1 Unang Paksa

Unang Paksa

I was now shaking. Naramdaman ko rin ang pagpatak ulit ng mga luha ko. Bigla akong tumayo at tinalunan siya ng yakap. Hindi na pinansin kung anong magiging reaksyon niya sa gagawin ko. I heard him curse.

"Seth! Baby, I miss you..

Narinig ko parin ang mura niya.

"trisha! Omygosh!"

"Sorry, nababaliw na kasi itong kaibigan namin!" Pagbibiro ni liese.

Sinubukan nilang kunin ang kamay ko mula sa yakap ng lalaki pero nagmamatigas ako. No! This is seth! I still believe in reincarnation.

"Wait, did she just call my name?" Tanong ng lalaki.

Tumingala ako at hinawakan ang pisngi nito.

"Seth, baby..I miss you..come back."

Nadismaya ako nang bigla siyang umiwas at binaba ang kamay ko.

"Sorry, I think you're drunk."

"Trisha, Hindi siya si seth." Si crisa.

"No! Siya si sethrian!"

"Miss, sorry. But I'm adreian seth corpuz not sethrian." The guy correctioned me.

"No!"

He tried to gently pushed me pero hindi ko na napigilang umiyak. No!

"Seth, please..don't leave me. Dito ka lang.."

"Trisha, umuwi na tayo, hali ka na. Liese, can you drive?" Tanong ni doren habang hinawakan ang braso ko.

"No! Ayokong umuwi hanggat hindi ko kasama si seth!" Sigaw ko dito.

Pakiramdam ko ay dumadaloy na ang init at pagkahilo ko sa katawan.

"Miss, I'm sorry, nagkakamali ka lang ata." sabi ng lalaki.

Binalik ko ang tingin sa kanya.

"Seth, baby, may problema ba tayo?"

"Trisha, Stop it! You're drunk. Hindi siya sethrian, ibang tao 'yan." Si hana

"Trisha, umuwi na tayo..please.."

Tumingin ako sa mga kaibigan ko pero umiikot na ang paningin ko kaya hindi ko alam kung sino sakanila ang nagsasalita. All I can see right now is the only guy in here, si seth. Si sethrian. Hindi ako pwedeng magkakamali.

Hindi ako baliw.

Hindi rin naman siguro ako lasing pa.

"Miss, umuwi kana. Sa pagkakaalam ko sethrian ang tinutukoy mo at hindi ako 'yon."

Umiling-iling ako.

Hindi ko alam ano itong naramdaman ko pero bigla kong hinila ang damit nito at hinalikan ng mariin. I could now feel the electricity running from my body. May narinig akong mura at tilian pero hindi ko iyon pinansin at pinagpatuloy ang ginawa. Naramdaman kong hindi siya gumalaw. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ang gulantang sa mga mata niya.

"Fuck!" Mura nito.

Marahan niya akong tinulak na ikinagulat ko.

"Trisha! Omygosh!"

"This is so embarrasing.."

"Damn it! Please, iuwi niyo na itong kaibigan niyo." Galit at irita ang napansin ko sa boses niya.

Bigla akong nanghina at pakiramdam ko ay babagsak ulit itong mga luha ko.

"Tinulak mo'ko.." pabulong kong sabi.

"Trisha, let's go. Get over it. Wala na siya, kaya please umuwi na tayo." Si crisa.

"No! I won't go home without him beside me!" Hindi ko na napigilang taasan ang boses ko.

"Get over it, trisha. Isang taon na pero hindi mo parin siya nakalimutan. Tignan mo nga iyang sarili mo. Akala ko ba andito tayo para magpakasaya?" Si annaliese.

"But my boyfriend is here!" Sigaw ko.

"Omygosh..pigilan niyo ako..sumasakit ang ulo ko dito." Nakita ko ang pagsapo ng noo ni liese na para bang nahihirapan na siya sa katigasan ng ulo ko.

I don't know what's wrong with me right now..pakiramdam ko ay sasabog na ako sa hindi malamang inis na bumuo saakin.

"Damn." The guy muttered a curse.

"Minumura mo ba ako? Either you l-like it..or not, Sasama ako sa'yo!" I shouted.

"You can now leave, annaliese iwan niyo n--"

"What the hell? Seryoso ba 'to? Can someone stop her?" He demanded.

"Sorry, Hmm..adreian, right? Mahirap iyan pigilan pag lasing. Please give us your number. Wala na kaming magagawa kung hindi hayaan nalang siya sa gusto niya. Mapagkatiwalaan ka naman namin 'diba?" Si crisa.

"God..No way..hindi ako papayag na sasama siya saakin."

"What? Ayaw mo na ba saakin, huh? Baby, ayaw mo na ba?" I pouted at hinawakan siya sa braso. Nakita ko naman ang paglambot ng mukha niya sa ginawa ko. His perfect jaw clenched and unclenching.

Umiwas siya ng tingin saakin at binalik ang atensyon sa mga kaibigan ko.

"You really do trust me, don't you huh?" Tanong niya dito.

"Yes, Sa tingin namin mabait ka naman. And..we will sue you kung malaman naming may gagawin ka sa kaibigan namin." Si hana.

"I didn't see this coming.." he fakely chuckled.

"We will pay you. Bukas nalang namin siya susunduin sainyo, at ikaw na bahala dito, ha?"

Napatawa ako.

"B-bakit niyo naman babayaran ng pera si sethrian? He's my boyfriend at pwedeng matutulog ako sakanila anytime." Mayabang kong sabi

Naramdaman ko na ang pag-ikot ng mundo ko.

"Fuck! Hindi ko akalain hahantong ako sa ganito."

Bakit laging nagmumura ito? Hindi naman ganito si seth noon, a?

At bakit ba ayaw niya akong matulog doon?

"Do you have a car or someth--"

"Motor lang ang akin." Putol niya agad kay annaliese.

"Okay, then. Susundan ka nalang namin pauwi sainyo para naman malaman namin kung saan mo idadala itong kaibigan namin." Si liese.

Hindi ko na halos masundan ang sinabi nila dahil sa init at hilo na naramdaman ko ngayon. Napansin ko rin ang paghawak ng isang malaking kamay saakin. Hindi na ako nagpumiglas at sumunod nalang sakanya. Siguro ay uuwi na kami ni sethrian.

Isang malakas na pagsara ang narinig ko bago ako tuluyang bumagsak at napapikit sa malambot na hegaan.

avataravatar
Next chapter