223 Will you still love a monster? [1]

KILL! KILL! KILL EVERYONE NIGHT! KILL ALL OF THEM!

Walang ibang naririnig si Night kung hindi ang boses na sumasakop sa buo niyang pagkatao. Mas lalong lumalaki ang kapangyarihan nito sa kanyang katawan at wala na siyang sapat na lakas upang kalabanin ito. Tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman.

Sa bawat dugong dumadalak at bumabahid sa kanyang espadang si Gula, mas lumalakas ang halimaw na lumalamon sa kanya. Ang dating asul na apoy na bumabalot kay Gula ay napalitan ng itim na usok. Katulad ng itim na mga mata ni Night at mga itim na ugat na sumasakop sa kanyang buong mukha. Sa bawat buhay na namamatay, kinukuha ng halimaw ang life force ng mga ito at nilalamon na parang pagkain.

Isang demonyong gutom na gutom sa dugo at kamatayan.

Gaya ngayon, sa gitna ng isang madilim at masukal na kagubatan. Walang awang pinaslang ni Night ang mga estudyanteng nagka-camping. Walang maririnig sa kailalim ng gabi kundi ang mga sigawan at iyak ng mga inosente na nagmamakaawa para sa kanilang buhay.

Nasusunog ang buong camp habang nagkalat ang mga bangkay sa paligid. Amoy na amoy ang lansa ng dugo na humahalo sa usok ng nasusunog na kahoy.

Isang binatilyong lalaki ang gumagapang sa sahig habang pinipilit na lumaban para mabuhay. Matapos pugutan ni Night ng ulo ang camp leader, lumingon siya at napansin ang tumatakas na binatilyo.

Napangisi siya nang malaki at dahan-dahang naglakad palapit dito, "Hey there little buddy, where do you think you're going?"

Mas lalong nanginig sa takot ang binatilyo nang pumihit ito paharap sa kanya. Umiiyak ito at nagmamakaawa, "Please, maawa po kayo sa akin."

Night showed a face as though he was symphatizing with him. Habang pinadadaan niya ang dulo ng espada sa lupa at naririnig ang tunog nang pagkiskis nito.

"Maawa? Ano nga ang ibig sabihin nun? I'm sorry but I think that word was not part of my dictionary."

Tumigil siya sa tapat ng binatilyo, "Please… huwag po… maawa kayo…" hagulgol ng kawawang lalaki. Hindi na nito magawang makatayo lalo pa at malaki ang sugat sa binti habang kumakalat na ang dugo sa lupa.

Night shook his head and crouched on his knees. He gently patted the boy's head. Wala nang mapaglagyan ang labis na panginginig ng buong katawan nito lalo na nang bigla niyang hablutin ang buhok nito at parang basahan na inangat mula sa lupa.

Takot na takot ang bata habang bitbit ito ni Night na parang manika, "Which part do you want me to chop first? Your arm or your leg?"

"Please maawa po kayo…"

Night smirked devilishly, such a poor boy. But the sight of pain and torture excites him more, "Maybe I'll go with the one arm first."

Tinaas ni Night ang espada at handa nang putulin ang isang braso nito nang isang malakas na pwersa ang tumama sa likuran niya at agad nabitawan ang binatilyo.

Umusok ang likuran ni Night at nalapnos ang balat. Nalukot ang mukha niya sa sakit. Dahan-dahan siyang pumihit paharap. Natagpuan niya si Lexine at naka-angat ang isang umiilaw na kamay nito habang nakatutok sa kanya.

Sa likuran ni Lexine nakatayo si Elijah, Miyu at Cael na hawak ang dyamanteng espada na handa na rin lumaban.

"Night. Tumigil ka na," matatag na sabi ni Lexine.

KILL HER NIGHT! KILL ALL OF THEM!

Ngumisi ang demonyo at nagsimulang humakbang palapit sa kanila, "What a surprise to see you here cupcake, you missed me?"

Mas pinatibay ni Lexine ang loob at pinaliwanag na rin ang isa pang kamay. Sa tulong ng gintong feather ring ay mas madali na para sa kanya na maglabas ng kapangyarihan.

"Night, alam ko naririnig mo ako. Labanan mo siya. Alam kong kaya mo, hindi ako susuko na gawin ang lahat para bumalik ka sa dati."

Night suddenly bursted and laughed out loud annoyingly. The sound of his voice echoed in the entire forest.

"Bumalik sa dati?" he smirked, " Cupcake, this is me. This is the 'real' me," diniin niya ang dalawang huling salita.

Umiling si Lexine, "No, hindi ikaw 'yan. Dahil ang totoong Night ay mabuti at mapagmahal!"

Mas lumakas ang tawa ni Night na para bang nakarinig ng joke, "Mabuti? Mapagmahal? Fucking shit! That's not me Lexine. It's Alexis. But he's gone now. Because the real prince of darkness is finally here. Powerful, stronger, mightier, evil. This is the real me."

Nagigilalas si Lexine sa mga naririnig pero hindi siya susuko, "Night… please, lumaban ka. Labanan mo siya."

"Why would I fight him? This kind of power is so immense fuck! I feel so great. Tangina! Ang sarap! Mas masarap pa sa sex natin. Why would I oppose this kind of pleasure?" he said with his asshole tone.

Pakiramdam ni Lexine unti-unting nadudurog ang puso niya sa mga naririnig mula kay Night. Hindi na niya napigilan ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa kanyang pisngi. Pinilit niyang mas patibayin ang mga tuhod na kanina pa nagbabadyang manlambot.

"Oh, my mouth is so bad. I'm just kidding cupcake, mas masarap pa rin ang sex natin. I'm actually turned on right now. Damn it, you're even hotter in my eyes when you're these fierce and dauntless. It makes me want to fuck you so hard tonight."

Hindi na nakapagpigil pa si Cael sa mga naririnig na pambabastos nito kay Lexine. Humigpit nang husto ang kapit niya sa kanyang espada.

"Tagasundo, tumigil ka na. Respetuhin mo si Alexine," madiin na sabi ni Cael. Hinarang agad niya ang buong katawan kay Lexine.

Mabilis na nagdilim ang mata ni Night nang makitang magkadikit nang husto ang dalawa.

"Nawala lang ako sandali may bumabakod na agad sa'yo," nagtigas ang bagang niya sa galit at pinukol nang matalim na tingin si Cael, "Well then, you all came here to fight me. Then I'll give what you want."

avataravatar
Next chapter