4 Chapter 3

Chapter 3

Maaga akong nagising, almost 7 AM pa lang. Kulang na kulang ako sa tulog at medyo sumasakit pa ang ulo ko.

Agad akong bumaba sa kusina pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush. Abala ang lahat sa pagluluto at paghahanda ng agahan.

"Good Morning po Ma'am Elise, ang aga niyo po atang nagising ngayon?" bati sa akin ni ate Glenda na naghihiwa ng potatoes.

"Good Morning rin po, hindi na ho ako makatulog e." bati ko rin at ngumiti.

Apat na oras lang ata ang itinulog ko, ang likot kasi matulog nung kambal. Pero kailangan kong mag-exercise, ang dami kong kinain kagabi. Ayokong namang tumaba pero aminado akong medyo matakaw ako. At tinatamad akong mag-workout kaya bahala na.

"Ate Glenda, wala pa ba kayong naluluto na food?"tanong ko.

"Ma'am wala pa po, kung gusto niyo po ay igagawa ko na lang po kayo ng cereal."

"Sige po, Salamat."

Nakakatamad naman ngayong araw, wala akong gagawin. Nagsasawa na rin ako kakaaral. Paulit-ulit lang kasi at minsan ay nadadagdagan lang ng ibang meaning yung inaaral ko.

Mamayang hapon ko pa itututor si Topher. Bakit ba kasi ako pumayag sa deal na 'yon? pero hayaan na, nakuha ko naman ang gusto ko.

"Ma'am ito na po yung cereal niyo."

Habang kumakain ay pinapanood ko ang lahat na magluto ng breakfast namin. Medyo marami talagang maghanda ng breakfast dito. Kung ano kasi ang kinakain namin ay ganon rin sa mga maids at iba pang nagtatrabaho dito.

"Good Morning sir Son." napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa counter nang sabay sabay silang bumati at yumuko.

"Good Morning din sa inyo."

Tumingin ako kay daddy at bumati rin."Good Morning Daddy. "

"Good Morning Baby, ikaw talaga ginagawa mong tambayan ang kitchen." natatawang sabi ni Daddy at bahagyang ginulobang buhok ko.

Madalas talaga ako dito.

"Hindi naman po masyado." sabi ko at parehas kaming natawa.

"Nako sir, palagi nga pong nakikipagkwentuhan sa amin 'yang bata na yan." sabat ni Manang Lucy, ang pinakamatanda sa lahat ng maid at siya rin ata ang nag-alaga kay Daddy noong bata pa.

"Manang naman." ani ko at nagkamot ng ulo.

"Ayos lang 'yon anak. Bakit nga ba gustong gusto mo rito?"

"Lagi po kasi kayong wala dito nila kuya at Mommy. That's why I'm always here. Nakakatuwa rin po kasing pakinggan ang mga kwento nila." paliwanag ko.

"Hayaan mo, sasabihan ko ang kuya mo na isama ka sa mga lakad nila."

"Huwag na po, ayos lang naman ako dito."

"Hon! Nakita mo ba si Elise?!" rinig kong sigaw ni Mommy mula sa Dining Area.

"I'm here Mom!" sigaw ko.

"Pumunta na nga kayong mag-ama dito!" sigaw ulit ni Mommy.

"Let's go?" ani Daddy.

Tumango ako.

Kinuha ko ang bowl of cereal ko at lumapit na kay Daddy saka sabay kaming pumunta sa Dining area.

Pagkarating namin ay masama ang tingin sa akin ni Mommy at sa cereal ko.

"Mary Elise! Bakit kumakain ka na?!"

"Sorry" sabi ko at nagpeace sign.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong dining area. Wala si Topher.

"Where's Quinton?"

"Nagbibihis pa si Topher." malamig na sagot ni Kuya Amiel.

"ah okay."

"Maupo ka na Elise!" si Mommy, kanina pa 'to sigaw na sigaw.

Naupo na ko sa gitna ni kuya Amiel at Amstel.

"Elisa tumigil ka nga kakasigaw d'yan, bakit ba sigaw ka ng sigaw? tinatakot mo ang anak natin." saway ni Daddy kay Mommy.

"Mary Elise Nicolette GOMEZ, mag-uusap tayo mamaya." huh? Bakit ba siya nagkakaganyan?

Hindi rin nagtagal ay dumating na si Topher at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay hindi ko mapigilang isipin kung bakit parang galit na galit si Mommy sa akin. Sa pagkakaalam ko ay ayos pa kami kagabi. Hindi ko maintindihan kung ano ang ikinagagalit niya.

"Elise,"

Tumingin ako kay kuya Amiel ng marinig kong may bumulong ng pangalan ko ngunit hindi naman niya ako tinignan at patuloy lang na kumakain ng pancake niya.

Kaya naman tumingin ako kay sa kabila ko, kay kuya Amstel. Nakayuko siya at nakatingin sa phone niyang nakatago sa ilalim ng table. May itinatype siyang kung ano doon.

Ilang sandali lang ay patago niyang iniabot ang phone niya at agad ko naman iyong kinuha.

---------------

Mom saw u last night na lumabas ka sa guest room. The one where Topher slept. That's why she's mad. She talked to us kanina kung ano daw ginawa mo doon. We didn't know too, so we told her na hindi namin alam and she became more mad.

---------------

I typed Thank You on his phone bago ko isauli. Nginitian niya ako at nagpatuloy na sa pagkain. Ganon rin ang ginawa ko, mamaya ko na iisipin kung paano ko papaliwanag kay Mommy.

PAGKATAPOS kong kumain kanina ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hinintay kong puntahan ako ni Mommy doon para makipag-usap pero hindi naman siya dumating.

Bumaba ako sa kusina kanina para maglunch at nalaman ko na lang na pumasok na pala siya.

Sila kuya naman ay umalis. Hindi ko alam kung saan sila pupunta at kasama nila si Topher. Ako na naman ang naiwan dito. 5pm na pero maliwanag pa naman.

Pupunta na lang ako ng park. Ipinalabas ko ang bike ko sa mga maid. Regalo 'to ni Daddy nung birthday ko last year, sa dati pa naming bahay kami nakatira noon.

Pagkalabas ko ng gate ay mabilis kong sinakyan ang bike at mabilis ding nagpidal. Medyo malayo ang park sa bahay pero kaya ko namang mag-isa. Saka dito pa rin naman 'yon sa loob ng subdivision.

Natatanaw ko na ang park nang biglang may tumawag sa akin mula sa likuran.

"Elise!"

"Elise!"

Wala naman akong nakita nung lingunin ko ang likuran ko. Kaya ibinalik ko na ang tingin sa harap.

May limang lalaking nakahinto sa harap malapit sa akin at nakatingin sila sa akin lahat.

Mabilis ang pagpidal ko kanina sinubukan kong ipreno pero ayaw gumana at mababangga ko na sila. Konti na lang at mababangga ko na sila nang biglang pigilin ng isa sa mga lalaki ang bike ko kaya ito huminto. Bumaba ako ng bike ng humingi ng sorry sa kanila, Diyos ko, muntik pa akong makasagasa.

"Oh my God! Sorry po!"

"Elise! Lumayo ka sa kanila!" yung boses na naman na 'yon. Dahil doon ay muntik pa akong makadisgrasya.

Hindi ko pinansin 'yon. At nagpatuloy sa paghingi ng paumanhin sa kanila.

"Sorry po talaga, may tumawag po kasi sakin kanina kaya hindi ko agad kayo nakita. Pasensya na po talaga."

"ELISE!!ANO BA!!LUMAYO KA SABI SA KANILA!!" Wait! Si Topher 'yon ah!

Agad kong nilingon kung saan nanggagaling ang boses na 'yon ni Topher. Tama nga ako, siya 'yon. Nakatago siya sa may likod ng puno at- at mas dumami ang sugat niya kaysa kagabi.

Pupuntahan ko na sana siya nang biglang may humila sa akin.

"sir a-ano p-puntahan ko l-lang po yung k-kaib-bigan ko." nakakatakot naman 'tong tumingin.

"Hold her." sabi ng lalaking naka itim na mask na may hawak sa akin.

Binitawan niya ko at tatakbo na sana ako pero hinawakan naman ako sa magkabila kong braso ng dalawa pa niyang kasama.

"Bryce? Anong gagawin namin dito?" tanong ng isa sa may hawak sa akin.

"Just hold her!" sigaw ng lalaking naka itim na mask.

Sino ba 'tong mga 'to? Mukhang manyak pa 'tong dalawa na may hawak sa akin. Kadiri kahit pareho silang gwapo ay papatayin ko talaga sila pag minanyak nila ako.

"What's your name?" tanong sa akin ng nasa kanan ko.

"Wala kang pakielam." sagot ko.

"Aba! Matapang ka ah! Makakatikim ka sakin tignan mo!"

Hahalikan na sana ako ng demonyong 'to nang sigawan siya nung tinawag niyang Bryce.

"Mitch! I said hold her not rape her!!"

"Mayabang e!"

"Short tempered manwhore" ani ng lalaking may hawak sa kaliwa kong braso at tumawa.

"Quinton! Hindi ka pa ba lalabas d'yan?! Papapakin na namin 'tong Girlfriend mo!" sigaw nitong Mitch na manyak na 'to.

"What the hell are you saying, he's not my boyfriend!! You rapist!"Tinapakan ko ang paa niya kaya naman nabitawan niya ko.

Tinapakan ko rin ang paa ng isa pang may hawak sa akin ngunit hindi niya ko binitawan.

"Danreb, put her inside the house." utos na naman ng walangyang Bryce.

Isa pa siyang demonyo. Nakatingin lang siya sa pinagtataguan ni Topher. Bobo ba siya? tingin niya ba ay ililigtas ako ni Topher? bobo nga siya kung ganon.

Kinaladkad ako ng tatlo niyang kasama papasok sa isang gate. Sa kanila pala 'tong bahay, kaya naman pala ang lakas ng loob nilang gawin 'yon.

"Mitch kami na bahala dito, sumama ka na kila Bryce at Reeve baka ma-rape mo pa 'to."

"Ulol! Dito lang ako, ayoko doon." sabi ng demonyong Mitch at ipinakita ang pareho niyang middle finger.

Tinawanan lang siya ng dalawang may hawak sa akin.

"Don't worry miss, hindi ka namin sasaktan." mukhang mabait 'tong Danreb.

"Papaligayahin ka namin at papatirikin namin 'yang magaganda mong mga mata." what the hell! Anong klaseng bibig ba mayroon itong Mitch na 'to?

Nilapitan niya ako at akmang hahalikan pero sinipa ko siya sa ano niya.

"You deserved that Pervert!" sigaw ko sa kanya.

Napaluhod siya sa sobrang sakit. "Malalagot ka talaga sakin."

"Razzle, tara na sa loob." sabi nitong Danreb.

Sumunod lang ako sa kanila, hindi rin naman ako makatakas dahil hawak hawak nila ako.

Nang makapasok kami sa bahay ay pinaupo nila ako sa sofa nila.

"Palit lang akong damit." paalam nung Razzle ba 'yon? at umakyat sa hagdan.

Mas maliit 'tong bahay kaysa sa amin. Siguro ay kasinglaki nito yung dati naming bahay.

"Ako din" paalam din ni Danreb."Stay here kapag binastos ka ulit ni Mitch, ikaw na bahala. H'wag mo lang papatayin."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"You look cute when you laugh."ani Danreb at ngumiti saka umakyat na rin sa hagdan.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglibot libot sa first floor ng bahay na 'to. Kaunti lang ang mga picture frames nila, anim sa living room at may apat pa sa dining area nila. I assumed na magkakasama silang nakatira dito, halata naman 'di ba. May nakita akong isang bowl ng sliced kiwi and banana sa dining table nila kay kinuha ko na at kumuha rin ako ng spoon na nasa dining table rin saka kumain, bayad na nila 'to sa pagkuha sa akin. Dinala ko 'yon sa living room nila at ipinatong sa center table.

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ko pero wala. Ang alam ko ay sa bulsa ko lang 'yon nilagay. Saan napunta 'yon? Mamaya na nga hanapin. Ubusin ko na muna 'to.

Naupo muli ako sa sofa nila at kinuha ang bowl ng sliced fruits saka kumain.

"Hoy babae! Bakit mo kinakain yan?!" hindi ko pinansin 'yon dahil sigurado ako na ang demonyong Mitch 'yon. "Hoy wala ka bang naririnig?! Huwag mong kainin yan! Kay Bryce yan!! Lagot ka don mamaya!!" pakielam ko don. Ang sama sama pa makatingin kanina, hindi naman malapitan si Topher.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain, bahala siya sa buhay niya.

"Aba't talagang napakasama ng ugali mong babae ka!!" hilo ba siya? Ako pa amg masama? Demonyo talaga.

"Mitch!Where's the girl?!" uso ba sigawan dito?

"Ayan na nga ba sinasabi ko, akin na yan!" aagawin sana ni Mitch yung bowl pero naiiwas ko agad ito. Not my food Mr.Demon. "Akin na sabi yan e!", pilit pa rin niyang inaagaw sa akin ang bowl pero hindi ako papayag, this is mine.

"No!This is mine!" sigaw ko din. Uso naman sigawan dito kaya sisigaw na rin ako.

Tumayo ako sa sofa at tumakbo. Mukha kaming tanga na paikot ikot sa living room nila. Bigla namang pumasok yung Bryce kaya naman tumakbo ako sa likod niya. Diyos ko, Salamat po at hindi natapon ang pagkain.

"What the fuck is happening here?!", iritableng sigaw ni Bryce.

"That pervert is trying to get my food." bulong ko kay Bryce mula sa likuran niya.

"Hoy anong binubulong mo d'yang babae ka!?" sigaw sa akin ni Mitch the Demonic Pervert.

"Stop it Mitch!Tumigil ka na." nginitian ko ng mapang-asar si Mitch at dumila, akala niya ah."And as for you Ms.Gomez, that's mine not yours. But you can eat it and it seems like you're about to finish it already." nagpeace sign lang ako. "Seat there." utos niya sa akin at itinuro ang sofa na inupuuan ko kanina.

"Where's Topher?" I asked.

Muntik ko ng makalimutan.

"He's outside, don't worry hindi namin siya papatayin." pagkasabi niya non ay lumabas na ulit siya.

Susunod sana ako pero agad akong nahawakan ni Mitch.

"Ano ba!?I want to see Topher!"

"Hindi mo pa pwedeng makita si Quinton. Hindi pa tapos sila Bryce sa kanya." kalmadong sabi ni Mitch, nakakapanibago.

Tumahimik na ko dahil ayaw ko mang aminin, nakakatakot talaga ang itsura ni Mitch ngayon. Umupo ako sa sofa nila at kinain na ulit ang sliced fruits.

"DANREB!RAZZLE!NASAAN BA KAYO?!" sigaw ni Mitch na umalingawngaw sa buong bahay.

"They are changing clothes." sagot ko.

Tumingin siya sa akin at nagsimulang maglakad papunta sa akin. Paunti unti at malalaking hakbang ngunit mabagal. He's so creepy.

"Talaga?" mukha ba akong sinungaling? This dumbass is getting into my nerves.

Ibinaba ko ang bowl sa center table at tinignan siya ng masama. Mas bumilis naman ang mga hakbang niya.

Nang makalapit na siya sa akin ay naupo siya sa tabi ko. Bakit ba ang tagal bumalik ni Danreb?

"Scared huh?" ang yabang talaga!

Nakatitig lang siya sa akin. Mukha siyang tanga. Tumayo ako para sana lumayo sa kanya dahil sobrang creepy niya. But bigla niya akong hinila dahilan para mapakandong ako sa kanya. Tatayo sana ako ulit pero ang higpit na ng hawak niya sa akin.

Naramdaman ko inilapit niya ang mukha niya sa batok ko. Perverted demonic stupid man!!

"Ang bango mo" malamang naligo ako kanina bago magbike.

"Let me go!" sinubukan ko pumiglas pero sadyang mahigpit talaga ang pagkakahawak niya sa akin.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng hilo....

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Isang minuto lang matapos makaramdam ng hilo si Elise ay nawalan na siya ng malay. Nakahiga ito sa sofa at nasa gilid nito si Mitch na hindi malaman ang gagawin

"Mitch!!What the fuck did you do?!", napatingin si Mitch sa kaniya nang sigawan niya ito mula sa itaas nila.

"Hoy, tinakot ko lang yan! Hindi ko alam kung bakit nawalan ng malay yan." paliwanag ni Mitch.

"Maghanda ka na ng pagkain doon." utos ni Danreb.

Sumunod naman agad si Mitch at nagpunta sa kusina nila upang maghanda ng pagkain.

Napakabigat naman nito. Sabi ni Danreb sa kanyang isip habang buhat buhat si Elise.

Maingat niyang iniakyat sa hagdan ang dalaga at dinala sa kwarto niya. Lima lang ang kwarto nila at tig-iisa lang sila kaya naman sa kwarto niya na lang ito dinala, mas malinis kasi ang kanya kumpara sa apat.

Inihiga niya ang dalaga sa kama. "Pasensya ka na at nadamay ka pa, ang malas mo lang kasi si Quinton pa ang napili mong maging boyfriend." ani niya habang nakatitig sa dalaga.

Lumabas na siya ng kwarto niya. Bumaba at lumabas ng bahay para puntahan sila Bryce. Nakatali ito sa gate nila at nakayuko. Habang nakatingin ang dalawa niya pang pinsan. Nag-angat naman ng tingin si Topher sa kanya.

"Where's Elise?!" galit na tanong ni Topher sa kanya.

"Nandoon kay Mitch, h'wag kang mag-alala, naglalaro lang sila." pagsisinungaling niya at binigyan pa ng mapang-asar na ngiti si Topher.

Kailangan niyang gawin iyon para ibigay na ni Topher ang hinihingi nila.

"Ang kulit niyo!I told you na hindi ko nga siya girlfriend!Kapatid nila Amiel si Elise!!"sigaw ulit ni Topher.

"Shut up Quinton, you can't fool us. Just give me the fucking car and you can leave now with your girl." kalmadong sabi ni Bryce.

"Show me Elise first."

"Reeve, alisin mo na yung tali." utos ni Bryce.

Nang matanggal ang tali ay itinulak ni Topher si Reeve. Susuntukin na ni Reeve si Topher pero pinigilan siya ni Bryce.

Nauna siya naglakad papasok ng bahay pero hindi niya agad nakita ang dalaga at si Mitch lang na nakaupo sa sofa na nanonood ng TV.

Nilapitan niya ito at kinwelyuhan. "Where's Elise?! What did you to her?!" galit na galit na tanong ni Topher.

"Nasa taas, pagod na pagod nga eh." pang-aasar ni Mitch at nagsmirk.

"Ewan ko lang kung makangiti ka pa ng ganyan kapag nalaman ng mga Guevarra ang ginawa mo. Baka mapatay ka pa ni tito." banta ni Topher. Hinatak niya si Mitch dahilan para mapatayo ito. "Bring me to Elise."

Tumingin si Mitch kay Bryce, hinihintay na sabihin sa kanya ang gagawin niya.

"Ako na," presinta ni Danreb.

Binitawan ni Topher si Mitch. Nagsimula namang maglakad si Danreb na sinundan naman niya. Nakasalubong pa nila si Razzle sa hagdan. Huminto sila sa tapat ng nakasaradong pinto. Kating kati na si Topher na suntukin si Danreb ngunit nagtitimpi lang siya para sa dalaga. The twins will get mad at him if something happens to Elise as well as their father. He doesn't want that.

Mas lalong kinainit ng dugo ni Topher nang makitang walang malay si Elise na nakahiga sa kama.

"What did you do to her?!" galit nitong tanong.

"Ano sa tingin mo?" pang-aasar ni Danreb.

Nilapitan ni Topher ang natutulog na si Elise. Sinubukan niya tapikin ng mahina ang pisngi nito ngunit hindi ito nagising.

"Elise, wake up. Let's go home." bulong nito sa dalaga.

"Not yet Quinton. Not until you give us the car and of course the car key." wika ni Danreb na tila nag-eenjoy pa sa paglalaro kila Topher.

Out of frustrations, Topher just threw his car key. Nawawala na ito sa katinuan. Agad naman 'yong pinulot ni Danreb.

"Danreb..." sabay silang napalingon kay Elise ng magsalita ito.

"Oops! I think your girlfriend likes me." mayabang na sambit ni Danreb.

"Shut up, Reb!" uso nga talaga ang sigawan dito sa bahay na 'to. Pumasok si Bryce sa kwarto at tumingin ng masama kay Danreb.

"Oh Hi there Bryce. I got the keys!" masayang wika ni Danreb at itinaas ang susi.

Pumihit naman paharap si Bryce kay Topher. "Take Gomez out of here."

"I want that kiwi." napalingon ulit silang lahat kay Elise ng muli itong nagsalita ng tulog.

"She never changed." wika ni Bryce.

"What do you mean? Magkakilala kayo?" kunot noong tanong ni Topher.

"hindi"sagot ni Bryce at lumabas.

"Hatid ko na kayo pauwi kila Elise." presinta ni Danreb na akala mo walang ginawa sa kanila.

"No, I can handle." pagtanggi ni Topher.

"Okay" pagsuko ni Danreb.

Lumuhod si Topher sa sahig upang magpantay sila ni Elise. Mahina niyang niyugyog ang balikat ng dalaga.

"Elise, wake up."

Humarap ito sa kanya ngunit hindi gumising.

"Elise, wake up. You need to go home na." Dumilat na ito at ngumiti pero agad itong napawi.

"Topher, your face..." wika ng dalaga na tila hindi makapaniwala sa nangyari sa binata.

"I'm okay, let's go home." tinulungan niyang tumayo ang dalaga. Bumaling siya kay Danreb."We'll leave."

"Wait lang!Papatayin ko muna yung Mitch na 'yon." matapang na sabi ni Elise

"What did he do to you?"tanong ni Topher.

"Muntik na akong rape-in ng demonyong 'yon." galit na sagot ng dalaga.

"Alright!We'll kill him." ani Topher.

"Hindi namin kayo pipigilan." natatawang sabi ni Danreb.

Inalalayan naman ni Topher si Elise habang palabas sila ng kwarto, nakasunod naman si Danreb kanila. Bumaba na sila hagdan, si Bryce lang ang naabutan nila sa living room at hindi katulad kanina ay wala na itong mask.

"Kuya Colm?!" sigaw ni Elise. "You're Bryce?" naguguluhang tanong ni Elise.

Nakaalalay pa rin sa likod niya si Topher.

"Bryce Malcolm Perez Javier, I told you my name, right?"

"I forgot, nevermind." wika ni Elise. "By the way, where's that Perverted Demonic Mitch?"

"What a description!"ani Razzle at tumawa.

"Kitchen." sabi ni Bryce.

"Thank you." mabilis siya tumakbo sa kusina, hahabulin pa sana siya ni Topher pero hinayaan niya na.

"You knew each other?" 'di makapaniwalang tanong ni Topher.

"All in the past, Topher, all in the past." maikling sagot ni Bryce at umakyat na sa hagdan papuntang kwarto niya.

"BWISET KANG BABAE KAAA!! NAPAKASAMA MO TALAGAAA!"rinig nilang sigaw mula sa kusina.

Tinawanan lang iyon ni Razzle at Reeve habang si Danreb naman ay sumunod sa kusina ganoon rin ang ginawa ni Topher.

Naabutan nilang may hawak na spatula si Elise, si Mitch naman ay nakatakip ang ulo gamit ang kawali.

"Ikaw ang masama tanga! Rapist!" galit na galit na wika ni Elise.

"Elise, let's go mag-e-eight o'clock na baka hinahanap ka na sa inyo."

Hinila ni Topher ang spatula kay Elise at inihampas sa braso ni Mitch saka hinila na paalis ang dalaga.

"HAYOP KAYONG DALAWA!" narinig pa nilang sigaw ni Mitch bago sila makalabas ng kitchen.

"The gate is open and yung bike ni Elise nandyan sa labas. " sabi sa kanila ni Reeve.

Tumango lang si Topher at hinila ulit si Elise palabas na ng bahay. Nakita nila ang bike ni Elise na nasa gilid lang ng pintuan at kinuha. Palabas na sana sila ng gate nang tawagin sila ulit ni Reeve.

"Topher, Elise, Sorry in behalf of my cousins."

avataravatar
Next chapter