4 CHAPTER 3

HINDI MAAMPAT ang matalim na tinging ipinupukol ni Krisstine habang kaharap niya si Blitzen. They were inside Dasher's office. Ipina-finalize na ng magkabilang kampo ang tungkol sa gaganaping press release mayamaya lamang. Pagkatapos nilang mag-usap kahapon ay napagpasyahan nilang sunduin ang suhestiyon ni Dakila.

Rocky agreed too, para lang maprotektahan ang career niya. Everybody was crossing their fingers about the effect of their revelation. 'Ika nga ni Rocky ay magpakapositive daw siya. Who knows, baka nga magtagumpay silang maayos pa ang gulong kinasasangkutan nila. Dalawa lang naman kasi ang maaaring mangyari sa kanila ni Blitzen—ang magningning pa lalo ang kanilang mga career dahil ikatutuwa ng lahat ang "relasyon" nilang dalawa o ang manamlay ang mga bintuin nila at pandirihan sila ng lahat.

Paulit ulit niyang pinag-isipan ang gagawin nilang hakbang. Sa tuwing naiisip niya ang public announcement na gagawin nila ni Blitzen mamaya ay hindi niya maiwasang kabahan. She hadn't talked to her family about the leaked video yet. Her mother had been trying to contact her ever since the viral sex video broke into social media sites.

Ipinangako niya sa kanyang sarili na pagkatapos ng press conference ay tatawagan niya ang kanyang mommy para magpaliwanag kung bakit masasangkot na naman siya sa isang panibagong kontrobersiya kasama si Blitzen Claus kahit na natitiyak niyang pagagalitan lang naman siya nito. Ni ayaw niyang isipin ang reaction ng daddy.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Napaangat ang isang kilay ni Blitzen na kanina pa matamang pinagmamasdan ang kakaibang ikinikilos niya.

"Kung hindi ka kumportable sa gagawin natin, you still have time to back out and run for your hide," nakakalokong wika nito. Kumibot ang mga labi nito. A lopsided smile curved his lips when her eyes narrowed further. "Come on. This is the only way we can get out of this shit."

Isang malalim na buntong-hininga ulit ang pinakawalan niya. Gusto man niya itong sisihin ay hindi niya magawa dahil alam niyang kagaya niya ay wala na rin naman itong magagawa. Pareho naman nilang hindi gusto ang eskandalong gumugulo sa career nila.

"How can you act so cool about what's gonna happen?" naitanong niya. "Hindi ka man lang ba natatakot na matatali ka sa akin sa loob ng dalawang taon?"

Ang relasyon nila ay nakatakdang tumagal ng hindi bababa sa dalawang taon. Pinapirma sila ni Dasher ng kontrata ukol sa "fraud relationship" nila. Both parties held certain responsibilities with each other. May mga rules silang dapat tuparin at sundin.

They would need to act as lovers in front of the camera. Kailangan nilang panindigan sa harap ng madla na nagmamahalan sila para hindi maging kaduda-duda ang gagawin nilang pag-a-announce na magkasintahan na sila. Lalo kasing madudumihan ang mga imahe nila kapag naghiwalay sila agad. They have to clean their images by avoiding bad publicity.

Hindi na sila dapat masangkot pang muli sa anumang kontrobersiya, lalo na kapag na-announce na sa media ang relationship nila. Ang sinumang magkakamaling muling masangkot sa isang eskandalo ay kailangang bayaran ang partidong maaapektuhan ng karampatang halaga na napag-usapan ng dalawang kampo. Nakakatawa, parang isang business deal lang talaga ang buhay nilang dalawa. Bawat pagkakamali nila ni Blitzen ay bawas sa kita nila.

"It's not a big deal. Kung iisiping mabuti, sanay naman na akong nakatali sa career ko. The only difference is that, it's not just my name that I'd have to protect from now on, pati na rin ang pangalan mo. Magagawa pa rin naman natin ang mga dati nating ginagawa, lamang ay kailangan nating ipaalam sa isa't isa kung ano ang mga iyon. At kung possible ay magkasama nating gagawin iyon. Ikaw, Kriss, hindi ka pa ba sanay na nakatali sa career mo?"

Of course, sanay na siya. Kahit naman limang taon palang siya sa showbiz ay para na rin siyang nasa showbiz, bata palang siya. In fact, mas may karapatan at kalayaan pa nga siya sa showbiz kesa noong nakakulong pa siya sa "morale at standards" ng mayaman niyang pamilya.

Napalabi siya. "P-pero iba naman ito. We are going to put our fake "relationship" in front of the camera. Ibig sabihin ay may mga bagay tayong kailangang gawin bilang magkasintahan."

"Iyon lang ba ang ikinababahala mo? Come on, honey. Para namang hindi pa natin nagawa ang mga nakatakda nating gawin," nanunuksong tawa nito.

Pinamulahan siya ng mukha, sabay nanalim ang tingin kay Blitzen. "Iba naman ang acting sa gagawin natin!" sikmat niya.

"My sweet Krisstine," naiiling na wika nito. "Ang buhay ng mga artista ay parang isang malaking pelikula. Sa ayaw man natin o hindi ay hindi natin namamalayang tinatantiya natin ang ating mga kilos. Walang artistang umaakto ng natural, maniwala ka. Subconsciously, we act like what we want other people want us to act. Naka-program na tayong gawin iyon."

"I've been in this business for quite a long time now. Believe me, alam ko ang sinasabi ko. Think of it this way. We are just going to act. We have to perfect this scenario. I am going to help you but you have to help me too. Ang mga manager natin ang magiging director natin. We'll have to act and write our own scripts. Mahirap, oo, pero alam kong kaya naman natin."

"You've just been hailed as the Best Actress by FAMAS, and I as the Best Actor. Dito natin mapatutunayan ang angkin nating galing sa pag-arte. Besides, we don't have a choice but to do this. This is the only way out. Ang itanong mo sa iyong sarili ay kung handa ka bang masira ng tuluyan ang career mo? Kung ang sagot mo ay oo, hindi kita pipiliting gawin ito. I'll give you a chance to run away. Pero ito ang tandaan mo. Sa oras na gawin mo ito..."

Umuklo ito, itinukod ang dalawang kamay sa magkabila nitong tuhod at bahagyang inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Hinuli nito ang kanyang mga mata. "...hindi na kita hahayaang makawala pa. Kailangan mong tapusin ang kasunduan hanggang sa huli. Hindi ko mapapayagang sirain mo sa pangalawang pagkakataon ang career na kay tagal ko ring iningatan. Dahil sa oras na gumawa ka ng isang bagay na ikasisira ko, ipinapangako sa iyo na kahit anino mo ay mangangatog sa sobrang takot sa oras na malaman mo ang kaya kong gawin sa iyo."

Napatitig siya kay Blitzen. She was too stunned to talk back. There was something in his eyes that told her how serious he was about his threat. Kilala niya si Blitzen bilang isang pa-cool na actor. Minsan nga ay iniisip niya na parang hindi naman ganoon ka-importante rito ang career nito. Sa estado ng pamilya nito sa mundo ng business, sumagi sa isip niyang pampalipas oras lamang nito ang pag-aartista. But the way he'd looked at her told her otherwise.

Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano ito sasagutin—kung magtataray ba siya o mapapatango na lamang sa haba ng mga sinabi nito. Nang lalo pa nitong inilapit ang mukha nito sa kanya ay agad na nagwala ang tibok ng puso niya. Hindi iyon ang kauna-unahang beses na nakalapit nang ganoon sa kanya si Blitzen. In fact, sa pelikulang pinagtambalan nila ay nakaraming kissing scenes din naman sila. Although, puro smack lang ang mga iyon.

But it was definitely the first time she'd been left alone with him—that close. Iyong tipong gahibla na lang yata ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Nahihilo siyang tignan ito dahil sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya kaya napapikit siya. Napakunot ang kanyang noong nang marinig niya ang pagtawa nito ng pagak.

Bago pa man siya muling makapagmulat ng mga mata ay naramdaman na lamang niya ang pagdampi ng maint-init pa nitong mga labi sa kanyang mga labi. Lalo siyang naestatwa sa ginawa nito. Mga tatlong segundo ring nagtagal ang mga labi nito sa ibabaw ng mga labi niya bago iyon nagsimulang gumalaw—mabini, dahan-dahan, nanunudyo.

Napasinghap siya nang marahan nitong kagatin ang ibabang labi niya. Sa kanyang pagsinghap ay bigla ring umawang ang mga labi niya. Blitzen took that chance to ravage her quivering mouth. His kiss was fierce—sucking like a hungry baby, na para bang hindi ito nakakain ng sampung araw. She didn't have the time to kiss back though, dahil bago pa man niya mahanap ang kanyang lakas upang itulak ito ay nagawa na nitong lumayo sa kanya.

It was her first kiss—off camera! Iyon ang paulit ulit na isinisigaw ng isip niya. She had been kissed in front of the camera, pumayag siya noon. Ngunit ni minsan ay wala pang nakakahalik sa kanya sa likod ng camera. Anger started to form inside her. Ano ang karapatan nitong basta na lang siyang halikan? Nababaliw na ba ito?

Ang ayos ayos ng usapan nila kanina, tapos bigla na lang itong nanghahalik? At ang damuho, nagawa pang ngumisi ng nakakaloko habang pinagmamasdan ang "na-holdap-look" niya. She gritted her teeth. Akma siyang magsasalita para pagsabihan ito nang bigla itong tumayo. Nakakaloka talaga ang lalaking ito, hindi niya mabasa ang susunod na kilos!

"Practice lang," he said in a husky voice. "Kailangan natin ng matinding practice para sa next project natin," wika nito na ipinagdiinan pa talaga ang salitang project.

Pagkatapos nitong sambitin iyon ay bigla na lang itong tumalikod at tsaka mabilis na nagtungo sa pinto. Habang siya ay naiwang nagpupuyos sa galit dahil sa nagawa nitong kapangahasan. Lapastangan! Ninakawan na nga siya nito ng halik, iniwan pa siya nitong ni hindi man lang nakakasagot sa pambabalahura nito! Humanda ito sa kanya!

O iyon nga ba talaga ang ipinagsisintir niya? Baka naman dahil hindi siya nakaganti man lang sa halik nito? Inis na kinastigo niya ang kanyang malanding utak.

"Krisstine, maghunus dili ka! Nababaliw ka na ba?!!" kastigo ng utak niya.

avataravatar
Next chapter