1 Prologue

a/n : If you want to read it in English you can visit my profile and find the English Version. The few chapters were translated using an app but I realized to do it myself instead.

...

Tumatakbo ako papalayo sa mga humahabol sa akin. Sila 'yong mga estudyante na humahanga sa Elites. Inutusan daw silang dakpin ako kaya heto ako at patuloy na tumatakbo. Ang Elites ang namumuno sa paaralang pinag-aaralan ko. Naging rank 2 ako sa ranking ng buong school at hindi matanggap ng iba iyon kaya nila ako binu-bully, besides isa lang akong basura sa paaralan na ito na nakapag-aral lang dahil may nag-sponsor sa akin. Nang malaman ng lahat na hindi kami mayaman ay sinimulan na nila akong bully-hin. Wala sigurong maniniwala kung sasabihin ko sa ibang tao, na hindi taga-ECU, ang kung paano nila ako saktan, physically at emotionally.

Kumaliwa ako sa hallway at bumaba sa hagdanan. Wala ng masyadong estudyante na naglalakad sa hallway kasi dumidilim na. Narating ko ang ground floor at hindi ko inisip kung saan ako tatakbo kaya kung saan-saan ako pumunta, dahil na rin siguro sa nagpa-panic na ako. Napadpad ako sa likod ng Commerce building. Patuloy pa rin akong tumatakbo habang tinitingnan kung may nakasunod ba, kinakagat ang labi at pinupunasan ang luha dahil sa sobrang takot at kaba.

Hinihingal na ako. Malapit nang mawalan ng hangin sa pagtakbo ko. Pinahid ko ang pawis na tumulo sa aking noo at leeg.

May nakita akong nag-iisang room na naka-open ang pinto. Parang isang gymnasium pero maliit ito kumpara sa gym. Wala nang pumapasok dito kasi nilipat na ang gym at malaki na iyon kumpara rito. Hindi pa ako nakakapasok dito kasi isa ito sa mga ipinagbabawal na pasukin at ang Elites ang nagbabawal doon, hindi ko alam kung bakit.

Naghahanap ako ng matataguan maliban sa mini gym. Nilingon-lingon ko ang paligid. May mga malalaking punuan ang nakapalibot at may mga malalaking halaman sa gilid na bahagi nitong gym.

"Nasa'n na ang loser na 'yon?"

Papalapit na sila rito kaya kailangan ko nang magtago. Sa taranta ko ay nagtago ako sa likod ng isang punuan at tsaka doon umupo at maiging tinakpan ang aking bibig para pigilan ang aking kaba.

Takot na takot ako habang pinapakinggan ang mga boses ng mga estudyante na papalapit.

'Dalawang buwan pa lang... Dalawang buwan pa lang simula nang matanggap ako sa paaralang ito pero ikalimang beses ko na itong naranasan... ang tumatakbo palayo sa Elites. Noong una simple lang ang mga pinagagawa nila at iniinda ko ang  lahat ng iyon. Pero n'ong isang araw, sumusobra na sila!'

Maingat kong pinunasan ang aking luha at maiging ipinikit ang aking mga mata dahil sa takot.

"Boss hindi namin nakita!"

"Sigurado lang akong nandito ang babaeng iyon. Nararamdaman ko ang presensya niya," natunugan kong si Mia ang nagsasalita, isa sa myembro ng Elites at alam kong alam niya kong nasaan ako dahilan na mas lalong ikinalakas ng tibok ng puso ko.

Maya-maya nakarinig ako ng yabag na papalapit dito sa kinaroroonan ko.

Hindi ko na napigilan pang maiyak nang husto dahil alam kong nahuli na nila ako. Kahit saan ako magtago, kahit anong gagawin ko, palagi nila akong nahahanap. Mahirap kalabanin si Jax Blaine, ang leader ng Elites. Wala siyang puso!

"Found you," mahinang pagkakasabi niya.

Alam ko naman na pero 'di ko pa rin mapigilang mapasinghap. Puno ng takot ko siyang nilingon at nakita ko ang mukha niyang nakasilip sa may likuran ko. Hindi siyan nakangiti o nakangisi na palagi niyang ginagawa pero alam kong natutuwa siya sa aking itsura.

"Get her and bring her inside!"

"Roger boss!" sagot ng mga estudyanteng humahabol sa akin kanina.

Dinumog nila ako at kinaladkad. Wala akong ibang magawa kundi ang magmakaawa.

"Wag! Maawa po kayo!"

avataravatar
Next chapter