webnovel

LEGENDARY DEVILS

Ang LEGENDARY DEVILS ay kwento ng tatlong kilalang demons sa mundo ng underworld. They were called LEGENDARY DEVILS because of their well-known skills and been the greatest demon of their time. But demons have only one rule: DO NOT FALL IN LOVE. Breaking the rule will make them automatic ascend. They will lose their power and can no longer curse too. They will also have the lifespan of a human. RENOWN: LEGENDARY DEVIL 1: DEMETINEIRRE—the grandson of Deumos and Balam. Deumos is a female demon with four horns and a crown. She was also known as the greatest spell caster in underworld. Balam is a terrible king with three heads and commands 40 legions. Demetineirre possessed an ill-tempered at grouchy attitude. But regardless of everything, he specialize every cursed known in their world. He was also trained to govern the 66th legion the king of underworld. LEGENDARY DEVIL 2: INCONNU—the wisest among three devils. He knew every technique. He thinks before he acts. He was the son of Berith, the great duke of hell who governs 26 legions. He appears as a red soldier on a red horse. LEGENDARY DEVIL 3: BALDASSARE—a skilled devil specialized in summoning evil spirits. He was the son of Asmodeus-the demon of wrath, banished by Raphael because of his evil deeds. Tumakas kasi ito noon sa underworld para maghanap ng aanakang babae. Nagtagumpay si Asmodeus at agad siyang ipinadala sa underworld para maitago sa mga anghel na gusto siyang patayin. Sa huli, nahuli ni Asmodeus ni Raphael at pinarusahan.

Cranberry_Laurel · Fantasy
Not enough ratings
84 Chs

DOOMED

"BALDASSARE!" NATUTUWANG bulalas ni Hades nang makita siya na mayroong bitbit na sampung kaluluwa. Lahat ng mga iyon ay nag-suicide dahil binulungan niya. Kailangan niyang bumawi kay Hades. Sa tagal niya sa lupa ay hindi na siya nakapagbigay ng kaluluwa. Napunta ang atensyon niya sa pagbabantay kay Maricon.

Ah, Maricon. Hindi na niya naiintindihan ang sarili pagdating sa babae. The last time he was with her, he almost kissed her. Almost! Kundi lang dahil sa staff ng bookstore na nangistorbo sa kanila, baka nagawa niya. Oo. Aaminin niya. Sobra siyang nanghinayang sa pangalawang pagkakataong mahalikan ito pero sa tuwing naiisip niya na tama lang ang nangyari ay nagpapasalamat siya sa huli.

He was starting to lose his mind. Minsan, nakakalimutan na niya ang totoong pakay. Nage-enjoy na kasi siyang kasama ito. Nakakaramdam na rin siya ng tampo o inis sa ilang hindi magagandang bagay na nangyayari rito. Hindi iyon tama. Hindi iyon kasama sa plano niya. Dapat, kuhanin lang niya ang kaluluwa nito. Tapos ang usapan!

"Ten souls. Kasama ba rito ang kaluluwa ng babaeng binabantayan mo?" tanong ni Hades. He looked at him intently, making it hard for him to lie.

Kumbog ang dibdib ni Baldassare at napalunok. Hindi na siya nagtaka kung paano nakarating iyon dito. Hades was the king of hell. He knew everything. He has its own way to know it. Dalawang legendary devils na ang nalalagas dito. Hindi pa ba ito magiingat sa pagkakataong iyon?

"Yes. It was supposed to be a surprise." no choice na amin ni Baldassare at sinabi ang mga naging plano. Pinigilan niyang i-entertain ang nararamdamang guilt.

Ngumisi si Hades. "Noong magtagal ka sa lupa, pinasundan kita. Ni-report sa akin ng demon na sumunod sa'yo na malakas ang spiritual power ng babaeng binabantayan mo. Alam mo na gusto ko ang ganoong klaseng kaluluwa. Katumbas ng kaluluwa niya ang isang batalyong demon. You made me happy, Baldassare." natutuwang saad ni Hades.

Napatango si Baldassare. Pinigilan niyang ignorahin ng mga negatibong damdamin. Mararamdaman ni Hades iyon at ayaw niya itong magduda. Isinaksak ni Baldassare sa kukote na nandito dapat ang loyalty niya.

"I know," malamig na sagot ni Baldassare.

"Babalikan mo ba?" tanong ni Hades.

Napalunok si Baldassare. "Yes,"

"Good. Go back and convince her. Give her to me. I'll make her my bride. Dito ko makikita na naiiba ka kina Demetineirre at Inconnu. Kapag nagawa mo itong misyon, ikaw na ang magiging kanang kamay ko," hamon ni Hades at tinapik siya sa balikat.

Tumango si Baldassare. Saglit pa silang nagusap hanggang sa umalis na si Hades bitbit ang sampung kaluluwang dala niya. Alam ni Baldassare sa itim na arena ang punta nito. Doon nito dadalhin ang kaluluwa para sanayin ng mga ogre at halimaw ng impyerno para mas maging halimaw pa at maging mandirigma.

Nang mapagisa ay hinang napaupo na lang si Baldassare. Natutop niya ang noo habang iniisip ang mga sinabi at pangako ni Hades. Bakit hindi siya masaya sa offer nito? Magiging kanang kamay siya! Isang posisyong pinangarap niya. Bakit parang mayroong bumubulong sa kanya na mali iyon? Bakit parang mayroong konsensyang umuusig sa kanya?

No!

Natutop ni Baldassare ang ulo. Ilang beses niyang kinumbinsi ang sarili na iyon ang tamang gawin. Nagiging malambot lang siya. Kasalanan iyon ng naging closeness nila ni Maricon. Nakita lang niya itong umiiyak, lumalambot siya. Nakita lang niya ang ngiti at sigla nito, nakakalimutan niya ang lahat.

At hindi na papayag si Baldassare na maapektuhan ni Maricon. He should be doing that and not the other way around!

Dapat, noong sinabi nito ang tungkol sa deal ay pumayag na si Baldassare. Pagkakataon na niyang utuin si Maricon noon pero ano ang ginawa niya? Nagalit siya at nag-walk out. Naunahan siya nang takot. Naalala niya ang nangyari kina Sierra at Inconnu. Natakot siya na mangyari rito ang nangyari kay Sierra. Naiinis na rin siya sa sarili noon kaya hindi niya magawang makausap ng maayos si Maricon. Nalilito siya sa nararamdaman. Naiinis din siya sa sarili kung bakit ganoon na lang kung maging concern at maapektuhan.

He sighed. Pakiramdam ni Baldassare ay ang laki ng problema niya. Gayunman, iniisip na lang niya na hindi pa huli. Puwede pa naman niyang balikan si Maricon. Oras na maibalik niya ang sarili sa dating disposisyon, puwede na ulit niya itong harapin. He will convince her and persuade her to commit suicide and then, everything will be okay.

Paulit-ulit iyong itinanim ni Baldassare sa isip. Napabuntong hininga na lang siya.