webnovel

LEGENDARY DEVILS

Ang LEGENDARY DEVILS ay kwento ng tatlong kilalang demons sa mundo ng underworld. They were called LEGENDARY DEVILS because of their well-known skills and been the greatest demon of their time. But demons have only one rule: DO NOT FALL IN LOVE. Breaking the rule will make them automatic ascend. They will lose their power and can no longer curse too. They will also have the lifespan of a human. RENOWN: LEGENDARY DEVIL 1: DEMETINEIRRE—the grandson of Deumos and Balam. Deumos is a female demon with four horns and a crown. She was also known as the greatest spell caster in underworld. Balam is a terrible king with three heads and commands 40 legions. Demetineirre possessed an ill-tempered at grouchy attitude. But regardless of everything, he specialize every cursed known in their world. He was also trained to govern the 66th legion the king of underworld. LEGENDARY DEVIL 2: INCONNU—the wisest among three devils. He knew every technique. He thinks before he acts. He was the son of Berith, the great duke of hell who governs 26 legions. He appears as a red soldier on a red horse. LEGENDARY DEVIL 3: BALDASSARE—a skilled devil specialized in summoning evil spirits. He was the son of Asmodeus-the demon of wrath, banished by Raphael because of his evil deeds. Tumakas kasi ito noon sa underworld para maghanap ng aanakang babae. Nagtagumpay si Asmodeus at agad siyang ipinadala sa underworld para maitago sa mga anghel na gusto siyang patayin. Sa huli, nahuli ni Asmodeus ni Raphael at pinarusahan.

Cranberry_Laurel · Fantasy
Not enough ratings
84 Chs

HATER

"Wow. Maganda ang response sa'yo sa social media," manghang saad ni Baldassare nang makita nitong dumagsa ang friend request ni Maricon. Sa loob lang ng isang buong araw ay umabot na sa one thousand ang friend request niya. Ang page na ginawa din niya ay ganoon din. Tinulungan din siya ng mga staff sa publishing para mai-post sa page nila ang tungkol sa account niya. Hindi nagtagal ay ganoon na ang nangyari.

Halos hindi na tuloy tumatayo si Maricon sa upuan. Busy siya sa pagsagot ng private messages at friend requests. Hindi naman siya naiinip kundi amaze pa nga. Sinamantala na rin ni Maricon iyon dahil alam niyang oras na nagsimula ulit siyang magsulat ay hindi na niya mabubuksan ang account. Magco-concentrate na kasi siya sa pagsusulat.

"Oo nga." sagot ni Maricon at mayroon na namang nag-pop up na new message. Agad niyang binuksan iyon at napasinghap siya ng makitang hate message iyon!

Si Maureen pa rin ang bet namin! Ginagaya mo ang writing style niya!

Napamaang si Maricon sa nabasa. Mukhang dummy account ang ginamit. Sa dami ng friend requests ni Maricon ay hindi na niya nache-check kung sino doon ang dummy sa hindi. Napaisip si Maricon sa nagpadala ng message hanggang sa biglang nalungkot. Doon din kasi niya na-realized na kung mayroong mga taong natutuwa sa kanya ay mayroon pa ring gustong masira siya. Hindi nagtatapos kay Jocelyn ang lahat.

"What the hell..."

Agad isinara ni Maricon ang window na naglalaman ng message. Hindi siya mapakali sa tabi ni Baldassare at alanganing napangiti rito.

"Too late. Nabasa ko na. At alam ko na supporter ni Maureen ang nagpadala sa'yo ng message. Huwag mo nang itanong kung paano ko nalaman. I'm a demon remember? It's not hard for me to trace them that easily." ani Baldassare. Napapailing pa. Mukhang naiinis.

Napabuntong hining na lang si Maricon at minabuting mag-log out. Pinatay na rin niya ang laptop at inayos ang mga regalo na kinuhanan ng pictures.

"Hey. Don't be sad. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong mangyari. Gagawin ko," seryosong saad ni Baldassare.

Napasinghap si Maricon nang hawakan ni Baldassare ang kamay niya at iniharap siya nito. Napalunok siya nang hawakan nito ang mukha niya. Halos mahawakan na nito ng buo iyon dahil sa laki ng kamay nito.

"Do you want me to kiss you?"

"Huh?" gulat na tanong ni Maricon. Bigla na yatang nawala ang lungkot niya sa tanong ni Baldassare. Busy agad ang utak niya kakaisip kung tama ba ang narinig niya.

"I am asking if you want me to kiss you," seryosong ulit nito at tinitigan ang bibig niya.

Napalunok si Maricon. Her heart beats so damn wild, she couldn't even react! Naestatwa na yata siya sa harap nito. Agad ding tumigas ang utak niya, hindi na gumana. Lintik na tanong iyon. Ang hirap sagutin ng 'no!'.

"B-Baldassare..." pigil hiningang anas ni Maricon ng bumaba na ang labi ni Baldassare. Parang mayroong bumundol sa dibdib ni Maricon. Hirap na hirap na siyang huminga!

"Please say 'yes'. Please don't say no..." nanghihikayat na anas ni Baldassare.

"Y-Yes?" anas ni Maricon. Damn it. The temptation was too strong! She couldn't really just say no...

"That's another question. Answer me without question mark..." anas ni Baldassare. God... his breath was intoxicating her! Nalalango na siya sa pagkakalapit nila!

"Y-Yes..." anas ni Maricon. Tuluyan na ring bumigay sa gahiblang pagtitimpi!

And Baldassare immediately sealed that with mind blowing kiss. Tama ang sapantaha niya sa halik nito. Masarap. Nakakalimot. Para pa ngang may fireworks. Nagsiputukan ang mga iyon nang sandaling maglapat ang kanilang mga labi. His kisses made her forget that Baldassare was a demon. For her, Baldassare was a man waiting for her to response to his kisses.

And so Maricon did. Sa bawat pinong paggalaw ng labi ni Baldassare para tikman ang lasa niya, sumunod din ang labi ni Maricon. She followed his guide and soon, their lips were dancing in a melody of pleasure. They have their own rhythm. Mula sa paghinga at paggalaw ng kanilang mga labi. Perpekto ang kilos sa bawat segundo. Nakalalango pang lalo sa paglipas pa ng mga minuto.

Kaya nang tumigil si Baldassare ay lutang si Maricon. Hindi pa rin siya nakakahuma kaya kahit magkahiwalay na ang mga labi nila ni Baldassare ay nakapikit pa rin siya. Napamulat lang siya nang haplusin ni Baldassare ang pisngi niya.

"Damn it..." anas nito. May halong paghihirap ang tono.

"B-Bakit?" anas ni Maricon. Nagtataka siya sa nakikitang pagpipigil nito na hindi rin nito nakayanang panindigan.

Baldassare kissed her again. Mas mainit na iyon. Tuluyang kumawala sa anumang pumipigil dito. And Maricon's heart beats like crazy. Nasasabik siya sa nararamdamang pananabik nito.

Oh, she was hoping for more. Kaya todo rin ang naging pagtugon ni Maricon sa mainit na halik ni Baldassare. She was giving him a sign. She didn't want him to stop. She wants him to go further...

And Baldassare heard her plea. He didnt stop. Hinalikan lang siya nito ng buong init at pagmamahal hanggang sa nauwi iyon sa mainit na pagtatalik.

Naging saksi ang kwarto ni Maricon sa paulit-ulit niyang pagbibigay ng sarili rito. She was glad, hindi naging malupit si Baldassare. Naging mapagbigay pa ito. He was tender, he was gentle. Oh, he even made her reached for the stars. He made her crave for some more.

Hindi na alam ni Maricon kung anong oras na siya nakatulog. Nagising na lang siyang nang maramdamang wala si Baldassare sa tabi. Namulatan niya itong nakatayo sa gilid ng bintana at nakatitig doon. Alam niya na wala sa tanawin ang atensyon nito. Halatadong malalim ang iniisip.

"Baldassare?" paungol na tawag niya. Hindi pa ito agad lumingon kaya nasiguro si Maricon na malalim talaga ang iniisip nito. Nakadalawang tawag pa siya bago ito lumingon.

"Oh, you're awake." anito at naupo sa tabi niya.

"Bakit? Ano'ng iniisip mo?" tanong niya.

Natigilan si Baldassare at umiling. "Wala. Sige na. Matulog ka pa." anito at tinabihan na siya.

"Pero—"

"Shh..." anas nito at hinalikan siya. Napaungol si Maricon at mahinang natawa si Baldassare sa pagitan ng mga labi nila.

"Tinatanong pa kita," angal ni Maricon.

"And this is my answer." ani Baldassare at siniil siya ng halik.

At nakalimot na si Maricon. Nauwi ang mainit na halik sa mainit na pagtatalik.