2 CHAPTER 1

ISANG MASIGABONG palakpakan ang pumuno sa Araneta Coliseum nang gabing iyon. Thousands of guests had just witnessed a three-minute video clip of the newest and hottest film of the year, entitled Kailan Ba Nagiging Mali ang Pag-ibig?

Kasalukuyang nasa Big Dome ang lead actress ng pelikula na si Krisstine Sandoval dahil nominado siya bilang best actress sa ginaganap na 63rd FAMAS Awards Night. It was a privilege to be a part of that prestigious Awards Night. Hindi niya inakala na sa limang taon niya sa mundo ng showbiz ay mararanasan niya agad ang makatapak sa FAMAS red carpet.

Katunggali niya para sa award na iyon sina Eugene Domingo, Eloisa Aquino, Leticia Morgan at Maricel Soriano. Dalawa sa mga nabanggit ay maituturing ng batikan sa larangan ng pag-arte habang sina Loisa at Leticia ay nauna lang ng ilang taon sa kanya sa showbiz.

Her wavering eyes scanned the entire place. Sa kabila ng kabang nararamdaman niya ay biglang nilukob ng kakaibang init ang kanyang dibdib nang mapagmasdan niya ang nakangiting mukha ng mga taong naroroon kasama niya—mga artista, movie producers, pulitiko at ilang mga maiimpluwensyang tao. Despite herself, she proudly smiled.

"At ang napili ng inampalan bilang Best Actress para sa taong ito ay walang iba kundi si...." Ibinitin saglit ni Goma ang paghahayag sa panalo. Lalong dumagundong ang dibdib niya sa sobrang kaba. Pigil ang hiningang hinintay niya ang susunod na sasabihin nito.

"Please let it be Krisstine," she silently prayed.

"Krisstine Sandoval of Kailan Ba Nagiging Mali ang Pag-ibig!"

Naghiyawan ang mga naroroon habang siya ay halos hindi makagalaw sa pinaghalong sobrang saya at kaba. She couldn't believe it! Natutop niya ang kanyang bibig sa pagpipigil na mapasigaw. Naiiyak na rin siya. Gosh, she didn't know what to say. She feigned a brave smile despite her shock. Taas noong naglakad siya paakyat sa stage. With wobbly knees, she felt like walking on cloud nine! Hindi talaga siya makapaniwala sa award na matatanggap niya.

Halos yakapin niya ang kanyang trophy matapos iabot ni Goma iyon sa kanya. A bright and beautiful smile broke onto her lips. She was too happy to be nervous!

"First of all, I would like to thank Blitzen, my leading man for taking care of me for the past six months," panimula niya. Umugong ang tuksuhan dahil sa sinabi niya. She almost rolled her eyes. She smiled, instead. Kailangan niyang kumuda ng "sweetness" alang-alang sa tambalan nila. "I dedicate this award to my family." Kahit pa tutol ang mga ito sa pag-aartista niya. "To my manager, to the producers who believed in me and especially to my ever supportive fans who never let me walk alone in this business. And of course, I would like to thank FAMAS for giving me this award," wika niya bago yumuko. Umugong ang palakpakan sa coliseum.

Walang pagsidlan ang galak niya dahil sa nakamit niyang parangal. Pakiramdam niya ay wala nang makakasira sa gabi niya. She won the best actress award she's been dreaming of. Ngunit wala pang tatlong minuto matapos niyang tanggapin ang kanyang parangal, ni hindi pa siya nakakababa mula sa stage, ay bigla na lang umugong ang bulung-bulungan sa loob ng coliseum. Napakunot ang noo niya. Why was everybody looking at her as if she'd bombed the President? Kinakabahang napatingin siya kay Rocky na noo'y nasa ibaba lang ng stage.

"W-what's going on?" she silently mouthed.

Hindi pa man nakakasagot ang kanyang manager ay may bigla nang nag-flash sa wide screen na nasa gitna ng stage, mismong sa likuran niya. Paglingon niya ay nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita. It was a report from the country's leading newspaper. At ang headline?

Natutop niya ang kanyang bibig. Kasunod ng pagtutop niyang iyon ay ang pagbaha ng libo-libong flash ng camera sa kanyang mukha. Napatakip siya sa kanyang mukha dahil nasilaw siya. Dumagsa ang mga reporter paikot sa kanya at sunud-sunod na nagtanong ng, "Krisstine, totoo bang ikaw at si Blitzen Claus ang nasa kumakalat na sex video ngayon sa internet?"

avataravatar
Next chapter