Pinagtagpo pero hindi tinadhana?
Dinaanan ni kupido pero di pinana
Pagkawala mo ng gana
Pagbitaw mo ng salitang "ayoko na"
Sinaktan kahit nagmahal kalang naman
Pinaglaruan kahit hindi ka naman nagkikipag biruan
Niloko kahit binigay buong puso
Iniwan kahit siya di mo kayang iwan
Tama paba? O tama na?
Ipagpapatuloy ko paba?
O mas mabuti nang tapusin ko na
Katulad ng pagbitaw niya
Napakaraming katanungan
Ang gumugulo saking isipan
Dapat paba kitang balikan?
Kahit alam kong ako'y muling masasaktan
Hindi ba ako naging sapat?
Para mahalin mo ng tapat
At hindi lang ipang lapat
Sa puso mong may sugat
Mahal, pakiusap wag kang babalik dahil lang alam mong tatanggapin ulit kita
Pakiusap wag kang babalik dahil alam mong sasaluhin ulit kita
Pakiusap wag kang babalik dahil alam mong patatawarin ulit kita
At pakiusap wag kang babalik dahil alam mong hanggang ngayon hinahanap hanap parin kita
Bumalik ka dahil kailangan moko
Bumalik ka dahil pinagsisihan mong niloko moko
Bumalik ka dahil mahalaga ako sayo
At pakiusap bumalik ka dahil mahal mo rin ako
Pakiusap kung babalik kang muli
Sana naman ikaw ay manatili
At wag mo nakong gamitin muli
Kapag hindi siya sayo nanatili
Hindi ako waiting shed o tambayan mo
Na kapag wala siya sa tabi mo
Pupunta ka sakin para makiupo
At kapag nandiyan na siya bigla ka nalang tatayo at biglang lalayo
Hindi rin ako pahingahan
Na kapag pagod kana saka mo maiisipang balikan
Na kapag walang wala kana saka mo papahalagahan
Tapos kapag nandiyan na naman siya basta basta mo nalang tatalikuran
Oo mahal kita, mahal padin kita
Pero kasi nakakapagod na
Ayokong gumising na maga na naman ang mga mata
Mahal kita, pero di nako masaya
Ginusto kong manatili sa tabi mo
Pero mas pinili mong lumayo
Ginusto kong hawakan ang mga kamay mo
Pero mas pinili mong iwanan ako
Pagkatapos mong baliwalain lahat ng ginawa ko
Gusto mo pang bumalik ako sayo?
Para ano? Paniniwalain mong mahal mo
Tapos biglang