8 Chapter 7

Chapter VII

~Jhae's POV

Pagkapasok ko sa Classroom ay wala pa ang susunod na Instructor kaya nagderederetso lang ako papunta sa upuan ko.

" Hi!" Sabi nung babaeng humarang sa akin. Tinitigan ko lang naman siya atsaka nilampasan. Wala ako sa mood makipagusap eh.

" What the heck! Ano bang problema mo huh? Nakakabastos ka ah! Kinakausap pa kita tapos tatalikuran mo lang ako? Hindi mo ba ko kilala?" Dada niya habang hawak hawak niya ako sa braso. Pwede naman siyang magsalita ng hindi ako hinahawakan.

" Hindi kita kilala eh," walang ganang sabi ko naman sa kanya.

"W-what the! At talagang sumasag.. "

"Tama na yan Princess ," sabi nung kasama niya.

"Arrgggh," sabi niya sabay walk out.

Ilang sandali pa at pumasok rin si Jairus at yung mga kaibigan niya. Mukhang kaklase ko nanaman sila.

Nakita ko naman ang pagsibol ng nakakalokong ngiti sa mga labi niya ng magtagpo ang mga mata namin. Talagang hindi pa din siya nagdala ah?

" Matunaw si Jairus niyan," sabi naman nung babaeng tumabi sa akin.

" By the way, I'm Ella Estrella. EL for short and you are?" Paglalahad niya ng kamay sa akin.

" Jhaedy," maikli sagot ko sabay tanggap ng kamay niya.

" Now, I know kung bakit mainit ka sa mga mata nila lalong lalo na nung Empress," nangunot naman ang noo ko.

"Yung empress ay isang group dito sa school pero gang sa labas. Naku! Ingat ka mukhang ikaw ang bago nilang target. Ikaw naman kasi napakasungit mo, tapos ang sinunginatan mo pa talaga ay yung Queen bee ng grupo nila, " tiningnan ko lang siya.

"Tingnan mo yang mga tingin mo nakakakilabot. Ang lamig tingnan at ang angas angas ng dating ," aniya pa.

" Ganito na talaga ko eh anong magagawa ko," sagot ko naman sa kanya.

" Hindi ka naman pala pipe eh. Sagot sagot din pag may time," sabi niya pa.

" Ano bang pakealam mo sa akin?" Ayaw ko sa lahat ay yung kinenwestyon yung mga kilos ko eh.

" Sabihin nalang nating gusto kong maging kaibigan mo," tatawa tawa pang sabi niya.

'Kaibigan'

'Kaibigan'

'Kaibigan'

Pangalawa na siya sa nago-offer ng friendship sa akin ngayong araw at sa pangalawang pagkakataon bibitawan ko nanaman ang linyang.

" Thanks but no thanks. Wala sa bokabularyo ko ang salitang kaibigan," deretsang sabi ko sa kanya.

" Edi ikaw ang magsulat at unti unting dumiskubre ng ibig sabihin ng kaibigan," sabi niya naman.

" Naku, naku, matututuhan mo din akong maging kaibigan," confident na sabi niya. Bakit ba napakadaming makulit sa eskwelahang ito. Iba ang expectation ko pagpasok ko.

Ang buong akala ko ay tahimik ko lang na mairaraos ang pagpasok ko dito pero bakit mukhang unang araw ko pa lang ay magulong magulo na agad ang buhay ko.

"Haayy naku ok lang naman kahit hindi mo ako kausapin. Sanay naman akong hindi kinakausap eh. Uy sabay tayong umuwi ah ," sabi niya pa.

Hindi ba siya napapagod sa kakasalita niya. Tumingin nalang ako sa harapan at napansing nakatingin nanaman si Jairus sa akin.

Ang akala ko ay magaalis na siya ng tingin pero hindi niya yun ginawa at dahil wala akong balak na unang magalis ng tingin ay sinamantala ko na iyon para mapagmasdan siya.

Makapal ang kilay niya. His eyes is coal black at makikita ang pilyo niyang tingin mula doon. Matangos din ang ilong niya. May dimples sa kanang pisngi na sumisilay dahil sa kanyang pagkakangiti. Nang magbaba ako ng tingin sa kanyang labi ay kapansin pansin ang pamumula nito. Nagtaas ako ng tingin sa mga mata niya ng makitang lalo pa siyang ngumiti at saka ako kinindatan.

" Naku! Naku! Sabi ko na nga ba at gusto mo yang si Jairus. Alam mo bang marami akong alam tungkol sa kanya?" Napatingin naman ako sa sinabi niya.

"Ohhh kitams. Aminin, may gusto ka noh. Wag kang mag-alala close kami niyan, wala yang girlfriend dahil sabi sabi ay mahal pa daw niya ung Ex niya na bigla nalang siyang iniwan ng wala manlang paa-paalam. Pero may ka-MU siya kaya lang nasa isang business trip yun kaya wala siyang kalandian ngayon pwede kitang i-apply, ako backer mo," sabi niya pa habang pataas taas ang kilay.

" Wala akong gusto sa kanya," sabi ko naman.

"Sabi mo eh, ganyan din ang sabi nung ilang kakilala ko pero lahat sila nahulog sa patalim ng lalaking iyan," pwes hindi ako isa sa mga kakilala niya.

" Basta pag nagbago yung isip mo alam na," pangungulit niya pa pero hindi ko nalang siya pinansin at nanahimik na lang.

Pamaya maya ay dumating na din ang susunod na Instructor. Buti naman dahil hindi ko na kayang pakinggan yung katabi ko.

Matapos ng klase ay nauna akong lumabas.Tumawag kasi si Chairman at pinapapunta ako sa Opisina niya. Pagkalabas ko sa parking area ay may humarang bigla sa akin.

"Ooppss mukhang nagmamadali ka ah. May humahabol ba sayo? Wag ka munang umuwi, maglaro muna tayo," sabi niya pa.

'Sino ba toh?'

Tiningnan ko lang naman siya at saka nilampasan.

Mierda!

Tumawa pa siya bago magsalita." Alam mo miss Jhaedy Vailon hindi mo ko madadaan sa patingin tingin mong ganyan. Walang talab sa akin yung paganyan ganyan mo, puro angas wala namang binatbat," sabi niya pa.

Malakas pala sapak nito eh. Wala pa kong ginagawa maangas na agad. Baka pagkainupakan ko siya mawala ang angas niya. Wag niyang sabihing lalaki siya at kayang kaya ko siyang iligpit ngayon.

Estupido!

Lalayasan ko na sana siya ng bigla niya kong hatakin dahilan para maout of balance ako. Nakaheels ako for goodness sake and like hello five inches tong suot ko bulag ba siya.

Tatayo na sana ako ng biglang may sumabunot sa akin. What the! Kinaladkad ako nung isa pa niyang kasama at malamang sa malamang masakit yun.

" Ano masakit ba huh? " Tanong niya sabay tawa.

"Ganyan ang napapala ng mga nang babastos sa akin," sabi nung babaeng Queen Bee daw nung Empress imbento gang.

Para yun lang nabastos na siya agad? Kailangan ko ba talaga ng pansinin din siya. Feeling close pala toh eh.

" Ano? Magmakaawa ka na at baka magbago pa ang isip ko. Marunong pa din naman akong maawa eh."

Napatawa nalang ako sa isip isip ko. Boba ba siya? Ako magmamakaawa sa kanya? Sino ba siya? Hinding hindi luluhod o magmamakaawa ang isang Prinsesang gaya ko sa isang dukhang kagaya niya. Dumadami nanaman yung mga nanunuod sa amin. Mga usisero at usisera.

Tsk'

Tinitigan ko lang siya at inilabas ang nakakalokong mga ngiti ko sa labi na alam kong magiging dahilan para magwala siya at nangyari nga!, dahil ngayon ay gigil na gigil siya sa akin na Mas lalong nakakapagpasaya sa akin. Hahaha sige lang mapikon, magalit at kamuhian mo lang ako. Mas natutuwa ako ng ganyan.

Sinampal niya naman ako, pero hindi pa rin ako natinag. Kala niya ba ay masasaktan ako sa ginawa niya? Napakahina ng sampal niya. Sinampal niya pa ulit ako, pero ganun pa din.

"Ano masakit ba? Iiyak ka na ba?" Nangaasar na tanong niya habang nakahawak pa sa baba ko.

"Nagpapatawa ka ba? Ang akala mo ba ay masasaktan mo lang ako sa paganyan ganyan mo, huh? Estupida! Baka gusto mong ipatikim ko sayo ang tunay na sampal at ng matauhan ka," pabulong na sabi ko sa kanya habang unti unting pinipiraot yung kamay niyang nakahawak sa mukha ko.

Halatang halata namang nasasaktan na siya sa ginagawa ko. Balian ko kaya ang isang toh?

" Ano? Ako ngayon ang magtatanong? Masakit ba?" Pabulong na sabi ko pa din sa kanya. Kung wala lang akong katauhang dapat itago, kanina ko pa siya inilampaso dito.

Tatayo na sana ako ng biglang dumating sila EL.

"Anong? Oh my gee! What happened to you my dear Jhaedy? Ok ka lang ba?" pagtatanong niya pa.

" Jhaedy?" Narinig ko namang sigaw nung lalaking kadarating lang.

" Oh! Chill Jairus, tinuturuan lang namin yang babaeng yan ng leksyon," Wow! Ganito lang pala sila maglecture, wala man lang akong natutunan.

"Tigilan niyo na yan," sabi niya pa. Ano bang ginagawa niya dito? Nagpapaka Knight and Shining Armor?

Pwes kung ganun nga ay hindi ko kailangan ng tulong niya. Hinding hindi ako manghihingi ng tulong kahit na kaninong tao, dahil kaya ko.

" Wag kang makekealam dito Jairus," sabi niya pa sabay hawak sa kwelyo ni Jairus.

Nakisali pa kasi eh'

Bigla naman siyang sinapak ni Jairus dahilan para matumba siya agad. Mga bobo silang lahat, pinapalaki nila ang isang napakaliit na issue. Sige magpasikat pa kayo, yan naman ang gusto niyo eh' yung nagmumukhang maangas. Nilapitan pa siya nung babaeng sumampal sa akin.

" Von Baby, are you alright?" Sabi niya pa habang hawak hawak sa mukha yung Von daw ang pangalan. Agad agad naman siyang tumayo atsaka umamba ng sapak kay Jairus pero bago niya pa magawa yun ay naunahan nanaman siya at ilang sandali pa nga ay nakahilata na sa sahig yung Von.

May dumating naman na mga Gwardiya para umawat. Gusto pa nga ulit sumugod ni Von at kitang kitang galit na galit siya sa ginawa ni Jairus pero hinawakan na siya ng Gwardiya.

" Hindi pa tayo tapos," baling niya sa akin, sabay alis. Inirapan pa ko nung reyna ng mga bubuyog bago tuluyang maglakad papalayo.

Agad agad nanaman akong tumayo at naglakad papalapit sa kotse ko.

" Waaaahhh Baby Jhaedy are you alright?" Tanong sa akin ni EL. Tinanguan ko lang naman siya.

" W-wait, ohh my gee! Ayos lang ba yung legs mo?" Napatingin naman ako sa binti ko at doon ko napansing nagasgasan yung binti ko. Kaladkarin ba naman ako sa batuhan ng nakadress at nakaheels.

Bakit nga ba hindi ko napansin toh? Baka magkapeklat ako neto eh' ang pangit tingnan.

" Ayos ka lang ba?" Sabi naman ni Jairus sa akin. Tiningnan ko lang siya atsaka binuksan ang pintuan ng kotse ko.

" Tsk' hindi man lang magthank you," rinig kong bulong niya pa. Ako magte-thank you? Sinabi ko bang tulungan niya ko? Eh sa ginawa niya mas mukhang pag-iinitan pa ako lalo ng mga yun eh.

" Uy! Baby Jhaedy ok kalang ba talaga huh? Uy sagot naman dyan," pangungulit naman ni EL. Tinanguan ko lang siya bilang sagot.

" Mauna na ko," paalam ko sa kanya.

"Kala ko ba sabay tayong uuwi? Uy!" May sinabi ba ko? Di ko na siya sinagot pa at umuna na ako. Anong oras na patay ako sa Chairman neto.

Pagdating ko sa Mansion ay agad agad naman akong dumeretso sa opisina ng Chairman. Pagkapasok ko ay naabutan ko siyang may kausap na isang pamilyar na tao at dahil nakatalikod ito ay hindi ko makita kung sino siya.

" Nandito na po ako," pagkalingon nilang dalawa ay nagulat ako sa nakita ko.

Anong ginagawa niya dito?

"Hello Milejhae," bati niya sa akin.

"Kailan ka pa bumalik?" Tanong ko sa kanya.

" Wala manlang bang hi diyan? Naku hindi ka pa rin talaga nagbabago," sabi niya sa akin. Hindi pa rin ba siya sanay sa akin?

"Tss "

"Kanina lang ako nakabalik at nagpahinga lang ako saglit tapos dumeretso na ko dito," sige pa magpagood shot ka pa. Binalingan ko naman ng tingin si Chairman.

" Bakit niyo po ako pinatawag?" Deretsang tanong ko.

" Pinatawag kita para ipaalam na si Farrah ang magiging kasama mo sa unang task ko para sa iyo," sagot naman niya sa akin.

Kailangan pa ba ng kasama sa ipapagawa niya? Kunsabagay madaming nakapaligid sa amin ngayon at hindi ko alam kung sinong dapat pagkatiwalaan atleast may isa na akong pwedeng maging mata at si Farrah yun.

Matagal ko na siyang kakilala. Actually sa Mansion din siya nakatira (sa island namin) at anak siya ni Master, kaya naman alam kong mapagkakatiwalaan ko siya. Ngunit hindi ko pa din maibibigay ang 100 porsiyento ng pagtitiwala ko sa kanya. Alam kong sarili ko lang ang mapagkakatiwalaan ko wala ng iba.

Pagkalabas namin ng Opisina ay dumeretso kaming dalawa sa sala para doon muna magusap.

" So napano ka?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

" Yung gasgas sa binti mo yung tinutukoy ko, kanina pa kasi nagdudugo. Hindi mo ba lilinisin yan? Kadiri ka," dagdag niya pa. Walangyah toh at nagawa pang mandiri.

Nagpakuha ako ng panlinis ng sugat sa maid ni Chairman at habang nililinis ko yun ay mukhang ewang tanong ng tanong yung katabi ko.

"Napano ba kasi yan girl?" At dahil mukhang hindi naman siya titigil katatanong ay kinuwento ko na sa kanya yung nangyari.

" Buti hindi mo pinatulan hahaha dapat sinampal mo na din."

"Gagawin ko na dapat eh' kaya lang may umepal," sabi ko sa kanya.

" The who?"

" Jairus Delgado," sagot ko naman sa kanya na parang ikinagulat niya. Kilala niya ba yun?

" Oh! You mean pinagtanggol niya yung girl?" Tanong niya pa. Umiling naman ako.

"Ako yung pinagtanggol niya, sinapak niya yung lalaki ," mukha namang nagulat pa siya lalo.

" Oh really! My Ghad!" Ang OA niya.

" Kilala mo ba siya? " Tanong ko. Sa itsura niya kasi ay mukhang kilala niya yung ikinikwento ko. Tumango tango naman siya sa akin atsaka magsalita.

" Sila yung may ari ng isa sa pinakamalalaking Cruise Line Company sa buong mundo and kilala ang Jairus Delgado na yan bilang pinakabatang successful na Entrepreneur ", sabi niya pa.

Seems like my questions had already answered.

" Ang swerte mo girl ," swerte ba yung maituturing?

" Swerte? Napakapakialamero niya. Nang dahil sa ginawa niya ay paniguradong mas pag-iinitan lang ako ng mga estudyante doon. First day na first day ko ang dami ng nangyari ng dahil sa taong iyan," sabi ko pa.

" Nope, mali ka dyan. Ang swerte swerte mo girl. Prinsesang prinsesa ang dating mo. Akalain mong sa itsura mong iyan ay may nagpapacute sa iyong gwapong nilalang na mala-Knight in Shining Armor", so kilala nga niya?

" Pardon? " Sa tabas ng dila niya ay parang sinasabi niyang napakapangit ko para sa isang lalaking katulad ni Jairus.

" Why don't you act like a damsel and distress ng sa ganun hindi mo na kailangan magpakita ng tunay mong kakayahan sa ibang tao at mas magawa mo ang misyong mo dito ".

" What?" Sinamaan ko lalo siya ng tingin.

" May pagka-slow ka din eh noh," kanina pa siya. Gusto niya bang mamatay ng maaga?

"Ang ibig sabihin ko lang naman dun ay mas magandang magmukha kang mahina sa paningin ng mga taong nakapaligid sa iyo ngayon para hindi paghinalaang may masama kang balak."

" Alam ko kung anong dapat kong gawin. Mierda! At anong sabi mo? Anong problema mo sa itsura ko, huh? ", napatawa nalang siya sa sinabi ko.

Ang babaeng toh, hindi talaga siya tinatablan sa paraan ng pagtitig at pagsasalita ko.

Pasalamat talaga siya't anak siya ng Chairman kung hindi ay matagal ko na siyang pinutulan ng hiningan.

avataravatar
Next chapter