3 Chapter 2

Chapter 3

Third Person's POV

Hindi mapigilang sumulyap ni Topher kay Elise na binabasa ang mga notes niya habang nakakunot ang noo.

Halos hindi niya na maintindihan ang binabasa na galing kay Elise.

"Mali 'tong nasa notes mo, Topher" nagulat siya ng biglang magsalita ang dalaga. "Kay Allan Guth ang Inflationary Universe at hindi kay Sir Albert Einstein."

Napakunot din ang noo ni Topher dahil alam naman niya iyon. Baka namali lang siya ng sulat.

"Nagkamali lang ako ng sulat," sagot ni Topher.

"Talaga ba?"

"Hindi ka naniniwala?"

"Naniniwala but I just want to confirm. Kung hindi kay Sir Albert Einstein ang Inflationary Universe Theory, ano yung theory niya?"

"Oscillating Universe Theory,"

"year?"

"1930"

"Nice!"napangiti si Elise ng mabilis na nasagot ng binata ang pahabol niyang tanong."Another one, this theory explains that a rogue star passed close to the sun and stripped materials from both the sun and the rogue star."

"tss..."

"Hey answer me!"

"Encounter Hypothesis, Ganyan ba kabobo ang tingin mo sakin?" natatawang tanong ng binata.

"Hindi ka naman bobo, sobrang tamad lang." sagot ni Elise na ikinasama ng tingin ng Topher.

Bumalik na sa pagbabasa si Elise at ganun rin ang ginawa niya.

At sa pagkakataong ito ay nakapagfocus na siya. Minsan ay sinusulyapan pa rin niya ang dalaga na seryosong seryoso sa pagbabasa ng notes niya.

Hindi rin nagtagal ay pumasok ang isa sa kambal, si Amiel.

Nahiga ito sa kama ni Elise. Abala ito sa kakapindot sa kanyang phone. Hinayaan na lang ito ng dalawa at nagpatuloy sa pag-aaral.

Ibinaba ni Elise ang notebook ni Topher sa study table nito. Sumandal ito sa upuan at tumitig sa binata.

Agad naman itong naramdaman ni Topher.

"Huwag mo akong titigan," ani Topher.

"I'm not staring." pagsisinungaling ni Elise.

"Liar."

"May iniisip lang ako,"

"If you say so," sabi ni Topher at binigyan siya ng mapang-asar na ngiti.

"Tapos mo ng basahin 'yan?"pang-iiba ng usapan ni Elise.

"Biglang change topic ah, tapos na." pang-aasar ulit ni Topher.

"Recite the Types of Angles." utos ni Elise.

"pati definition?"

"Hindi."

"Okay, The types of Angles are Null Angle, Acute Angle, parang ikaw cute kaso masungit nga lang.-"

"Pakiayos, hindi ko maintindihan."

"Null Angle, Acute Angle, Right Angle, Obtuse Angle, Straight Angle, Reflex Angle and Full Angle or Perigon." confident na sagot ni Topher.

"How about the types of angle pairs?"

"Complementary, Supplementary and Explementary Angles"

"Mukhang hindi mo naman ako kailangan." natulala naman si Topher sa ganda ng ngiti ng dalaga.

"Two weeks lang naman e, pagbigyan ko na yung matanda na 'yon."

"Gu-gusto mong icecream?" tanong ng dalaga.

"Hintayin niyo na pinahanda ko na sa maids yung mga binili natin." sabat ni Amiel.

"Bro, si Amstel?" tanong naman ni Topher kay Amiel.

"Kinakausap ni Daddy,"

"Wait, hindi ko pa naman nasasabi kay Daddy ang tungkol sa wallet ni kuya ah."

"Ako na nagsabi," sagot ni Amiel.

"Hala! Baka mapagalitan 'yon ni Daddy. Pupuntahan ko-"

"Manahimik ka d'yan, hindi ko sinabi ang tungkol sa ginawa niya sayo. At isa pa dapat lang na mapagalitan siya. Sinabihan na siya tungkol sa pagiging babaero niya, ayaw pa rin niyang tumigil." pigil at paliwanag ni Amiel.

Hindi naman malaman ni Topher kung ano ang sasabihin niya o kung dapat siyang magsalita.

"Pwede bang magtanong?" biglang sabat ni Topher.

"Ano 'yon?" tanong ni Elise.

"Tungkol sayo, kung paanong nangyari na naging step sister ka ng kambal. Saka hindi kita nakikita dito dati."

"Kakalipat lang namin dito three weeks ago."

"Edi kakalipat mo lang din sa Maximus?" tanong pa ni Topher.

"Nope, since Pre-school doon na ako nag-aaral." sagot ng dalaga.

"Alam mo ba na sa akin ang Maximus?" tanong pa ulit.

Tss....yabang talaga. Sabi ng dalaga sa kanyang isipan.

"Sa lolo mo 'yon." sabi ni Elise.

Sinimulan ng ligpitin ng dalaga ang mga libro at notebook ni Topher na ginamit nila kanina.

"Sa akin na rin 'yon, sa akin din naman mapupunta 'yon."

"Boplaks, sa lolo mo pa rin 'yon, hindi pa naman pala binibigay sayo."

Natigil silang parehas nang may kumatok sa pinto. Nag-pakiramdaman pa kung sino ang magbubukas ng pinto.

"Ma'am Elise, Sir Amiel ito na po yung pagkain niyo."

At dahil pagkain 'yon, mabilis na tumayo si Elise at nagtungo sa pintuan upang pagbuksan ang maid.

"Ma'am Elise, saan ko po ito ilalagay?" tanong ng kanilang maid.

"Ako na po, thank you po sa pagdala." ani Elise at kinuha ang tray sa maid.

Nagpasalamat pa ito ulit bago isara ang pinto. Agad naman niyang dinala ang mga pagkain sa dalawang lalaki na kasama niya at inilapag sa kama niya.

Wala pang isang segundo ay naka-dampot na agad ang kapatid niyang si Amiel ng fries.

Kinuha ni Elise ang isang burger at ibinigay kay Topher.

"Salamat."

"Puntahan ko lang si Kuya Amstel." paalam ni Elise at lumabas.

Mary Elise Nicolette Gomez's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang office ni Daddy. Kinakabahan kasi ako para kay kuya Amstel.

I swear hahanapin ko yung babaeng nagnakaw sa kanya.

Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng office ni Daddy ay agad akong kumatok.

"Who's that?" rinig kong tanong ni Daddy.

"Si Elise po ito" sagot ko.

"Come in"

Pagpasok ko ay agad kong nakita si Kuya Amstel na nakatayo sa harap ni Daddy na nakaupo naman sa swivel chair niya.

"Anong kailangan mo anak? Lumapit ka dito," lumapit namna ako sa kanila.

Tumabi ako kay kuya Amstel at bumulong sa kanya.

"Ayos ka lang?" bulong ko sa kanya.

"Grounded ako for two weeks."

"Elise anak, wag mong intindihin 'yang kuya Amstel mo." Natigilan naman ko ng magsalita si Daddy.

"Pero Daddy, hindi naman po niya ginusto na manakawan siya saka-"

"Ginusto niyang mangbabae kaya siya nanakawan." pagputol ni Daddy sa sasabihin ko. "Plus, pinilit ka pa niyang bigyan siya ng pera."

"Hindi po, kusa ko pong binigay 'yon." pagtanggi ko.

"Iyon ang sabi ni Amiel sa akin," akala ko ba ay hindi niya sinabi?!

"Sinabi niya lang po na nawawala ang wallet niya at nagtanong kung pwedeng makautang ng pera sakin, hindi niya po ako pinilit. Kusa ko po talaga siyang binigyan ng pera. Na-misinterpret lang po ata ni Kuya Amiel at inakala niyang pinilit ako ni kuya Amstel." pagsisinungaling ko.

"Sigurado ka ba d'yan?"

"Opo" mabilis kong sagot.

"Sige," ani Daddy at lumingon kay kuya Amstel. "Give her money back, babawasan ko ng isang linggo ang pagiging grounded mo." sabi niya kay kuya Amstel at inilahad ang kamay.

"Daddy kahit wag na po, masyado pong malaki ang ibinigay niyong allowance sa akin. Sobra pa rin po 'yon kahit na hindi ibalik ni kuya ang pera."

"Mga anak, kaya nga binibigyan ko kayo ng malaking allowance so you can buy everything you want at makapag-ipon. Isa pa, Elise sinabi sa akin ng Mommy mo na hindi mo ginagastos ang ibinigay ko sa 'yong allowance this past two weeks at ngayong week. Anong ginagastos mo sa school? At ikaw Amstel, matuto kang mag-ipon. Paubos na naman laman ng ATM mo."

Hala! Bakit ba kasi in-open ko ang tungkol sa allowance namin.

Hindi ko talaga ginagalaw ang binibigay sa amin ni Daddy. Ang ginagamit ko kasi ay ang ATM card na galing kay Papa, marami pa ang laman non. Ibinigay sa akin ni Mommy 'yon nang mag-Highschool ako. Parang hindi nga nababawasan ang laman non.

"Elise, answer me. Ano ang ginagamit mong panggastos?"

Patay!

"Y-yung ATM card p-po na g-galing kay Papa. Nahihiya po k-kasi akong g-gastusin ang pera na binibigay niyo lalo na't hindi niyo naman ako tunay na anak."

" Amstel, lumabas ka muna at mag-uusap kami ni Elise."

"Kapatid kita, always remember that and thank you." bulong ni Kuya Amstel sa akin.

"Nasa kwarto ko sila Kuya Amiel." bulong ko rin.

He mouthed 'I love you' pa bago naglakad palabas ng office ni Daddy.

"Elise, come here dito ka sa tabi ko." utos ni Daddy.

Sumunod naman ako.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tinitigan.

"Anak kita, napag-usapan na natin 'to 'di ba?" tumango ako bilang sagot. " Yung allowance na binibigay at ibibigay ko sayo spend it. It's yours. Yung Credit card mo, use it. Buy everything you want, anak. I want to spoil you and I love you. I love your Mom and you. Sa Sunday after natin magsimba we'll go to mall. Mamili kayong magkakapatid at ang Mommy mo." sabi ni Daddy at tumayo saka niyakap ako. "I love you, anak. Daddy loves you so much."

"I love you too, Daddy. I'm sorry po."

"I will ask you again, Do you want to change your surname?"

"Pwede ko po bang makausap si Papa before that?"

"Sige, ipapahanap ko ang Papa mo." ani Daddy at hinalikan ako sa ibabaw ng ulo ko.

"What's happening here? Kanina pa ako katok ng katok, walang sumasagot." agad kaming napalingon ni Daddy sa pintuan nang marinig namin ang boses ni Mommy.

"Itong anak kasi natin ang pasaway." natatawang sabi ni Daddy.

"Anong ginawa ng baby ko?" tanong ni Mommy at lumapit sa amin.

Hindi pa rin humihiwalay sa pagkakayakap sa akin si Daddy.

"Sinabi ba naman sa akin na hindi ko daw siya tunay na anak." sumbong niya kay Mommy.

"Baby?"

"Sorry Mom!"

"Nag-usap na kami,"ani Daddy. "Napag-usapan na rin namin ang tungkol sa surname niya." dagdag pa niya.

"Pumayag ka na?" tanong sa akin ni Mommy.

"Kakausapin ko po muna si Papa."

"Hindi nga natin alam kung nasaan na ang Papa mo." sagot ni Mommy at yumakap rin sa akin.

"Daddy told me na ipapahanap niya si Papa." paliwanag ko.

Nagkatinginan sila ni Daddy na parang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata.

"Ikaw bahala, basta baby I'm telling you kapag kami iniwan mo, hindi ka namin papayagan." sabi ni Mommy at tumawa sila parehas ni Daddy.

"Ikukulong ka namin dito sa bahay." ginatungan pa ni Daddy.

"Hindi ko po kayo iiwan. After ko pong makausap si Papa, magpapapalit na po akong surname, Promise po." humiwalay na sila nang pagkakayakap sa akin.

"By the way, tumawag sa akin si Mr. Quinton, lolo ni Topher. Ikaw daw ang magtututor kay Topher?" tanong ni Daddy.

"Opo, for two weeks lang naman po."

"Paano? Senior High siya tapos ikaw Junior High pa lang." nagtatakang tanong ulit ni Daddy.

Natawa si Mommy

"Hon, para namang hindi mo kilala ang baby ko."

"Matalino nga pala ang anak ko. Sana ganyan rin ang mga kuya mo."

"Matalino po sila, mas masipag lang po ako."

Natawa naman sila sa sinabi ko.

Ilang minuto pa kaming nagtagal sa gano'ng pwesto nang may kumatok sa pinto at pumasok ang kambal.

"Elise, umuwi na si Topher. Hiniram na lang niya yung notebook na pinapabasa mo sa kanya."

"Huh? May 30 minutes pa kaming natitira."

Nakakapagtaka, gano'n ba talaga siya kainipin? Bahala nga siya.

"Pasali nga kami sa yakapan!" Nagulat na lang ako ng bigla kaming dambahin ng yakap ni kuya Amstel, tatawa tawa namang sumunod si kuya Amiel at nakiyakap na rin.

"Ano ba Amstel! Magdahan-dahan ka ngang bata ka baka masaktan ang prinsesa at reyna natin."

Napakamot naman ng ulo si Kuya dahil sa sinabi ni Daddy, kulit kasi.

Ang saya, ang saya magkaroon ng ganitong pamilya.

"Oh siya, magsitulog na tayong lahat at may pasok pa ang batang ito." ani Mommy kaya naghiwa-hiwalay na kami sa pagkakayakap.

"Mommy naman eh, Friday kaya ngayon. Walang pasok bukas." Ipinakita ko pa ang phone ko upang makita niya ang oras.

"Edi wala basta magsitulog na kayo."

"My, doon kami matutulog ni Amiel sa kwarto ni Elise."

Natuwa naman ako sa narinig ko.

"talaga?" paninigurado ko.

"Ayaw mo ba?" tanong ni kuya Amstel.

"Wala akong sinabi! Tara na!" hinatak ko na sila palabas ng office ni Daddy, "Mom, Dad Goodnight!!" sigaw ko bago kami tuluyan makalabas ng office, narinig ko pang tumawa si Daddy.

"HOY AMSTEL wag kang madaya kanina ka pa kain ng kain d'yan, kay Elise na ata uang kinakain mo!"

"Kuya, it's fine." natatawa kong sambit.

Nakahiga kami ngayon sa kama ko. Nasa gitna nila akong dalawa. Nanonood kaming Love Alarm, isang Korean drama.

Nasa Episode 4 na kami at patapos na rin ang episode. 12:46 na ng hatinggabi, tinatamaan na rin ako ng antok.

"Pagkatapos nitong episode na 'to matulog na tayo." utos ni Amiel.

Tumango ako."Kuya may tumatawag sayo." ani ko ng makita ko ang phone niya na may tumatawag, hindi ko mabasa ang pangalan.

Sinagot naman niya agad."Wait" 'yon lang ang sinabi at pinatay ang tawag.

Ilang segundo lang ay may tumawag ulit pero sa pagkakataong ito ay sa app na Messenger ito tumawag at nasisiguro kong si Topher 'yon.

"Nasaan ka bang gago ka?" bungad agad ni Kuya Amiel nang masagot niya ang tawag.

Napakagat ako sa labi ko ng biglang naging video call iyon. Kitang kita ko ang galit na mukha ni Topher, may pasa pa ito sa mukha at sugat sa dulong bahagi ng kaliwa niya kilay. Nakasakay ito sa kotse at mukhang nagmamaneho.

"Papasok sa Subdivision niyo." sagot ni Topher. "Pwede bang d'yan muna ko matulog?"

"Saan ka ba nanggaling? kanina ka pa umalis dito ah?" tanong ni Kuya Amiel.

Pare-pareho kaming nakatingin sa phone ni kuya Amiel. Ngunit siya lang ang kita sa camera.

"Pauwi na rin sana ako kanina kaso alam mo na 'yon." tipid niyang sabi.

"tumawag ka kapag malapit ka na, kilala ka naman ng guard doon sa parking lot, 'di ba? ikaw na bahala doon. Ipagpapaalam ka na namin kay Daddy."

"Thank you" pagkapatay ng tawag ay agad lumingon sa amin si kuya Amiel

"Amstel, puntahan mo si Daddy. Sabihin mong makikitulog dito si Topher."

"Got it." ani kuya Amstel at mabilis na tumayo saka naglakad palabas ng kwarto ko.

"Ikaw matulog ka na, ako na maglilinis ng mga kalat." utos at sabi naman niya sa akin.

"Ako na, hintayin mo na si Topher doon sa baba."

"Elise wag na---"

"Baba na, ako na dito."

Napailing na lang si kuya at tumitig sa akin na parang naninigurado.

Ngumiti ako. "Baba na, kaya ko na 'to." natatawang sambit ko, ang kulet kase.

"Matulog ka na pagkatapos" Lumabas rin siya at sinimulan ko na ang paglilinis.

Hindi naman marami ang kalat dahil lahat ng pinagkainan namin ay nakalagay sa isang plastic. Maliban na lang doon sa spoons, forks and plates. Kumain rin kase kami ng cake.

Inipon ko ang mga tablewares sa isang tray. Inayos ko muna ang kama ko saka kinuha ang plastic ng mga pinagkainan naming disposable at isinabit sa kamay ko.

Binuksan ko ang pinto at binitbit ang tray na may tablewares. Huhugasan ko na ang mga ito sa baba.

Dahan-dahang bumaba ako ng hagdan, mahirap na baka madulas ako at mabalian ng buto.

Pagkarating sa kitchen ay naabutan kong may mga maid pa roon at nagkekwentuhan habang kumakain ng icecream ata iyon. Pwede naman silang kumain ng kahit anong pagkain na nasa kusina maliban na lang kung mayroon ng may ari.

Kinuha nila sa akin ang tray na hawak ko at sinabing sila na ang maghuhugas pati ang plastic ng basura na hawak ko ay kinuha na rin nila kaya naghugas na lang ako ng kamay. Nakikain na rin ako ng icecream, syempre ako pa ba.

Napatigil ako sa pagsubo nang biglang pumasok si Kuya Amiel sa kitchen, patay ako.

"Elise, 'di ba ang sabi ko sayo matulog ka na pagkatapos mong maglipit? at talagang nakikain ka pa kila yaya. Ubusin mo na 'yan at umakyat ka na sa kwarto mo." utos niya sa akin.

Narinig ko natawa ang mga maid kaya naman nilingon ko sila at sinimangutan na mas lalo nilang ikinatawa.

"Ate Glenda, padala ng tubig sa Guest Room 1 at sandwich." utos ni kuya sa isang maid. "Elise, bilisan mo d'yan. Hintayin ka namin sa kwarto mo." dagdag pa niya at umalis na.

"Ate Glenda, ako na po ang gagawa ng sandwich. Paluto na lang po ng scrambled egg saka ham, nahihirapan po kasi ako sa pagluluto e." sabi ko kay ate Glenda.

"Sige po." sagot lang niya at kumuha na ng itlog at ham sa ref.

Ako naman ay nagpatuloy sa pagkain ng icecream, nagpalagay pa nga ulit ako. Nakinig lang ako sa kwentuhan ng mga maid tungkol sa kanilang buhay probinsya.

May naiwang asawa sa probinsya at anak ang isa samantalang ang isa naman ay ang mga magulang niya at kapatid. Mayroon ring boyfriend at nagbreak sila dahil nagtrabaho siya dito, marami pa silang kwento pero hindi ko na nasundan.

Naalala ko kasi si Topher, siguradong siya yung pinapadalhan ni kuya ng pagkain sa Guest Room. Saan kay nanggaling yon? Saka bakit may sugat at pasa siya?

"Ma'am Elise, ito na po yung pinaluto niyo." muntik pa kong masamid sa pagkagulat ng magsalita si Ate Glenda sa gilid ko.

Mabilis akong bumaba sa pagkakaupo ko sa counter saka ibinaba ang pinagkainan ko ng icecream at kinuha ang loaf bread sa cupboard.

"Ate Mara, pakikuha nga po yung Mayonnaise at Ketchup." siya kasi ang malapit doon sa lagayan.

Nang makumpleto ko na lahat ng kailangan ko ay nagsimula na ko sa paggawa. Apat na sandwich ang nagawa ko, marami pang ham at egg ang natira kaso tinamad na ako.

Nilagay ko sa isang plate ang lahat ng nagawa kong sandwich. Ako na rin ang kumuha ng may kalakihang baso at naglagay ng tubig. Inilagay ko sa isang tray ang mga iyon.

"Ako na po ang magdadala." ani ko.

"Sigurado po kayo?" tanong sa akin ni Ate Glenda.

Tumango ako. Bago ako lumabas ng kitchen ay inihabol pa ni Ate Mara ang isang maliit na ice bucket at inilagay sa tray.

"Baka po kasi malamig na tubig ang gusto ng pagdadalhan niyo." sambit niya ng makita sigurong nagtataka ako sa ginawa niya.

Ngumiti na lang ako at tinuloy ang pagpunta sa Guest Room kung nasaan si Topher.

"Topher!" sigaw ko ng makalapit ako sa pintuan.

Agad naman niya akong pinagbuksan. "Tabi." sabi ko at mabilis niya namang ginawa.

Pumasok ako sa kwarto at ibinaba ang tray sa kama. Kumuha ako ng isang sandwich at kumagat.

"Akala ko naman para sa akin yan." natatawang sabi ni Topher.

"Para sayo nga."

"Eh bakit nauna ka pang kumain sa akin?"

"Ako naman gumawa nito, walang masama doon." napailing na lang siya sinabi ko, wala naman talagang masama doon e.

Isinara niya ang pinto at dahan dahang umupo sa kama saka kumuha rin ng sandwich.

Umupo rin ako sa kama niya, nasa gitna namin ang tray na dala dala ko.

"Nagamot mo na ang sugat mo?" tanong ko.

"Hindi pa, ikaw bakit hindi ka pa natutulog?"

Inubos ko na ang sandwich ko. At kinuha ko ang first aid kit sa may drawer sa tabi ng kama. Lahat ng kwarto dito ay may first aid kit.

"Gagamutin ko na yan." sabi ko at tumayo sa harap niya.

Ibinaba ko ang kit sa tabi niya at binuksan, nag-apply muna ako ng alcohol sa kamay saka kumuha ng Hydrogen Peroxide at cotton pads.

Nilinis ko ang sugat ang sugat niya at nilagyan ng Betadine bago lagyan ng Band Aid.

Nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa ko yon, hindi ako nag-aassume. Nakita ko talaga at naramdaman ko.

"Thank you" pagpapasalamat niya at muling kumagat sa sandwich niya.

"A-ano matutulog n-na ako." paalam ko.

Niligpit ko ang first aid kit at binalik sa drawer.

Lalabas na sana ako nang magsalita siya.

"Hindi ka pa umiinom ng tubig."

"Sa baba na lang," tipid kong sabi.

Naiilang na ako.

"Mapapagod ka lang, ito na lang inumin mo. Marami naman 'to." sabi niya at iniaabot ang malaking baso.

"Ah sige" sabi ko at mabilis na lumapit sa kanya saka kinuha ang baso at uminom. Hanggang kalahati ang ininom ko, wala pa namag ice 'yon. "Salamat." pasasalamat ko.

Tumango lang siya at ngumiti.

"Matulog ka na, Good Night."

"Ikaw rin, Good Night." ani ko at ngumiti.

Lumabas na ako ng Guest Room at nakahinga na rin ng maluwag.

Nagtungo na ako sa kwarto ko at pagbukas ko ng pinto ay tulog na ang dalawa kong kuya. Akala ko ay maaabutan ko pang gising si kuya Amiel. Alas Dos na ng madaling araw, jusko po.

Pumwesto ako sa gitna nila at natulog na rin.

avataravatar
Next chapter