlong linggo na ganyan ang routine ko. Hindi ako nanonood ngT.V.

Naaalala ko pa. Gabi ng Sabado yun. Bigla akong napatigil sa paghuhugas nang marinig ko ang lugar kung saan ako nag-aaral. Ang lugar kung saan naroroon ang pamilya ni Maxxine!

May limang patay na raw at may 25 na positive. Na lock down na rin ang City na yun.

Agad Kung Kinuha ko ang keypad na cellphone ni mama at lumabas ng bahay. Para akong tangang nag hahanap ng signal at nang may mahagap na ay idinial ko ang number ni Maxine.

Once. Walang sagot.

Pangalawa. Walang sagot.

Kinabahan na ako. Hustong ida-dial ko ulit nang siya mismo ang tumawag.

"Babe?" Sabi niya.

"Oo, babe ako nga to . Kumusta kayo diyan. Kapapanood ko lang ng balita. Ngayun lang ako nanood. Malayo ba sa bahay niyo ang nagpositibo?" Sunod sunod na tanong ko.

"Oh. Miss you babe. Okay lang kami babe . Saka may mga nagposibo two blocks away." Narinig kong reply niya.

"Mabuti kung ganun" medyo kalmado ko nang sagot.

Mahaba-habang usapan na rin ang nangyari ng gabing yun. Ayaw kong magpaalam pero lowbat na ang cellphone ni mama. Kaya nagpaaalam na rin ako.

"Call you soon babe"

"Sige babe, love you" sabi nito.

I thought I'll feel okay after that call. But no, mas lalo akong kinabahan.

Lumipas ang tatlong araw ay tinawagan ko ulit siya. Sabi niya okay pa rin. Nag joke pa siya. Mahabang usapan ulit.

Sa bawat salitang binibitawan niya ay para bang nagpapa-alam siya. Na parang iiwan niya ako.

"Ang ganda nun babe. Yung movie." Sabi nito.

Tahimik lang ako.

"Lax?"" Narinig kong sabi niya. Bigla ulit akong kinabahan. Ngayun niya lang ulit ako tinawag sa aking pangalan.

"Yeah Babe? Bakit?"tanung ko.

"Huwag kang magagalit babe a. "

"Ba't naman ako magagalit babe?"

"Basta huwag babe. May sasabihin ako"

"Sige babe, hindi ako magagalit" marahang sabi ko.

"Babe. Positive ako.

Akala ko gagaling ako pero parang mas lumalala.

Mas nahihirapan akong huminga. Alam mo namang may asthma ako di ba?" Sabi niya.

Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Kaya pala iba yung nararamdaman ko kapag kausap ko siya.

"You'll win over it babe" yun na lang nasabi ko. "Tiwala lang babe, marami namang nakalulusot niyan di ba?"

"Oo babe, pero may namamatay rin" at narinig ko siyang umiyak.

Gusto ko siyang yakapin. Pero paanu? Gusto ko siyang bisitahin. Pero paanu? Lock down sila! No exit. No entry!

"Tahan na babe, magiging okay din ang lahat." Naiiyak na rin ako.

"Sana nga babe, sana nga"

"Babe?"

"Yeah."

"I love you. I really do" eto na naman. Iba nararamdaman ko pag sinasabi niya ang mga salitang iyon. Na para ba siyang nagpapaalam.

"I love you too babe" aking nareply.

"Call you soon babe" sabi niya saka pinutol yung tawag.

Hindi ako makatulog nung gabing yun. Kung anu anu pumapasok sa isip ko. Alas kuatro na nung nakuha ko tulog ko. Alas sais ng umaga ay bigla na lang akong nabangun dahil sa panaginip. Dumeretso ako sa kusina at nag pa init ng tubig.

Binuksan ko na rin ang TV. Saktong lalagyan ko na sana ang mug ng tubig ay bigla itong nahulog.

"Breaking news! " Anunsyo ng anchor. "Isang estudyante ng __ University ang pumanaw..." Hindi ko na masyadong naintindihan. Awtomatiko akong lumapit ako sa tv at bigla akong napaluha sa aking nakita.

Picture ni Max yun!

Picture niya Yun! Kahit naka blur ay sigurado akong si Max yun!

Tumakbo ako papunta sa kuwarto nina mama para hiramin ang phone niya. Mas malakas kasi sumagap ng signal. Agad kong di-nial number ni Max pero walang sumasagot! Gusto kong magwala! Dali dali kong kinuha phone ko at lumabas ng bahay.

Para akong baliw na komokopya sa numero ni Tita at idinial sa cellphone ni mama.

Sinagot niya rin ito agad.

"Totoo ba tita? Totoo ba?" Mangiyak ngiyak kong tanung.

Umiiyak din si Tita na sumagot.

"Totoo Lax. Wala na siya. Wala na ang Max natin."

__EnD

avataravatar