1 Prologue

Damn Life

Today is Bella's sixteenth birthday but we are mourning for the death of our mama and papa. This day seems so ordinary yet vibrant because of our excitement for the upcoming party. But now we are in funeral, how ironic.

Barang bula na nawala ang kasiyahan sa mata naming magkapatid ng matanggap ang tawag na nagsasabing nasangkot daw sa car accident ang mga magulang namin kasama ang uncle Theo. Ni wala kaming maayos na maipagluksang katawan kasi sunog na sunog ang mga magulang namin, sa kabutihang palad ay nakaligtas si uncle, pero dapat ko pa bang gamitin ang salitang kabutihang palad?

"Our condolences miss Cassie, miss Bella." Sinserong bati ng abogado ni papa, si attorney Chavez. Sya ang nagasikaso ng lahat para sa burol ng mga magulang ko. Napatingin ako sa lalake sa likod nya na malungkot lang na ngumiti sakin.

"This is Christian Sarmiento, my apprentice." Inabutan ako ng kamay ng lalake na agad ko namang tinanggap, ganon din ang ginawa nya kay Bella pero hindi tinanggap ng kapatid ko ang kamay nya.

"I'm sorry for that attorney Sarmiento, my sister is just upset." Sinsero kong paumanhin bago inakbayan si Bella na wala paring reaksyon sa paligid nya.

"Hindi pa 'ko ganap na abogado miss Cassie, you can just call me Chris." Sansala nya sa sinabi ko.

"That's too casual Chris, you are not with the same level with miss Cassie. But you are correct though with the fact that you are not a lawyer." Sarkastikong sagot ng nakatatandang abogado.

"Please excuse us gentlemen, ihahatid ko lang ang kapatid ko para makapagpahinga na sya." magalang kong pagpapaalam habang inaakay si Bella paalis sa lugar. May mga nakasalubong ako na kakilalang makikipagluksa ngunit nilagpasana lang namin sila.

Matapos ang libing ng mga magulang ko ay agad na kinausap kami ng abogado tungkol sa mana. Wala naman kaming interes don ngunit ang ikinakuha ng atensyon ko ay ang pagkakaon naming magkapatid ng guardian. Nandito kami ngayon sa library ng bahay katabi ko si Bella, sa harap naming ay ang abogado at yung lalaking nagpakilalang Chris, sa punong upuan naman nakaupo si uncle. That was used to be my father's spot.

"Dahil wala pa si miss Bella sa tamang edad ay nandyan naman ang uncle Theodore nyo para gabayan kayo. He will act as the guardian of the two of you." Paliwanag ni attorney Chavez.

"Pero nasa legal age na 'ko. Don't get me wrong uncle, I'm not questioning you as a guardian to us, pero hindi ba at hindi naman na kailangan ng guardian? I'm twenty years old already!" pagapila ko sa abogado.

"But you are still studying hija, hindi mo mapagsasabay ang pamamahala sa business ng tatay mo, pagaaral at pagaalaga kay Bella." Binalingan nya ng tingin ang kapatid ko, humawak naman si Bella ng mahigpit sa braso ko na ikinakunot ng noo ko.

"I'm on my last year, after my OJT I will manage the empire. Papa and I talked about that already, he will train me!" hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Bella to assure her that everything will be alright.

"But your papa is gone hija, ako na ngayon ang tatayong magulang nyo, ako na ang head ng empire, ako na ang papalit sa papa nyo sa lahat ng bagay." Mahina pero madilim nyang sabi bago umalis ng library. Nakatungkod parin sya dahil sa aksidente kaya matagal bago tuluyan syang nakaalis.

"Why is he like that ate? Attorney? Is there anything wrong? Is he mad or what?" mahinag tanong ni Bella samin.

"I don't know hija, maybe he is just emotionally unstable because of what happened. He just lost his only brother, and maybe it has something to do with his condition." Malumanay na salita ni attorney Chavez.

Itinuloy nya ang pagsasalita tungkol sa mga habilin.

"Christian! Abutan mo sila ng kopya ng last will and testament ng mama at papa nila!" utos nya sa kasama. Mabait naman si attorney pero sa kasama nya ay parang hindi. Hindi naman nakatakas sa mata ko ang pagtalim ng mata ni Chris bago sundin ang utos sa kanya.

"Come on baby, smile now. Everything will be alright." Trying to cheer up my sister without knowing that it will be the start of our misery.

avataravatar
Next chapter