7 Chapter 6

Chapter VI

~Jairus' PoV

Habang naglalakad ako sa Hallway ay naalala ko nanaman yung itsura niya pagkapasok niya ng classroom. Walang reaksyon o emosyong makikita sa mga mata. Parang wala lang siyang pakealam at interes sa mga bagay bagay na nasa paligid niya. Pero kaming dalawa ni Arc sa sandaling pumasok siya ay parang automatic na tumigil yung oras. Nang mga sandaling yun ay nagkatinginan kaming dalawa at alam kong parehas kaming dalawa ng naiisip.

Pagkabalik ko ng classroom ay saktong papasok na si Mr. Esguerra. Pagkapasok na pagkapasok niya ay parang nagtransform yung klase namin. Yung kaninang maiingay ay nagsitahimikan na. Pero yung mga babae ay maririnig mo pa rin ang pagbubulungan at sa mga tingin nila ay halatang parang gusto nilang halayin yung Instructor.

" Good Morning Class, kumusta ang weekend niyo? "

"Okay naman Sir, masaya na malungkot," sagot nung isa naming ka klase na hindi ko alam ang pangalan.

" Oh! Panong masaya na malungkot Miss?"

"Masaya Sir kasi nakapagpahinga kami ng bongga, pero malungkot kasi matagal kong hindi nakita yung mga crush ko", sagot niya naman.

Hindi ko na sila pinakinggan dahil naiirita lang ako sa mga pinagsasasabi nila. Mas magulo pa ang klase na toh kaysa sa mga naiingkwentro kong bakbakan sa labas.

Pamaya maya ay narinig ko nalang na nagbubulungan nanaman ung mga classmates ko.

" Maganda ba yan? Maputi lang oh,'' sino nanaman yung pinagbubulungan nila.

" And look pa girl hindi naman siya sexy. Ang payat payat kaya niya."

" Pssh first day na first day niya natutulog sa klase."

"Kabago-bago dito umaattitude na. Bakit ba kasi natin kaklase yan, mukha naman siyang puro paganda lang. BA 3A ba talaga siya."

" Ang mga babae talaga pag may nakitang mas maganda at mas angat sa kanila, pipintasan at pipintasan nila," biglang sabat naman ni Vincent.

"Good Morning Miss, mukhang sarap na sarap ka sa pagtulog ah', kwentuhan mo naman kami tungkol sa panaginip mo", rinig kong sabi ni Sir mula sa likod dahilan para mapalingon ako at doon ko nakitang ang kinakausap niya pala ay si Elevator Girl.

Nagtawanan naman yung mga estudyante dahil sa sinabi niya. " Ano hindi ka ba magsasalita? Pipe ka ba?" Ang akala ko ay sasagot siya pero imbis na gawin iyon ay nakatingin lang siya sa labas na parang walang pakealam.

"Pipe ka ba o sadyang tanga ka lang at hindi nakakaintindi Miss?," nung mga oras na yun ay napalingon na siya atsaka nagsalita.

" Gusto mo ba talagang malaman kung anong napanaginipan ko? ", sabi niya at unti unting lumapit sa Instructor namin at may ibinulong. Sa Isang iglap ay biglang nagbago ang ihip ng hangin at bakas sa mukha ng Instructor yung pagkagulat at biglang pamumutla.

"Alright! Let's start the discussion'' biglang sabi ng Instructor namin at bumalik sa harapan.

Ano kayang sinabi niya?

Wala namang espesyal na nangyari bukod sa nakita ko ulit si Jhaedy at nalaman yung pangalan niya. Hindi ko na siya naging kaklase sa iba ko pang morning classes.

Pagkatapos ng klase namin ay agad agad kaming nagpunta sa Crown. ( A/N: Place po nila yun sa Academy. Garden yun sa roof top ng isa sa mga building sa school nila.)

Pasalamat sila nasa mood talaga ako ngayon. Nang makarating kami doon ay agad agad naman silang nagsipwestuhan.

" Yung transferree, pamilyar siya hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita ," ani Vincent habang nakaupo sa kulay asul na sofa at nilalaro ang rubics na hindi ko alam kung saam niya nakuha.

" Baka naman isa sa mga nakafling mo dati Vince ", biro ni Thomas na medyo ikinairita ko.

" Fling? Malab, yung itsurang ganun ay hindi ko makakalimutan kung isa nga siya sa mga babaeng nalink sa akin."

" Sabagay, kung ako din eh. Kaya lang parang nakakatakot lapitan yung mga babaeng gaya niya. Nakakaintimidate ," sabi pa ni Thomas.

" Nakita niyo yung kilos, pananalita, at yung paraan ng pagtitig niya. Yung mga mata niya nakakapangilabot," dagdag pa niya.

Napatingin naman ako kay Arc ma ngayon ay nakatutok nanaman sa libro niya at mukhang walang pakealam sa pinaguusapan ni Vincent at Thomas.

Ano kayang naiisip niya?

~Jhae's POV

Pabalik na ko ng classroom ng biglang may humatak sa akin.

" Ms. Vailon kailangan nating magusap, " tapos hinatak niya ako papunta sa isang coffee shop sa tapat ng Academy. Agad agad naman siyang umorder at parang hindi mapakali.

" Alright Ms. Vailon hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. Paano mo nalaman yung sikreto ko?" Deretsahang tanong niya sa akin.

"Stalker ba kita? Ang hirap talagang maging gwapo," sabi niya pa. Ano bang sinasabi neto?

" Ano bang sikreto? Yung pagiging bakla mo ba Mr. Esguerra?" Tinakpan naman niya agad yung bibig ko at saka sinabing hinaan ko ang boses ko.

" Ano ka ba wag kang maingay. Paano mo nga ba nalaman? Wag mong sabihing?" Anong kala niya sa akin. Dapat talaga nagtikom nalang ako ng bibig kanina. Sakit sa ulo.

"Sabihin nalang nating masyado kang halata," sabi ko naman sa kanya.

" Papaanong halata eh...", dumating nanaman yung inorder niya.

" Sabihin nalang nating iba akong tumingin keysa sa ibang tao," sabi ko naman habang deretsong deretsong nakatingin sa mga mata niya.

" Ang ganda ng contact lens mo. Saan mo binili?" Pagsisingit niya naman. Bakla nga talaga siya.

" Natural yan Mr. Esguerra."

" Weh?" Kinusot kusot ko naman yung mata ko para patunayan sa kanya.

" Wow! Ang ganda, sana biniyayaan din ako ng ganyang mga mata. Pero ano ka nga?"

"Babae ako Mr. Esguerra. Halata naman siguro sa taas ng heels na suot-suot ko."

" Aaiisshh Ano ba yan stop the po word. Nakakatanda. Duh! " Sabi niya habang iniikot ang mga mata. "21 years old pa lang kaya ako," dugtong niya pa.

Kung sabagay mukha nga lang siyang kasing edad namin eh at aminado naman akong may itsura naman talaga siya, bakla nga lang. (A/N: Gwapo po talaga yung Instructor nila. Kamukha niya si Yoo Seung Ho. Hihihi :) )

" Alam mo ba ikaw lang ang may alam na Gay ako, ikaw lang. Naku pag nalaman ng Parents ko yun baka itakwil na lang ako, kaya ssshh ka lang ah. Atin atin lang yun, please lang," sabi niya pa.

" Wag kang magalala wala naman akong pakealam sa nalaman ko at wala naman akong mahihita kapag idinaldal ko ang sikreto mo Mr. Esguerra," pagkukumpirma ko sa kanya.

Nagsasabi lang ako ng totoo. Wala naman talaga akong pakealam. Dapat nga hindi ko sasabihin sa kanyang alam ko yun dahil alam kong mangyayari toh. Imbis na nasa klase ako ngayon ay nandito ako sa labas. Kaya lang kung hindi ko sinabi sa kanya yun baka hanggang ngayon ay di pa rin siya tumitigil sa katatalak sa akin sa loob.

" Oh My Gee! Salamat talaga girl and nga pala sorry kanina ah. Ikaw naman kasi tutulog tulog sa klase tapos tinatanong kanina ayaw magsalita," aminado naman akong may mali ako dahil nakatulog ako eh.

" Tinatamad akong magsalita eh."

" Ano? Sa lahat ata ng babaeng nakilala ko ikaw lang yung tinatamad magsalita, para kang lalaki ," sabi niya naman sabay higop nung kape niya.

"Pero hindi ako lalaki kaya wag kang magkakagusto sa akin. Ang ganda ko pa naman baka mamaya maging straight ka niyan, lagot ka," sabi ko ng nakangisi dahilan para muntikan na niyang maibuga yung iniinom niya.

" Ano ba yan bakla. Naku wag kang mag-alala kahit na alam kong mas pretty ka sakin hindi kita papatulan, di kita type excuse me," sabi niya pa at nakakatawa yung reaksyon niya habang sinasabi niya yun.

Defensive masyado.

" Mabuti naman kung ganun."

" So ano na... friends?" Tanong niya naman habang nakalahad yung kamay sa harap ko. Ngayon lang may naglakas loob na kumaibigan sa akin.

Pero kasi hindi ka pwedeng makipagkaibigan, dahil sarili mo lang ang kaibigan mo at wala kang pwedeng pagkatiwalaan kundi ang sarili mo lang din' naalala ko naman yung sinabi ni Master.

" Sorry Mr. Esguerra pero... wala sa bokabularyo ko ang salitang kaibigan. Pero asahan mong magiging magaling at mabuti akong estudyante sa klase mo. Sige mauuna na ako'', sabi ko naman sa kanya atsaka lumabas ng Coffee shop.

Habang naglalakad ako papasok sa gate ay napansin ko namang may mga matang nagmamasid sa akin sa malayo. Ang akala ko pagkapasok ko ay mawawala na sila. Pero nadagdagan pa sila ng dalawa pagkapasok ko ng Campus, kaya naman doon ako dumaan sa likod ng Faculty Building at doon siya kinompronta.

Oo isa lang dahil yung tatlo kanina ay naglaho nalang bigla. Ang isang toh ay yung kanina pa sumusunod sa akin.

" Anong kailangan mo? Bakit mo ko sinusundan?" Tanong ko sa kanya at isinandal ko siya sa pader ng buong lakas.

" Ohh chill! " Sabi ng pamilyar na baritonong boses atsaka nagtaas ng kamay na tila parang sumusuko.

Nagulat ako sa bigla niyang paghatak sa akin at sa isang iglap lang ay nagkabaliktad kami ng posisyon. Ako na ang nakasandal ngayon sa pader.

" Gusto ko lang namang ibalik sayo toh, Ms. Vailon ," sabi niya atsaka abot sa akin ng schedule ko pero nakatingin pa din ako sa mukha niya at hindi ko magawang makagalaw.

Napaawang nalang ang labi ko at hindi makapaniwalang nagawa niyang pagpalitin ang posisyon naming dalawa. Nangunot ang noo ko at saka siya tiningnan.

"Don't stare at me like that. Alam kong gwapo ako pero hindi mo na kailangan ipahalata pa iyon," sabi niya atsaka tumitig sa mga mata ko at mas lumapit pa sa akin.

" Excuse me? "

"Bakit dadaan ka? Paano kung ayaw ko? "

Pilosopo! Napairap nalang ako sa inis sa kanya. Napakadami kong gustong sabihin sa kanya at gustong gusto kong ibato pabalik ang bintang niyang pagtitig ko sa kanya pero hindi ko magawa. What's wrong with me.

Napairap nalang ako atsaka nagiwas ng tingin sa kanya. Hindi ako sanay sa malapitang body contact, naiilang ako ng sobra.

" Ganyan ka ba makipagusap sa mga taong hindi mo kilala?" Sabi ko sa kanya atsaka muli siyang hinarap. This time tinapunan ko siya ng malamig na titig pero hindi pa rin siya natinag.

" Nope ", sabi niya na hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi. Magsasalita na sana ako ulit kaya lang ay pinutol niya iyon at nagsalita pa ulit.

" You're not a stranger, kilala kita. Actually, kilalang kilala talaga."

Napakunot nalang ang noo ko. Kilalang kilala?

" Sabi kasi sa akin ng instinct ko, ikaw daw yung destiny ko, kaya kilalang kilala ka ng puso ko ," sabi niya atsaka kumindat sa akin.

Ramdam ko ang paginit ng pakiramdam ko. Napakagat nalang ako ng labi sa pagkairita.

Ilang sandali pa ay...

"O-ouch! F*ck! Sh*t! ", sigaw niya habang namimilipit sa sakit.

Serves him right.

"Destiny mo mukha mo", sabi ko atsaka naglakad papalayo.

~Farrah's POV

Pagkababang pagkababa ko ng eroplano ay agad agad kong kinuha ang phone ko para i-confirm sa Mom ko na nakabalik na ko ng bansa.

*Phone Rings*

" Hello Mom "

" Hello Farrah, nandyan ka na ba sa Pilipinas?" Pagtatanong niya sa akin sa kabilang linya.

"Oh yes nakababa na ko ng plane."

" Mabuti kung ganun, puntahan mo ang Chairman ah."

"Alright, magpapahinga lang ako ngayong araw kasi naman Mom may jet lag pa ako, siguro naman maiintindihan ni Chairman yun diba?" My god naman kasi.

As in duh! Kabababa ko palang oh. Di ba pwedeng magpahinga muna? Kahit naman Reaper ako napapagod din naman ako noh.

" Oh sige na, sige na, magiingat ka palagi Sweetie, I love you."

" OK Mom. I love you too," sagot ko. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi pa ko nakakatagal sa Korea pinauwi na ko ka agad dito.

Pagdating ko sa bahay ay nagpahinga lang ako saglit at dumeretso na ko sa Opisina ng Chairman.

" Maligayang pagbabalik Ms. Clarkson," yumuko naman ako para magbigay galang sa kanya.

" Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa," may binigay naman siya sa aking folder.

" Yan ang kailangan mong trabahuhin ngayon, ang siguraduhing magagawa niya ang misyong yan," at nang tignan ko yung nasa folder.

" Oh My God! Magiging ka partner ko si Princess sa misyon na toh? I can't believe it! " Hindi naman sa minamaliit ko ang sarili ko pero bakit ako?

Ano nanamang pinaplano mo Chairman Reaño?

avataravatar
Next chapter