1 Clive 01

I was sternly looking at the wall clock beside me when someone entered my room. The heck with this guy! Bigla-bigla na lang pumapasok at hindi man lang alam kung paano kumatok.

"What brings you here Lyndon?" Tanong ko habang nilalaro ang ballpen na hawak ko at nalipat ang tingin ko sa hawak niyang isang box.

Kanina pa ako nagpapalipas ng oras dito sa kwarto ko at hinihintay na sumapit ang alas-onse. Ngayon ang kuhaan ng card namin at gusto ko talagang magpa-late. I don't know. I'm just afraid I might see her around school. Just by mere thinking of her, seems like all the sadness I felt that night is hitting me again. What more if I saw her face by face?

"Dumaan ako dito dude kasi wala ka sa school. May balak ka pa bang kunin 'yong final report card mo? Do you have any plans for grade 11?" Pagkatapos niyang sabihin 'yan ay binagsak niya 'yong hawak niyang kahon sa harapan ko.

"What's that?"

Nakita ko namang tumaas ang isang sulok ng labi niya at parang nang-aasar pa, "See it for yourself Clive, man up! Sawang sawa na akong maging taga-tapon o taga-tago ng mga sulat na natatanggap mo. Move on dude."

Natigilan naman ako bigla sa sinabi niya at huminga ako nang malalim. It's just so fucking hard to accept that someone completely left you for real. Ang hirap mawalan ng kaibigan. There's this girl that occupied a special part in me. Siya ang unang naging kaibigan kong babae and what we have is more worth keeping than a relationship with someone. Dahil sa wala rin akong kapatid na babae, parang naging siya ang instant sister ko. Pero shit happened .

"Wala na si Wendy and stop hoping na isa sa mga letter na 'to ay siya ang gumawa."

Hindi ko alam pero nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Lyndon. Maybe because what he just said is really true. Si Wendy kasi ang naging pinaka-close friend ko since grade 1, she taught me things that I never thought I am capable of doing. Naalala ko pa na palagi niyang sinasabi sakin na every time na pakiramdam ko ay wala akong makakausap, isulat ko lang daw lahat ng nararamdaman ko. And she'll genuinely read it whenever she comes back for vacation.

Nalulungkot nga lang ako kasi tuwing April and May lang kami nagkakasama. Nasa ibang bansa kasi sila naka-base. Para din daw updated ako sa kaniya, she'll also write letters and will send it to me. Sobrang malapit siya sa buhay ko to the point na halos ikamatay ko din nong mawala siya. I feel like I was being fucked up, a big time. I was an incoming grade 7 that time when she died because of pneumonia and because of that, things started to change.

I feel like I've already lost my life. I lost a sister and a girl best friend. Buti na lang nakilala ko nong grade 7 si Lyndon at kahit papaano ay naging at ease ako. Pero kasabay ng pagkawala ni Wendy ay ang pagkuha niya din sa bagay na tinuro niya sakin. Since then, I stop reading letters from random girls at school because it is just making me stupid to hope that those letters were from her. Simula din non, I stop visiting my locker. My reason behind that is because whenever I saw a tiniest bit of thing that reminds me of her just like letters, I don't know if I am able to move on. My life seems have really flipped, 'yong mga bagay na gusto at minamahal kong gawin dati ay pilit kong iniiwasan at kinamuhian para lang hindi ko siya maalala.

Hanggang sa lumipas ang isang taon at nagawa ko namang ipagpatuloy ang buhay ko pero not totally forget about her. She's my long time friend and it hurts too much.

Pero kung may bagay man siyang tinuro sakin na hindi ko tinigilang gawin, 'yon ay ang pagsusulat sa lahat ng nararamdaman ko. Don lang gumagaan ang pakiramdam ko kahit papaano at para pa rin akong tangang umaasa na mababasa niya lahat ng 'yon once na magkita ulit kami. But who am I convincing? I know it's too impossible to happen for she is already in heaven.

Time passes by that time hanggang sa nakiusap ako kay Lyndon na siya na ang mamahala sa locker ko. Gawin niya lahat ng gusto niya sa mga bagay na nandon. Itapon niya, sunugin niya, o kung gusto niya e itago niya. Wag niya lang ibibigay sakin.

"What now Clive? Reminiscing?"

Napailing na lang ako kay Lyndon at naupo siya sa dulo ng kama ko. Napasabunot naman ako nang marahan sa sarili kong buhok nang sumagi bigla sa isip ko si Gilianne. But I thought my life will be totally a mess, not until I first saw her. Ilang beses siyang nagpapansin sakin, wala sa ni isang ginawa niya ang may takas sa mga mata ko. Yet I kept on ignoring her presence. She really reminds me of Wendy. Ewan ko, imbis na matuwa ako—parang bumabalik lahat ng sakit. Pareho sila ng personality.. ng ngiti. Natatakot akong mag-invest na naman ng time, feelings, at trust sa isang tao. Baka kasi maulit na naman ang nangyari dati, na iwan lang ulit ako sa huli.

"Come on Clive, open it now."

Nabalik naman ako sa realidad nang tapikin ni Lyndon ang kanang balikat ko kaya naman binuhat ko 'yong box na dala niya at pinatong 'yon sa desk ko. Marahan ko 'yong binuksan at bumungad sakin ang mga letter envelope na puro kulay pula at nakasilid 'yon nang maayos na halatang pinaglaanan talaga ng effort ni Lyndon.

"Basahin mo from left to right, magkakasunod na 'yan bro."

Binigyan ko naman siya ng curious look bago muling nilipat ang tingin ko sa mga sulat na nasa harapan ko, "I cannot throw all those away knowing na may isang babae ang buong puso ang binubuhos sa bawat sulat na 'yan. There's one time na nakita ko siyang hinuhulog 'yan sa locker mo at naisipan kong itago. Maybe because it's worth reading Clive."

Tuluyan na akong nagtaka sa mga sinabi niya kaya kinuha ko 'yong isang letter na nasa pinaka-left corner at pinakatitigan 'yon. It has a flower stamp sa labas at nakasulat ang pangalan niya. Gilianne.

Dear Crush,

Kahapon ang first day of school. Grade 10 na tayo, ang bilis ng panahon no? First time kong gagawin to. May aaminin ako sayo, crush kita since grade 7 tayo.

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti sa nabasa ko in spite na hindi naging maganda 'yong huling nangyari samin. The fuck! Why are you doing this to me Gilianne? She's a big confusion in my life that keeps on bugging me every minute and every second.

"That's the reason kung bakit naisipan kong sa locker niya ihulog 'yong mga sulat mo na para kay Fiona talaga. She deserves it better Clive."

Tinapunan ko naman ng masamang tingin si Lyndon at binato sa kaniya ang hawak kong ballpen pero nailagan naman niya 'yon, "You are so stupid! Hindi mo ba alam na mas lalo mo lang pina-komplikado ang mga pangyayari. Pinaasa mo 'yong tao."

Nakita ko namang bumagsak ang balikat niya at nahiga, "Well at least, napaamin siya sa feelings niya para sayo at naging close kayo sa isa't isa. Engot ka nga lang kasi mas pinili mo pa rin si Fiona instead of her."

Nag-iwas naman ako ng tingin nang bigla siyang lumingon sakin, "I just cannot figured out things. Mahal ko si Fiona and I can't afford to lose her, again."

"You just love her because of the memories you two made. Natatakot ka lang kasi na makasira ng buhay ng iba kaya pinilit mong balikan siya. Am I right? Nakikita mo siyang miserable dahil sayo and you can't even stand that."

Umiling-iling ako dahil sa sinabi niya trying to convince myself and refuse everything what he is saying, "How about your happiness this time Clive? Matagal na rin since the last time na nakita kitang sumaya nang totoo. At nangyari lang ulit 'yon nong maging close kayo ni Gilianne. Just this time, piliin mo naman ang sarili mo at ang magpapasaya sayo."

"Masaya na kami ni Fiona." May diing sabi ko pero alam kong may halong pait 'yon knowing na sobra ang lungkot at sakit na naramdaman ko nang makita kong maglakad palayo sakin si Gilianne.

Tumayo naman kaagad si Lyndon at tinitigan ako habang umiiling pa, "Just go on and continue to make your life a big lie."

Nang makarating na siya sa tapat ng pinto ng kwarto ko ay tumigil muna siya saglit, "Wala ka ba talagang balak kunin ang card mo? Pumunta ka na sa school hangga't nandon pa siya."

**

After kong makuha ang final report card ko ay kaagad akong lumabas ng faculty room at bumungad agad sakin si Fiona na ang laki ng ngiti habang hawak niya ang kaniya, "Yay! I'm so happy kasi ang tataas ng grades ko babe." Sabi niya sabay yapos sakin kaya naman napangiti rin ako nang matamis.

"Surely you'll get high grades, ang talino mo kaya."

Pagkakalas niya mula sa pagkakayakap ay pinitik niya pa ang tungki ng ilong ko, "Sus bolero! So, where are we going now?"

Natigilan naman ako saglit sa tanong niya dahil naalala ko bigla ang isa sa mga dahilan ng pagpunta ko dito sa school. Sana lang nandito pa siya.

"Magkita tayo sa multi-purpose hall, may aasikasuhin lang ako saglit." Bago ako tuluyang umalis ay binigyan ko muna siya ng halik sa noo at saka tumakbo paalis. Baka kasi magpumilit lang siya na sumama at hindi pwedeng mangyari 'yon. Knowing Fiona, she'll definitely make a scene.

Nang makita ko ang isa sa mga kaklase namin ay agad ko siyang tinanong kung nakita niya ba si Gilianne at nalungkot ako nang sabihin niyang kaaalis lang daw nito pagkakuha niya sa card niya. Hindi ko rin kasi makita si Alyssa kaya baka nakauwi na talaga siya.

Patuloy lang ako sa pagtakbo at napahinto ako sa tapat ng locker ng boys nang may makita akong pamilyar na figure. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Gilianne?"

Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan niya dahil bigla siyang natigilan sa kung ano mang ginagawa niya at marahang lumingon sakin, "Clive." Halos pabulong na sambit niya.

Hindi na ako nagpatumpik pa dahil kaagad ko siyang niyakap. I badly missed this girl. Kahit isang linggo lang kaming hindi nakita, parang halos isang taon na rin ang tinagal non para sakin. Naramdaman kong gusto niyang kumalas mula sa pagkakayakap ko pero mas hinigpitan ko lang.

"Stay still, please." Wala na akong pakialam kung may makakita man samin. Is it already considered as a cheating? Well, I don't fucking care. All I think about is those sleepless nights I spent because of endless thinking about the girl I am hugging right now.

When I finally savored the moment, I let go of the hug and smiled at her, "I miss you."

Umaasa ako ng kahit na anong sagot mula sa kaniya pero yumuko lang siya at kinuha niya ang kanang kamay ko, pagkatapos ay may kung anong inilagay doon. Tinignan ko kung ano 'yon at nagulat ako na isang sulat pala at katulad din 'yon nong mga nakalagay sa box na binigay ni Lyndon kanina; kulay pula at may stamp na bulaklak.

"Sa wakas, nagawa ko ring magbigay ng letter sayo, personally." Sabi niya habang marahang nag-aangat ng tingin sakin. Hindi ko alam kung matatagalan ko ang view na nakikita ko sa harapan ko. May kakaiba kasi sa mga mata niya.

"Gilianne, I am—"

"You don't have to worry about me. I am okay." Pagkatapos niyang sabihin 'yan ay nagsimula na siyang maglakad palayo sakin. Hindi ko alam kung anong meron sakin pero parang nabato na lang din ako sa kinatatayuan ko. What the hell is going on Clive? Hahayaan mo na naman bang mawala ang isang babaeng mahalaga sa buhay mo? I am such a coward.

When I finally gained all my strength, I immediately run towards her and held her left hand, "Gilianne please, don't do this."

Mas lumakas ang tibok ng puso ko ng alisin niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya at marahang humarap sakin, "Napag-usapan na natin 'to di ba? Just let me." Pagkatapos niyang sabihin 'yan ay binigyan niya ako ng isang napakalaking ngiti at saka tuluyang naglakad palayo.

I knew that smile. Alam ko na 'yon ang ngiti na sobra ang sakit na nararamdaman at dahil 'yon sakin. No doubt.

Pero bakit ganon? Bakit parang triple ang balik sakin? I know that deep inside I'm wishing that we could just be together. But I'm so unfortunate that destiny won't let it happen because I might fail on giving the happy ending she truly deserves.

I deserve this pain but I'll never be deserving of her love.

avataravatar
Next chapter