2 Chapter 1

"Nice pare! Ganda ng new car mo ah!", sabi ni Amiel, my bestfriend.

"Why would I use an ugly car?", I said and wink at them.

We are at the Cafeteria right now, having our lunch. It's our first week of class and it's already Friday. August ang start ng classes ng Senior Highschool dito.

"Calling the attention of Mr. Quinton and Ms. Gomez. Please proceed to the Principal's Office now. Thank you", announce mg boses mula sa speaker.

Ano na namang problema ng matandang yon?

By the way, this is Maximus Donovan School. My Grandfather owned this school and I don't know where they get the name of this school because no one in our family named Maximus Donovan.

"Hoy!Pumunta ka na sa lolo mo!", sigaw ni Amstel, Amiel's twin and my bestfriend too.

"What for? Baka kung ano na naman ang ipagawa non.", sagot ko sabay subo ng pizza.

"Topher, kilala mo yung Ms.Gomez?", kunot-noong tanong ni Amiel.

"Ms.Gomez?", balik kong tanong sa kaniya.

"Bingi ka ba? sabi ng lolo mo 'Calling the attention of Mr.Quinton and Ms.Gomez' blahblahblahblah", mukhang tangang panggagaya ni Amstel sa sinabi ni lolo kanina.

"Malay ko don. Baka teacher o student lang.", walang gana kong sagot

Pero sino kaya 'yon? saka bakit kami pinapatawag ni lolo? Baka anak lang ng business partner niya. Sakit talaga sa ulo ng matandang yon.

"Puntahan mo kaya? baka chics yon, sayang din.", sabi ni Amstel.

"No thanks, I don't have plans of having another tutor for this year.", seryoso kong sabi.

Palagi kasi akong binibigyan ng tutor ng matandang 'yon kahit di ko naman kailangan. I have good grades, hindi ganon kataas pero hindi naman mababa. I am in the third section when In fact, kaya ko namang mapunta sa first section, same as Amiel and Amstel. Students in section one are like competing at one another, I just don't like it. Because I believe on the saying 'Tulungan hindi pataasan'.

"Magtino ka kasi.", Amstel said while wiping his hands with tissue.

"I am, ang gusto lang ni lolo ay mapunta ako sa first section which I highly object, ayoko doon.", sagot ko.

"Sabagay, ako rin ayoko doon.", pagsang-ayon ni Amstel sa sinabi ko.

Tumunog ang bell na hudyat na tapos na ang Lunch time kaya abilis kaming tumayo sa kinauupuan namin at dumiretso na sa mga klase namin.

May dala pang mga junkfoods ang kambal. Pinamigay nila ang mga yon ng makapasok kami sa room namin at hinintay na namin si Ms. Lirma, teacher namin sa PE and Health.

20 minutes na ang nakakalipas at wala pa rin si Ms. Lirma. Lumipas pa ang limang minuto at may kumatok sa pinto kaya agad namang binuksan yon ni Amiel. Airconditioned ang lahat ng rooms dito kaya nakasarado ang pinto.

"Yow! Chics!", agad namang nagsigawan ang mga kaklase kong lalaki na hayok sa mga babae nang pumasok ang isang babaeng nakasalamin na maraming dala na papel at dalawang libro.

Matangkad siya pero mas matangkad ako, sobrang puti niya at maamo ang mukha bagay sa kanya yung salamin niya at hindi siya nagmukhang nerd dahil don. Mukhang galing din sa mayamang pamilya. Malamang dito nag-aaral eh.

"11-Einstein right?", mataray niyang tanong. Hindi naman masyadong mataray ang pagkakatanong niya pero mukha siya mataray.

"Ayy mataray!"

"anong pangalan mo?!"

"Ang ganda pare!"

"mas maganda pa rin ako diyan!"

"ano bang ginagawa niyan dito?!"

Kantyawan ng mga kaklase ko. Isa yan sa mga nagustuhan ko sa kanila. Seryoso sila pagdating sa pag-aaral pero alam rin nila ang oras sa biruan. Ngunit may iba talagang sadyang naligaw lang rito at hindi yata pag-aaral ang nasa isip kundi ang mag-engage lang sa mga playful courtship, In short, lumandi.

"I'm Mary Elise Nicolette Gomez ", pakilala niya at ibinaba ang mga dala niyang libro.

"Susmaryosep napakahaba ng pangalan.", reklamo ng kaklase kong lalaki na nagtanong ng pangalan niya.

"You asked for it." sabi niya at naupo. "By the way, Mr. President is finding new officers for Student Council.", tanong niya.

"wala kaming pakialam don!", pasigaw kong sagot.

"Mr. Quinton? na sa 3rd Section ka pala? At in fairness ang lakas ng loob mong mag- STEM.", mayabang niyang sabi.

"Sinasabi mo bang bobo ako?", inis kong tanong.

"Never said that.", sagot niya at nagsimulang bilangin ang mga papel na dala niya, yabang.

"Mary, she's a candidate for the Student Council President and Mr. Axel Topher Quinton I heard that you're also at the Vice President.", sabi ng babaeng mayabang at mataray habang nagbibilang ng papel.

Nang natapos siyang magbilang ay tinignan niya kaming lahat na para bang may hinahanap. Tumayo siya at lumapit kay Amiel.

"Mr. Scientist paki bigay sa mga kaklase mo at sagutan niyo in 30 minutes. Magkopyahan kayo kung gusto niyo pero wag kayong papahuli.", sabi niya at ibinigay ang binilang niyang mga papel kay Amiel.

Natulala naman si Amiel pero kinuha pa rin niya ang mga papel at pinamigay. Kilala si Amiel bilang Mr. Scientist dahil simple lang, napakagaling niya sa Science, walang makakatalo.

Bumalik na ang babaeng may mahabang pangalan sa harapan at naupo sa teacher's table.

"Mr. Topher dito ka sa harap magsagot!", sigaw niya na siguradong rinig hanggang sa kabilang room.

Nahuli niya ata akong nakatingin sa papel ni Amiel. Tanga naman nito dapat si Amiel na lang papuntahin niya sa harap. Hindi ako sumunod at nagpatuloy lang sa pangongopya kay Amiel.

"Girls alam niyo,", nakuha na naman niya ang attention ng mga buong klase maliban sa akin dahil nangongopya pa ako kay Amiel. "Kung hahanga at magkakagusto kayo sa isang lalaki. Be practical doon na sa matalino, hindi mayabang at hindi bastos. In short, wag na kay Mr. Quinton. Choose someone better, " pinapainit talaga nitong babaeng may mahabang pangalan ang ulo ko. "Like Mr. Amiel Guevarra or his twin.", may gusto ata to sa kambal e.

Nilingon ko naman ang kambal at parehas namumula ang mga gago.

"Boys alam niyo kung magkakagusto kayo diyan sa babaeng may mahabang pangalan na mayabang, mataray at akala mo kung sino. Wag na lang para kayong nagsuicide non.", I said and smirked. "Masyado mo namang pinupuri ang kambal, may gusto ka ba sa kanila?"

Akala naman niya magpapatalo ako sa kanya.

"I don't do incest.", sabi niya at nagsmirked. Psh. Gayagaya "Kapatid ko yang kambal na yan", dagdag niya.

"Ms. Mary Elise please proceed to the Guidance Office"

Pagkatapos naming marinig iyon mula sa speaker sa loob ng room namin ay lumabas na ang babaeng may mahabang pangalan. Bumalik naman sa pagsagot ang mga kaklase ko. Samantalang ako ay nilingon ang kambal at naghintay na magpaliwanag sila.

"Stepsister namin siya.", sabay nilang sabi.

"What do you mean stepsister?", tanong ko.

"Anak siya ng bagong wife ni Daddy.", maikling paliwanag ni Amstel.

"Siya yung candidate for SC President. She's Mary Elise but we call her Elise and siya rin pala yung Ms.Gomez kanina, ngayon ko lang naalala na Gomez yung surname niya."dagdag ni Amiel.

"Mabait yon sobra. Hindi nga lang kami masyadong nagkikita dito sa school this week kaya hindi namin nasabi sayo agad." ani Amstel.

Honestly, maganda siya kaso masungit lang talaga at mayabang.

Pumasok na ulit ang babaeng may mahabang pangalan at mukhang may bago na naman kaming sasagutan.

"Pens down 11- Einstein, Kuya Amstel pakicollect yung papers nila and distribute this new test papers", ang bossy talaga.

Kinalabit ko si Amiel na nasa tabi ko. Yung arrangement kasi ng mga upuan namin ay three columns sa gitna which I requested and tig dalawang columns sa magkabilang gilid, five rows each. At nasa gitna ako ng kambal.

"Amiel," tawag ko sa pangalan nito. "Anong grade na ba yang stepsister mo?", tanong ko.

"Grade 10"

"What the fuck?!! Seniors niya pala tayo tapos napaka-bossy niya satin!!", 'di makapaniwalang sambit ko.

"She's just 14 years old."

"huh? dapat grade 9 palang siya!"I shouted on disbelief. Really? she can't boss us around like that!

"Stop shouting, sa December pa siya magfififteen.", pagbabawal niya sakin. "Honestly pare, she's so advance in learning. That's what Dad said and kapag nagbivisit kami sa dati nilang bahay. She's always holding and reading books. ", I literally jawdropped.

"Topher come here," napatingin kami parehas ni Amiel ng tawagin ako ng babaeng may mahabang pangalan. "Uulitin ko pa ba?", she asked with full of sarcasm.

Tinitigan ko lang siya at di sinunod ang iniutos niya.

"Ugh! Bakit ba ang hirap mong pasunurin!?", that's right girl with a long name, be annoyed.

Naglakad siya papunta sa direksyon ko at huminto sa harap ko. Yumuko siya hanggang magkatapat ang mukha namin. I felt uneasiness pero binalewala ko lang yon, nakipagtitigan lang ako sa kanya.

"Si Axel pala ang gusto!"

"Kunwari pang nakikipag-away kanina!"

"So cheap!"

"malandi din pala"

"kunwari pang masungit may landi rin palang itinatago"

"Ano ba naman yan!?"

Bulungan ng mga kaklase ko. Told you, may mga naligaw talaga dito.

Nagulat na lang ako ng bigla siya lumayo at naglakad pabalik sa teacher's table. Habang hawak ang phone ko!

"Give me back my phone!!" I shouted. Napipikon na ko sa babaeng to.

"I won't give this to you, unless susundin mo na ko." she said smiling while waving my phone. Nice Smile but you're still a pain in the ass.

"Fine!" pagsuko ko. Tumayo na ako sa upuan ko at lumapit sa kanya. "Happy? Can you give me back my phone." I asked with sarcasm.

"Uh-uh, not yet, tara muna sa Principal's Office.", sabi niya at hinila ako palabas ng room.

"Yun oh! holding hands pa!!", rinig kong sabi ng isa kong kaklase.

Binitawan niya na yung kamay ko nang pababa na kami ng hagdan. Na sa second floor lang yung room namin at na sa harap ng building namin ang Auditorium.

"Walk faster, turtle!", sabi ng babaeng may mahabang pangalan. So boastful!

Nang makarating kami sa tapat ng Principal's Office na parang bahay na maliit sa gitna ng Botanical Garden ay naunang pumasok ang babaeng may mahabang pangalan. Hindi ako sumunod dahil may napansin akong maliit na tarpaulin sa tabi ng Bulletin Board. Tarpaulin iyon ng Student Council Officer pero blanko pa rin ang mga 'yon.

Wala kaming Student Council last year dahil sa di malamang dahilan. And never din akong naging officer ng SC. Ewan ko ba sa matandang yon at naisipan akong gawing Vice President. Siya kasi ang namimili ng officers.

Bigla namang bumukas ang pinto ng office ni tanda at lumabas ang babaeng mataray.

"Topher! Ano bang tinatanga-tanga mo dyan?"

'Di na ko nagsalita at pumasok na sa office ni tanda. Tumayo agad si Lolo nang makita ako. Naupo ako sa sofa niya at sumandal.

"Hay Salamat at pumunta ka rin.", ani lolo.

"Ano na naman ho bang problema niyo?", tanong ko.

"Umayos ka nga!!", sigaw sakin ng babaeng mataray at sinipa ako sa paa.

'Di ko na lang siya pinansin at umayos ng upo. Kung hindi lang para sa phone ko, never ko talaga siyang susundin.

"Ano bang pinakain mo sa apo ko at sinusunod ka iha?" di makapaniwalang tanong ni tanda.

"Wala po, sir. Pero may kinuha po akong isang mahalagang bagay sa kanya." nakangiting sagot ng babaeng mataray.

"Kung ganon, h'wag mo ng ibalik ang bagay na iyon."

"You wicked!? No way!! Madaming pictures don at ano..." sabat ko sa usapan nila ngunit napatigil din ako.

"Ano?", tanong ng babaeng mataray.

"Basta it's very private!", I shouted to hide my nervousness. I don't have a passcode. And my phone has a lot of my weird selfies and other weird stuff.

"Bakit niyo ba kasi ako pinapunta dito?", pang-iiba ko ng usapan.

"I will be your tutor for 2 Weeks.", may halong yabang na pahayag niya.

"Ano?!Ikaw?!Eh Grade 10 ka pa lang diba?"

"Yup! I'm Grade 10 but don't underestimate me and could you please drop the 'lang'. I achieved Grade 10 despite of the boring classes and teachers.", Good Heaven! Why did you let me cross path with this boastful yet beautiful young lady here. Well, It's not bad at all.

"Boastful", I just said.

"I'm just telling the truth Mr." sabi niya at naupo sa tabi ko "By the way, 2 hours everyday during weekdays and 5 hours every Saturday kita itututor. At here's your phone, there's a message from Kuya Amiel. Thank you in advance!"

Pagkabigay niya ng phone ko ay tumayo na rin siya.

"Gotta go, Mr. President.", paalam niya.

"Topher apo, I like that girl for you."

"Stop it Lo, we're too young for that. Don't you know that she's only 14?", I said.

"Love can wait for the right time, apo.", hindi ko na lang iyon pinansin at tumayo. "Sige na bumalik ka na sa klase mo."

Lumabas na ako ng office niya. I checked my phone at binasa ko ang message ni Amiel.

Nagpapabili ng DQ Chocolate Kitkat Blizzard. Inutusan ko yung guard na bumili sa DQ store sa tapat ng school at dalhin na lang sa room namin. I also gave him an extra money.

Bumalik na ko sa room at nandon na rin ang babaeng mataray. Nakaupo siya sa upuan ko habang nakikipagkwentuhan sa kambal. Habang ang iba ko namang kaklase ay abala din sa pakikipagkwentuhan sa mga katabi nila.

Agad naman akong napansin ni Amstel at pinalipat ang babaeng mataray sa upuan niya at hinila ang katapat niyang upuan upang itabi sa babaeng mataray.

Lumapit na ko sa kanila saka naupo sa upuan ko. At ngayon katabi ko ang babaeng mataray.

"Nasan na yung pinabili ko?" tanong ni Amiel.

"Hintayin mo, yung guard ang pinabili ko." sabi ko at dumukdok sa desk.

"Elise, dali na.", rinig kong sabi ni Amstel.

"Hindi naman niya malalaman," ani Amstel. "saka ibabalik ko din bukas.", dagdag pa niya.

"Mom always check my atm and credit cards in my wallet, malalaman niya agad yon."

"Bigyan mo na lang ako ng cash.", pangungulit ni Amstel.

"Let me inform Mom muna kase.", her voice is cute though.

"There's no need for it naman, ibabalik ko naman agad." pilit pa ni Amstel.

"Amstel-"

"Kuya Amstel, call me kuya Amstel," seryosong sabi ni Amstel.

"Yeah, KUYA AMSTEL can't you just wait me inform my Mom and I'll lend you a money?"

"Why do you need to ask for your Mom's permission when it's my Dad who's giving you money? My Dad.", Amstel said, emphasizing the word My.

"Amstel! Watch that wicked mouth of yours." pagbabawal ni Amiel sa kakambal niya.

What Amstel said was surely offended this girl beside me. This wicked man should really say sorry for that. That was below the belt.

Umayos ako ng pagkakaupo at kumuha ng five thousand pesos sa wallet ko.

"Ams, follow me and I'll cut that tongue of yours!", tawag ni Amiel sa kakambal at lumabas ng room.

Sumunod naman si Amstel. Mabuti na lang ay hindi nakichismis ang mga kaklase ko at abala pa rin sila sa sarili nilang mga mundo.

Napatingin naman ako sa phone ko ng magring ito. Tumatawag si Amiel. Agad ko namang sinagot ang tawag.

["Pakibigay kay Elise yung ice cream na pinabili ko"] pagkasabi niya non ay pinatay niya na ang tawag.

Tinignan ko naman ang katabi kong babaeng mayabang at mataray. Nakayuko ito at itinatap ang mga daliri niya sa desk.

"Boss Axel, ito na daw yung pinapabili mo sa guard, lima na daw yung binili niya dahil sobra daw yung binigay mong pera" sabi sakin ng kaklase kong lalaki.

Hindi ko napansin ang guard.

Ibinigay ko sa kanya ang isa at ibinababa ang natirang apat sa desk ko. Sandali kong sinulyapan ang babaeng katabi ko at inisip kung paano ko ibibigay 'to.

"Hoy babaeng mayabang na mataray! pinabibigay ni Amiel." sabi ko at ibinababa sa tapat niya yung ice-cream.

"Thank you Mr. Topher na masungit!", Ang ganda ng ngiti pero tinarayan niya pa rin ako kanina. At ako pa talaga ang tinawag na masungit.

"And ibigay mo ito kay Amstel mamaya para matahimik na kayo.", sabi ko pa at ibinigay sa kanya yung Five Thousand.

"Ayaw ko," tanggi niya at sumubo ng ice-cream.

"Aish ang kulit!"

"Ayokong magkautang sayo kaya sayo na yang pera mo."

"Hindi naman kita sisingilin dito." paliwanag ko.

Hindi niya na ako pinansin at kinain na yung ice-cream niya. Bumalik na ang kambal, binigay ko naman sa kanila yung ice-cream na natira.

"Amstel," tawag ko.

"Pinabibigay ni-" ano ulit pangalan nitong babaeng mataray. "Pinabibigay ni Marisse" sai ko at iniabot ang five thousand.

"Magsisinungaling na lang tatanga tanga pa," rinig kong bulong ng babaeng mataray.

"Ha?Sinong Marisse?" naguguluhang tanong ni Amstel pero kinuha niya pa din yung pera.

"Edi yang babaeng mataray na yan.", hindi na lang kasi tanggapin, daming arte sa buhay nito.

"Awit, Elise, bro hindi Marisse!", pagtatama niya. Elise nga pala pangalan nito.

"Amstel ibalik mo yan," singit naman ni Amiel sa usapan namin.

"Pero kuya wala na talaga akong pera," sagot naman ni Amstel.

Amiel is one day older that Amstel. That's a fun fact about the twins.

"Bakit ba kasi naubusan ka ng pera? at nasan yung ATM card mo? napaka-imposible na mawalan ka ng pera Amstel." tanong ko.

"Yung kadate ko kasi kahapon," huminto siya at parang nagdadalawang isip kung itutuloy niya ang pagkekwento. " Ibinaba ko lang saglit yung wallet ko sa table namin para mag-cr saglit pero pagbalik ko wala na siya pati yung wallet ko. Mabuti na lang ay nakapagbayad na ako ng bill."

"Babaero ka kasi eh!", sigaw sa kanya ni Amiel sabay batok.

"Ano ba yung mga laman ng wallet mo?" tanong naman ni Maris- este ni Elise.

"10 Thousand Cash, ATM and Credit cards, pictures saka apat na condom." binatukan ko naman agad siya dahil sa huli niyang sinabi.

"Apat na ano?" naguguluhang tanong ni Elise.

"Wala yon, pampaswerte lang." sabi na lang ni Amiel.

"By the way, kuya ako na magsasabi kay Daddy mamaya." sabi pa ni Elise at tumayo na sa kinauupuan niya.

"Saan ka pupunta?", wala sa sariling tanong ko.

"Magtatapon lang, babalik din ako agad." sagot niya at lumabas nang room.

"Binata na si Topher!" pang-aasar ni Amstel "Pero bawal pang mag-Boyfriend si Elise kaya maghintay ka muna." dagdag nito at tumawa.

"Ano bang sinasabi mo? saka anong pake ko kung bawal pang mag-Boyfriend yang stepsis niyo?"

"Hoy hindi gagana yang 'What Topher wants, what Topher gets' mo na yan."

"Ewan ko sayo." nasabi ko na lang, nakakaubos ng pasensya 'to.

"Pass the papers to Mr. Topher, kukuhanin ko sayo yan mamaya, nandyan na si Mrs. Castro. Goodluck sa Pre-Cal niyo!" sabi niya at inayos ang mga books at papers na dala dala niya "and Guevarra Twins pinapatawag kayo ni Mr.Principal." habol niya pa at lumabas na ng room, sumunod naman na lumabas ang kambal.

Binigay na nila ang mga papel nila sakin at dumating na si Mrs. Castro.

Natulog lang ako sa buong klase niya, wala kasi ang kambal kaya nabobored ako. Saka ang boring din magturo niyan and sigurado naman akong ituturo sakin yan ni Elise mamaya.

"Maaari na kayong magsiuwi." pagkasabi non ni Mrs. Castro ay lumabas na siya ng room namin kasunod ang mga kaklase kong parang mga bagong laya.

Pagkalabas naman nilang lahat ay pumasok ang kambal.

"May assignment ba?", tanong agad ni Amiel sakin.

Nagkibit-balikat lang ako at tumayo na saka isinukbit ang bag ko. Dala ko rin ang test papers kanina.

Lumabas na ako sa room at doon na lang hinintay ang kambal.

Nang pababa na kami ng stairs ay nakita namin si Elise sa may bench sa tapat ng building namin, medyo may kalayuan iyon, nagsecellphone siya habang nasa lap niya ang apat na libro, hindi ba siya nabibigatan don? alam naman na niya ata yung mga ituturo sa kanila, Bakit pa siya nagdadala ng maraming libro?

Pagkababa namin ay agad siyang pinuntahan ni Amiel at kinuha ang mga libro na nasa lap niya saka inalalayan siyang makatayo. Naglakad na kami papuntang parking lot.

"Kanina ka pa don?" tanong ni Amstel ng makalapit sila sa amin.

"Nope, kakapunta ko lang din don kase sa canteen ako tumambay, ang dami ngang nanglilibre sakin na mga Grade 12 students eh." napakunot naman ang noo sa sinabi niya.

"puro mga lalaki?" tanong ni Amiel. Yon din dapat itatanong ko.

"Syempre, halos lahat ng girls dito galit sakin kaya imposibleng bigyan nila ako ng libreng pagkain."

"Elise!" tawag ko sa babaeng may mahabang pangalan nang may maalala ako.

"Bakit na naman?!"tanong niya ng hindi lumilingon sakin.

"Saan mo ako itututor?"

"Ikaw bahala basta may pagkain."

"Tss... Patay gutom"bulong ko.

"pake mo!?"

"Sa inyo na lang,"

Pagkasabi ko non ay sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive paalis ng school.

avataravatar
Next chapter