6 Chapter VI

Chapter VI. Anger

NAGULAT si Shawn ng makita ang tinawag ng babae na si Grey. Doon ay nakita niya ang isang Batang lalake na may Puting Buhok at nakasuot ito ng Brown T-shirt at Itim na Pants at at nakasuot ng Itim na sapatos.

Ngunit mas kakaiba sa Grey na ito ay ang malamig nitong Aura. Si Grey naman ay nagulat din dahil medyo pamilyar ang itsura ng batang lalake na nasa kaniyang harapan.

"Grey ipinapakilala kita sa aking nakatatandang kapatid!" Sabi ng kaniyang kasamang babae at itinuro ang lalakeng may Asul na Buhok at asul na mga mata.

Nanlaki ang mata niya ng maalala niya kung sino ito. Ito ang lalakeng nag ligtas sa batang si Shawn. At sa sobrang takot niya rito ay tumakbo siya papalayo rito. Napatingin siya sa Batang lalake at tinitigan maigi ang mukha nito.

Asul na mga mata at Itim at asul na buhok at mas matangkad ito sa kaniya.

"Hindi kaya?, Shawn!" Sabi nito dahilan para mapangunot ang Noo ni Edrian. Nagtaka naman si shawn dahil kilala siya ng batang nag ngangalang grey. Tumingin siya rito ng tuwid at kinilatis ang itsura nito.

Ang Grey na kilala niya ay may itim na buhok at medyo matangkad sa kaniya. Hindi ang grey na kaharap niya ngayon na ibang iba sa kilala niyang grey.

"Shawn ikaw na ba yan?" Tanong pa ni grey habang may hindi makapaniwalang ekspresyon.

"Ako ito si Grey yung isa sa mga tuta ni Jay ar!" Sabi ni Grey kaya naman. Nakaramdam ng kakaiba si Shawn Napakuyom ang kaniyang kamao at tumingin kay Grey na puno ng galit.

Nang mapansin naman ni Edrian ang pinapakitang reaksyon ni Shawn May hindi magandang mangyayari.

Samantala ang kapatid naman ni Edrian na si Helen ay nakangiti nang makita ang reaksyon ng mag aaral ng kaniyang kapatid.

Nakakaamoy siya ng gulo Ang mga kabataan talaga ngayon lumalakas dahil sa kanilang emosyon Lalo na yung mga batang nakaranas ng kalupitan ng mundo.

Si Grey naman ay nagtaka sa pag tingin sa kaniya ng batang tinawag niyang shawn.

Nang banggitin niya ang mga salitang binanggit niya ay napansin niya na napakuyom ito ng kamao at tiningnan siya nito na parang handa itong pumatay.

Nabigla siya ng maglabas ito ng itim na enerhiya. Naalarma siya pati narin si Edrian dahil ano mang sandali tiyak na may isang sasabog sa sobrang galit.

"Arrrrgh!!" Sigaw ni Shawn at ang kaniyang itim na enerhiya ay naglabas ng naglalagablab na asul na apoy. Nagulat si Edrian sa paraan ng pag labas ng apoy sa katawan ni Shawn may hindi tama rito.

"Shawn! Huminahon ka!" Sigaw ni Edrian kay Shawn ngunit patuloy parin ang pag sigaw ni Shawn at ang pag labas ng Nag lalagablab na asul na apoy.

Nang makita naman ni Grey ang nangyayari kay shawn ay nakaramdam siya ng takot at pangamba para kay Shawn.

Batid na niya kung bakit ganito ang reaksyon nito Dahil iyun sa karanasan nito sa pang bubully nila ni Jay-ar.

Bakas sa mukha ni Shawn ngayon ang natatagong galit nito. Ang galit na naipon mula sa mga pang aapi nila rito.

Lumipas ang Limang sigundo ang pag sigaw ni Shawn ay huminto ito subalit napalitan naman iyun ng matalim na tingin kay Grey.

Nang makita naman ni Helen ang mga mata ng Alaga ng kaniyang kapatid at napangiti siya.

Ngunit ang ngiti nito ay may ibang kahulugan dahil sa ngiti nito ay siya namang pang huhusga sa mga mata nito. Ang pusong puno ng galit! Kailan man hindi makakabuti sa kahit na sinong nilalang mapa tao man o diyablo may mga itinatagong lihim.

Ganid, Inggit, Pang hahamak, Pag tataksil at Galit lahat ng ito ay halimbawa ng mga parte ng bawat nilalang, at nakita niya ang isa sa mga yun sa batang nag ngangalang Shawn. Ang Tingin nito ay punong puno ng pag kamuhi at galit.

"Arrghhh!" Sigaw ni Shawn at sa isang iglap ay nasa ere na ito at may naka ambang nag lalagablab na apoy. Si Edrian ay agad umaksyon Mabilis siyang humarang sa harapan ni Grey at nag simulang mag salita ng mga engkantasyon.

"Ice Element: Ice Barrier!" Sigaw ni Edrian at mabilis nagkaroon ng Malaking Harang na gawa sa yelo. Naharangan nito si Shawn at bumulusok dito si Shawn ngunit nagulat si Edrian sa sumunod na nangyari. Natunaw sa gitna ang kaniyang harang at lumitaw sa harapan niya ang naglalagablab na kamao ni Shawn.

Nakaramdam na siya ng matinding panganib, ngayon niya nakita kung gaano katindi ang kakayahan ng bata kapag wala ito sa sarili.

"BLUE FLAMING FIST!" sigaw ni Shawn at ang kaniyang kamao ay mabilis na tumama sa taong nasa likod ni Edrian.

Tumalsik si Grey at maririnig ang pag sigaw nito dahil sa sakit. Agad naman inatake ni Helen si shawn pinalibutan niya ng Tubig si Shawn at walang habas na Ibinato ang nagngangalit na shawn. Nang nasa ere na si Shawn ay agad na nasa likod niya si Edrian at pinatamaan ang kaniyang pressure point.

Nawalan ng malay si shawn at bumagsak ito sa mga kamay ni Edrian. Ang itim na aura ni shawn ay unti unting nawala at ang naglalagablab nitong apoy ay nawala na.

Ang Ekspresyon ng mukha ni Shawn ay nag balik na sa dati.

: 3 days later:

Nag balik na sa pag pasok sa eskwela si Shawn. Habang siya ay naglalakad papasok sa kanilang paaralan at pinag titinginan siya ng mga batang nag aaral din sa eskwelahang ito.

Hindi kilala ng mga estudyante ang lalaking naglakad papasok ng eskwela Nag taka sila kung bakit naka suot ito pareho ng kanilang uniporme. Hindi kaya transfer student ito.

Nag patuloy sa pag lalakad si Shawn at nang makapasok si Shawn sa pinto ng classroom ay napatingin sa kaniya ang lahat.

"Uy! May Transferee!"

"Ay ang Pogi niya!"

"Ang tangkad! Ang kinis!" Bulungan ng mga estudyante.

Dere deretso siyang naupo sa upuan sa gawing likod ng silid Nang maupo siya roon ay pinag tinginan siya ng lahat.

"Bakit doon siya naupo! Oo nga! Upuan ni Shawn yun diba!" Bulungan ng mga ito.

Lumipas ang ilang minuto nang bulungan ay may pumasok ulit na isa pang lalake.

Ang lalakeng ito ay may Puting buhok at asul na mga mata luminga linga ito at nakita ang kaniyang Hinahanap.

"Shawn! Tara pinapatawag tayo ng principal!" Sigaw ni Grey at nagulat ang lahat ng estudyante nang tawagin ng lalakeng bagong dating ang lalakeng pinag uusapan nila.

"Grey! Ang ingay mo!" Reklamong sagot ni Shawn at tumayo siya at naglakad palabas ng classroom...

avataravatar
Next chapter