5 Chapter 4

Chapter 4

MARY ELISE NICOLETTE'S POV

Hayop na magpipinsan 'yon. Lalo na 'yong si Kuya Colm este Bryce basta! Bwiset silang lahat. At yung Mitch na 'yon demonyo siya. Isusumbong ko dapat siya kila Daddy kagabi pero hindi ko ma itinuloy. Si Topher naman ay hindi na pumasok sa bahay kagabi, sabi niya ay uuwi na raw siya. Ang dami niyang pasa at cuts sa mukha.

Nasa mall kami at galing kami ng church kanina. Kasama ko ang kambal dahil iniwanan namin sila Mommy kanina habang nagtitingin sila ng furnitures.

Nasa Robinson's Department Store kami ngayon. Bibili daw si kuya Amstel ng socks at T-Shirt.

"How many colors do you have for this?" tanong ni kuya Amstel doon sa saleslady na nag-aassist sa kanya.

"11 po sir."

"I'll take all of that."

"Okay po. Kukuha lang po ako ng bagong stock."paalam nung saleslady.

"Alright."

"Elise, come with me."tawag sa akin ni kuya Amiel.

Nagpunta kami sa Women's Section. May hawak siyang dalawang cart.

"Stand there."utos niya sa akin.

Kumuha siya ng isang dress at itinapat sa akin. Ganoon din ang ginawa niya sa skirt at puff sleeves croptop. Karamihan sa kinuha niya ay dress, nasa 10 ata ang nakuha niya. Saan ko naman isusuot 'yon?

Pati iba't ibang klase ng skirt ay kinuha niya. Magkano kaya ang aabutin nito? Baka maubos ang laman ng atm ko. Ang mamahal pa naman ng mga dress, 400-2000 ang price range pati ang mga skirt at tops ay mahal din.

Tinigna. ko ang mga kinuha ni Kuya Amiel. 10 dresses, 9 na tops at 6 na skirt, my Goodness! Bakit may swimsuit!? Agad ko 'yong inalis.

Hindi pa rin siya tapos sa pagkuha. Punung puno na ang dalawang cart at nanghingi siya ng isa pang cart doon sa saleslady.

Pagkatapos sa mga damit ay women's accessories naman siya, lagay lang siya nang lagay sa cart at hindi man lang tinitignan ang price. Pati chocolates at gummies ay kumuha siya.

Naglalakad na siya ngayon papalapit sakin at napabuntong hininga na lang ako ng makitang puno ang hinihila niyang cart.

"Let's go, we'll pay na. Ikaw ang magbayad nito at ako naman dyan sa dalawa." pagkasabi niya non ay nilagay niya ang kamay ko sa handle ng cart at hinila ang dalawang cart sa likod ko papapunta sa counter.

"Ako na ang magbabayad niyan." sabi ko nang makalapit sa kanya.

"Ako na, ako naman ang kumuha ng mga yan." he insisted.

Binuksan niya ang crossbody bag niya at may kinuhang kulay black na bagay. Akala ko ay wallet, eco bag pala na nakatupi. Malaki 'yon pero ang laman lang siguro ng dalawang cart ang kasya doon. Pumihit siya paharap sa akin

"May dala kang eco bag?" tanong niya.

"Wala, I didn't-"

"You should always bring eco bags or tote bags when shopping."pagputol niya sa sasabihin ko.

"Next time I will bring na."sabi ko at ngumiti.

Ginulo niya ang buhok ko at umalis. Hay nako, ako na ata ang magbabayad nito. Nilabas ko na ang ATM card ko at hinintay na matapos ma-scan lahat ng damit. Natulala ako nang makita ang inabot na presyo, 18,648 pesos. Ipapascan ko na rin sana yung laman ng isa pang cart nang dumating si Kuya Amiel, may dalang kulay blue na tote bag.

"Magkano lahat?" tanong niya sa akin nang makalapit siya sa akin.

Itinuro ko yung Pole Display. Natawa lang siya nang makita ang kung magkano ang inabot ng mga kinuha niya.

"Here, diyan mo ipalagay yan."sabi niya at itinuro ang laman ng cart na pinapabayaran niya sa akin saka iniabot ang mas maliit na tote bag. "Hintayin kita sa labas."wika niya ng mailagay na lahat ng pinamili namin na damit sa eco bag.

Ni-pat niya ang balikat ko at umalis.

"Ang gwapo ng boyfriend mo Ma'am."

Feeling close naman 'tong cashier na 'to.

"He's my brother."maikling sabi ko at ngumiti.

"Ay Sorry po, may girlfriend na po ba yung kapatid niyo?" Chismosa!

"Meron." I lied.

Nanahimik na siya kaya naman nilagay ko na yung mga kinuha ni kuya sa counter table. Mabilis niya iniscan ang barcodes ng mga product kaya mabilis din akong nakapagbayad at nakaalis. Naka 8,463 ako.

Lumabas na ako ng Department store bago pa ko mabwiset sa cashier na 'yon na tanong ng tanong tungkol kay kuya at nakita ko si kuya Amiel na nakaupo sa bench sa tapat na may kausap na babae. Naglakad lang ako sa papalapit sa kanya at naupo sa tabi niya.

Naramdaman kong umakbay siya sa akin. At nakita ko rin kung paano sumama ang mukha ng babaeng kausap niya na nakatayo sa harap namin.

"Who is she?" mataray na tanong niya.

"None of your business" mataray din na sagot ko. Aba hindi ako papatalo.

"Let's go baby." aya sa akin ni kuya at kinuha ang hawak kong tote bag. "What's your name again?" baling niya doon sa babae nang makatayo kami.

"Myra"

"If you don't mind, Myra. My baby and I will go na."sabi ni kuya at marahan akong hinila palayo doon sa babae.

Napatawa lang ako ng mahina. Ang hirap talaga pag gwapo ang mga kapatid mo.

"Call Amstel, sabihin mo nasa Miniso tayo." Utos niya at naunang pumasok sa Miniso, kinapa ko naman ang bulsa ng pants ko.

Shit! Nasaan 'yon? Tinignan ko rin ang sling bag ko pero wala talaga. Naalala ko na! Kahapon nung nasa bahay ako nila Colm este Bryce, nawala na 'yon sa bulsa ko. Hindi kaya nakuha nila 'yon habang hawak hawak nila ako kahapon? Paano ko tatawagan si kuya Amstel?

I saw kuya Amstel walking towards me and thanks God.

"There you go! Ang sama niyong dalawa, iniwan niyo ko doon." he grumbled, I just chuckled.

"There's just a random girl made kuya Amiel pissed that's why we left." I explained.

Hinila ko na siya papasok ng Miniso bago pa humaba ang usapan. Agad kong nakita si Kuya Amiel, he's talkong to someone na naman. Pero that man is familiar. Parang si Topher.

"Uy si Topher!" kuya Amstel yelled. I knew it! Sabi na eh!

Lumapit na kami sa kanila. Kitang kita pa rin ang mga cuts at pasa niya. Ginamot niya kaya 'yon?

"Hey" I interjected. Topher looked at me and smiled a little. Tumingin siya ulit kay kuya Amiel.

"Amiel bro, can I talk to Elise?" Wait what?

"No"

"Amiel, we need to talk." pilit ni Topher.

"Kuya, I can handle myself." nakisali na ako. I am so curious na rin kung ano ang sasabihin ni Topher.

"Go Elise and Topher, text na lang kayo kung saan namin kayo pupuntahan mamaya." Kuya Amiel glared at Kuya Amstel pero hindi niya ito pinansin.

"Thanks Kuya Ams!"

"Elise, I said no."

Hinila na ako ni Topher palayo sa kanilang dalawa pero hindi pa rin kami lumabas ng store.

"Bro, let them." rinig ko pang sabi ni Kuya Amstel nang akmang hahabulin pa kami ni kuya Amiel. Ano bang problema niya?

Nandito kami sa part na puro stuff toys. I look at the We Bare Bears stuff toys. Gusto kong bumili niyan kaso palagi kong nakakalimutan bumili kapag nandito na kami sa mall, naaalala ko lang kapag nakauwi na kami.

Napaatras naman ako nang kumuha si Topher ng stuff toys.

"Ang dami mo namang kinuha, parehas lang naman yung iba oh. Saka saan mo nakuha yang basket na yan?" sabi ko sa kanya nang mapansin na marami na siyang kinuha at may magkapareho na siyang nakuha.

"Doon" turo niya doon sa sulok na may makakapatong na basket. "Ayaw mo ba?" tanong niya.

"Huh?"

"I'm buying that for you." hindi ko alam kung anong isasagot ko matapos niyang sabihin 'yon.

Inalis ko ang mga nakalagay sa basket at nagtira lang ng tatlo.

"Okay na yan?" tumango lang ako.

Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming nagpunta sa cashier. Sinilip ko kung saan namin iniwan sila kuya kanina pero wala na sila doon. Kaya naman ibinalik ko na lang ang tingin sa stuff toys, ang cute talaga nila.

Nang mailagay na sa paper bag ay kukuhanin ko na sana para ako na ang maghawak pero naunahan ako ni Topher.

"Thank you." pagpapasalamat ko nang makalabas kami ng store.

"Pambawi," sabi niya lang at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Saan naman?"

"Kasi nadamay ka pa kahapon." napangiti na lang ako.

"Wait! I need to buy new phone. Pwede mo ba akong samahan?" kailangan kong makabili ng bagong phone, please pumayag ka.

"Pwedeng later na lang? Bibili rin ako, remember nabasag mo yung phone ko?" OMG! Oo nga pala! Nakakahiya."It's fine, may kasalanan rin ako. Hindi ko hinawakan ng mabuti." he said and chuckled.

"I'm sorry. " nakakahiya talaga.

"I told you It's fine. Let's go?" naglakad na kami ulit.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Tapos paglingon ko pa sa likod ay may tatlong lalaking naka-tuxedo na parang sumusunod sa amin. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi lumingon sa likod baka kase bigla na lang nila kaming saksakin o barilin.

"Don't worry, they're harmless. Assistant ni lolo yung nasa gitna and bodyguards ko yung dalawa." kumalma naman ako nang sabihin 'yon ni Topher. "You're cute when you're tensed."

Parang umakyat naman lahat ng dugo ko sa mukha ko. Ano ba 'to?

"T-tumigil ka nga." sabi ko na lang.

"I'm telling the truth."

"Whatever! By the way, where are we going?" pang-iiba ko ng usapan. Mahirap na no!

"Mag-uusap."

"Saan nga?"

"in my car"

Hindi na ako sumagot.

I don't know why pero hindi ko mapigilang hindi tumingin sa kamay naming magkahawak. I suddenly feel like there's butterflies in my stomach. What's happening to me? This is so weird.

Huminto kami bago makalabas ng mall. Binitawan niya ang kamay, hindi ko alam ang dahilan pero medyo nalungkot ako nung bitawan niya ko. Nakakairita! Hindi ko maintindihan ang sarili ko!

"Mr. Santos, yung susi?"ani Topher.

"Sir Christof told me not to let you drive the car." sagot nung sinabi niyang Assistant ng lolo niya.

"I'm not, we're just going to talk there. I will bring kuya Ismael with me." sabi ni Topher at hina ang isang Bodyguard niya.

Ibinigay na sa kanya ang susi at may ibinulong pa si Topher.

"Kuya Paolo, follow Mr. Santos." utos niya doon sa isa pang bodyguard niya

Umalis na yung assistant ng lolo niya pati yung isang bodyguard niya at kami rin ay tuluyang lumabas na ng mall. Hindi niya na ulit hinawakan ang kamay ko.

Huminto kami sa tapat ng isang kotse, Toyota Rush car. If I'm not mistaken this cost almost one million pesos.

"Open it." utos nita sa bodyguard niya at ibinigay ang susi.

Binuksan ni Topher ang backseat door.

"After you"

Pumasok na ako at sumampal sa akin ang medyo mainit na singaw ng kotse, kabubukas lang kasi ng aircon ni kuyang bodyguard. Sumunod na rin si Topher at ngayon ay magkatabi na kami. God! I don't why but I love this!

Hinintay ko siya magsalita pero nakatingin lang siya sa harapan.

"So what are we going to talk about?" panimula ko.

Isinara niya ang backseat door. Lumabas na rin ang bodyguard niya na nasa driver's seat. Nagsimula ng lumamig ang loob ng kotse.

"About yesterday."

"What about it? Wait! Nagamot ba yang sugat mo?" tanong ko.

"Yes,"

"Sigurado ka?" paninigurado ko.

"I am" he answered then chuckled.

He still look good kahit may sugat at pasa ang mukha. Hindi na nakapagtataka na maraming naglakagusto sa kanya bukod kasi sa mayaman siya ay gwapo siya, hindi na maitatanggi yon.

"I want to say sorry for what happened yesterday, hindi ko alam kung bakit nila ginawa 'yon sayo. And--"

"Para ngang mga tanga yung mga 'yon, ipinipilit nila na boyfriend kita e hindi naman." pagputol ko sa sinasabi niya.

"pwede naman" rinig kong sabi niya pero nagkunwari akong hindi ko narinig.

"Ano?" tanong ko.

Hindi ko alam kung kung bakit ako nagkakaganito ngayon, nakakainis. Saka bakit parang bumait siya ngayon at hindi nang-aasar. Nakakapanibago siya, nanlibre pa ng stuff toy.

"Wala" sagot niya at ngumiti. "May itatanong nga pala ako sayo."

AXEL TOPHER'S POV

"May itatanong nga pala ako sayo." I said to Elise. I am really bothered about it since yesterday.

"Ano 'yon?" she asked. She's really cute, lalo na kanina nung namula siya. I saw it.

"Last night when you're sleeping at Danreb's room, you kept on calling his name. Why is that?"

"Mitch scared me a bit last night and the last thing I remembered before I passed out is I'm praying that he would come to save me from Mitch. He's kind kaya, so baka that's the reason why I'm calling his name." why not call me?

"How about Bryce? is he your ex-boyfriend?" nag-iwas siya ng tingin bigla.

"No, he's not." I felt like she's holding herself to tell something.

"Really?" Come on, tell me what happened between you and that Bryce. "You called him Colm yesterday, is that some kind of your endearment to him?"

"He was our neighbor in our old home. And we are always together before. He told me that he likes me pero I was just 12 years old that time and he was 16. He also told me that he will wait for me until I am in the legal age na. After that mas naging close kami. And One year after that he left. Hindi man lang siya nagpaalam." she sighed. "I mean he's my only friend tapos he left me pa."

"Did you liked him?"

"I don't know, I'm only 12 years old that time, I don't even know about things like that. I just know that he's my friend, 'yon lang." she looks cute while saying that. She looks like that I asked an unbelievable question.

"Nasaktan ka ba nung umalis siya ng walang paalam?"

"Of course, I lost a friend, my only friend. What do you expect me to feel?"

Magtatanong pa sana ako ulit nang may kumatok sa bintana, it's Mr. Santos. Nagpabili ako sa kanya ng dalawang phone, tig-isa kami ni Elise. I will admit na I'm attracted to her.

Ibinaba ko ang bintana at kinuha ang paperbag.

"Nilagyan ko na po ng SIM card yung isa like what you've told me."

"Thank you."

"Thank you too for not escaping." parehas kaming natawa ni Elise sa sinabi ni Mr.Santos.

Itinaas ko na ulit ang bintana at humarap ulit kay Elise. Inilabas ko ang isang box. This is iPhone 6s Plus.

"Hala!sabi mo sasamahan mo akong bumili ng phone?" she uttered.

"This is for you." I told her and smiled. I don't know why I can't stop smiling simula ng magkasama kami.

"Eh? I am supposed to buy you one kase I broke your phone. And I'm not using iPhones. I prefer androids they're easier to use."

"Treat ko ulit sayo for coming with me today." I said.

"Pero this is too much. I can't accept this."

"Hindi ko rin babawiin yan." I told Mr.Santos to buy us the same color which is Silver and case design too. A moon designed phone case.

"But this is really too much." Aish! ang kulit.

"Barya lang naman sa akin yan." pagyayabang ko.

She glared at me that made me laughed.

Kinuha ko pa ang case sa paperbag.

"ikaw na maglagay ng Apple ID mo. May SIM card na daw yan. " I told her. "Here's the case para hindi mo masira agad." ibinigay ko na ang case para sa phone niya.

Inilabas ko rin ang para sa akin. Mabilis ko lang naset-up 'yon. Inilagay ko na ang case kong katulad ng sa kanya.

I looked at her again. Nakaupo siya paharap sa akin. I can clearly see how frustrated she is while using the phone. But she's still cute.

I took a picture of her.

"Let's go?"aya ko sa kanya nang makitang tapos na siya.

"Yeah" pagkasgot niya ay agad kong binuksan ang pinto at lumabas.

Kinuha ko ang paperbag ng stuff toys na binili ko para sa kanya.

"Yung box, palagay d'yan sa paperbag." she asked bago bumaba at ibinigay sa akin ang box ng phone niya na inilagay ko naman sa paperbag kasama ng mga stuff toy.

Inalalayan ko siyang makababa at isi ara ang pinto.

Naglakad na kami ulit papasok ng mall. Kinuha ko ang luma kong phone sa bulsa ko at nagtext kay Amstel na papunta na kaming Arcade. But he told me na nasa Supermarket daw sila at doon kami pumunta dahil hinahanap na daw nila tito si Elise.

Mabilis kaming nagpunta sa Supermarket at hinanap sila Ams. Ang tagal naming naghanap sa loob pero nang makita namin sila ay nasa cashier na sila at nagbabayad.

Pagkatapos nilang magbayad ay nagmeryenda lang kami sa Greenwich at nagkwentuhan. Tito even asked if nililigawan ko daw ba si Elise. She's only 14 and too young for a relationship. And Amiel told me na Elise is not allowed to have a boyfriend until she's 18. I have no plans of courting her naman. Like what I've told awhile ago, I am just attracted to her that's all. I want her to be my friend. Tapos naalala ko pa yung si abi niya noon nung nasa school kami na almost all of the girls in our school hates her. There's nothing to be hated about her. I mean she's a little boastful but she have the reasons naman. And y'all have the reasons to like her as a friend. Plus the fact that she's so smart.

If you'll look at her, she doesn't look like a 14 year old girl. She's cute and beautiful at the same time. Kaya siguro madaming nagkakagusto sa kanyang lalaki sa school.

Pagkatapos naming magmeryenda ay nagpaalam na silang uuwi at ganoon rin ang ginawa ko.

Pagkadating ko sa bahay ay agad kong tinext si Elise. I got her number doon sa wrapper ng SIM card.

To Elise:

Thanks for today, save my number :)))

What a nice day it is! I hope that there will be more good days like this. Good days with the Guevarras and Elise.

avataravatar