9 Chapter 8

Chapter VIII

~Jhae's PoV

Kinabukasan ay tanghali na ng pumasok ako. Hindi katulad ng kahapon suot ko ay naka dungarees lang ako ngayon at kulay beige na decker lace-up sandals. Nadala na kong magsuot ng heels dahil sa nangyari kahapon. Buti nalang at napakaeffective ng ointment na pinalagay sa akin ni Farrah. Hindi na halata yung mga galos ko.

Wala akong morning class at ang tanging klase ko lang ngayon ay P.E. and Entrep. Pagdating ko sa gym ay nakapagpalit na sila lahat ng P.E. uniform at ako dahil first day ko sa klaseng ito ay hindi muna ako nagabala pang magpalit.

Kaklase ko nanaman pala yung mga babaeng nanugod kahapon at yung lalaki ay sobrang sama kung makatingin sa gawi ko. Isama mo na yung mga alipores.

Hindi ko nalang sila pinansin at naupo sa bench. Hindi rin naman ako makakapaglaro ngayon dahil sa suot ko.

Pamaya maya ay may tumabi sa akin at kahit hindi ko siya lingunin ay alam ko kung sino iyon.

" Classmates ulit tayo, huh. Mukhang gumagawa ng paraan ang tadhana para magkalapit tayo ," sabi niya sa akin at ng lingunin ko siya ay sinalubong nanaman niya ako ng nakakalokong ngiti sa labi.

Kagaya ng ayos niya kahapon ay naka brush-up nanaman ang kanyang buhok at ang kanyang mga mata ay titig na titig nanaman sa mga mata ko. Sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ako ng pagkailang.

'Bakit ba kasi kailangan niyang tumitig ng ganyan, tss'.

Hindi ko nalang siya pinansin pa at humarap ulit sa mga naglalaro para maiwasan ang titig niya.

"Ayos na ba yung sugat mo?" Sabi niya sabay hawak sa binti ko na ikinalaki ng mata ko.

Tinapik ko siya dahil sa pagkabigla ko atsaka siya tinapunan ng malamig na tingin.

" Don't touch me, you don't have the right to do that ," sabi ko.

Napatawa naman siya sa sinabi ko atsaka nagsalita.

" Sorry, kala ko matutuwa ka. Ganun kasi ang reaksyon ng ibang mga babae paghinahawakan ko sila ." Napasmirk ako sa sinabi niya. Alam ko na ngayon ang ginagawa niya. He's trying to flirt with me.

" Sorry din, pero mali ka ata ng inaakala Delgado. Hindi ako basta bastang babae lang na mahuhulog sa patibong na ginagawa mo," sabi ko sa kanya atsaka pinagkrus ang mga braso ko.

" Well, I think that's an extra challenge. You're the type of game that I'll love to play with, complicated..." Lumapit siya sa akin at bumulong

"...hard, interesting ".

Napailing nalang ako atsaka lumapit pa sa kanya.

" Sorry pero nagkakamali ka nanaman yata. Maling ikumpara ako sa laro. You should compare me with the opponent. Strong, fierce, sexy, the rival I'm sure you can't defeat," sabi ko ng pabulong.

Ngingisi ngisi kong bulong pero parang wala lang epekto sa kanya dahil ang tanging sagot niya lang sa mahabang sinabi ko ay...

"I like your smell ," sabay hawi niya ng buhok sa likuran ko dahilan para maexpose ang leeg ko. Mierda!

Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya at sa hindi malamang dahilan ay napalulon ako at napakagat sa labi ko.

Napatalon kaming dalawa ng makarinig ng isang malakas na pito. Paglingon ko sa harapan ay kitang kita ang paninitig sa amin ng mga kaklase namin at pati na rin ng isang matandang kalbong lalaki.

" You too, maglalandian nalang ba kayo diyan? Baka naman gusto niyo ng makipila sa kanila? O baka naman gusto niyong bumagsak sa klase ko? "

Napakamot nalag ng ulo si Jairus atsaka bumaba sa bench. Ang sama ng tingin sa akin ng mga kaklase naming babae. Para nila kong pinapatay sa mga titig nila.

"Kabago bago nilalandi na agad si Prince Jairus."

" No wonder kung bakit inis na inis sa kanya Si Shey."

" Second day palang dito gumagawa na ng ingay ."

Hindi ko nalang sila pinansin atsaka naglakad papunta sa likuran.

" So for the game today, which is Volleyball, kailangan niyong maghati sa dalawang grupo. Group 1 leader, Vasquez and group 2 leader, Delgado kayo na ang bahalang mamili ng kagroup niyo," naglakad naman papaharap si Jairus atsaka si Von. Siya pala yung Vasquez. Makikita naman sa kanilang dalawa ang pagkairita sa presensya ng isa't isa.

Boys are always like that. Naalala ko tuloy si Ferds at Winston, nakarating kaya sila ng matiwasay sa Europa?

Naputol ang pagiisip ko ng tawagin ako nung Instructor namin.

"At ikaw hindi ka pwedeng maglaro dahil hindi ka nakaP.E. Kaya naman ikaw nalang ang magscore. Alam mo naman siguro kung paano ang larong volleyball diba? " Tinanguan ko lang siya atsaka ibinigay sa kanya ang registration form ko para makapagpapirma.

Matapos naman nun ay pumwesto na ako sa score board doon napansin kong nakapwesto na ang mga players sa magkabilang side ng net. Nasa kay Jairus yung bola at habang dinidribble dribble niya iyon ay nagawa niya pang tumingin sa gawi ko at magsmirk bago tuluyang iserve ang bola. Rinig ang tilian ng mga babae ng pumasok iyon sa kabilang side ng net. Kapansin pansin din ang pagdami ng mga taong pumapasok sa loob ng gym.

'Akala ko ba klase ito bakit parang Intrams ang labas neto?'

Nakuha ang atensyon ko ng pagpito ng isang babae. Paglingon ko sa gawi niya ay naghand signal siya na ibig sabihin ay out at itinuro ang side nila Jairus na nangangahulugang sa kanila pa din ang bola. Kaya naman nilipat ko na ang score sa ' 0-1'

Kagaya ng una niyang serve ay pumasok ulit ang bola. Agad naman iyong nakuha ni Von na pumasok din agad sa kabilang side ng net. Yung babaeng nasa harapan ni Jairus ay tumalon para i-block yun kaya lang ay hindi inabot ng kamay niya ang bola kaya lumampas iyon sa kanya. Ang buong akala ko ay lalabas na ang bola sa linya kaya lang ay biglang dumating si jairus sa ilalim noon at kahit imposibleng pumasok ang spike na ginawa niya ay pumasok pa din iyon sa kabilang side ng net at bago pa makuha iyon ni Von ay lumapag na iyon sa sahig. Hiyawan nanaman ng mga babae ang maririnig matapos niyang maka-score ulit.

Lahat ng serve niya ay pumapasok kaya lang pagdating ng ika-anim nilang puntos ay nagkamali ng pagtira yung kagrupo nila Jairus kaya napunta yung bola kanila Von. Kita naman ang pagkairita ni Jairus dahil sa mapang-asar na ekpresyon ni Von.

' 1-6 '

Bago magserve si Von ay tumingin pa muna siya sa akin atsaka ipinasok ang bola sa kabilang side ng net. Kagaya ng mga service ni Jairus ay swabeng swabeng pumasok ang bola sa kabilang side ng net. Doon na sila nagsimulang makabawi ng puntos sa kabilang grupo. Panay din ang tilian ng mga babae sa tuwing makakapuntos sila Von.

Tinitilian nila yan? Napatitig ako sa seryosong seryosong naglalarong si Von. Kagaya ng katawan ni Jairus ay maganda din naman ang porma ng tindig niya. Sa tantsa ko ay magkasingtangkad lang silang dalawa. Mas maputi si Jairus sa kanya pero makikitang malinis siya sa katawan. Mukha din siyang mayaman at maangas. Dala na din siguro ng kilay niya at pares ng mga matang matalas kung tumingin.

" Sino ba talagang type mo? Si Von o si Jairus?" Pagtatanong ng pamilyar na boses sa likuran ko.

Nang mapatingin ako kay Ella ay nakita kong siya na ang naglilipat ng score at nakakagulat na ' 9-25 ' , ang score. Napakunot nalang ang noo ko at magsasalita na sana kaya lang ay pinutol na niya agad ako.

" Pasalamat ka at nandito ako, kundi baka ginera ka na ng fans ng dalawang yan dahil sa maling pag-i-score mo ," sabi niya.

Paglingon ko ay nakita ko ang malamig na titig sa akin ni Jairus. Ano bang problema nun? Napairap nalang ako atsaka umupo sa upuan sa tabi ng score board.

" Ang gwapo din ni Von noh?" Sabi ni Ella.

Gwapo ba yan? Napairap nalang ako sa sinabi niya.

" Nako kung nakita ka ni Shey na nakatitig sa Boyfriend niya malamang ginera ka na nun ".

Sino namang Shey?

" Wag mong masyadong pakatitigan si Von. Natalo tuloy sila Jairus, tingnan mo oh, wala nanaman sa mood yung tao ." Napatingin naman ako sa gawi ni Jairus at kagaya kanina ay nababalutan pa din siya ng malamig na Aura.

" Anong kinalaman ko sa pagsama ng mood niyan? Kasalanan ko ba kung hindi siya marunong maglaro ng Volleyball?" Sagot ko kay Ella na hindi inaalis ang tingin kay Jairus. Nabigla naman ako ng parang hindi siya makapaniwalang tumingin sa gawi ko. Halatang halata ang pag-igting ng panga niya at ang pagsama ng tingin niya sa akin.

' Don't tell me narinig niya yung sinabi ko? '

*Third Set*

'23-23 '

Tie na yung magkabilang grupo.

Kanina, sa pangalawang set ay nanalo ang grupo nila Jairus nang hindi man lang pinagbibigyan ang kabilang grupo. Masyadong seryoso yung second set na pati yung buong crowd ay hindi nagawang kumurap sa mga rally na naganap. Pero mas intense ang laban nila ngayon, yun nga lang ay nababagalan pa din ako sa paraan ng pagkilos nila kaya hindi ko magawang mamangha.

Ang tagal ng ball rally nila at tila wala talagang gustong magpatalo sa magkabilang grupo. Ilang sandali pa ay nakita ko ang mabilis na paglipad ng bola sa gawi ko. Napailing nalang ako at hinintay ang paglapit noon sa akin at nangmalapit lapit na iyong tumama sa ulo ko naramdaman ko ang mahigpit na paghatak sa akin ng isang lalaki na naging dahilan ng pagtumba ko sa sahig.

' Sh*t ! Ang sakit! '

Napahawak nalang ako sa paa ko na napalipit dahil sa mali kong pagkakabagsak.

"Mierda!" Nang tumingin ako sa lalaking katabi ko ay nakita ko ang mukha ni Jairus na galit na galit.

Agad agad namang lumapit sa akin si Ella para tanungin kung ayos lang ako pero hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya dahil nakuha ng pagsuntok ni Jairus sa mukha ni Von ang atensyon naming lahat.

'What the hell!'

Agad agad umawat yung iba naming kaklaseng lalaki sa kanilang dalawa, kasabay nang paglakad ng P.e. Instructor namin papunta sa gawi nilang dalawa. Nanatili lang naman akong nakaupo sa sahig at nakatingin sa gawi nila.

Second day ko pa lang dito pero puro gulo na ang dala ko. Heto ba ang normal na buhay na matatawag? Napailing nalang ako at pinilit na tumayo kaya lang ay natumba nanaman ako. Mukhang masama nga ata ang bagsak ko. Kung hindi naman kasi nakealam ang lalaking yun edi sana naibalik ko yung bola sa pagmumukha ni Von at hindi na niya kailangan pang manugod at manuntok.

" Ayos ka lang ba talaga? ," pagtatanong ni Ella. Tinanguan ko lang naman siya atsaka umupo sa kama ng school clinic.

" Pinagpaalam ka na namin sa Professors mo, pwede ka ng umuwi kapag may sundo ka na," sabi naman nung Nurse.

Sundo? Tatanda nalang ako dito, pero paniguradong walang darating na susundo sa akin dito. Humiga nalang ulit ako sa kama at itinaas ang kaming paa para piliting paikutin pero hindi ko magawa.

" Haayss, magpasalamat ka kay Jairus kundi dahil sa kanya ay baka yung ulo mo ang hindi mo magawang ikutin ", magpasalamat para saan? Para dito bali sa paa ko?

Napakapakialamero naman kasi niya. Napapahamak ako lalo ng dahil sa kanya. Kung pinabayaan niya nalang sana ako edi sana hindi ako nakaratay dito at wala sana siya doon sa Detention Room.

Ilang sandali pa ay may pumasok sa loob ng Clinic at nang lingunin ko kung sino iyon ay bumungad sa amin ang mukha ni Farrah.

Ano bang tingin niya sa Academy namin? Isang high-end bar?

Nakasuot kasi siya ng kulay pulang bandage dress at gold na 6-inches stilettos. Nakatali pa ng pagkataas taas yung buhok niya at plakadang plakada ang make-up niya sa mukha.

" Hey, Whazzup Lil Princess. I heard you sprained your ankle?" Pambubungad niya sa akin. Inirapan ko lang naman siya. Kailangan ba talagang magsosyal sosyalan siya dito.

" Hey! Can I bring her home, now? She's my second cousin. Anyway, I'm Farrah Clarkson ," maarteng pagpakilala niya sa Nurse sabay lahad ng kamay. Pagkashake hands nilang dalawa ay kaagad siyang naglagay ng hand sanitizer at nagpunas ng kamay gamit ang tissue.

" Halatang magpinsan kayo ," sarkastikong sabi ni Ella sa likuran ko. Bakit ba siya nandito? Kung siya lang naman pala ang susundo sa akin ay pwede bang wag nalang umuwi?

" Oh Ella, Ella-la-la-Ella, don't give me that look. " Sagot ni Farrah. Magkakilala silang dalawa?

" Let us explain ourselves later. Umalis na lang muna tayo dito Jhaedy. Thanks Nurse Faye!" Inalalayan naman nila ako sa pagtayo. Nginitian pa ko ng nurse bago kami tuluyang lumabas.

Habang naglalakad kami sa hallway ay hindi namin maiwasang makakuha ng atensyon. Sa itsura palang kasi ni Farrah ay kuhang kuha na niya ang pansin ng mga lalaki at ng mya tsismosang estudyante. Para siyang model na rumarampa sa runway habang naglalakad. Samantalang ako ay paikaika sa likuran niya. Si Ella naman ay nakaalalay lang sa akin na tila para bang kahit anong oras ay pwede akong matumba.

Pagdating sa Parking lot ay nakita kong nakaabang sa tapat ng kotse ko si Jairus. Anong ginagawa niya dito?

" Can we talk?" Sabi niya habang nakatitig sa akin. Hindi pa ba niya ko kinakausap sa lagay na toh? Ayaw ko sana siyang kausapin kaya lang ay naglakad si Farrah at Ella papalayo sa aming dalawa.

" Spill it ".

" Ayos na ba yung paa mo? " Tanong niya.

" Heto ba ang mukhang maayos sayo? Alam mo kasalanan mo toh eh. Kung hindi ka lang sana nakealam, edi sana maayos akong nakakapaglakad ngayon ", malamig na sabi ko sa kanya. What? Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh.

" What do you mean? Na ako ang may kasalanan kung bakit ka napilayan? Wow! Wow lang! Hindi mo ba naiisip na kung hindi kita tinulak doon ay baka yung ulo mo ang hindi mo maigalaw ngayon? "

" Sa tingin mo ba ay hindi ko kayang iwasan iyon? Palibhasa kasi ay napakapakialamero mo. Pwede ba mind your own business, don't mingle with mine dahil kaya ko ang sarili ko ".

" You're unbelievable, ikaw na nga ang tinulungan ikaw pa ang galit ".

"Tinulungan? Tinulungan by what? By putting me on that kind of situation? Eh kung hindi mo sana sinuntok si Von kahapon ay baka tinigilan na nila ako. Pero ano sinuntok mo na nga kahapon pati ba naman ngayon? Ni hindi nga tayo magkakilala pero pilit kang dumidikit sa akin eh ," mahabang sabi ko. Ito na ata ang pinakamahabang sentence na nasabi ko sa tanang buhay ko.

" Oh sorry ah, may issue ka pala sa pagsuntok ko sa Von MO ," Mariing pagkakasabi niya. Von mo? Pinagkunutan ko lang siya ng noo. Ano nanaman bang iniisip niya? That's not the main issue here, ang pagiging pakialamero niya ang problema ko.

" Alam mo wala ng patutunguhan tong paguusap natin. Just leave me alone ," sabi ko atsaka siya tinalikuran.

Narinig ko pa ang pagmumura niya bago ako tuluyang makalayo.

Kamalasan, kamalasan pakilayuan ako.

avataravatar