Prologue

Yazryn Brianna Wu

January 30, 2000-January 30, 2000

May you rest in peace

"Kamusta Yazryn? Masaya ka ba? Masaya ba jan?" tanong ko sa kanya.

Marami akong tanong sa kanya. Mga tanong na alam kong hindi pa masasagot. At hindi kailanman masasagot.

Dahil wala siya sa kabilang buhay. Nandito pa siya sa mundo, nakikipagsapalaran.

"Yaz, let's go." sabi ng isang pamilyar na boses.

"Okay." sabi ko at sumulyap muli sa puntod.

Sa puntod ko.

Oo, ako si Yazryn Brianna Wu.

Oo, patay na ako. Hindi nagtagal ng isang araw sa mundong ito.

Humihinga ako, hindi bilang si Yazryn. Kundi bilang si...

"Yazryn, please look at me." sabi ng lalaking kasama ko na alam kong nag-aalala sa akin.

"I'm okay Yezlee." sagot ko.

Bilang si Yezlee Brent Wu. Ang nag-iisang anak ng mga Wu na isang sikat na artista.

Na siyang kakambal kong lalaki.

Sa mundong ginagalawan ko kung saan hindi dapat magkaroon ng panganay na babae, ang tanging paraan para mabuhay ako ay mabuhay bilang si Yezlee. Ang mabuhay bilang lalaki.

"And please, don't call me Yazryn. Matagal ko nang inabanduna ang pangalan na yan. Ikaw, higit sa lahat, ang mas nakakaalam kung bakit." sagot ko sa kanya at sumakay sa backseat ng kotse.

Labis kong pinagsisihan na iyon ang mga huling sinabi ko sa kakambal ko bago mangyari ang aksidente.

"He is in comatose. No one knows when he will wake up or...will he ever wake up."

At ngayon, tatanggapin ko ang parusa.

"Kailangan mong magpanggap bilang si Yezlee."

Ang tuluyang abandunahin ang pangalang Yazryn Brianna Wu at mabuhay bilang si Yezlee Brent Wu.

avataravatar
Next chapter