4 Chapter 3

"Ipapakuha ko nalang kay nanang minda ang mga damit ko." Sabi ko habang hinuhugasan ang mga pinagkainan namin.

Syempre, nasa likod ko siya habang inoobserbahan ang kilos ko. Akala niya siguro mababasag ko ang mga ito, kapal!

Buti nalang at may alam din ako sa ganitong gawain.

Pagkatapos kong sabihin na dito muna ako titira, hindi na siya nagdadalawang isip na utusan ako nang kung ano-ano.

"Alam ba ng mga magulang mo ang tungkol dito?" Seryosong tanong niya saakin.

"Hindi ko sinabi. I told them na kay annaliese muna ako titira." Sabi ko habang pinagpatuloy ang pagaayos ng plato at kutsara.

"Okay."

Iyon lang?

Tumingin ako sa likod at nakitang tinalikuran napala ako at umupo na siya sa sofa.

Maliit lang ang bahay niya. Pag pumasok ka, kita na agad ang salas, kusina at kwarto nito.

Hindi ko rin pala naitanong kung saan ang mga magulang niya. Ayoko naman maging mukhang interesado sakanya, no.

Ito rin ang kauna-unahang maglinis at maghugas ako ng plato, at sa bahay pa ng lalaking hindi ko pa masyadong kilala! ni hindi man lang naawa saakin.

Bakit ba kasi ayaw niyang bayaran ko siya ng pera at ito lang ang gusto niyang ipagawa saakin. Akala niya siguro aayaw ako sa mga utos niya. Huh! Nagkakamali siya.

Pagkatapos kong maghugas ay sinunod ko naman ang pagpunas ng mesa. Pasimpleng sinulyapan ko siya sa harap at laking gulat nang makitang nakatingin din pala ito. Damn it!

"Bilisan mo diyan at lilinisin mo pa ang kwarto ko." He damanded.

Damn you! Ang kapal! Kung nasa pamamahay lang kita baka kanina ko pa siya sinipa pakalabas. Tignan mo nga kung paano umupo ang lalaking iyan!

Gusto mo naman ito, trisha, hindi ba?

Yes, I really need this. Ayokong mababaliw sa bahay na walang ginagawa. At ayoko ng umiyak gabi-gabi. I know I need to face it. Pero minsan nakakapagod narin umiyak. Kasi kahit anong gawin ko, walang mangyayari. Wala na siya. Kahit kailan hindi na siya babalik pa.

And even If I cried a thousands times today. Babalik ba siya? Babalikan niya ba ako? Hindi.

Agad na dumiritso ako sa kwarto niya at hindi pinapakita sa kanya ang pagod at inis ko. Ni hindi man lang ako tatanungin kung pagod naba ako. Wala talagang puso.

I entered his room and stood near the door. I can't help but smell a little bit of him. Lumapit ako sa hegaan nito at hindi maiwasang amoyin ito, like a citrus or lavender. Nahahalo din sa amoy niya. It's really a musculine and sexy scent for me.

I looked around and noticed na walang dumi o gulo sa kwarto niya. Kaya anong ililinis ko dito?

Lumapit ako sa bintana at binuksan iyon. Letting in the fresh air and the natural light.

Napameywang akong humarap ulit.

Hindi ko alam anong oras ang inabot ko kakapunas ng mga gamit niya dito. Hindi naman ganoon kadumi, pero nililinis ko parin, para naman walang masabi ang lalaking iyon.

"Finally, I'm done."

Agad na tumayo ako sa paglilinis ng kalat mula sa ilalim ng kama. Suot ang maikling short at strap sleeveless ay ramdam ko na doon ang pawis ko.

"You done?" Isang buong boses ang narinig ko mula sa labas ng pinto.

Agad na tumingin ako doon. He was looking at me intently. Nakaramdam din ako ng hiya nang mapansin ang titig nito sa katawan ko. Pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa paraan ng pagtitig niya saakin. Sa huli ay umiwas na ako.

"Maliligo lang ako saglit." Paalam ko.

Bago ko pa siya malagpasan ay hinawakan niya na ang braso ko that makes me feel more uncomfortable. Syempre, I was sweating already at baka maamoy niya na ang baho ko!

"Huwag ka muna maligo. Magpahinga ka muna."

Kumunot ang noo ko. Wow! Kanina lang ang daming inuutos, a?

"Okay." Simpleng sagot ko. Bago iniwas ang braso at umupo sa couch. Madali lang naman ako kausap. Tsaka ayokong pahabain pa ang usapan.

"Andyan na pala ang mga damit mo. Hinatid nung matandang babae."

Agad napabalik ang tingin ko sakanya. Pumunta si nanang dito?!

"Ano? Nanang minda was here kanina? At wala ka man lang balak na sabihin saakin iyon?" Hindi maiwasan taasan ang boses ko.

Sana sinabi niya saakin kanina para makausap ko man lang si nanang!

"You're too busy at tinatamad na akong puntahan ka."

Wow! Talaga? Sa inis ko ay hindi ko na napigilang tumayo mula sa upuan. Padabog naman na nagmartsa ako tungo sa kwarto.

Nakakainis talaga! Kahit kailan hindi ako naiinis ng ganito, pwera lang noong nabubuhay pa si sethrian.

Tinatamad? Talaga? Akala mo naman ang laki-laki ng bahay niya. Ang sabihin mo, you're just trying to evoke me. Well kung nag tagumpay ka ngayon, hindi parin ako aalis dito. Alam kong makakatulong ito saakin. Kung aalis ako dito, anong gagawin ko sa bahay? Iiyak at iiyak nanaman? Ayoko na. Ako na mismo ang nagsabi na gusto ko ituon ang sarili sa ibang bagay.

Pero naiinis parin talaga ako sakanya!

At ngayon ko lang din narealize na isang kwarto lang pala ang meron dito. Syempre, hindi ako tatabi sakanya. Sa couch, okay na siguro iyon. Ano siya siniswerte?

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay napagdesisyunan kong lumabas na. Mabuti nalang at magagandang damit ang nakuha ni manang. She knows me well.

Pairing high heel ankle boots with boyfriend jeans and vneck shirt ay lumabas na ako mula sa kwarto niya.

Bago ko pa maisara ang pinto ay laking gulat ko nang makita siyang walang saplot sa itaas habang nag pupush-up sa sahig. I couldn't stop myself but looked at his buttocks. Ang malapad niyang likod na puno na ng pawis. Naalala ko ang pangangatawan niya kay sethrian. Nga lang mas pormado pa sakanya.

I had this slightly perfect body pero hindi kagaya sakanya. It was really perfect. His body was something that caused me to feel very self-conscious and brought out me a lot of questions and insecurities in my mind. I was staring to much at hindi na namalayang nakatayo na pala ito sa harapan ko!

Tangina.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito habang hinahabol niya pa ang hininga niya. Napansin ko rin ang mapang-asar na ngiti niya saakin.

Did he just caught me staring at him? Gad damn it. Nakakahiya.

Baka sabihin niya pinagsasamantala ko siya.

Hindi nga ba?

Hindi naman talaga!

"A-ah..ano..sa.." And I can event find a words to say!

He smirked and arched a brow at me.

"Bibili lang ako ng pagkain." Mabilisan na sagot ko.

"Alright. Sasama ako."

"Ano? Sinong nagsabi? Ako lang ang aalis!"

"Hindi kaba sasama saakin mamaya? Pupunta tayo sa dalampasigan pagkatapos nating bumili." Sabi niya habang pinunasan ang sarili gamit ang manipis na tuwalya.

Hindi ko namalayang bumaba napala ang mga mata ko sa katawan niya. Damn! What's wrong with me?

Ano naman ngayon kong titingin ako, hindi ba? He's not my type.

At oo nga pala! May gig siya ngayon. Kahit ayaw ko man pumunta, ayoko namang maiwan sa bahay niya.

"Okay!" I happily said.

"Maliligo na muna ako. You wait for me." Sabi nito bago ako tuluyang tinalikuran.

Angkas sakanyang motor ay dumiritso na kami sa pupuntahan namin. Agad kong naalala ang katawan niya kanina. Umiling-iling ako sa mga iniisip ko.

Ayaw ko naman talagang humawak sa baywang niya. Pero itong bwisit na ito sinasadya talagang takutin ako kaya walang akong magawa kung hindi yakapin siya nang mahigpit.

"Hold on tight."

"Huwag mo kasi masyadong bilisan!"

Tumawa lang ito.

Naging mabilis ang oras para saakin. Madami akong nakain sa araw na ito, but adreian was too pre-occupied using his gad damn cellphone. Pero wala na akong pakialam kung sino ang kalandian niya.

"Dito ka lang. 30minutes nalang at magsisimula na kami. You better wait for me."

Tahimik na tumango ako.

Umalis na nga siya pagkatapos sabihin saakin iyon.

I looked around. Hindi pa ito gaano kalaki noong una kong punta kasama si sethrian. Nasa harapan ako umupo at hindi maiwasang maalala ang nangyari saamin noon. Noong araw na pinaramdam niya saakin kung gaano niya ako kamahal. Ang mga araw naging masaya ako sa piling niya.

Ngayon..natatakot na'ko maging masaya.

Because being happy will mean something bad will happen.

avataravatar