5 Chapter 4

Chapter IV

RICHMOND ACADEMY

~Jairus' POV

Ngiting ngiti akong pumasok ng Campus. Sa wakas, napapirma na din namin ang mga Takashi. Nagkaroon lang kaunting problema pero naresolbahan din naman namin.

Pagdating ko sa Hallway ay nakita ko agad ang nagkukumpulang mga babae sa kung saan saang mga gilid at nang makita nila ako ay mukha silang mga gulat na gulat at nagsiayusan ng pagkakatayo.

"Look Girls oh pumasok na ulit si Jairus," sabi ng isa sa kanila.

"Oh my god! Ayos lang ba ang itsura ko? Kung kailan naman hindi ako nagayos oh ," sabi naman ng isa pa. Nang tingnan ko naman siya ay mukhang maayos naman ang itsura niya. Hindi pa siya ayos sa lagay na yan?

Nang magkatagpo ang mga mata namin ay agad agad ko siyang kinindatan. Kinindatan niya din naman ako pabalik. Kita ko naman ang paglabi niya ng 'See you later'.

Alright then.

Lumapit siya sa akin at inabot ang isang piraso ng papel na may nakalagay na...

' 0915630**** - Chesca '

Napangiti nalang ako atsaka siya hinapit sa bewang.

" See you later, Chesca ," bulong ko sa tenga niya atsaka naglakad papalayo.

Pagdating sa Classroom ay agad naman akong sinalubong ng mga kaibigan ko at syempre ng mga usap usapan ng mga babae sa loob.

"Look who's here mga Pars. May nagbabalik," sabi ni Vincent.

Isa isa naman silang lumingon sakin at sinalubong ng fist bump. Pero si Thomas, Tsk!

"Parrrrssss! " Maingay na bati niya sa akin na may kasama pang yakap.

"Sh*t, nababakla ka nanaman Thom, tsk!" Pilit kong kalas sa kanya.

Kahit kailan talaga ay napakahilig niyang mangyakap kaya pinagkakamalang bakla eh'

"Grabe ka sakin, na miss lang kita papa Jai," aktong yayakap ulit siya sa akin kaya lang lumapit na ko agad kanila Vincent.

Nakakatakot rin talaga siya paminsan. Hindi ba niya alam na turn off sa mga babae yun.

"Buti naisipan mo pang pumasok?" ani Arc, ang bookworm ng grupo.

"Madaming inaasikaso eh. Alam mo na, business. Teka parang kulang kayo? Nasaan sila Jeth?," himalang wala pa dito ang MVP.

"Si Jeth ba talaga ang hanap, o si Leanne?" Mapanuksong sambit ni Vincent.

Heto nanaman siya. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanila na wala akong gusto kay Leanne.

"Si Jeth, papasok pa lang, si Leanne wala, nasa New York," sagot naman sakin ni Thomas.

"Bakit daw?"

"Yiiee curious, "panunukso naman nila.

"Vincent! " Iritadong bigkas ko sa pangalan niya.

"Pikon talaga ," nagtawanan pa sila. Kala ko kaming dalawa lang ni Arc ang hindi tatawa pero nagkamali ako, dahil pati siya natatawa din.

Nawala lang ako ng dalawang linggo nagkaganyan na sila.

"Nasa New York si Leanne dahil sa isang Fashion Expo. Matatagalan siya dun. Siguro mga 3-4 months daw siya dun," matinong sagot sakin ni Arc.

Fashion Expo? Talagang pinaninindigan na niya ang pagiging model. Good for their Company. Ang pamilya kasi nila Leanne ang may ari ng isa sa mga pinakasikat na clothing line sa bansa at kagaya ko ay napakabusiness minded niya din dahil na rin siguro nagiisa siyang anak ng mga Lu, at heredera ng angkan nila.

"Si Vard nasaan na?" tanong ni Thomas sakin.

Nagkibit balikat lang ako. "Sungit naman ni FaFa Jai," pabaklang sabi sakin ni Thomas.

Sinamaan ko siya ng tingin pero walang epekto. Lalo lang siyang nangulit at saka lumapit sa akin ng lumapit hanggang sa... BLAGGG!!!

Sh*t! Nahulog lang naman kami sa upuan at ang posisyon namin ngayon ay kahiya hiyang talaga.

Nakahiga ako sa sahig at nasa ibabaw ko lang naman ang baklang Thomas. Narinig kong nagtawanan ang mga block mates namin ang iba ay nanunukso pa.

" Ano gusto mo ba ng kiss fafa Jai?" Pumikit pa siya atsaka ngumuso at akmang hahalikan ako. Pilit kong hinaharangan yung mukha niyang papalapit sa akin.

F*ck Sh*t!

Naglabasan pa sila ng phone para kuhanan kami ng litrato. Papatayo na sana ako kaya lang ay mas inilapit pa ni Thomas ang mukha niya sa akin at...

'Tsup'

Thana! Napakurap kurap pa ko dahil hindi ko talaga inaasahan ang ginawa ng lalaking toh pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagbukas ng pinto at pagbungad ng isang babae mula doon.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino yun.

What the hell!

~Jhae's POV

Nagulat ako sa biglang pag tawag ng Chairman ng alas tres ng madaling araw. Ang akala ko ay may nangyari na ngunit nang madatnan ko siya sa kanyang opisina ay prenteng prente pa siyang nakaupo sa kanyang swivel chair habang nagsasalin ng red wine.

Yumuko ako bilang pagbibigay galang atsaka hinarap siyang muli.

"Anong maipaglilingkod ko sa iyo Chairman?" Pagtatanong ko. May inabot naman siya sa aking mga kulay asul na folder at nang buksan ko iyon ay bumungad sa akin ang iba't ibang papeles ka gaya ng birth certificate at kung ano ano pang mga documents na nagsasabing ang pangalan ko ay Jhaedy Vailon.

Tinitigan ko ng mabuti si Lolo habang nakakunot ang aking noo. Huwag mong sabihin ipapagamit niya sa akin ang apelyido na aking inang sa pagkakaalam ko ay lubusan niyang kinamumuhian?

Binuklat ko pa iyon at mas lalo akong nagulat ng makita ang isang document doon na nagsasabing enrolled na ako sa Richmond Academy.

Napakunot ang noo ko atsaka tumingin sa kanya.

" Academy?" pagtatanong ko. Bakit pa? I'm done with my courses.

" Oo nga pala, tungkol sa bagay na iyan. Mas mabuting maranasan mong mabuhay ng normal. You need new experiences, ano pa nga bang silbi ng pagpapalayas ko sayo sa Isla Reaño kung magtatago ka lang sa loob ng Mansyon na regalo ko sayo?" sabi niya pa.

"Simula ngayon ay doon ka na titira sa Central. Nandoon na ang mga bagong gamit mo. Lahat ay ayos na doon. Sa ngayon ay makabubuting magenjoy ka muna bago ko ibigay ang unang misyon mo. Ipatatawag nalang kita ulit kita dito para doon," mahabang pagpapaliwanag niya pa.

" Salamat po Chairman," sabi ko nalang sa kanya at tuluyan ng nilisan ang opisina.

Paglabas ko ng doon ay tinitigan ko ang mga papeles na binigay niya. Hindi ko inaasahang ipapagamit niya sa akin ang apelyido mo Ina at hindi ko rin inaasahang gusto niyang iparanas sa akin ang mabuhay ng normal? Kahangalan, napakaimposible ng bagay na iyon. Ano kayang binabalak ng Chairman sa pagkakataong ito?

Napailing nalang ako atsaka umakyat papunta sa aking silid ngunit pagkabalik ko doon ay wala na ang mga gamit ko.

Mga lapastangan! Sinong nagsabi sa kanilang hawakan nila ang mga gamit ko?! Mierda!

Kinuha ko agad agad ang susi ko at nagmadaling pumunta sa bagong bahay. Kasama sa folder ang titulo ng bahay at ang mapa papunta doon.

Pagkapasok ko sa Central Village ay nakapagtatakang hindi na ako kinatok ng guwardiya. Mukhang inaasahan na niya ang pagdating ko. Walong kanto ang layo ng bahay sa guard house, kaya nakailang liko pa muna ako bago ko tuluyang matunton ang bahay na ibinigay sa akin.

Pagkababa ko ng kotse ay bumungad sa akin ang gate na gawa sa salamin. Nakakamangha ang pagkakaukit sa bawat piraso ng haligi nito. Mala modern Greece and desenyo ng gate sa unahang parte ng mansyon, ngunit hindi lang iyon ang kapansin pansin dahil mula dito ay matatanaw mo na ang isang napakalaking mansyon at ang mga nakapalibot doon. Kahit na medyo madilim pa ay kitang kita ang kagandahan ng hardin sa labas ng Mansyon ko.

Iba't ibang uri ng bulaklak at halaman ang makikita doon. Sa gilid ng mga ito ay may kulay asul na ilaw na nagsisilbing spot light ng mga bulaklak. Nilakad ko pa iyon at doon ko nakita ang swimming pool na hugis gitara. Ang kombinasyon ng kulay lila, asul, at pink na ilaw sa ilalim ng pool ay nagrereflect sa tubig nito ay mas nagbibigay buhay sa Mansyon ko.

Mula sa kinatatayuan ko ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng bago kong titirahan. Mas maganda pa ito sa inaasahan ko. Pagkapasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang isang napakaperpektong mansyon na tamang tama para sa akin. Glass ang ceiling at ang dingding nito na bumabagay sa kulay itim na tiles ng Mansyon. Ang sofa set ay kulay puti at sa tingin ko ay gawa ito sa balat ng hayop. Kapansin pansin din ang naglalakihang painting na gawa ng sikat ng Pintor na si Carlotta. Pinaghalong kulay puti at itim ang tema ng mga gawa niya kung kaya't bumagay ito sa loob ng Mansyon ko na formal at classy ang kinalabasan pero komportable dahil sa tema sa labas. Mula kasi dito sa loob ay matatanaw ang hardin ko.

Pumunta ako sa ilan pang parte ng mansyon. May guest rooms, may kwarto din para sa mga damit, sapatos, at kung ano ano pa.

Pagkasilip ko sa wardrobe ay napakadami ng nakalagay na gamit dun na sa tingin ko naman ay masusuot at magagamit ko. Mayroon ding gym at training room, pero ang mas nagustuhan ko ay ang library. Tago iyon at natunton ko lang dahil sa blue print na kabibigay lang sakin ng isa sa mga tauhan namin. Sa underground iyon matatagpuan at makikita mo lang kapag ka hinatak mo pababa ang ulo ng isang figurine na lion sa may gilid ng living room. Doon lang magbubukas ang pintuan pababa sa underground.

Pagbaba ko dun ay bumungad sa akin ang napakadaming libro. Namataan ko din doon ang ilan sa mga koleksyon ko, nailipat  pero alam kong ang library na yun ay katulad ng sa dating Mansyon namin na ang bawat shelf ay nababaliktad at natatago dun ang iba't ibang klase ng mga armas.

Mayroon din dung isang area para sa mga screens ng cctv sa loob ng mansyon. Talagang pinagisipang mabuti ang pag-gawa ng mansyon. Akalain mong may CCTV sa loob, ni hindi ko manlang napansin yun ah. I think I need more trainings to improve my observation skills.

Matapos kong makita ang buong library ay dumeretso na ko sa kwarto ko at doon binasa yung mga papeles na binigay sakin ng Chairman. Inaral ko lahat ng kasinungalingang nakalagay sa mga papeles na iyon, lalong lalo na ang mga impormasyon kagaya ng pinanggalingan ko. Napakagaling talaga nila pagdating sa mga bagay na tulad nito.

Kinabukasan ay nagising nalang ako sa tunog ng cellphone ko. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako dito sa may study table ko hawak hawak ang isang libro. Kaya pag-gising ko ay sobrang sakit ng likod ko.

'Hindi ka na nagdala Jhae.'

Kaagad akong dumeretso sa banyo at doon nagayos. Medyo natagalan pa nga ako dahil sa paglalagay ng gamot sa sugat ko. Isang linggo na din ang nakakalipas matapos ang seremonya ngunit napakasariwa pa din noon. Pinili kong magsuot ng off-shoulder na top para matakpan iyon na pinarisan ko ng faded jeans at kulay maroon na boots. Inilugay ko lang ang kulay maroon kong buhok at nagsuot ng shades bago tuluyang umalis ng bahay.

Pagkadating ko ng Richmond Academy ay agad agad kong pinark ang Audi ko at saka tinahak ang daan papuntang Faculty Area.

Habang papunta dun ay napatigil ako sa isang parte ng school. Hindi ko alam kung bakit pero parang pamilyar sa akin itong lugar? Pinilit ko pang isipin iyon at doon ko naalalang napanaginipan ko na pala ang lugar na iyon.

Dejavu, huh!

Habang naglalakad sa hallway ay kapansin pansin ang paninitig sa akin nga mga estudyante at dahil bago lang sa akin ang ganitong klase ng lugar ay hindi ko maiwasan ang pagkailang.

Ano ba toh? Hindi naman ako ganito ah? Marahil ay naninibago lang talaga ako. Pinagwalang bahala ko nalang ang mga presensya nila at nagpatuloy sa paglalakad. Sa ganito naman ako sanay eh, sa pagwawalang bahala.

Pamaya-maya ay may nakabunggo ako at , "S-sorry sorry hindi ko sinasadya," sabi ng isang babae habang kinakapa yung salamin niyang nasa paanan ko lang. Kinuha ko iyon at inabot sa kanya atsaka nagpatuloy na naglakad.

" S-sandali lang," sabi niya na nakapagpatigil sa akin sa paglalakad.

" Salamat," yun na yung huling salitang narinig ko sa kanya bago ko siya tuluyang iwan .

avataravatar
Next chapter