5 Chapter V

Chapter V. Blue Flame

DALAWANG lingo na ang lumipas matapos ang Demon Sitting sa Luneta Si Shawn ay nakauwi na sa kaniyang bahay nung araw ding iyun. Hindi makapaniwala ang ina ni shawn na ito ang kaniyang anak Ipinaliwanag ni edrian ang mga nangyari Ang pag target sa kaniyang anak ng mga diyablo dahil sa nagising nitong kapangyarihan.

Hiningi niya ang opinyon ng ina ni Shawn na kung sakali sa susunod na pasukan ay sa Magica Academy ito mag aaral. Agad naman itong tinugunan ng ina ni Shawn Hindi maganda na makihalo ang mga God's Children's sa mga normal na tao.

Maaaring pag mulan ito ng gulo Lalo na't batid ng ina ni shawn ang mga pambubully sa kaniyang anak. Hindi man niya tanungin ito ay batid niya ang lungkot ng mga mata nito tuwing uuwi. Ngayon ay nasa sala ng bahay nila Shawn si Edrian Dinadalaw niya si Shawn para kamustahin na ang lagay nito.

Sa ngayon ay maayos na ang itsura ni Shawn at ang Aura nito ay hindi na kusa kusang lumalabas. Araw araw na duladalaw si Edrian upang turuan si Shawn ng mga bagay bagay. Gaya ng pag kontrol ng Enerhiya. At nagulat nga si Edrian ng wala pang isang oras na magawa iyun ni Shawn.

Nakitaan niya ng potensyal si Shawn sa unang pag kakataon. Kaya naman ina araw araw niya ang pag punta para masubaybayan ito at kung sakaling personal itong puntahan ng mga demonyo ay naroroon siya para protektahan ito.

"Oh! Hijo! Mag meryenda ka muna!" Pag aalok ng Ina ni Shawn na ngayon ay may dala dalang Juice at Tinapay.

"Ay nag abala pa po kayo Tita!" Sabi ng binata at halata rito na nahihiya siya rito.

"Aysus! Wala lang to! Parte ito ng pag papasalamat ko kasi nandyan ka para sa anak ko" Sabi ng ina ni shawn.

"Tungkulin ko po iyun tita, bilang kuya kuyahan niya at isa pa may potensyal siya" Sabi ni Edrian at tumingin sa Hagdan kung saan nakita niyang pababa na si Shawn kasama ang kaniyang pinsang si Jonna.

"Oh! insan nandito pala si Kuya Ed mamaya na tayo mag laro!" Sabi nito at agad itong nag tungo sa kwarto kung saan naroroon ang nakatatanda nitong kapatid.

"Kuya nandito ka pala!" Sabi ni Shawn at nginitian ang binata

"Kamusta Shawn! Okay kana ba?" Tanong ni Edrian na mas lalong nag pangiti kay Shawn.

"Ayos na ayos po kuya!, Paki-ramdam ko kakayahin ko na ang susunod na pag sasanay" Sabi ni Shawn kaya naman makikita sa ina ni shawn ang tuwa. Tuwa dahil nakita niya muli ang ngiti ng kaniyang anak Ngiti na huli niyang nakita noong buhay pa ang ama nito.

….

Sa isang Hospital naman ay makikita ang isang dalaga na nakahiga sa at may mga nakakabit na aparato sa kaniyang katawan. Sa tabi naman nito ay ang binata na kasalukuyang nakaupo at pinag mamasdan ang dalaga.

"Leader! Bakit nagkaganito ka?" Tanong ng binata at kapansin pansin ang pag kislap ng kaniyang mga mata. Ang binatang ito ay may Puting buhok at Silver na mga mata Ito ay si Elton isa sa mga kasama ni Alicia at Edrian ang binatang nag tataglay ng Elemento ng Hangin.

Ang Dalagang nakahiga ay si Alicia at sa lumipas na Dalawang linggo ay hindi parin ito nagigising. Ang sabi ng mga doktor ay Unconscious lamang ito at maari itong magising ngunit hindi tiyak kung kailan. Nasimot ang Enerhiya nito kaya nagka ganito ang dalaga.

Si Elton ang palaging nag babantay sa dalaga Kaya naman hindi din siya nakapasok sa Magica Elite Academy.

"Alicia Di ako aalis rito babantayan kita!" Sabi ni Elton at bakas ang pag aalala sa Dalaga.

Naalala niya noong araw na malaman niya ang nangyari Isang Mala halimaw na kalaban ang nakaharap ng dalaga. Madali lamang nitong pinabagsak ang dalaga. At nalaman niya na nagkaroon ng gulo sa luneta park At sangkot ang kaniyang kaibigang si Edrian At nalaman din niya na ang elemento nito ay nag bago na at naging elemento na ito ng Yelo.

Natutuwa siya na nagawa na nito ang pag tataas ng kalidad ng elemento. Alam niyang matagal na itong sinasanay ng binata at ikina katuwa niya ang tagumpay nito. Ngunit Hindi niya iyon magawa dahil sa kalagayan ngayon ni Alicia.

...

Sa isang Koloseyo ay mayroong dalawang tao ang nakaupo at ang dalawang ito ay nag lalabas ng Magkaibang Aura. Ang sa isa ay maputi at nag yeyelo ang kaniyang paligid at ang isa naman ay nag lalabas ng Itim ngunit mararamdaman ang mainit na enerhiya nito.

Ang mga ito ay walang iba kundi si Edrian at si Shawn. Sila ay nasa isang maliit na koloseyo na pag mamay ari ng pamilya ni Edrian. Ang koloseyong ito ay naka tayo malapit sa Mansyon nito Ang pamilyang kinabibilangan ni Edrian ay napakayaman hindi lamang sa Pera kundi pati rin sa enerhiya.

Dahil Lima sa Miyembro ng kanilang pamilya ay nag tataglay ng kapangyarihan at siya ang nagkaroon ng elemento ng tubig na nagawa na niya bilang elemento ng Yelo. Kaya naman natural na mayroon silang Sariling koloseyo para sa pag tatagisan nila.

Ngunit ngayon ay iba Mapapansin ang pagiging mahinahon nito ngayon Lalo na't isang bata ang nasa kaniyang harapan.

"Kuya ano dapat kong itawag sayo ngayon, Pwede bang master!" Nahihiyang kowesyon ni Shawn.

"Ayos na yung Kuya!" Sabi ni Edrian at inihanda niya ang kaniyang sarili.

"Sundin mo lang ang una kung itinuro sayo Dapat sapat na enerhiya para sa pag kilos!" Sabi ni Edrian at ang kaniyang malamig na Aura ay pumalibot sa kaniyang katawan kaya naman tila Umuusok ang kaniyang Katawan.

Si Shawn naman ay kaagad sinunod ang sinabi ng kaniyang kuya. Pinakiramdaman niya ang Kaniyang Enerhiya.

Naramdaman niya ang mainit na enerhiyang kagaya noong una niya itong naramdaman.

Nakapikit siya habang ginagawa iyun Si Edrian naman ay napa-ngiti ng makita ang itim na Usok na pumapalibot sa bata. At maya maya pa ay nagkaroon ng asul na Enerhiya sa palibot ng itim na usok. Hanggang sa Nagkaroon ng pag lagablab ng asul na apoy sa katawan ni Shawn. Ang Asul na parte sa buhok ni Shawn ay nagliyab din.

Idinilat ni Shawn ang kaniyang mga mata at doon ay makikita ang pagkislap ng kaniyang mga mata. At doon na nga nag liyab ang kaniyang mga kamay Kumalat iyun patungo sa kaniyang braso. Si Edrian naman ay napanganga sa kaniyang nakita. Ang Elemento ni Shawn ang Elemento ng Apoy na nasa pinakamataas na antas.

Ang Blue Flame Ang Init nito ay hindi maihahambing sa Pula o Orange na Apoy dahil ang Asul na Apoy ang pinaka nangunguna.

"Kuya!!! Simulan na!" Anunsyo ni Shawn na nag pabalik sa kaniya mula sa pag iisip.

Napag desisyonan ni edrian na dumipensa. Dahil pag hindi niya iyun ginawa Mapupuruhan siya ng walang kalaban laban. Unti unting nagkakaroon ng usok sa kaniyang mga palad Sisiguraduhin niyang matututo si Shawn.

Unang umatake si Shawn Namanha si shawn nang sa isang iglap ay nagawa niyang tumalon ng walang kahirap hirap. Isang mabilis na pag tama ng nagliliyab na kamao ang tumama kay Edrian.

Si Edrian naman ay sinalo iyun gamit ang kaniyang nag yeyelong palad. Ganun pa man ay tila walang kahit anong enerhiya ang naramdaman sa paligid. Walang impact ang namagitan sa dalawang mag ka ibang elemento.

Nag taka si Shawn dahil sa nangyari. Tumingin siya kay edrian at nakita nito ang pag ngisi nito.

"Walang Pwersa ang atake mo!" Sabi ni Edrian at walang kahirap hirap na ibinato si Shawn sa Ere.

Si Shawn naman ay medyo nalito kung paano lalapag. Ngunit biglang may Tubig ang biglang pumalibot sa katawan ni shawn at maingat na ibinaba ito.

"Edrian ang sama mo naman bakit ibinato mo sa ere ang isang sampung taong gulang na bata" Sabi ng isang babae kaya naman napatingin sa kaniya si Shawn at Edrian.

"Helen bakit ka nandito?" Tanong ni Edrian.

"Bakit masama bang manood At isa pa may estudyante akong dapat matuto" Sabi ng babaeng nag ngangalang Helen.

"Grey, Halika dito!" Sabi ni Helen at doon ay isang batang lalake ang dumating. Mababakas kay Shawn ang gulat ng makita niya ito. Si Grey Ang kaibigan ni Jay-Ar Isa rin itong God's Children…

avataravatar
Next chapter