8 Chapter 7

Hindi nagtagal ay dumating na din si Yisa at agad nyang ipinamigay sa bawat myembro ng grupo ang script na kanyang ginawa, tiningnan nila ang kanilang mga script at agad nila itong binasa.

"Bro bat wala kang script?" tanong ko kay Katsu

"Props lang kasi ako bro" sagot nya

"Ano nga pala role mo Garete?" tanong ni Kate sa likod na biglang sumulpot

"Ako ba? haha siempre ano pa ba? Romeo malamang!" proud kong pagkakasabi sa kanya

"Ikaw anong role mo ba sa grupo nyo?" tanong ko sa kanya

"Taga make up lang sa mga kasama ko" sabi nya sa akin

"Sya nga pala...." sabi ni Kate

"Garete! Hali kana magsisimula na tayong mag praktis" sigaw ni Yisa

"Sge Kate praktis muna kami" sabi ko kay Kate

"Tara na bro" sabi ko kay Katsu

"Mauna kana muna bro may gagawin pa ako" sabi nya sakin

"Okey, dalian mo lang dyan" sabi ko sa kanya sabay lakad papunta sa aking mga ka grupo

"Garete bat di pa pumupunta dito si Katsu" tanong ni Yisa

"May gagawin pa daw sya eh" sagot ko kay naman kay Yisa

"Eh si Abdul?" tanong ni Yisa

"Aba iwan baka natutulog pa yun ngayon"

"Oo natutulog pa sya" sabi ni Abdul na biglang sumulpot sa likoran ko sabay hawak sa dalawa kong balikat

"Si Katsu nalang kulang" sabi ni Yisa

"Garete tawagin mo nga si Katsu ng makapagsimula na tayo" utos ni Yisa sakin

Sa kabilang banda

"Katsu sino nga pala gaganap sa role ni Juliet sa grupo nyo?" tanong ni Kate kay Katsu

"Huy Katsu! Pinapapunta kana dito ni Yisa, ikaw nalang daw kulang" sigaw ko kay Katsu

"Hindi daw kami magsisimula pag wala ka" dagdag ko pa

"Coming!!!" sigaw ni Katsu

"Huy Katsu sagutin mo naman tanong ko oh" sabi ni Kate

Tumayo si Katsu sabay sabi "hulaan mo" sabay alis papunta sa mga kasama nya at umalis na silang lahat ng silid at bumaba dahil sa labas sila magpa praktis para hindi sila ma disturbo habang ang unang grupo ay sa loob lang ng silid mag pa praktis.

Naiwan si Kate sa kanyang upuan at nalilito, hindi alam ni Kate ang kanyang nararamdaman sapagkat sya ay naguguluhan ang alam lang nya ay gusto nyang sya ang maging partner ni Garete, ini na inis sya dahil hindi sila magka grupo gusto nyang palaging makita si Garete gusto nya na palagi silang magkasama pero hindi nya alam na ang kanyang nararamdaman ay selos dahil alam nya na hindi lalake ang ka partner ni Garete, duda pa nya na baka si Sharie ang partner ni Garete kaya di sya mapakali.

"Kate, ano bang iniisip mo dyan bat parang di ka mapakali?" tanong ni Godfrey kay Kate

"Sya nga pala Godfrey, diba matagal na kayong magkaibigan ni Garete?" tanong ni Kate

"Oo naman mula first year hanggang ngayon" sagot ni Godfrey

"Bat mo nga pala natanong" sagot ni Godfrey

"Alam mo ba kung anong gusto nya sa isang babae?" mausisang tanong ni Kate na mahina ang boses

"Bat mo naman natanong?" tanong ni Godfrey

"Gusto mo ba ang kaibigan ko?" mausisang tanong ni Godfrey na medyo napalakas ang boses

"Nagtatanong lang naman yung tao eh" sabi ni Kate

"At tsaka hinaan mo nga bose mo, baka may makarinig satin eh" mahinang sabi ni Kate sabay lingon lingon sa gilid at likod

"So gusto mo nga sya?" tanong ni Godfrey na mahina ang boses

"Hindi naman sa gusto ko sya" maamong mukha

"Ang kyut"sabi ni Godfrey sa kanyang sarili nung makita nya ang maamong mukha ni Kate agad syang nahulog dito

"Pero, ah hindi ko alam" nalilitong sabi ni Kate

Kung nalilito si Kate mas nalilito si Godfrey sapagkat agad syang nakaramdam ng kakaibang pandama na kay Kate lang nya nadama

Natahimik silang dalawa habang si Godfrey naman ay nag iisip kung ano ba talaga ang dapat gawin para mapalapit sa kanya ang loob ni Kate

"Kung gusto mo, tulungan nalang kitang mapalapit sa kanya" mahinang sabi ni Godfrey "Ang bubo mo Godfrey bat mo yun sinabi" sabi nya sa sarili nya pero di nya alam kung tama ba tong ginagawa nya kasi mula nuon hindi naman talaga sya masyadong close kay Kate, kahit nga magkatabi sila ay bihira lang sila mag usap

Biglang sumigla si Kate

"Talaga ba? Maraming salamat talaga Godfrey" masayang masaya si Kate at dahil sa labis nyang pagkatuwa ay napahawak sya sa kamay ni Godfrey hindi naman pumalag si Godfrey hinayaan nya lang na hawakan ni Kate ang kanyang kamay

"Ay sorry, tuloy napahawak pa ako sa kamay mo" pinakawalan ang pagkakahawak

"Ok lang yun" nakangiting sabi ni Godfrey sabay hawak sa kanyang buhok

"Gusto ko talaga kasi makipagkaibigan kay Garete" palusot na sabi ni Kate

"Makipagkaibigan daw, alam ko naman na magkaibigan na talaga kayong dalawa eh, palusot ka pa" sabi ni Godfrey sa kanyang sarili

"Aba oo haha kaibigan haha, sge ako bahala sayo" sabi ni Godfrey na tumawa ng pilit

Minsan talaga sa buhay hindi mo alam na ikaw lang pala talaga gumagawa ng dahilan para ikaw ay masaktan

"Magsipaghanda na kayong lahat dahil magsisimula na tayo sa ating praktis" sigaw ng group leader ng group one na si Meghan

"Godfrey hali ka dito" sigaw ni Meghan

"Punta muna ako dun Kate" sabi ni Godfrey kay Kate sabay tayo

"Sge" sagot ni Kate

Pumunta si Carl at Lou sa lalagyan ng walis at kumuha sila ng walis, tig iisa silang dalawa mukhang may balak silang masama

"Godfrey, ayusin mo ang performance mo ha?" sabi ni Meghan kay Godfrey

"At ikaw naman Cherry galingan mo din" sabi ni Meghan kay Cherry

"Kayong dalawa ang main character dito kaya sa inyong dalawa nakasasalay ang lahat, maliwanag?" dagdag pa ni Meghan

Sa loob ng silid habang nagsasalita si Meghan

"I was born a rebel" sigaw ni Carl sa kabila

"Your impudence will not be tolerated" sigaw ni Lou sa kanan

Habang sila ay nakatayo sa magkabilang panig ay nagkatitigan silang dalawa, natahimik ang lahat ng nasa loob ng silid ng may biglang sumigaw "All troops deployed"

Wala ng intro intro gumamit na agad ng ultimate si Lou "Heroes never fade!" sabay takbo papunta kay carl habang papalit si Lou kay Carl ay gumamit si Carl ng kanyang second skill at umikot hawak ang kanyang walis at muntik ng matamaan si Lou ng kanyang walis buti nalang nakailag sya, napaatras kunti si Lou para di sya maabot ng range ng attack ni Carl, ilang segundo ang makalipas ay gumamit ng second skill si Lou at tinusok si Carl gamit ang kanyang spear na walis at gagamit na sana ng first skill si Lou para ma iangat si Carl pero naka gamit ng first skill si Carl at tumalon ito papalayo at ginamit nya na ang kanyang ultimate skill "Begone darkness!" sigaw ni Carl ng malakas at gumana ang kanyang passive skill at bigla syang lumapit kay Lou at nabigla si Lou sa biglaang paglapit ni Carl at bumitaw ng isang napakalakas na slash gamit ang kanyang walis so Carl at napaluhog si Lou "I could have done... more... agh... ahh" sabi ni Lou na mamamatay na

"Victory" sigaw ni Godfrey

"Magsi ayos nga kayo" sigaw ni Meghan

"Puro kayo katarantaduhan" dagdag pa niya

"Pag kayo hindi umayos sa praktis" gigil na pagkakasabi

"Malilintikan talaga kayo sakin" dagdag pa niya

avataravatar
Next chapter