webnovel

Galit at Pagdududa

Kanina, ng matapos basahin ni Issay ang sulat ng kababatang si Luis para sa kanya, nagtataka sya kung bakit lahat ng mga mata ay sa kanya nakatingin.

Tila may halong pagkainip at pagkainis ang mga itsura nila, marahil siguro dahil naiinis na sila sa sobrang tagal nyang magbasa.

'Bakit ba ganito makatingin ang mga ito sa akin? para silang mga atat na atat!'

'Saka... kailangan ba talaga nila akong antayin na matapos magbasa? Wala naman akong planong ishare sa kanila ang sulat ko. Personal ata ito!'

Muli nyang inilibot ang tingin sa paligid. Punong puno ang mga ito ng pagdududa.

Pagdududa sa katauhan ni Isabel.

'Juskolord, pakiramdam ko parang gusto nila akong lapain.'

'Makalabas kaya ako ng buhay dito?'

Kaya mas minabuti na lang nyang manahimik at huwag na munang magsalita.

Pagkatapos mabasa ang liham ni Luis ay tahimik lang itong naupo para makinig sa sasabihin ng abogado, magsisimula na kasi nitong basahin ang Last Will and Testament na iniwan ng namayapa nyang kababatang si Luis.

At isa pa, curious din sya bakit mahigpit ang bilin ni Luis na kailangang, kailangang dumating sya sa pagbasa.

"Bueno, magsimula na tayo."

Sabi ng abogado.

At lahat ay buong pananabik na nakinig.

Ang unang binanggit nito ay ang anak nyang si Edmund na lahat ng kanyang pagaari na nasa pangalan nya ay mapupunta sa kanya.

Sunod ay ang nagiisang kapatid ni Luis na si Belen. Sa kanya naman iniwan nito ang bahay ng mga magulang nila sa San Roque. Ang bahay kung saan sila lumaki.

At sumunod ay ang mga kamag anak ni Luis na naroon at nagaantay din. Sila ang mga pinsan ni Luis sa ina.

Nakakaramdam ng tuwa ang sino man pangalan na mabanggit lalo na pag sinasabi kung magkano ang matatanggap nila.

Napuno tuloy ng tuksuhan at inisan.

"Pare pareho ata ang ibinigay sa atin."

Comment ng isang pinsan ni Luis.

"Okey na rin yang pare pareho para walang lamangan. Hehe!"

Ang mahalaga, may natanggap tayo!"

Kahit papaano, sumaya ang paligid.

Hanggang sa mabanggit ang pangalan ni Isabel. Lahat sila ay napahinto at napatingin sa kanya. Nagaantay.

'Magkano naman kaya ang matatanggap nya?'

'Syempre tyak na mas mababa ang sa kanya. Alangan namang mas mataas pa ang makukuha nya kesa sa amin na kamaganak!'

'Pero baka naman hindi pera ang iiwan. Baka something na mahalaga kay Luis!'

'Baka nga!'

Naguusap ang mga mata nila na parang nagkakaintindihan.

"At para sa kaibigan ko at kababatang si Ms. Isabel delos Santos...."

Biglang natahimik ang lahat, wala ni katiting na kaluskos ang madidinig.

Lahat ng tenga ay nakahanda sa sasabihin ng abogado kung ano ang iiwan ni Luis kay Isabel.

"... at kasama ng liham ko kay Ms. Isabel delos Santos, ay iiwan ko sa kanya ang halagang Sampung Milyong Piso..!"

"HUH?!"

"ANOH???!!!!"

"TAMA BA ANG NARINIG KO?!"

"SAMPUNG. MILYON. PISO???!!!"

"SA KANYA?!"

"BAKIT?!"

Gulat ang lahat at hindi makapaniwala sa nadinig.

"Pakiulit nga attorney ... Sigurado ba kayong tama ang binabasa nyo?"

"Bakit nya iiwan sa babaeng ito ang ganun kalaking halaga?Nababaliw na ba sya?!'

"Seryoso ka ba dyan Attorney, baka naman minamali mo ang binabasa mo?"

Sabi ng isa pang pinsan ni Luis.

Napatigil ang abogado at hinarap sila.

"Binabasa ko lang po ang nakalagay dito, wala po akong binabago. Pero kung duda kayo ay ipapabasa ko ito sa kapatid nyang si Madam Belen."

Sagot ng abogado.

Lumapit naman si Belen at tiningnan ang nakasulat at binasa ulit ang nakalagay.

"Tama naman ang nakalagay. Sige na po attorney ituloy nyo na po ang pagbabasa."

Sabi ni Belen.

Pero kahit na sinabi na ni Belen na tama ang binasa ng abogado, hindi pa rin nila ito matanggap kaya hindi pa rin magawang ipagpatuloy ng abogado ang pagbasa.

"Pero anong dahilan ni Luis?"

Lahat ng mga pinsan ni Luis ay hindi maitago ang inis na nararamdaman.

"Wala pong nakalagay na paliwanag si Sir Luis.

Sagot ng abogado.

Nagpupuyos sa galit ang lahat.

"Ano ganun na lang yun? Tatanggapin na lang namin ang nakalagay dyan?"

Wala silang magawa, gusto nilang magtanong.

Gusto nilang malaman kung BAKIT, pero PAANO?

Paano nila tatanungin ang pinsan nilang si Luis kung nananahimik na itong nakahiga sa ilalim ng lupa?

Binalingan tuloy nila si Isabel na tahimik lang na nakikinig.

Kailangan nilang makakuha ng sagot sa taong ito.

Galit ang mga tingin ng lahat kay Isabel. Punong puno ng pagdududa ang nasa isipan ng bawat isa.

Hindi nila mapigilan ang nagpupuyos nilang damdamin.

Nakaramdam ng kaba si Issay ng makita na lahat ng direksyon ng mga mata nila ay nakatingin na naman sa kanya.

Pero ngayon mas nakakatakot ang itsura nila, parang silang mga hayop na inagawan ng pagkain at gutom na gutom.

'Bakit na naman sila ganito kung makatingin sa akin?'

'Ano bang kasalanan ko sa mga taong ito?'

'Akala ba nila may alam ako sa binabasa ng abogado? Wala kaya!'

'Jusmiyo, makakalabas ba ako ng buhay dito?'

Kinakabahan na si Issay pero kalmado pa rin ang ipinapakita nito sa kanila, na parang wala lang! Kaya lalo tuloy nagngingitngit sa galit ang mga pinsan ni Luis.

"Ano yun?! Ba't naman ganun?! Kaming mga pinsan nya tag lilimampung libo lang! Tapos ....!" (hmmph)

Sabay tingin kay Issay na ipinakita pa ang pagkadismaya.

"Ako nga yung lumang kotse lang nya! Oo't minsan nabanggit kong kursunada ko yun, pero ... luma na ito at saka wala man lang bang cash na kasama yun?!"

"Eto talagang si Luis, sasaksakan ng kuripot! Hmp!"

"Buti nga kayo merong natanggap, ako wala ni sinkong duling ..... WALA!"

"Insan naman, alam naman kasi ng lahat na mas mayaman ka kesa kay Luis kaya dimo na kailangan makigulo!"

"Pero kahit na! Iba pa din ang pakiramdam pag may natanggap ka kahit man lang sana yung golf cart nya!"

Sabay sabay na nagsasalita ang mga kamaganak ni Luis.

Lahat gusto na madinig ang sentimyento nila as if may magbabago kung magpoprotesta sila.

Ngunit iisa lang ang gusto nilang ipahiwatig.

"Bakit mas higit ang sa babaeng yan! Eh, tayo ang kamag anak?!"

This is UNFAIR!!!!"

Hanggang sa lumapit na si Belen kay Edmund at baka saan pa umabot at magkagulo pa dito.

Si Belen ang nag iisang kapatid ni Luis at sya ring nagalaga kay Edmund simula pagkabata nito.

Sya lang ata ang nakakakilala kung sino si Issay.

"Edmund, iho, nagkakagulo na sila. Ikaw ang anak ni Luis. Magsalita ka!"

Sabi ni Belen kay Edmund.

Tumayo si Edmund.

"Ehem!"

Nang madinig nila si Edmund, isa isa silang tumigil sa pagsasalita hanggang sa tumahimik ang paligid.

Ngayon ang lahat ng naroon ay nakatingin at nagantay sa sasabihin ng binata.

Halata sa mukha ni Edmund ang lungkot pati na ang pagod at puyat. Seryoso nitong tiningnan ang mga kamaganak nya, ipinikit ang mga mata at saka huminga ng malalim.

Sabay sabing:

"Ito ang huling habilin ng Papa, kaya kung maari lang sana respetuhin po natin!"

Pagod na sya kaya gusto na rin nyang tapusin ito upang makuwi na at makapagpahinga.

Kaya gusto man magprotesta ng mga pinsan ni Luis, wala silang magawa kundi kipkipin na lang nila ang inis kahit na nagpupuyos na ang kalooban nila sa galit.

Pero hindi si Issay.

Simula ng dumating sya sa opisinang ito ay tahimik lang sya na naupo at nakikinig.

Wala syang nakikilala o namumukhaan sa kanila maliban kay Belen, kahit na ang anak nitong si Edmund ay ngayon lang din nya nakita.

'Marahil ay mga kamaganak nya ito sa side ng nanay nya!'

Kahit na kanina pa sya tinitingan ng may pagdududa ng mga taong ito, ay hindi pa din mababanaagan ng pagkabalisa si Issay. Kalmado lang itong nakaupo at nakikinig sa kanila.

Pero pagkatapos na magsalita ni Edmund sa mga kamaganak nya, tumayo ito at nilapitan nya saka ngumiti ng bahagya.

"Wag kang magalala, maliban sa sulat na ito, wala akong planong tanggapin ang Sampung Milyon na iniwan ng Papa mo.

Hindi ko ito matatanggap, at hindi ko rin ito kailangan lalo na at galing sa kanya!"

Sabi ni Issay na ikinagulat ng lahat.

Lahat sila: "????"

"My condolences Mr. Edmund Perdigoñez."

Next chapter