1 Prologue

Nakabasa na ba kayo ng mga istorya mula sa Wattpad tulad ng mga magkaaway na naging magkaibigan? Yung naging jowa yung kaibigan ng kuya niya?

Kasi ako hindi pa, dahil sa akin mismo nangyari ang mga 'yon. Pero 'di tulad ng mga nababasa niyo. Hindi happy ending ang kinahinatnan namin. Hindi nga ba? Ay ewan, leche!

"Elise, punyeta alam mong mahina ka sa alak. Ang hilig mo pa ring uminom!!" sigaw sa akin ni Katrina. Habang inaayos ako ng upo sa backseat ng sasakyan niya. Nahihilo na ako! Nakatatlong beer lang naman ako ah!

Never kong naimagine na magiging bestfriend ko talaga siya ng ganito katagal. Akala ko ay ginagamit niya lang ako noon para mapalapit kay Kuya Amiel. Pero halos iwan na ako ng lahat ay nandyan pa rin siya.

Ang dami kong nagawang maling desisyon noon. At hinding hindi ko na uulitin 'yon!

"Elise, ano ba?!! Nahihirapan akong magdrive!! Pag tayo naaksidente baka pag nakasurvive ako ay patayin din agad ako ng kuya mo!!" sigaw ulit ni Katrina dahil nasipa ko siya nang iayos ko ang binti ko para makahiga.

"Ano bang sinasabi mo?! Wala na nga silang paki sa akin!!" shit! Nahihilo na talaga ako.

Nang makauwi ako sa bahay namin nila Kat ay mabilis akong nahiga sa sofa namin. Hindi ko na kaya letse!

"Hindi kita bubuhatin paakyat, bahala ka d'yan.", sabi niya at narinig ko na ang mga hakbang niya palayo.

Sinubukan kong tumayo para kumuha ng tubig pero natumba rin ako kaagad.

"Elise!", Nandito na sila Kuya Colm!

Naramdaman kong inalalayan niya akong tumayo at iniupo sa sofa.

"Anak ng tokwa! Nag-inom na naman kayo ni Katrina?!!", rinig kong sabi ni Mitch. Ang demonyong 'to akala ko ay never kong makakasundo.

"Inggit ka?", pang-aasar ko.

"Hindi!", tanggi niya agad.

"Babe, ako na bahala kay Elise. Pabuhat na lang sa kwarto niya.", prisinta ng jowa ni kuya Colm, si ate Grace.

Nakita ko pang nakatitig si Danreb sa akin bakas ang pag-aalala. Napangisi ako, hindi talaga siya maka-move on sa akin. Ilang beses ko na bang sinabi na kapatid lang ang turing ko sa kanya? sa kanila? Letse! Mas lalo niyang pinapahirapan ang sarili niya.

Binuhat na ako ni kuya Colm. Ramdam ko pa ang pag-akyat namin sa hagdan. At ang huli ay ang pagbaba niya sa akin sa kama ko.

"Colm, ako na rito.", narinig ko pang sabi na naman ni ate Grace at ang pagsara ng pinto.

"Grace, mag-usap lang kami.", seryosong sabi ni kuya Colm. Sermon na naman this!

Naglakad naman palabas si ate at naiwan kami ni kuya Colm dito.

"Elise, ano na naman bang nangyari?" alam naman niya kung bakit ako nagkakaganito. "Nagkita kayo ulit?", tanong niya pa.

Tumango ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

"Galit pa rin siya sa akin.", sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Give him time, Elise.", hindi na ako sumagot at nagpalamon sa antok.

Time?Really? Hindi pa ba sapat ang seven years? Napapagod na akong maghabol sa kanya. Nakakapagod na.

License to Love

Written by kiwiyel

__________________________________

Apologies for the kajejehan that you'll encounter ahead. Enjoy!

avataravatar
Next chapter