2 Chapter one

Inayos ko ang posisyon ng cap ko para mas matakluban ang mukha ko. Sinigurado ko din ang mahigpit na pagkaka-kapit ng black kong face mask.

Paulit-ulit kong binabanggit sa utak ko na "Walang pwedeng makakilala sa'yo Psalms. Hide very well."

Bakit ba kasi ako nagpunta pa dito edi sana hindi ako nahihirapan magtago ngayon diba? Medyo engot ka din talaga minsan self eh.

Heto na naman ako kinakausap ko na naman ang sarili ko. I should really visit a shrink! My gosh! Paano ako mang gagamot ng mga may sakit sa utak kung mismong sakit ko sa utak ay hindi ko magamot?

Nevermind.

Napailing ako sa sarili kong kabaliwan.

Deretso akong naglakad kung saan ang daloy ng mga tao. Nasaan nga ba ulit ako? Ah. Ayun! Nasa pride march. Nasa pride march ng mga member ng LGBTQ Community!

So, once again bakit ka nga ba nandito Psalms? Do you already considering yourself as one of them? Tanggap mo na ba? Akala ko ba sakit lang 'to pero bakit andito ka?

Okay self, andito ako hindi dahil tanggap ko na. Gusto ko lang malaman yung environment nila. Gusto ko lang sila ma-meet at maobserbahan. That's it!

Dahil sa pagiging abala ko sa pagkikipagusap sa sarili ko, hindi ko namalayan ang tumatakbong paparating na grupo ng mga taong may mga hawak na karatula. Nagulat na lang ako nang may biglang tumama sa likod ko dahilan para ma-out of balance ako. Handa na kong tumama sa simento pero naramdaman ko ang pag higit ng kung sino sa braso ko para pigilan ang isa sanang nakakahiyang pangyayari. So clumsy, self!

Napaharap ako sa taong yun. Tumambad sakin ang isang maputi at medyo chinitong lalaki. Matangos na ilong at nanghahalinang mga labi.

"I'm sorry. Are you okay?" may bahid ng pag-aalalang tanong niya.

"Uhm…" nakatingin lang ako sa mga mata niya na nag-aantay ng sagot mula sa akin.

"Ano, ah– yeah! I'm fine! My fault anyway." medyo uneasy kong sagot. Nakakahiya ka Psalms. Hindi porket gwapo siya mauutal ka na at maba-blangko sa harap niya! Where's your mind huh!? Go, get yourself.

"Buti naman. Sorry talaga. Natulak lang ako nung mga tumakbo." So thoughtful. Wag ka ganyan baka mafall ako. Marupok pa naman ako.

"Kit! Let's go!" may lalaking tumawag sakanya at sinundan ko ang tingin niya kung nasaan yung lalaking 'yon.

Boyfriend kaya niya?

May sumulpot na babae sa tabi nung lalaki at humawak sa kamay nito. Holding hands so it means hindi niya boyfriend?

Hays. Napakamalisyoso talaga ng utak ko. Pero sino ba naman kasi ang hindi 'yon iisipin diba? Nasa pride march kami so talamak ang mga Gays and Bisexuals dito.

"Yeah sure. Sunod na ko." sagot niya sa lalaki sabay baling sakin.

"Una na ko. Sorry ulit." ngumiti siya at lalong lumiit yung mata niya. Cute.

Tumalikod na siya at pumunta na sa mga kasama niya. Pinagmasdan ko ang likod niya at matikas ang kanyang pangangatawan. Halatang nag g-gym. Hindi din mahahalatang member siya ng LGBTQ kung wala siya dito pero baka naman sumama lang siya diba pero straight talaga siya? Psh. Asa ka pa.

Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko nang lamunin na sila ng dami ng tao. Inayos ko ang cap ko. Naglakad ako ulit at sumunod sa agos ng tao kung saan sila papunta. Sa tingin ko papunta na sila doon sa arena para doon na magtipon-tipon at umpisahan na ang program.

Nang makarating na sa arena pumwesto ako sa pinaka may kaunting tao. Hindi ako pwede makihalubilo sa iba dahil nga walang pwedeng makakilala sa akin. As if naman may makakakilala pero mabuti na rin yung mag-ingat.

Iginala ko ang aking mata at tinignan ang iba't-ibang tao. Kanya-kanyang grupo. May mga in a relationship at may mga magkakaibigan. Nagtatawanan at nagkakasiyahan. Parang mga wala silang problema. Sabi nga doon sa nabasa ko itong pride march daw ang nakakapagparamdam sakanila na malaya sila. Dito malaya silang gawin ang kahit ano at ilabas kung sino talaga sila ng walang huhusga sakanila. This pride march make them feel like they are at home.

May mga hawak na karatula naman ang iba. May mga nakalagay na tulad ng "DI ALAM NG PARENTS KO NA PUPUNTA AKO DITO. SABI KO SASAYAW LANG AKO NG BBOOM2X NG MOMOLAND. I LUV U NANCY BBGIRL!!" tapos may heart pa na rainbow sa dulo. May mga karatula din tungkol sa Diyos at Bible. Meron din mga Christians na nagsosorry dahil sa mga maling pagtrato nila sa LGBTQ Community. Totoo kaya yun? O pagkatapos ng araw na to balewala na din yung mga nilagay nila don?

Agaw eksena din ang ilang couple na sobrang sweet at naghahalikan pa. May mga lalaking hawak ang kamay ng kapwa nila lalaki. May mga babaeng kahalikan ay kapwa din nila babae. Kabi-kabila ang mga kuhaan ng litrato sa mga couple at mga grupo na may bakas ng kasiyahan sa kanilang mga mukha.

I wonder how did they accept the fact that they are a member of this community. I wonder how did they accept their self, how did they take all the criticism of this fucking society, and how did they tell their families. And most of all, how they can manage to smile amidst the bad happenings of being in this situation. I really admire their strong personality. How i wish i can be like them.

Kinuha ko ang cellphone ko para kumuha ng litrato pero may nakita akong text galing sa kaibigan ko. Sa nag-iisang kaibigan ko, si Ciara.

From: Ciara

San ka?

To: Ciara

Tabi-tabi. Bakit?

Mabilis ang naging pag tugon niya sa reply ko.

From: Ciara

Natanong ko lang. Masama?

To: Ciara

Yung totoo bakit?

Habang naghihintay ng reply niya, i took pictures of the place pero hindi pa ako nakakadami ay nakapagreply na siya.

From: Ciara

Kauuwi ko lang kasi. Dumaan ako sa bahay niyo tapos sarado. I thought nasa bahay ka lang.

To: Ciara

Lumabas lang. Naboring ako

From: Ciara

Eh? Hoy Psalms! Hindi porket wala parents mo at ikaw lang naiwan sa bahay niyo gagala ka na kung saan-saan ah. Kelan ka pa natutong gumala? Ha?

Binasa ko ang message niya at di na lang ako nagreply pa dahil hindi lang kami matatapos. Kahit kailan talaga feeling si Mama yung babaeng yun.

Nag-picture lang ako ulit at tinago na ang phone ko. Patuloy akong nagmasid sa paligid at tinignan ang kilos ng bawat isa. Nagsimula ang program at lahat ay nagsasaya. Ako lang ata ang nag-iisa dito at di nakikihalubilo sa kasiyahan.

Naalala ko yung lalaki kaninang nakabangga ko. Asan na kaya siya? Andito pa din kaya sila o baka umuwi na? I admit he's cute. Gwapo nga siya. Kanina habang nakatitig ako sa mata niya may something na nakakatulala sakanya.

Argh! Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko. Hindi ko 'to dapat nararamdaman. Mali 'to. Mali sa mata ng tao at mali sa batas ng Diyos. Maling mali! Hindi ko dapat tinotolerate ang sarili ko.

Bakit nga ba kasi ako napunta sa gantong sitwasyon?

Kung hindi nangyari ang mga bagay na yun siguro maayos ako ngayon, isa akong normal na lalaki. Sana hindi ako nahihirapan at hindi ako nandidiri sa sarili ko.

Pero kaya ka nga magte-take ng Psychology course diba? Para maayos mo yung sarili mo. Sakit lang 'to. Sakit lang!

Natapos ang event ng masaya ang lahat samantalang ako gulong gulo ang isip. Sa pagiging ganito ko, kagaya nila at dun sa lalaking nakabanggaan ko.

Sa pagkakaalala ko "Kit" ang tawag sakanya nung kaibigan niya.

Ang layo pa ng byahe ko. Sa Cavite pa ko uuwi pero okay lang yan. Soon sa Manila na din naman ako pag nag-umpisa na ang klase.

Nakarating ako sa kanto ng village namin mag-aalas dose na ng gabi. Natatanaw ko na ang gate ng bahay namin pero agaw pansin ang babaeng nakaupo sa harap nito.

Anong ginagawa ng babaeng 'to dito? Alas dose na ah. Nag angat siya ng tingin sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" inunahan ko na siya ng tanong bago niya ako paulanan ng sandamakmak na tanong. Sigurado 'yon.

"Inaantay ka. Eh ikaw? Bakit ngayon ka lang?" Tinalikuran ko siya at binuksan ang gate. "Alam mo ba kung anong oras na? San ka nanggaling huh?" patuloy niya pa ding tanong. Pumasok ako at alam ko sumunod siya dahil patuloy pa din ang pagtatanong niya. "Kala ko ba nasa tabi-tabi ka lang bakit inabot ka ng alas dose? Nambabae ka no? Kelan ka pa natuto ng ganyan huh?" sunod sunod niyang tanong.

Oh diba? Sabi na eh.

"Ciara, may i remind you—"

"Na hindi ka si Mama at mas malala ka pa kay Mama manermon." putol niya sa sasabihin ko. "Oha! Kabisado ko na 'yan." sabay tawa ng nakakaloko. Kung hindi ko lang kasama simula High School 'tong babae na 'to, iisipin ko talaga na takas 'to sa mental eh.

"Huy!" tawag niya sakin nang hindi ko siya pinansin at umakyat na sa kwarto ko. Pumasok ako ng kwarto at iniwan na bukas ang pinto. Alam ko naman na nakasunod yung babaeng 'yon.

Binaba ko ang bag ko at dumeretso ng higa sa kama ko. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama.

"Pagod na pagod? Wala ka bang balak sagutin yung mga tanong ko? Tatlong oras akong nakaupo don sa labas. Tatlong oras akong pinapak ng lamok! Where have you been for pete's sake Psalms?" Frustrated niyang tanong.

Hindi niya talaga ako titigilan. Hindi ko naman pwedeng sabihin na galing ako sa pride march! Walang nakakaalam na ganito ako!

Bumangon ako sa pagkakahiga at naupo na lang.

"Sa tabi-tabi nga lang okay? Hindi ako galing sa date so please calm down. Nag unwind lang ako."

"Hmm?" nagtaas siya ng kilay sakin. "Should i believe you?" napa-face palm na lang ako. Narinig ko siyang tumawa ng sobrang lakas. As in.

"Oh!" tawa pa rin niya. "Your face was priceless!" lalong lumakas yung tawa niya. "I'm just joking okay? I don't care kung saan ka nanggaling. Proud nga ako sa'yo eh. This is the first time! Natututo ka na. Congratulations! We should celebrate. You think?" i look at her with disbelief.

Really? Anong ginawa kong mali sa past life ko at itong babae na to ang kaibigan ko? Please enlighten me!

Humiga na lang ako ulit. Nakakastress kausap 'tong babae na 'to. Lalo ko lang nararamdaman yung pagod. Tsk

"Whatever Ciara. Matutulog na ko. Pagod ako. Lock the door when you leave." sabi ko at tumalikod na sakanya.

"I won't leave. Dito ako matutulog."

"Suit yourself. Night." naramdaman ko ang pagtayo niya sa higaan ko. For sure maglalatag na yon sa sahig at mahihiga. Just like the old times.

Mabilis akong nakatulog dala na rin siguro ng pagod. Nang magising ako kinabukasan ay wala na si Ciara sa kwarto. Baka umuwi na sakanila? Dalawang bahay lang naman ang pagitan ng mga bahay namin.

Naligo at bumaba na ako para sana magluto ng breakfast ko pero andon pala siya sa kusina. Naghahanda ng lamesa para sa agahan. Naramdaman niya siguro ang presensya ko dahil mabilis siyang nag-angat ng tingin sakin.

"Hi, morning. Breakfast?" umupo na siya sa harap ng silya ko. Umupo na rin ako at nag-umpisang kumuha ng pagkain. Nagluto siya ng fried rice, itlog at hotdog.

"Nga pala, diba bukas pa ng gabi uwi nila Tita?" tanong niya sa kalagitnaan ng kain namin.

"Yeah. Why?" wala sila Mama dahil umuwi sila ng probinsya last week.

"Hmm.. Sama ka sakin sa party mamaya? Despedida ni Radi remember? Sa makalawa na ang lipad nun pa US diba?"

Sasama ba ko? Pero di ko naman ganon ka close si Radi. Yeah same school since High School hanggang SHS namin and same section lagi katulad nito ni Ciara dahil lagi kaming nasa star section pero di kami ganon ka close. Hindi ko din alam kung bakit. Mailap siya sakin at mailap naman ako sa tao. Si Ciara at Radi ang sobrang close pero mas close ata kami ni Ciara.

"Ewan. Di naman kami ganon ka close."

"Ehhh! Sumama ka na! Nako matutuwa yun pag nagpunta ka." masaya niyang sabi.

"Gusto mo lang naman ako isama para kapag di ka na kinakausap ni Radi may kasama ka pa din" tumayo ako dahil tapos na ako kumain. Nilagay ko sa sink yung pinagkainan ko. Mamaya ko na lang huhugasan. Ako maghuhugas dahil wala naman kaming katulong. Kung tutuusin kaya naman ng budget namin kahit dalawa o tatlong katulong pa pero nagdecide sila Mama na wag na. Kami nga lang naman kasing tatlo sa bahay tapos kukuha pa ng katulong.

"Hoy hindi ah!" mabilis niyang kontra sa sinabi ko. "Gusto kita isama kasi gusto ko talaga!" halata ang pangungumbinsi sa boses niya.

"Kung hindi ko alam na crush mo si Radi baka paniwalaan ko yan." pumunta ako sa sala at binuksan ang TV.

"Psalms! Dali na kasi sumama ka na! Promise hindi natin tatapusin yung party. Mga 1 hour or 2 lang. Please?" sigaw niya mula sa kusina. Siguro hinuhugasan na niya yung mga plato kasi ang tagal niya.

"In one condition, hugasan mo na yung mga plato diyan. Basta 1 hour lang tayo. Ayoko na umabot ng 2 hours." pinalipat lipat ko yung channel para maghanap ng magandang palabas pero wala akong magustuhan.

"Yes!!" masayang sigaw niya. Naiimagine ko tuloy yung mukha niyang sobrang laki ng ngiti. "Tapos na po!" pakanta niyang sabi habang papalapit sakin.

Umupo siya sa tabi ko at bigla akong niyakap.

"Thank you! The best ka talagang best friend eh." Kumalas siya sa yakap at tumayo na. "Uuwi na muna ako. 7pm yung start ng party. Punta ko dito ng 5:30 para by 6 alis na tayo. Casual lang."

"Okay" pagkasagot ko ay lumabas na siya ng pinto.

Pinatay ko yung TV at umakyat sa kwarto ko. Uumpisahan ko na lang ang pag aayos ng mga damit na dadalahin ko sa condo na lilipatan ko pag nag umpisa na ang klase.

Dumating ang napag usapan namin na oras ni Ciara at naka ayos na ako. Plain black shirt at pants lang ayos na ko. Maya maya lang dumating na din siya.

"Gwapo mo!" bungad niyang bati sa'kin pagka pasok na pagka pasok niya sa pinto. Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sakanya.

"Let's go." she smiled then hold my hand.

"Alam mo Psalms siguro kaya walang lumalapit sa akin na manliligaw kase iniisip nila na boyfriend kita. Lagi kasi tayong magkasama tapos madalas ko pang hawakan ang kamay mo lalo na pag nasa labas tayo." tinaas niya yung magkahawak namin na kamay. "Tingin mo tama yung hinala ko?"

Tinignan ko siya sa mata tapos umiling.

"No. Walang nanliligaw sa'yo kasi in the first place di ka nila type." hinila ko siya tapos lumabas na kami ng bahay. "Tara na dahil baka magbago pa yung isip ko at hindi na ko sumama sayo."

"Sabi ko nga tara na eh." tapos nauna na siya sakin lumabas ng gate.

"I'll book a cab para hindi hassle sa byahe." aniya habang nila-lock ko yung gate.

Minute passed then the cab arrived. Ayoko talaga pumunta sa party na yon dahil hindi ko talaga hilig yung mga bagay na ganon pero hindi ko naman matitiis ang babaeng 'to.

Siya lang kasi ang kaibigan ko dahil hindi niya ako sinukuan. She's the only one who didn't leave my side eventhough i'm always pushing her away.

Nung highschool kasi ilag ako sa mga tao dahil sa pangyayari noon na pilit kong kinakalimutan. Kahit sinong lumapit sa'kin para makipagkaibigan palagi kong tinataboy but for some reason, she stay.

avataravatar