6 Chapter 5

Chapter V

~Jhae's PoV

" Good Morning Ms. Vailon here's your I.D, registration card and your schedule. Thank you for choosing Richmond Academy. Enjoy your stay Ms. Vailon," nakangiting sabi ni Ms. Ortega, taga Registration Office. Kinuha ko naman iyon sa kanya atsaka ichineck ang schedule ko. Kaagad akong nagtungo sa magiging classroom ko. Itinuro naman sa akin kung paano pumunta doon kaya hindi ako nahirapan pang tuntunin kung nasasaan iyon.

Nasa hallway palang ako ay rinig na rinig ko na ang maiingay na estudyante. Ganito ba talaga ang typical na eskwelahan?

Napabuntong hininga nalang ako at ngayon palang ay parang pagsisisihan ko ata ang pagpasok ko dito. Ganito yung mga napapanood ko sa movies tapos ang susunod na mangyayari sa bidang transferee ay aapihin ng mga old students na maraming insecurities sa katawan. Pero sa lagay kong toh, hindi naman siguro ako mabubully. Napangisi nalang ako sa naisip.

Pagkatapat na pagkatapat ko palang sa classroom ay parang gusto ko na agad umalis. Mas malala pa ito sa inaasahan ko. Sobrang ingay nila at mukhang nagkakagulo sila sa loob.

Nang buksan ko ang pintuan ay nagtatawanan ang mga estudyante sa loob. Natigilan ako ng makita ang pinagtatawanan nila at hindi ko inaasahang may ganito silang show dito.

Napangiwi ako ng bahagya at nagiwas ng tingin sa dalawang lalaking naghahalikan sa sahig. Mali ata ako ng napasukan.

Napatingin pa ulit ako sa dalawang lalaki sa sahig at nang magtagpo ang mata namin nung isa ay agad agad niyang itinulak papalayo yung nakapaibabaw na lalaki sa kanya.

Teka lang saan ko nga ba siya nakita?

Pamilyar siya, tinitigan ko pa siya ng mabuti at doon ko napagtantong nakita ko na ang lalaking iyon. Siya yung lalaki sa Elevator.

Napailing nalang ako tiningnan muli ang schedule na hawak hawak ko at napabuntong hininga ng masiguradong dito nga ang klase ko. Bahagya naman napatahimik yung kaninang klaseng nuknukan ng ingay. Lahat sila ay nakatingin sa akin na tila sinusuri ng mabuti ang itsura ko hanggang sa magsimula nanaman ang panibagong bulung-bulungan.

' Ohh siya siguro yung sinasabing transferee student'

'Tama nga sila ang ganda nga niya'

'Diba limited edition yung Chanel bag na hawak hawak niya?'

'Mukhang Rich kid, paniguradong paglipas ng tatlong araw miyembro na yan ng Empress'

'Mukha siyang living barbie doll '

Hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy sa paglalakad sa dulong bahagi ng silid. Tahimik lang akong naupo sa bakanteng upuan sa dulo. Ngayon ang tanging nararamdaman ko lang ay pagod at antok. Kaya naman hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Nagmulat lang ako ng mata ng naramdaman kong may kumalabit sa akin.

"Good Morning Miss, mukhang sarap na sarap ka sa pagtulog ah. Kwentuhan mo naman kami tungkol sa panaginip mo," sarkastikong sabi sa akin ng sa tingin ko'y magiging Instructor namin ngayon.

Nagtawanan naman yung mga estudyante dahil sa sinabi niya.

" Ano hindi ka ba magsasalita? Pipe ka ba?" Tanong niya pa sa akin.

Nakatingin lang ako sa labas habang pinapakinggan yung mga sinasabi niya. Kung hindi lang ako pagod baka pinagtuunan ko pa nang pansin yung mga sinasabi niya.

"Pipe ka ba o sadyang Tanga ka lang at hindi nakakaintindi Miss?" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya pero mas pinili ko pa ding maging kalmado.

Tinitigan ko siya atsaka ako nagsalita.

" Gusto mo ba talagang malaman kung anong napanaginipan ko?" Unti unti akong lumapit sa kanya at sinabi sa kanya ang mga katagang makakapagpatahimik sa kanya.

" Next time act like a Professional, Sir ", dagdag ko pa bago tuluyang lumayo.

"Alright! Let's start the discussion," sabi niya naman.

Madaming estudyanteng umalma dahil kakatapos lang daw nilang magquiz last week ay magdidiscussion nanaman daw kaya naman binago niya yung dapat na gagawin niya.

Napakawirdo. Ganito ba talaga ang mga estudyante dito?

" Sige ganito nalang ang gagawin niyo. Mag o-oral recitation tayo. Say your name with the most interesting fact about yourself that connects with our National Hero Dr. Jose Rizal, tutal ang subject naman natin ay tungkol sa kanya," paliwanag naman niya sa amin.

" Alright let's start with... " nasa kalagitnaan siya ng pagsasalita ng biglang bumukas ang pintuan at

"GoodMorning Sir, sorry I'm late, m-may inasikaso la..."

Hindi na niya natapos ang pagsasalita niya dahil pinapasok na rin naman niya ito.

" Bago pala tayo magsimula hayaan niyo munang ipakilala ko ang sarili ko sa bago niyong classmate. Goodmorning Miss, I'm Mr. Sergio Esguerra, Mr. Esguerra will do," kasunod ng pagsabi niya ng pangalan niya ay ang bulung bulungan ng mga estudyante.

May ilang kinikilig pa dahil sobrang masculine daw ng pagkakasabi ng pangalan ni Mr. Esguerra. Kesyo fit na fit daw sa itsura niya. Mayroon pang nagsasabing ang gwapo gwapo daw si Sir. Mangagalahati na ang klase nila pero mukhang wala pa ring nakakahalata.

Tss. Kung alam lang nila.

"Alright! Ngayong tapos na ako simulan na natin ang oral recitation niyo at dahil late ka Miss, ikaw ang magsimula," turo niya sa babaeng nalate ng dating. Pinaliwanag pa ulit ni Mr. Esguerra yung gagawin bago siya magsalita.

" A-ahm, Magandang Umaga. I'm Tracie Agatha Policarpio Romualdez and ahhmm parehas kami ni Dr. Jose Rizal na nagsisimula yung last name sa letter R," sabi niya at naupo na siya.

Basic, rinig naman ang pagalma ng ibang estudyante dahil naunahan daw sila sa isasagot nila.

" I'm Naeomi Salinas at gaya ni Dr. Rizal mahilig akong magsulat ng mga tula."

Tumingin nalang akong muli sa labas habang pinapakinggan yung mga sinasabi nila. Hindi man lang nila nakuha ang Interes ko para pakinggan sila.

Ganito ba ang itinuturo dito sa labas?

" Hello ," bahagya akong napatigil sa pagiisip ng marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaking yun.

"Kyyyaahhhh' Ang gwapo gwapo niya beh. Buti nalang pumasok na ulit siya," rinig kong sabi nung nasa harapan ko.

" I'm Jairus Delgado," nararamdaman kong may nakatitig nanaman sa akin. Who could that be?

" Kagaya ni Rizal, habulin din ako ng mga babae ", narinig ko naman ang halakhakan ng mga estudyante.

" Hmmm' gwapo din ako at ma-appeal gaya niya pero mas lamang nga lang ako sa kanya ", napalingon na ako sa nagsasalita at hindi ko maiwasang hindi mairita sa naririnig ko. Is that even a recitation?

Nagawi naman kay Mr. Esguerra ang tingin ko at napailing nalang ng makitang tulalang tulala siya sa mahanging lalaking nakatayo ngayon. Bago siya umupo ay tumingin muna siya sa akin. Hanggang dito ba naman ay ganyan siya? Biglang nagflashback sa isipan ko kung pano niya ko titigan sa Elevator nung araw na yun.

Hindi man lang ba siya marunong magtago ng interes sa isang tao? Umirap ako para makaiwas ng tingin.

Ilang Sandali pa ay tumayo na rin naman ako.

" I'm Jhaedy Vailon, and like Rizal I  can speak French, Mandarin, Italian, Russian, Japanese, Spanish, English and German ", maikling sabi ko.

" Ohh! That's awesome Ms. Vailon," papuri niya pa sa akin.

Definitely awesome, idagdag mo pa ang Hangeul na isa sa pinakapaborito kong lenggwahe'.

Nagpatuloy lang ang klase ko. May dalawa na rin akong pinasukang mga klase na puro introduction lang naman ang pinagawa sa akin. Nakakairita rin palang paulit ulit na sabihing ang pangalan ko at magpakilala kung kani-kaninong tao.

Pagkatapos ng pangatlong klase ay nagring na ang bell at nagsilabasan na ang mga estudyante. Lalabas na din sana ako para maglakad lakad sa labas ng may humarang sa akin.

" Hello! Ako nga pala si Tracie Agatha Romua..", pinutol ko siya sa pagsasalita niya.

"Alam ko," sabi ko sa kanya. Nanlaki pa ang mata niya at parang hindi makapaniwalang kilala ko siya. Tsk' Mierda

" P-papaano mong nalam ....",

Nagpatuloy na ko sa paglalakad at nilampasan ko siya. Bastos na kung Bastos pero nagugutom na kasi talaga ako eh.

"Teka lang," pigil niya pa sa akin.

" Pwede bang mamaya ka na lang mag tanong," mahinahon at walang emosyong sabi ko sa kanya.

Natigilan naman siya sa sinabi ko. Makikita sa mga mata niya ang lungkot at para siyang nasasaktan.

Ano ba toh? Bakit ba ganito ang nababasa ko sa kanya. Apektadong apektado ba siya sa sinabi ko? Wala namang masama sa sinabi ko ah.

Mierda!

"Kanina pa kasi talaga ako nagugutom. Kung gusto mo sumabay ka nalang sa aking kumain at doon ka magtanong ng magtanong ," sabi ko sa kanya

Napangiti naman siya sa sinabi ko at agad agad na kinuha ang gamit niya. Parang gusto ko na agad bawiin ang sinabi ko.

"Tara, may alam akong masarap na kainan doon sa labas," masayang sabi niya sabay hatak sa akin papatakbo.

Hindi ko na siya kinuwestyon sa paghawak niya sa akin dahil nagugutom na talaga ako at ang gusto ko nalang talagang gawin ay kumain na. Pagdating namin sa labas ay pumunta siya doon sa part na may mga stalls.

" Ate pabili naman po ng kwek-kwek, isaw atsaka po fish ball. Heto po ang bayad ko," tumingin naman siya sa akin.

"Sige kuha ka na lang diyan, ako na ang magbabayad," sabi niya pa sa akin.

Mukha ba akong walang pera sabi ko sa isip isip ko. Tiningnan ko naman yung mga pagkain doon at ano bang klaseng pagkain toh. Ngayon lang kasi ako nakakita ng mga ganitong klaseng pagkain. May Bilog na orange, may para Intestines ang itsura, may kulay itim na square.

Tinitigan ko lang ang mga iyon.

" Wag ka ng mahiya, kuha ka lang diyan," what? Ako kukuha sa ganyan? No way!

" Hindi ako kumakain niyan," napahinto naman siya sa sinabi ko.

"Ahh g-ganun ba. So-sorry akala ko kasi gusto mo ny...',

Sh*t!

Napabuntong hininga nalang ako atsaka muling nagsalita. " Hindi sa ayaw ko niyan. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganyang klase ng pagkain. Wala kasi samin niyan ,'' sinserong sabi ko sa kanya.

Wala naman talaga sa amin niyan. Malay ko ba sa mga iyan atsaka bakit ba siya palaging parang iiyak pag nagsasalita ako. Mukha ba kong nangangain ng tao?

Hindi, pero pumapatay ka ng tao.

"Ahh ganun ba, sige kukuhanan nalang kita para naman matikman mo, masarap ang mga toh", nakangiting sabi niya pa sakin habang nag lalagay ng mga pagkain na yun sa isang plastic cup atsaka ibinigay sa akin.

" Masarap yan habang mainit." Sabi niya naman sa akin kaya sinubukan kong kainin yung binigay niya.

Di ko alam kung masarap ba yun o dala lang talaga ng gutom kaya nagpadagdag pa ako nun.

Pagkatapos naming kumain dun ay dumeretso kami sa lugar na maraming upuan at may mga pagkain na nakalagay sa parang isang glass na aparador.

" Magandang umaga po Aling Thesa ", bati niya dun sa isang matanda at napalingon naman agad sa kanya.

"Oh kumusta ka na Treysi? Naku ang tagal kitang hindi nakitang bata ka ah. Aba'y lalo ka atang gumanda", napatigil naman siya ng mapalingon siya sa akin.

" Aba'y si a.."

"Ah Aling Thesa siya nga po pala si Jhaedy kaibigan ko po at Jhaedy si Aling Thesa pala ang mayari ng karenderya na toh ", pagpapakilala ni Tracie sa akin.

Kaibigan? Wala akong maalalang sinabi kong kaibigan ko siya.

" Ahh maupo ka na dun Jhaedy. Ako na yung oorder ng pagkain mo ".

Naupo na ako sa bakanteng upuan doon at pinagmasdan ang buong lugar. Hindi naman masyadong masikip ang lugar na ito. Mukhang malinis at maaliwalas naman pero may kainitan.

Napansin ko din na may parang isang board dito at napakadami ng nakasulat doon gamit ang mga sticky notes. May mga pictures din ng mga estudyanteng kumakain dito.

Lalapitan ko sana ang mga iyon kaya lang ay dumating na si Tracie dala dala ang pagkain namin kaya naman mas pinili ko nalang na maupo.

" Masarap ang mga pagkain dito, lalo na yung sabaw. Kain ka ng madami ah ," sabi niya habang nilalapag niya ang mga pagkain sa table namin. Pinagmasdan ko pa ang mga iyon at wala akong alam maski isa sa mga iyon.

Agad kong kinuha ang panyo ko at inilagay iyon sa lap ko. Pinunasan ko pa ng tissue ang mga utensils na gagamitin ko bago magsimulang kumain.

Napakunot ang noo ko ng matikman iyon. Hindi na masama, sakto lang ang lasa. Pwede na. Magtatanong sana ako kung bakit wala silang appetizer ng maalala kong wala na nga pala ko sa mansyon and base sa mga nababasa ko at natutunan ko ay walang ganun ganun sa mahihirap at normal na tao.

Napakalayo nito sa nakasanayan ko. Hindi kagaya sa mansyong sobrang classy ng set up. French Cuisines, European at kung ano ano pang mga sosyal na mga pagkaing kinakain ko doon pero bakit parang mas nakakabusog at mas masarap ang mga pagkain dito?

Pinagmasdan ko pa ang buong lugar. Nakakapanibago ang lugar kung nasaan ako. Talaga ngang nakaalis na ko sa mansyong iyon. Napangiti nalang ako sa naisip ko, nakakapanibago.

***

Tracie's POV

Tuwang tuwa ako ngayon dahil kasabay ko siyang kumain.

" Ahh pwedeng magtanong? " sabi ko sa kanya

"Nag tatanong ka na," walang emosyon sabi niya. Unti unti naman siyang tumingin sakin at doon nagtama ang mga mata namin.

Napakaganda ng mga mata niya. Hindi mawari kung brown ba ang mga iyon o kulay abo. Parang nagtatalo ang dalawang kulay at ganun ang kinalalabasan ng kanyang mga mata. Napakalamig ng mga titig niya pero kapag tinitigan mo ang mga iyon ay parang napakadaming nalalaman, napakadaming natatagong emosyon at napakadaming sinabi ng mga ito.

" Natural ba yung kulay ng mga mata mo?" Tanong ko naman sa kanya.

" Oo," maikling sagot niya sa akin

" Ahh san ka ba galing na school? Bakit nagtransfer ka?''

" Homeschool ako. Sa Europe ako galing at nagtransfer ako dahil... ''

Iniiwas niya ang tingin niya sa akin at tumingin sa malayo.

" Dahil? "

"Dahil may kailangan akong gawin dito sa Pilipinas ," sabi niya naman.

" Ano naman yun?"

Hindi na niya sinagot ang tanong ko at hindi na rin naman ako nagtanong pa dahil baka masyadong pribado ang dahilan niya. Ilang sandali pa ay bigla siyang nagsalita at hindi ko inaasahang ang ng tanong niya sa akin.

"Ikaw? Bakit masyado kang curious tungkol sa akin? Sino ka ba?''

Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sinabi niya.

" Kahit hindi mo na sagutin yung tanong ko. Hindi rin naman importante para sa akin ang magiging sagot mo. Sige mauna na ko ", sabi niya. Nakita ko pa siyang naglapag ng isang libo sa table, atsaka siya umalis.

Mukhang nagkamali nga ako ng hinala, malayong malayo nga kayo sa isa't isa. Sino nga naman bang matino ang magiisip na nabuhay ang isang taong matagal ng patay.

Doon unti unting tumulo ang luha ko.

avataravatar
Next chapter