1 I love you, and now you're mine.

"I like your eyes you look away when you pretend not to care" sinend ko sa account ni Enzo. But he didn't replied, sineen niya lang ako so i typed another obe and hit the send button. "I like the dimples on the corner if the smile that you wear. I like you more the world may know but dont be scared coz im fallin' deeper baby be prepared" akala ko i-si-ūseen padin niya ako pero nagkamali ako dahil ngayon nireplyan na niya ako.

"Sino ka?" I sighed deeply, of course hindi mo ako nakilala lalo na't ibang pangalan at walang mukha ang account na ginagamit ko. Pero imbis na sagutin siya ay ipinagpatuloy ko ang lyrics prank ko sakaniya, prank nga ba to? Dahil sa sinasabi ng kanta e talagang sakaniya ko inaalay iyon.

"I like your shirt, i like your fingers, love the way that you smell. To be you favorite jacket just so i could be near"

"I love you for so long sometimes its hard to bare but after all this time i hope you know and feel" tatawa tawa kong sinend sa kaniya dahil sa pag-iiba ko ng lyrics sa huli, sana nga nararamdaman mo.

"Hey im really curious. Who are you?" Napangiti ako sa reply niya dahil hindi na lang niya ako si-ni-seen ngayon.

"I like the way you tried so hard when you play ball with your friends"

"I like the way you hit the notes in every song your shining. I love the little things like when your an aware. I catch you steal a glance and smile so perfectly"

"Though sometimes when lifes brings me down, your the cure my love. In a bad rainy days you'll take all the worries away."

"Love you every minute every second, love you everywhere and any moment always and forever i know i cant quit you coz baby your the one i dont know how"

"In the world devoid of light you bring color in your eyes i see the light, my future always and forever i know i cant let you go"

"Im inlove with you and now you know"

Sunod sunod kong si-nend sakaniya at di siya nagrereply pero alam kong binabasa niya.

"Are you pranking me? With lyrics?" He asked, halata ba ha? HAHA "geez halata ba?" I replied "ye? Parang narinig ko na yan hindi ko lang matandaan. Btw sino ka nga?" Nireplyan ko siya pero hindi ko padin sinasabi kung sino talaga ako. Tumagal pa yon ng ilang oras, hanggang sa araw araw na kaming nag kakausap pero hanggang ngayon hindi padin niya ako. Maski isang clue kung sino ako hindi ako nagbigay, mahirap na nasa iisa kaming school.

Masaya siyang kausap at talaga namang nakaka-enjoy siyang ka-chat. Sa lahat ng reply niya ay para bang magkakilala kami sa personal dahil sa sobrang gaan niyang kausap. Hindi niya ako kilala pero masaya na akong nakakausap ko siya sa messenger at nakikita sa personal pero ako lang ang nakakaalam na malapit lang ako sakaniya.

Days becomes weeks and now we're still having a convo, 3 months na mula nang i-chat ko siya gamit ang account na ginawa ko lang para makausap siya. Hindi na siya ulit nagtanong kung sino ako dahil kung gusto ko naman daw sabihin ay sasabihin ko. He trust me. At napakasaya ko kasi ganon na kami ka-close pero natatakot ako pag nakilala na niya ako....

"Ya hindi ka padin magpapakilala? Its been 3 months. You know me but i didnt know you, the real you. I want to meet you in person. Or kahit real name mo nalang? Hindi ko nga alam kung nakakasalubong ba kita or what? Hindi ba talaga pwedeng makilala kita?" Yan ang bumungad sa akin kaninang umaga, at ngayon tanghali na at nasa school na kami pareho pero hindi ko padin siya nirereplyan. Nakikita ko siya dito mula sa table ko sa canteen kung saan siya naka-pwesto at hawak hawak niya ang phone niya, parang di mapakali. Siguro inaantay ang reply ko.

"Hi enzo, sorry late reply. If you want to know me, i'll wait for you later. Sa labas ng school." Pag ka-send ko ay agad ko siyang tinignan mula sa upuan ko. He smiled after reading my chat. Sana ganyan padin ang ngiti mo pag nakilala mo na ako.

Talagang kinakabahan ako na magpakilala. Kasi sino ba naman ang gugustuhing makita ako? Lalo na't tulad ni enzo? Masyadong malabo na magustuhan din niya ako, isa akong mataba, walang kasing gandang mukha tulad ng mga nag gagandahang babae sa loob ng campus, isang mahiyain, tahimik. Hindi ko alam kung ano magiging reaction niya mamaya pag nalaman niyang ang hindi man lang niya tapunan ng tingin pag nakakasalubong e ang nakakachat pala niya.

"Enzo andito na ako sa may gilid ng school sa may tindahan. Pumunta ka pag wala na masyadong students ha? See you." Habang tinatype ay talaga namang kinakabahan na ako. "Sure. Papauwiin ko lang friends ko, nasa iisang school lang pala tayo hindi man lang kita makita." Hindi ko na nireplyan at inantay nalang ang pag hupa ng mga estudyante. Wala na masyadong estudyante ng natanawan ko si enzo mula sa malayo, nakangiti siyang naglalakad habang papalapit sakin. The way he smile talagang wala siyang ideya kung sino ako.

"Hey nasan ka? May mga students pa kasi di ko alam kung sino ka sakanila" pag kabasa ko non ay nakita kong mukhang naghahanap na nga siya. "Here sa may gilid ng isawan. Naka blue na bag ako lang naman andito na student." Pag kasend ko ay agad kong nakitang napatingin siya sa gawi ko, lalo akong kinabahan ng magkatinginan kami at nawala ang mga ngiti niya. I knew it hindi niya magugustuhan ang itsura ko, mapait akong napangiti habang inaantay siyang makalapit.

"Enzo, nice meeting you in person. I am Kriza, the girl who pranked you 3 months ago." Pilit ang ngiting sabi ko habang nahihiyang iabot ang kamay ko. Pero hindi niya agad tinanggap iyon at para bang nagugulat padin na tinanggap iyon "sorry i didnt expect that it was you. Btw Enzo" matamis ang ngiti niyang sagot sa akin. Damn, that smile. Tulad ng sinasabi niya ay talagang mukhang di niya niya naexpect na ako yon.

"Mm yeah sorry for doing that haha. Gotta go, late na din. Bye enzo thanks for your time." Hindi ko na inantay ang sagot niya kahit nakakabastos ay agad ko siyang tinalikuran at nagmadaling sumakay sa bus. Pag ka uwi ko ay dumeretso ako sa kwarto at nagkulong napabuntong hininga nalang ako ng maalala ang reaksyon ni Enzo kanina, mapait akong natawa. Ano nga ba ang maasahan ko? Kilala si Enzo st gwapo, matalino tapos ako eto lang.

Nagdaan ang buong magdamag at hindi ko na siya muling chinat ganon din siya. As expected ganon na nga ang mangyayari. Ayos na sakin yon, masaya na akong naging close kami sa loob ng 3 buwan. Hindi man niya ako kilala sa totoong pangalan at itsura totoong ako naman ang nakausap niya. May mapait na ngiti sa labi ko bago ako nakatulog.

Kinabukasan ay nagising ako ng hindi naeexcite bumangon dahil wala naman na din yung taong nakakausap ko. Sinilip ko saglit ang phone ko at wala ngang mensahe galing sakaniya.

Pumasok ako ng maaga at ako ang nauna sa classroom namin. Habang nag hihintay ay lumabas muna ako at sumilip sa baba kung saan padami na ng padami ang students at nakita ko si Enzo na masayang nakikipagtawanan sa mga kaklase niya. Pagkatapos kong sundan ng tingin si Enzo ay pumasok na din ako sa room dahil kararating lang din Iya ang kaibigan ko.

Nasa labas ako papunta sa science lab dahil inutusan ako ni miss. Buenaventura na ibigay ang isang paper bag kay sir. Bautista. Habang naglalakad ay may nakita akong lalaki na makakasalubong ko kalalabas lang niya sa scince lab ng maalala kong sina Enzo ang nagkaklase ngayon doon. Nagulat pa ako ng siya nga ang lumabas doon pero binaba ko nalang ang tingin ko at dumiretso ng magkasalubong kami ay naramdaman kong napatigil siya ngunit dumretso ako sa science lab. Ng pababa na ako at pabalik sa room ay nakita kong makakasalubong ko nanaman siya kaya patakbo akong pumasok sa room.

Ng uwian ay demeretso lang uli ako sa bahay at nagtungo sa kwarto. Habang nag babasa ay biglang tumunog ang phone ko. Isang notification mula sa account na ginamit ko para makausap si Enzo. Dahil curious binuksan ko uli iyon at nagulat ng pangalan ni Enzo ang lumabas sa messages. Kinakabahang binuksan ko naman iyon.

"Hey. Bakit hindi mo ako pinansin kanina? Ikaw ang nakasalubong ko right? Bakit hindi mo ako tinignan at parang iniiwasan mo pa ako. Hindi ka din nagchat kagabi. Is it about my reaction last time? Im sorry kung nagulat ako pero masaya talaga akong nakilala kita." May kung ano akong naramdaman sa puso ko "hi sorry kung nilagpasan kita kanina, nahihiya kasi ako haha. Tyaka sabi ko sa sarili ko after ko magpakilala sayo ay iiwas na ako. Baka kung ano pa isipin ng iba pag lumapit ako sayo haha sa taba kong to? For sure sobrang daming bullies ang lalapit sakin pag nakitang nilapitan kita. And talagang nahihiya ako sayo hahaha." Biglang sumikip ang dibdib ko matapos kong isend iyon at mabasa ang reply niya "dont mind them. Hindi naman sila ang kakaibiganin mo. And i really enjoyed talking to you. Ang saya mong kausap thats why kinulit kitang magpakilala para makausap ka sa personal. I dont care of what other people will say and i can protect you sa mga bully. I want to be friends with you." So adorable "haha okay lang nako iiwas nalang ako. Sana okay lang yon. Madami ka namang kaibigan e. Okay na sakin yung 3months hehehe thank you. Pero ayoko lang talaga ng gulo sorry." After that ay nilog out ko ang account na yon ng hindi inaantay ang reply ni enzo. Ang bigat ng pakiramdam ko para akong maiiyak pero pinigilan ko iyon.

Kinabukasan habang papasok ay nakita kong makakasabay ko si Enzo papasok ng gate kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ngunit naabutan niya ako sa sobrang bagal ng mga estudyanteng nag ta-tap ng id. "Hi kriza good morning" nakangiting bati niya sa akin ngunit ni isang tingin ay hindi ko siya tinignan, nahihiya ako kasama niya ang mga kaibigan niya "dre kilala mo yon? Grabe iba talaga karisma mo ha?!" Narinig kong pang-aasar ng isa sa mga kasama niya "sira kaibigan ko yon" narinig ko din ang sagot niya dahil nasa may likuran ko lang sila, nagulat ako sa sagot niya pero hindi ko sila nilingon.

Paulit ulit na senaryo sa araw araw. Nakakasabay ko siya sa umaga papasok. Babatiin ako. Makakasalubong ko,ngingitian ako. Kakaway sakin. Tatawagin ako. Pero hindi ko talaga siya pinansin. Gusto ko talagang umiwas. Nagtagumpay naman ako sa pag iwas pero siya ganon padin hanggang sa grumaduate kaming pareho, same year lang naman kasi kami.

"Kriza! Congrats! Ang talino mo naman!" Nagulat ako sa presensya ni Enzo na biglang lumitaw sa harap namin ng mga magulang ko. "A-ay hi po tito and tita good afternoon po. Im enzo po schoolmate ni kriza. Congrats din po sainyo ang galing ng anak niyo, valedictorian ng batch namin." Nakangiting nagpakilala pa siya sa magulang ko habang ako naman ay nagugulat "anak ano ka ba kinakausap ka ng kaibigan mo" pagbabasag ni mama sa nakalutang kong isip "a-ah o-oo hehe thank you" sagot ko nalang kahit wala akong naintindihan "ha! Yes! Bukas kriza ha?! Aantayin kita sa park walang bawian yan!" Sinisigaw niya papalayo "h-huh?! Park a-anong?! Hoy!!!" Sigaw ko sakaniya pero nakangiting tinalikuran niya lang ako "ma ano ba yung sabi niya hindi ko naintindihan" naguguluhang pag kausap ko pa sa magulang ko " niyaya ka bukas. Sumagot ka e hindi mo naman pala narinig hay nako kang bata ka." Hindi ko nalang sinagot si mama at dumiretso na kami sa bahay habang ako ako ay lutang padin dahil sa iniasta ni Enzo.

Nagulat ako ng mag-pop ang mukha ni Enzo sa messenger ko, sa account ko mismo. "Hi kriza! Nahanap ko din account mo HAHAHA bukas ha!!! Im soooooo excitedddddddd!" Yun ang nakapaloob sa chat niya "teka hindi ko naman narinig yung tanong mo kanina. Di ko din alam kung ano ba yon kaya napasagot ako ng oo."

" well walang bawian see you! 3pm!" Mukhang desido na nga siya kaya hindi ko nalang din nireplyan. Wala talaga akong balak.

"Nak! May naghahanap sayo!" Sigaw ni papa mula sa labas ng kwarto ko. Chineck ko ang oras at 4:30 pm na. Isa't kalahati na akong late sa usapan. Pero wala talaga akong balak pumunta dahil sa desisyon kong iwasan siya. Hindi din ako nag online maghapon. Sino naman kaya yung tao? Si Iya siguro? Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lubas at nsgulat sa nakita ko "e-enzo.." after saying his name tumingin siya sakin at ngumiti. Base sa itsura niya ayukhang nag antay ito ng matagal. Na konsensya naman ako. "A-anong.. paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Pero imbis na sumagot ay lumapit siya sakin at hinawakan sa pulsuhan at kinausap si papa "tito sa labas lang po kami mag-uusap" di na niya inantay ang sagot ni papa at hinila nalang ako basta palabas.

"Kriza.. inantay kita don. Pero di ka nagpunta. Hindi ako umalis kasi baka nalate ka lang. Pero di kadin nag online. Pumunta din ako dun ng mas maaga para ako ang mauna sating dalawa. Kinapalan ko nadin ang mukha ko para maichat ang bestfriend mo malaman ko lang kung saan ka nakatira. Nahirapan din akong hanapin to. Buti nalang nakilala ko si tito sa labas ng bahay niyo." Mahabang pagpapaliwanag niya sa nangyari sakaniya and my conscience hits me. "Enzo... h-hindi naman ako um-oo yung kahapon hindi talaga yun yung sagot ko lutang lang talaga ako at yun yung una kong nasabi. Sorry. Pero alam mo naman din diba kung bakit ako naiwas sayo? Enzo ayaw ko ng gulo. Kahit gusto mo makipag kaibigan, enzo gusto ko din pero ayoko ng gulo. At alam kong alam mo kung bakit kita chinat noon. Dahil gusto kita. Kaya ako umiiwas para hindi ako masaktan lalo. Gusto ko nalang kalimutan. Pero dahil sa ginagawa mo enzo, hindi mawala wala to. Sorry." Naiiyak ko ng sabi "kriza kung nahihirapan ka talaga, sige lalayo muna ako pero hindi magbabago yung gusto ko. Babalikan kita." After that tinalikuran niya ako at lumabas ng bahay.

I hate ehat im feeling right now. Nasasaktan ako. Ang sakit sakit.

Tulad ng sinabi niya hindi na siya ulit nag pakita.

Its been 5 years pero... hindi padin nagbabago ang nararamdaman ko. Wala akong balita sakaniya. Sa loob ng 5 taon ginugol ko ang sarili ko sa trabaho pero hindi siya nawala sa isip ko. Tanging pisikal na itsura ko lang ang nagbago. Hindi na ako ganoon kataba at naalagaan nadin ang mukha. I have my little business, pero malaking tulong samin ng mga magulang ko. Ako lang naman ang aasahan nila dahil nag iisa lang akong anak.

Andito ako sa park malapit sa bago naming tinitirhan ng mga magulang ko. Dumaan ako kasi gusto ko makalanghap ng fresh air bago pumasok. Umupo ako sa isang mga bench doon at tumitig sa puno. Pagkalipas ng ilang minuto ay napag desisyunan ko nang pumasok.

Habang nasa daan ako pauwi nakita kong maganda ang kulay ng langit. Sinilip ko ang relo ko, 4:30pm palang palubog na ang araw. Napagdesisyunan kong dumeretso ulit sa park para mapanuod ang pagbaba ng araw.

Habang naka-upo at nakangiting pinapanuod ang araw na lumulubog ay may narinig akong pamilyar na kanta pero hindi ko nalang pinansin. Baka sa kalapit ko lang na tao nanggagaling iyon. Ipinikit ko ang mata ko ng may maramdaman akong umupo sa bench kung nasaan ako. Hindi ko pinansin hanggang sa narinig ko ang pamilyar na boses na kinakanta ang pamilyar na kanta.

"sometimes when lifes brings me down, your the cure my love. In a bad rainy days you'll take all the worries away."

"Love you every minute every second, love you everywhere and any moment always and forever i know i cant quit you coz baby your the one i dont know how"

"In the world devoid of light you bring color in your eyes i see the light, my future always and forever i know i cant let you go"

"Im inlove with you and now you know"

Hindi ko na napigilang tignan kung sino ang tumabi sakin. Kung sino ang nagmamay-ari ng kantang iyon.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang tumulo ang luha ko ng makita ko siya.

"Kriza...." pagtawag niya sa pangalan ko "e-enzo a-anong gina-ginagawa mo d-dito?" Utal kong tanong habang pinupunasan ang luha ko.

"Sabi ko sayo babalikan kita. Well hindi naman ako nawala, since that day kriza palagi padin kitang pinupuntahan pero mula sa malayo lang para magawa ko yung gusto mo. Nakakatawa lang kasi ikaw yung ganon sa ating dalawa dati right? Your the one na nagtatago para lang makita ako and now! Ako na pero unlike you wala akong lakas ng loob na gawin yung ginawa mo para makausap ako. Sa araw araw gusto kita lapitan kriza. Pero naaalala ko yung hiniling mo, iniisip ko baka di ka pa okay. Pero ngayon, hindi ko na napigilang lapitan ka. After work dederetso sana ako sa bahay niyo para silipin kung nakauwi kana. Pero nakita ko yung kotse mo kaya bumaba ako at nakita kita dito. Sorry kung di ko na napigilang lapitan ka. 5 years na din akong nag-aantay e." Mahabang paliwanag niya habang nakatingin sa buwan na papalabas habang ako ay nagugulat na nakatingin sakaniya. All these years andito lang siya malapit sakin? B-but why?

"Pero b-bakit mo ginawa yon" nagugulat ko pading tanong. Nilingon niya ako ng may ngiti habang ang mga mata niya ay mamasa masa. "Kriza ginawa ko yon kasi gusto ko. Gusto kita, nah mali im inlove with you. Bago mo pa gawin yung prank? Gusto na kita non im just indenial. Nung nakachat kita pinagdarasal ko na sana ikaw yon. Nung nagkita tayo? At nalaman kong ikaw yon? Alam mo kung bakit ako gulat na gulat non? Kasi akalain mo yon! Sinagot yung pinagdadasal ko. Hindi ako nagchat that night kasi nag iisip ako. Natutuwa ako dahil ikaw yon. Kinabukasan iniwasan mo ako totoong nalungkot ako non. Kinulit kita pero umiwas ka padin. Nalungkot ako non ng sobra. Hanggang sa grumaduate tayo. Inaya kita. Pero di ka dumating, nung araw na yon dapat aamin na ako sayo pero nung sinabi mo yung mga yon. Nung sinabi mong gusto mong makalimutan yung nararamdaman mo sakin para akong nadurog non. Pumayag ako para mapagbigyan ka. Pumayag ako baka sakaling tulad mo, makalimutan din kita. Pero isang araw palang ang lumipas hindi ko na kinaya. Kaya simula non sinusundan na kita. Pinapakinggan ko pa nga palagi yung kanta na ginamit mo pang prank sakin sobrang memorable sakin nung kanta. Pero pagkatapos ng mga taon lalo lang kitang minamahal. Hindi ko alam kung bakit kasi sasabihin mo bakit ikaw? E mataba? Panget ka? Yan tingin mo sa sarilk mo. Pero hindi ko din talaga alam kung bakit ikaw.. ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko kriza." Mahabang pagkekwento niya habang lumuluha at ako naman ay wala ding tigil ang luha.

"Enzo.. hindi---- hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam. Sorry. Sorry. Hindi ko alam. P-pero tulad mo s-sa mga nagdaang taon. I-ikaw padin talaga ang gusto ko. Pilit kong inaalis at sinasabing hindi mo ako magugustuhan dahil sa itsura ko. Hindi ko alam pero ikaw lang minahal ko..." umiiyak na iling na sagot ko sakaniya hindi ko siya matignan. Naramdaman ko siyang lumapit sakin at hinawakan ang baba ko para magtama ang mga mata namin. Tinanggal din niya ang ilang hibla ng buhok kong nakaharang sa mukha ko bago muling nagsalita.

"Kriza just.. just accept me. Papatunayan ko sayo lahat. Hindi ko na kaya na hindi mapalapit sayo. I want you to be with me. I want to call you mine. J-just let me. Let me love you kriza." Hindi ko na kayang sumagot at tango nalang ang naisagot ko na mabilis naman niya akong niyakap.

-

Now is our 3rd anniversary. Masaya kaming kumakain sa paborito naming kainan. Nagtatawanan at muling binabalikan ang nakaraan. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso kami sa isang park. Magkahawak kamay habang naglalakad lakad ng bigla siyang tumigil.

"Kriza thank you. Thank you for letting me to love you. Natatawag na kitang akin pero ngayon gusto kong masigurong akin ka na buong buhay." Dahan dahan siyang lumuhod sa harap ko "kriza marry me" tango lang ang naisagot ko at ng maisuot niya saakin ang singsing ay niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo "i love you kriza". "I love you too, enzo."

"Always and forever i cant let you go. Im inlove with you and now your mine."

avataravatar