webnovel

New life, new beginning.

MONA: "Diba nakakapanibago pag bagong lugar, bagong bahay,bagong kapit bahay, bagong mga mukha? Hindi mo alam kung ano magiging kapalaran mo pag nasa bagong lugar ka?

Simula nong pumanaw ang mga magulang namin, si ate na ang bumuhay sakin, siya ang tumayo bilang magulang ko, nakapag tapos siya ng nursing bago pa nawala ang mga magulang namin kaya agad siyang nagtrabaho para mabuhay kaming dalawa."

JOEY:: "So, Mona ano sa tingin mo? Nagustuhan mo ba ang ating bagong bahay?"

MONA: (sa kanyang isip)

Bagong lipat bagong lugar, mukang mahihirapan ako mag adjust neto.

"Okay narin ate basta magkasama tayo"

(Sabay yakap sakanyang ate)

• At sila ay pumasok sakanilang bagong tirahan.

Habang nag aayos si Mona sa kanyang bagong kwarto, pumasok ang kanyang kapatid.

JOEY: (umupo sa kama ni Mona)

"Ready ka na ba for tomorrow? O heto pang enroll mo tsaka extra allowance mo bukas"

MONA: (umupo rin sa tabi ng kanyang kapatid)

"Ate okay na, nakapag enroll na ako online ginamit ko yung ipon ko sa banko"

JOEY: "Diba sabi ko ipunin mo yon para may ipon ka? Sinabi ko naman sayo ako na bahala sayo."

MONA: "Ate alam ko namang mabigat sa bulsa lalo na't kabibili mo lang ng bahay diba? Pagbigyan mo na ako para mabawasan naman gastos mo, okay na yung kahit allowance nalang muna ibigay mo habang nagsisimula ka palang ulit magtrabaho"

JOEY: "o siya sige basta next semester mo ako na magbabayad, ako bahala sayo ha?"

MONA: "Opo ate, thank you ha sa lahat ng ginagawa mo para sakin" (sabay sandal at yakap sa kanyang ate)

JOEY: " Ano kaba maliit na bagay yon, sino pa ba magtutulungan kundi tayo lang diba? O siya magpahinga kana diyan pagkatapos mo mag ayos. Maaga ka pa bukas wag kana magpuyat."

MONA: " Yes ate, matutulog na ako after ko ayusin to, goodnight ate! "

• Mona, Mona Nieves ang pangalan ko, 20 years old, Mahaba ang buhok, medyo maputi, simple lang kung mag ayos, walang boyfriend. 4th year college ako at kumukuha ako ng Tourism. Bagong buhay bago lahat, nag enroll ako sa W University para tapusin ang last two semesters ko sa College. Medyo kinakabahan ako at excited para bukas, first day sa school! Ano kayang mangyayare? Sana walang kapalpakang mangyare (sabay pikit at natulog na si Mona)

________________________________________________

• Umaga na at kumatok si Joey sa kwarto ni Mona.

JOEY: " Gising na, late kana Mona ano pang ginagawa mo bangon na! First day mo pa naman!"

MONA: (nataranta)

"Ha?! Anong oras na? 7:43 am na? Nako 9 am pala first class ko! Malalate na ako!!! (Sabay takbo sa CR naligo at nag ayos ng sarili)

• Pagkatapos gumayak ni Mona, sabay silang umalis sakanilang bahay. Hinatid ni Joey si Mona sakanyang school.

JOEY: " We're here sis!"

MONA: (kinakabahan)

" Sige ate baba na ako ha, ingat ka! Thank you sa pag hatid"

JOEY: (sumigaw)

"Mona!!! Have Fun!"

MONA: (ngumiti at kumaway)

• Tumakbo si Mona at siya ay late na sa una niyang klase, hingal na hingal pag dating niya ng classroom nila.

MONA: " Time check 9:07 am, patay ako neto!"

• Habang siya ay naglalakad, nagtinginan ang kanyang mga kaklase sakanya, napahinto ang mga nag uusap na mga studyante.

Student1: "Siya Yung transferee"

Student2: "Newbie!"

SANDY: Girl! Dito kana umupo!

• Sandy Ferrer, ang super cute na chubby ng W University, brainy at mayaman, mataba pero fashonista. Siya ang magiging bestfriend ni Mona sa school.

MONA: (umupo sa tabi ni Sandy)

"Thank you." (Sabay ngiti)

SANDY: "Sandy Ferrer nga pala, so bago ka dito?"

MONA: "Mona, Mona Nieves. ahh oo transferee."

SANDY: "Okay so nice meeting you! Kung may kelangan ka o tanong ka just ask me, campus tour later?"

MONA: "sure! I would love to"

• Habang naguusap sila ni Sandy may pumasok na studyante mas late pa kay Mona.

IAN: (tarantang pumasok sa classroom at hinanap ang upuan at kanyang tropa)

• Ian Mendez 21 years old isa sa mga campus crush ng W University, matangkad, matalino, mahilig magbasa at makinig ng music, lage binubully ng tropa dahil wala pa siya nagiging girlfriend.

PROFESSOR : "Late ka nanaman? Last year mo na sa college wala parin ba magbabago Mr. Mendez?"

IAN: "sorry sir" (sabay yuko)

PROFESSOR: (sigh)

"Okay students, as you can see we have a new face here, Ms. Nieves. Please stand up and say Hi to your classmates before we start."

MONA: (tumayo)

"Uhm Hi guys, I'm Mona Nieves."

• Napatingin si Ian kay Mona at doon tumigil ang kanyang mundo.

IAN: (sa kanyang isip)

"Mona?"

• Habang nagpapakilala si Mona, nakita niya si Ian na nakatitig sakanya, at doon ay nagkatitigan sila.....

______________TO BE CONTINUED____________