1 Let'sPlayPretend01: Lovers

[Alice's Point of View]

"GO GRAY!"

"AHHHHHHH!"

"GO AUGUST!"

"GO! GO! GO!"

"GO CAPTAIN GRAY!"

"GO CAPTAIN!"

"AUGUST!"

"KAYA NIYO YAN!"

"Sab, hanggang kailan ko ba sasabihin na ayoko dito. Ang ingay ingay kaya. Dun na lang ako sa room." Pagmamakaawa ko sa lima kong kaibigan particularly kay Sabrina habang hinihila nila ako papuntang gym.

"Oops, hindi pwede. Nandito kami kaya dapat nandito ka rin." Sabi sa akin ni Selene habang nakangiti.

"Ayoko nga. Ang boring kaya dito. Saka nagprapractice lang naman sila. Bakit kailangan nating panuodin?" Tanong ko sa kanila habang nakasimangot.

"Soccer nalang panuodin natin. Tutal gusto naman nina Ate April at Janelle na panuodin yun. Dali na. Ayaw ko dito. Soccer na lang tayo." Pagmamakaawa ko sa kanila.

"Hoy! Wag mo akong matawag tawag na ate. Magkasing edad lang tayo." Sabi sa akin ni April at pinitik ang aking noo.

"Dito na lang kasi. Makakahanap pa tayo ng pwedeng boyfriend dito. Mahirap kasi pag soccer practice papanoodin natin. Di natin masyadong makikita face nila." Sabi naman ni Tiara with matching hair flip.

"Lagi naman kayong ganyan ehh. Lagi na lang boys hinahanap ng mga mata niyo. Di naman nila kayo pinapansin. Blehh." Sabi ko sa kanila.

"Alice naman. Ang sakit kaya nun. Your words cut deeper than a knife talaga." Sabi naman ni Sabrina.

"Babalik na lang ako sa room. Nandoon naman sina King diba. Ang sarap pa man din nung asarin." Sabi ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nila sa akin.

"Hanap mo ba si King? Lagot ka kay Tiara." Sabi ni Selene at mukhang nagulat naman si Tiara.

"Yah! Anong ako?! Baka ikaw." Wika ni Tiara kay Selene at bumelat pa.

"Makalis na nga." Bulong ko sa hangin. Malapit na ako sa labasan ng gym nang may biglang tumama sa ulo ko kaya naman napadapa ako.

"Uyy. Nice, headshot." Rinig kong sabi ni August.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya. Tumingin naman ako sa direksyon nina April ngunit nakita ko lang ang mga gulat nilang mukha.

"Love, okay ka lang ba?" Tanong ng kung anong hayop na nilalalang sa harapan ko habang nakalahad ang kaniyang kamay.

"Sorry pero hindi ako si Love." Sabi ko at ngumiti sa kaniya ng peke.

"Okay babe, kaya mo bang tumayo?" Tanong niya ulit sa akin. May pa babe pa talaga. Kung suntukin ko kaya yung mukha niya.

"Alice ang pangalan ko Gray. Not love, not babe." Sabi ko at umirap sa kaniya. Sinubukan ko ulit tumayo at nakayanan ko naman kaya lang bigla akong natumba. Hinihintay ko nang bumagsak sa simento pero hindi ko naramdaman yung impact. Hindi ko inaasahan na sasaluhin pala ako ng hayop na ito.

"Alice." Sabi niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero na caught off guard ako sa kaniya.

"Bwahahahaha!" Narinig kong tawa ni August kaya naman bumalik ako sa senses ko. Tumayo ako ng maayos at lumayo kay Gray.

"Arghhhhhhhh! Nakakainis talaga!" Inis kong sambit at nagmartsa papunta kina Sab.

"Ano sabi sayo ni Captain?!" Pambugad na tanong sa akin ni Sabrina.

"G-R-R-R. Dapat kasi hindi ako sumama sa inyo eh. Hindi sana mangyayari 'to" Inis kong sambit.

"Anong pinagusapan niyo ni Captain Gray." Pangungulit sa akin ni Tiara.

"Bakit-"

"Oh come on!" Wika ko at sumimangot.

"Bahala na nga. Tatanungin ko na lang si August mamaya." Sabi naman ni April.

"Dun na nga lang ako kina King. Bahala na kung may mag selos man diyan." Sabi ko at pumunta na sa exit ng gym pero may biglang humawak sa pulsuhan ko.

"Love, bakit nga pala nandito kayo? Wala namang laro ah? Pinanood mo ba ako sa practice?" Sunod sunod niyang tanong sa akin.

"First of all, hindi ko gustong manood. Second, pinilit lang nila ako. Third, bakit ko papanoodin practice nyo eh sa tunay ngang laro ay ang boring na, edi mas lalong boring pag practice niyo lang. Fourth, wag mo na sayangin oras ko. You are not worth my time. Fifth, bitawam mo na yung kamay ko." Masungit kong sagot sa kaniya.

"Sige na nga, bumalik ka na sa room ninyo." Sabi niya habang nakangiti at binitawan ang pulsuhan ko kaya tuluyan na akong nakalis sa gym na iyon.

"Bye love! I love you!" Rinig kong sigaw na nakapagpainit ng ulo ko kaya naman nagmadali na akong bumalik sa room namin. Ughhh. Typical playboy. Tsk tsk.

Sigh.

"Oh? Bakit ganyan mukha mo?" Tanong ni King sa akin pagkapasok ko ng room.

"Wala ka ng pake dun King James." Inis kong sambit sa kaniya.

"Anong ginawa ko sayo? At saka wag mo nga akong tawaging King James. Ang weird kaya." Mataray niyang sambit sa akin.

"Sa gusto kong King James tawag ko sayo." Wika ko.

"Ikaw nga eh, ayaw mong tawagin kang Hope. Ano pang use ng Hope sa pangalan mo kung hindi mo rin naman gagamitin?" Tanong nya sa akin.

"Oo na, panalo ka na. Ang malas lamg talaga ng araw ko ngayon." Sabi ka sa kaniya at bumuntong hininga.

"Nasaan na nga pala yung limang baliw na babae." Tanong niya sa akin. Tsk. May gana pa talagang mag hanap ng iba meron na ngang kausap.

"Aba malay ko." Wika ko at tiningnan siya ng masama.

"Jay! Kailangan ko ng shield. Sinasaktan ako ng babaeng ito! Bilis!" Sigaw ni King dun sa kaibigan naming isip-bata. Kilalang kilala talaga ako ni King. Alam na ang gagawin ko eh.

Nakita ko namang tumatakbo si Jay sa pwesto ni King habang pinipigilan ko ang tawa ko. Parang kasing ewan kung tumakbo si Jay. Nung makarating na si Jay sa tabi ni King, mas lalo akong nagulat dahil dun sa ginawa nila. Nagtago ba naman sa likod ng payong!

"WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ni King na parang takot na takot sa akin kaya naman mas lalo akong natawa.

"WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"AHAHAHAHA!"

"HA....."

"Tu-tulungan... ninyo a-ko..." Hinihingal kong sabi sa kanila. Akala ko tutulungan ako ni Jay dahil tumayo siya. Yun pala may kakausapin lang siya sa labas.

Maunti lang kami sa room ngayon. Yung iba kasi nanonood ng mga practice. Bale walo nga lang kami dito eh. Yung lima busy sa paglalaro tapos kaming tatlo nina King at Jay parang ewan.

"O, tubig." Mahinahong wika sa akin ni King at inabot ang isang bote ng tubig. Umupo naman ako ng maayos at mabilis kong ininom yung tubig na binigay niya.

"Pasalamat ka tinulungan kita." Mataray niyang sabi.

"Oo na, mabait ka na." Sabi ko at pinisil yung tigkabila niyang pisngi.

"Ikaw kasi eh, tawa ba naman ng tawa." Pagsermon niya sa akin.

"Sukat ba naman kasing magtago kayong dalawa sa likod ng payong. Sinong hindi matatawa don 'no?" Wika ko.

"Tinatanong nung lalaki kung nasaan daw si Hope." Biglang sabi ni Jay sa likod namin. Tiningnan ko naman kung sino yung kausap niya kanina at nakita ko naman sina Gray at August. Hindi ba alam ni Jay na kaklase namin yun?

"Sino bang Hope dito?" Tanong naman ni Jay. Makikita mo sa mukha ni King na nagpipigil siya ng tawa. Ituturo sana ako ni King pero inunahan ko na siya.

"Sabihin mo sa kanila walang Hope dito! Walang pagasa!" Inis kong sigaw sa kaniya. Kami lang ba nina King kilala niya. At nakakainis siya. Kaibigan niya ako tapos di niya alam buong pangalan ko?! Buti pa itong si King, palibhasa kasi secretary kaya ang daming alam niyan tungkol sa amin.

"Ah." Sabi naman ni Jay at pununta na ulit dun sa dalawa para kausapin.

"Ano bang kailangan nung mga iyon sayo?" Nagtatakang tanong sa akin ni King. Sasagutin ko na sana yung tanong niya nang may maramdaman akong tumabi sa akin. At higit doon ay inakbayan pa talaga ako.

"Hoy! Bawal trespassing dito." Biglang sigaw ni Jay nang makita niya dina Gray at August sa loob ng room. Haysss. Mapapaface palm na lang ako. Pinapahiya niya lang yung sarili niya sa pinagsasasabi niya. Lalo na sa mga pinaggagagawa niya.

"Jay, hindi naman sa kinakampihan ko yung dalawa pero hindi naman sila nagtetrespass." Sabi ko at napatingin naman si Jay sa akin. Tumingin din naman siya kay August tapos kay Gray. Tapos tiningnan niya ulit ako.

"Ahh, pinapasok mo sila? Boyfriend mo?" Inosenteng tanong sa akin ni Jay at tinuro si Gray. Arghhh, nakakaasar siya kahit wala naman siyang ginagawa.

"Bakit mo naman naisip na boyfriend ko itong hayop na ito?" Naaasar kong tanong sa kaniya. Hindi naman ako sinagot ni Jay at imbis ang tiningnan nya lang ako na parang nagtataka.

"Eh bakit..." Hindi na natapos ni Jay sasabihin niya ng maramdaman kong mas lumapit pa sa akin si Gray.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko ng maalala nakaakbay sa akin si Gray.

Maya maya lang ay tumawa ng malakas si King kaya naman napatayo ako. Patay kang bata ka!

"WHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Pwe, bahala ka sa buhay mo King!" Sigaw ko at lumabas ng room. Naramdaman ko namang may sumunod sa akin pero di ko na siya pinansin. Tumakbo ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero aalis ako sa kahihiyang nangyari ngayon.

"Alice, sandali lang!" Narinig kong sigaw ni Gray pero di ko siya pinansin. Mas lalo lang akong tumakbo. Alam kong mabilis siyang tumakbo at may chance siyang mahabol ako dahil basketball player siya pero mabilis din naman ako. Ang problema nga lang mabilis akong mahapo kaya tumigil na lang ako.

"Alice." Tawag niya ulit sa akin at hinawak ang pulsuhan. Mukhang hinihingal na din siya sa layo ng tinakbo namin.

"W-what do you want?" Mahina kong tanong sa kaniya.

"Let's play pretend. Let's pretend that we are lovers." Aniya habang nakatitig sa akin.

avataravatar