80 Who am I?

NANATILI MUNA SILA sa bahay ni Madame Winona upang magpahinga. Kasalukuyan silang nasa sala. Tahimik na nakatayo si Cael sa tapat ng bintana at nagmamasid sa mga puno sa labas habang si Night naman ay naninigarilyo at nakasandal sa gilid ng pintuan at pinagmamasdan ang nagdidilim na kalangitan.

Inaabala naman ni Lexine ang sarili sa pagkalkal ng box na natagpuan niya sa library ni Madame Winona. Nakaupo siya sa gitna ng sira-sirang carpet. Tahimik na nakahiga si Amethyst sa sofa habang pinagmamasdan siya ng dilaw nitong mga mata.

Bukod sa silver diary at picture, natagpuan din ni Lexine ang isang gintong singsing na ang buong disenyo ay isang feather. Nakapulupot ito at hindi nagdidikit ang magkabilang dulo. Namamanghang pinagmasdan niya ang alahas. For some odd reason, she felt something in that ring. Pagmamay-ari kaya ito ng kanyang mommy?

Kinuha niya ang silver diary at sinimulan itong buklatin. Madilaw na ang mga pahina at burado na ang karamihan sa mga nakasulat dito. Mabilis niyang pinapasadahan ng tingin ang bawat pages hanggang sa isang partikular na diary entry ang pumukaw ng kanyang atensyon. Binasa niya ito nang malakas.

"Muling nagpakita sa `kin si Daniel. I didn't expect that I'd be able to see him again. I thought I'd forget him with Andrew. But years had passed, and I still can't neglect the way his eyes looked at me like I'm the most beautiful paradise in the world. I can't forget how hearing my name in his voice makes my heart flutter. These emotions that I was only able to feel when he's near me."

Kumabog nang malakas ang dibdib ni Lexine. Ano'ng ibig sabihin nito? May ibang lalaking minamahal ang mommy niya?

Samantala, nakuha naman ang atensyon ng dalawang binata, partikular si Cael. Nanigas ito sa kinatatayuan. Tinapon ni Night ang sigarilyo at lumapit kay Lexine. Nagpatuloy ang dalaga sa pagbabasa.

"Binalaan ako ni Daniel tungkol sa mga kalaban na gustong kuhanin si Lexine. I'll never let that happen. I'll do everything to protect my daughter. At sa tulong ng matalik kong kaibigan na si Winona nakabuo kami ng plano para linlangin ang mga kalaban at maprotektahan ang anak ko."

Tumigil saglit si Lexine at humugot ng hangin sa dibdib. Masyadong bumibigat ang kanyang baga sa mga nababasa. Nanginginig ang mga kamay niya pero kailangan niyang magpatuloy.

"Nagpunta kami ng pamilya ko sa Indonesia para bisitahin si Winona. Gamit ang kapangyarihan ni Winona, nakabuo siya ng isang impostor na bata na kamukhang-kamukha ni Lexine. Ang batang `yon ang isasama namin ni Andrew patungong Hongkong habang ang totoong anak ko ay pinagkatiwala ko kay Winona. Alam kong baka ito na'ng huling pagkakataon na makita ko si Lexine. Sigurado ako na tutugisin kami ng mga kalaban. Hindi ako papayag na magtagumpay sila sa masasama nilang plano sa anak ko. I'm ready to sacrifice everything even my own life just to make sure that my daughter will be safe.

"Alexine, my only princess, my beautiful angel. Kung dumating man ang panahon na mababasa mo `to at wala na `ko sa tabi mo. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, anak. You are God's most magnificent miracle in my life. In every moment that I'm holding your tiny hands, every time I see your lovely smile and hear your sweet voice. Those are the most joyful seconds of my life at habangbuhay kong dadalhin ang lahat ng iyon dito sa puso ko.

"Alexine, always rememeber that you're more than what you think you are. Be strong my child. Your heart is your greatest power."

Hindi na namalayan ni Lexine na hindi na pala tumitigil ang pag-agos ng kanyang mga luha. Pumapatak mga iyon sa papel. Unti-unting lumalabo ang kanyang paningin. She doesn't know what to believe anymore. Her mother died because of those monsters! Her parents died protecting her. Her hands kept on shaking, she gripped the journal tighter until it almost crumpled.

Kumikirot nang husto ang kanyang puso at mas lalong sumiklab ang galit sa kanyang dibdib. Kung sino man ang kalaban na nasa likod ng lahat ng ito, sinusumpa niya na magbabayad ito sa lahat ng kasamaang ginawa nito sa pamilya niya.

"Lexine." Lumuhod si Night sa tabi niya. Lumapit si Cael sa kanila. Naghihirap ang mukha nito. Matapos ang ilang minutong pananahimik ay muling nagsalita si Lexine.

"Sino si... Daniel?"

avataravatar
Next chapter