3 CHAPTER 2

"I AM GOING TO TO SUE THAT JERK!" sunud-sunod na sigaw ni Krisstine habang paroo't parito siya sa loob ng opisina ng CEO ng Claus Artist Center.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay wala siyang nararamdamang kilig habang hinihintay ang pagharap ni Dasher sa kanya. Ilang taon na niya itong palihim na minamahal, ang CEO ng naturang kumpanya kung saan nakakontrata si Blitzen bilang artista. Pag-aari ng mga Claus ang kumpanyang iyon. Magkapatid sa ama sina Blitzen at Dasher.

She was too angry to think about her heart that moment. Kanina pa niya gustong magbuga ng apoy. Pangalawang araw pa lang simula noong pumutok sa internet ang di umano'y "sex video" na pinagbibidahan nila ni Blitzen ngunit bugbog sarado na agad ang image niya.

As of that moment, hindi pa rin siya makapaniwala na imbes na ninanamnam niya ang "cloud nine" ng pagkapanalo niya bilang Best Actress sa katatapos lang na Famas Awards' Night ay naroon siya sa isang opisina, nanggagalaiti dahil nanganganib masira ang career na pinakaiingatan niya nang dahil sa isang kontrobersiyang kumakaladkad sa pangalan niya.

She's been in the showbiz industry for five years. All sorts of controversies had been thrown to her except a sex scandal. Hanggang sa sirain ng isyung iyon ang gabi ng pagtanggap niya ng kanyang parangal. At ayun siya, ipinaglalaban ang puri ng kanyang pagkatao.

Walang saysay ang award na nakamit niya. Paano niya maipagmamalaki iyon sa binabalak niyang pag-uwi sa bahay nila kung may kaakibat naman iyong napakalaking eskandalo? Ano na lamang ang sasabihin ng pamilya, mga kaibigan at fans niya?

What would her father say? Tiyak na hahamakin lang nitong lalo ang career na pinili niya—ang career na ipinagpalit niya sa mga kompanyang nakatakda sana niyang patakbuhin. She dread the day that her father would mock her and say, "Didn't I tell you I was right?"

Makailang beses na ring nagkaroon ng fan wars sa facebook, maging sa twitter, dahil sa eskandalong kinasangkutan nila ni Blitzen. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay parang bulang maglalaho ang career na kaytagal nilang inalagaan at pinalago ni Rocky nang dahil lang sa isang immoral na eskandalo. That controversy was not even true!

"Calm down," himok ni Rocky sa kanya. Nakaupo ito sa sofa, namumula rin sa galit.

"How could I calm down? Nakasalalay dito ang career ko. Hindi ako papayag na mawala ang lahat ng pinaghirapan natin nang dahil lang sa isang kasinungalingan!" angil niya.

Hindi naging madali para sa kanya ang pagpasok sa showbiz dahil bukod sa tinutulan ng daddy niya ang pag-aartista niya ay gumawa rin ito ng paraan upang higit siyang mahirapan sa paggawa ng sarili niyang pangalan sa industriya. Inutusan siya ng kanyang ama na itago sa mga tao ang kaugnayan niya sa Supreme Broadcasting Corporation o SBC—one of the biggest T.V. Networks in the Philippines. Major stockholder ang ama niya sa nasabing istasyon.

Noong naunang taon niya sa showbiz ay banned siya sa SBC ngunit dahil sa pagningning ng kanyang pangalan sa industriya ay nahimok ng manager niya ang kanyang daddy na tanggapin siya sa network na iyon. She was popular anyway. Marami siyang endorsements. Ang kanyang kasikatan ang nagbigay sa kanya ng access sa kompanya. Ngayon ay malaya na siyang magtungo roon kailanman niya gustuhin dahil exclusive na siya sa istasyon. Well, may karapatan pa rin naman siya lalo't siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga Sandoval. That—among other things—was the biggest secret she'd been hiding to everyone.

Bumukas ang pinto ng opisina. Iniluwa niyon sina Dasher kasama ang fiancée nitong si Donnie Marie, si Dakila at ang kambal na Claus. When Blitzen emerged from that door, her eyes automatically turned lethal. Wala na sila sa harap ng camera kaya magagawa at masasabi na niya ang lahat ng gusto niyang sabihin dito! Padabog siyang sumalubong rito.

"How dare you ruin my career?" sikmat niya kay Blitzen.

"I should be the one asking you that," salubong ang kilay na ganting sikmat nito.

"Stop it, you two. Nandito tayo ngayon para mapag-usapan ng maayos ang gulong kinasasangkutan ninyo," pamamagitan ni Dasher sa kanila.

"Sit down," hila ni Rocky sa kanya.

Ayaw man niya ay napilitan siyang maupo sa tabi nito. She clenched her fists. Kailangan niyang magtimpi, kundi ay baka mapaulanan niya ng suntok ang pagmumukha ni Blitzen. On the other hand, Blitzen looked stoic. Prente itong umupo sa katapat niyang sofa.

"As you all know, napasugod kami ng kliyente ko dito dahil sa kumakalat na sex video. Apparently, the leaked video has Blitzen and Krisstine's face," simula ni Rocky. "Ngunit ayon sa alaga ko, walang katotohanan ang nasa video," mariing wika nito.

"What can you say about this, Dakila?" baling ni Dasher sa manager ni Blitzen.

"Being Blitzen's manager, I am also angry right now. Hindi lang naman career ni Krisstine ang apektado rito, kay Blitzen din naman. Baka nga madamay pa pati iyong career ni Donder. Kapag nagkataon, mas lugi kami rito," sagot ni Dakila.

Lihim siyang napaismid. Para namang ang linis linis ng alaga nito. Nakakainis ding pakinggan na kung makapagsalita ito ay parang walang silbi ang career niya. May sarili din kaya siyang hindi magandang reputasyon na dapat ayusin, hindi ikabubuti ng career niya kung madaragdagan pa iyon ng mas karimarimarim na eskandalo. She had seen the video. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na maaari niyang gawin ang ganoong klase ng kababuyan.

It was literally a sex video—not love making but an immoral sex video. Ikinabibilib lang niya ang galing ng kung sinumang nag-edit sa video na iyon. Paano nito nagawang mailagay ang mukha niya roon? Madilim sa kwarto ngunit hindi pa rin naitago ang mga mukha nila ni Blitzen.

"Kliyente ko ang mas apektado dito," Rocky rebutted angrily.

"The damage has been done. We cannot erase all the videos that have been leaked. My company has taken an immediate action regarding this matter. We have blocked every site that may leak the video. We have demanded other sites to delete the leaked video, too. Ang hindi lang namin ma-control ay iyong mga taong nakapag-download na no'ng video at nagpapapasa pasa na sa mga cellphones nila," pagpapakalma ni Dasher sa manager niya.

"So far, we are still thinking of other ways to control the situation. And don't worry, makakaasa kayong hindi namin pababayaan ang career ni Krisstine," pangako nito.

"We haven't released any comments regarding that video yet," dugtong ni Dakila.

"Hindi ako ang nasa video. Tapos!" maangas na wika ni Blitzen.

"Ang dali lang para sa iyo na sabihin iyan. Palibhasa, tanggap ng mga tao iyang pagiging babaero mo," ismid niya. Iritadong iritado siya sa pagsasawalang bahala nito sa sitwasyon nila.

"Look who's talking," sarkastikong banat ni Blitzen.

"And what do you mean by that?" matalim ang tinging baling niya rito.

"Tumigil na nga kayo! Kanina pa kayo ah!" singhal ni Donder na noon lang nagsalita. "Look, dahil sa nangyari ay wala na tayong magagawa kundi ang magmove on. Umakto kayo na parang walang nangyari. Kung may magtanong man tungkol doon, just stay mum about it."

"Madali para sa iyong sabihin iyan kasi hindi naman ikaw ang natsi-tsimis at pinagtatawanan ng mga mapanghusgang tao. Ni hindi ako makalabas ng bahay kasi feeling ko, lahat ng mga babaeng fans niyang kambal mo ay dadambahin ako at sasabunutan hanggang sa makalbo ako. I can't take those irked stares, you know."

"Eh kesa naman magpaka-stressed kayong dalawa sa isang video na sabi ninyo nga eh, hindi naman ninyo ginawa, 'di ba?" iling nito. Mayamaya'y nananantiyang nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanya at kay Blitzen. "Oh baka naman..." makahulugang anas nito.

"Shut up!" magkapanabay nilang sigaw.

Pinamulahan siya ng mukha dahil sa literal na panunukso nito. When everybody's eyes darted towards her and Blitzen, napatayo na siya.

"Sinabi ko na ngang hindi ako ang nasa video!" angal niya.

"Lalong hindi rin ako iyon!" said Blitzen. Napatayo rin ito.

"Pero hindi ba't matagal na kayong napababalitang nagkakamabutihan? Ilang beses ninyo ng tinukso ang media sa pagiging sweet ninyo sa isa't isa sa tuwing nasa harap kayo ng camera," ngisi ni Donder. "I wonder what people would think if..."

"That's it!" biglang sigaw ni Dakila. Kunot-noong napalingon ang lahat dito. "May naisip na akong paraan para matabunan ang issue ng sex video na kumakalat ngayon," nakangiting wika nito na tila nabunutan ng napakalaking tinik sa lalamunan.

"Ano naman iyon?" untag ni Dasher. Sa tabi nito ay tahimik lang na nakamata sa kanila si Donnie Marie, tila pinag-aaralan ang bawat kilos nila. Sa pagkakaalam niya ay isa itong dating tanyag na private investigator. Magpatulong kaya siya rito para ma-trace ang nagpakalat sa video niya? She shook her head. Busy nga pala ito sa pag-aayos sa nalalapit nitong kasal. Bitter.

"Kailangang i-announce nina Blitzen at Krisstine ang relasyon nila."

"Ano'ng relasyon?" naguguluhang tanong niya kay Dakila.

"If you were to announce that you're an item, sa tingin ninyo ba ay mapagtutuunan pa ng pansin ang sex video? Matagal nang gustong malaman ng buong Pilipinas kung ano ang namamagitan sa inyong dalawa. We'll cover up that sex video issue with another issue—a bigger and more scandalous one. Maraming tao ang matutuwa kapag nag-announce kayo."

"All you have to do is deny that you're both in that said video. Paniniwalaan kayo ng mga tao. I-a-announce din natin na ipapaubaya natin sa NBI ang pagte-trace sa location ng nagpakalat sa video. NBI will confirm it, syempre dahil iyon naman talaga ang gagawin natin. Magkakagulo ang media at mawawala sa eksena ang sex video!" mahabang paliwanag ni Dakila.

"I think that's a good idea! While people are still crazy about your love team, sa tingin ko ay malakas pa ang panghatak ninyo sa mga tao," segunda naman ni Rocky, halatang tuwang tuwa at nakahinga na rin ng maluwag. Nagliwanag na ang kanina'y madilim nitong mukha.

"It's settled then. We are going to announce your relationship," pagtatapos ni Dasher.

"Are you insane? Bakit ko ipagsisigawan sa mundo na may girlfriend akong—"

"Subukan mong ituloy!" sikmat niya kay Blitzen sa nanlilisik na mga mata.

"Blitzen, ito na lang ang tanging paraan para maisalba natin ang mga career ninyo. We have no choice," pamimilit ni Dakila. "Or do you want to stop appearing on tv now?"

Napatingin siya kay Blitzen na noo'y hindi makapaniwalang napatitig sa manager nito. She could see something bizarre in his eyes while he stared dumbfoundedly on Dakila. Para bang may usapan ang mga ito na ang mga ito lang ang nakakaalam. Then, Blitzen's eyes darted towards Donder who remained silent by had that same look as Dakila's.

At ang mga tinginang iyon ang tila nagpakalma kay Blitzen. Something has changed his mind about saying no, she thought. Ano naman kaya ang something na iyon? Ganoon ba kalakas ang something na iyon para pati siya ay mapatianod sa nakakalokang solusyon na nakatakda nilang gawin para lang makalusot sila sa eskandalong kinasasangkutan nila?

"T-this is crazy," nasabi niya tuloy.

"Indeed, this is crazy. Pero sa tingin ko ay tama sila. If we really want to get out of this situation, we have to do it," mayamaya'y turan ni Blitzen.

Dakila sighed with relief, Rocky clapped in glee. Dasher grinned triumphantly. Donder nodded mysteriously. Donnie Marie remained stoic. And then, her head hurt. Nakakaloka! Mababaliw na yata siya. Now she was left with no choice! She furiously gritted her teeth.

By hook or by crook, she would find that bitch who dared to ruin her career by posting that horrible video. Sa oras na mahanap niya ang taong nagpakalat ng video na iyon ay babalatan niya ito ng buhay! Hindi lang career niya ang masisira niyo, pati ang ulo niya. 

avataravatar
Next chapter